Pagkahatid ko kay Celestine sa kanilang classroom ay palihim ko namang kinausap si Kian na halos kararating lang nang makapasok na sa loob ng silid si Celestine. Sinulyapan ko muna si Celestine bago binalingan si kian.
"Kian ikaw na muna ang bahala kay Celestine ah? Pag may kakaiba kang napapansin sa kan’ya pakitawagan mo naman ako kaagad o ‘di kaya iyong mga kuya niya or si tita Celicia,” napansin kong nagulat siya sa mga sinabi ko.
"D-doc handsome, alam niyo?” Yumuko ako at dahan-dahang tumango.
"Oh my god! P-pero paano niyo po?”
"I'm a doctor Kian syempre malalaman ko ‘yon," wika ko na lang sa kaniya at hindi na sinabi sa kaniya ang totoong dahilan. "Pakiusap Kian ‘wag mo munang sabihin sa kaniya na alam ko na ang tungkol sa sakit niya hangga’t hindi ko pa naaayos ang lahat"
"Sige po doc handsome ako na po ang bahala kay Celestine," pagkatapos naming mag-usap ay dumeretso na ako sa ospital, hindi pa ako nakakaupo ay siyang dating naman ni Jake at Roco sa opisina ko. At napansin ko rin na may benda sa kaliwang kamay si Roco.
"Good morning Mr. Kamote!” Tinaasan ko naman ng kilay si Jake sa tinawag niya sa'kin.
"Ina ka talaga Jake! Huwag mo ‘ko tatawaging kamote sa harap ni Celestine, pati siya naguguluhan tuloy kung ano ‘yon!” Sabay upo sa aking swivel chair samantalang ang dalawa kong bwisit na kaibigan ay nasa aking harapan. Tumawa naman sila pareho ng malakas at lalo akong nainis.
"Wal, baka magulat siyang bigla sa 9 inches mo?”
"Tarantado ka talaga! Akala ko ba ako lang ang manyak sa'tin pero mas matindi ka pala, anong pinakain sa’yo ni April?” Uminum naman muna ako ng bottled water na dala ko.
"E ‘di cheesy tahong niya," naibuga ko naman ang iniinom ko dahil sa sagot niya, at tinawanan lang ako ng dalawang loko-loko.
"I mean masarap kasi siya magluto ng cheesy tahong, you should try it!” Inirapan ko naman siya at pagkuwa’y binalingan ang naka-bendang kamay ni Roco.
"What happened to your hand?”
"Ayon nakipagbugbugan dahil sa babae," si Jake na ang sumagot at tinitigan ko naman siya na hinihintay kung ano pa ang susunod niyang sasabihin, pero nagkibit balikat lang ito at muli kong binalingan si Roco.
"Akala ko bakla ka Rocs?” Sabay naman napatingin sa'kin si Jake at Roco pagkasabi kong iyon.
"Tang-ina Wal si Roco bakla? Kailan pa? Binato naman ni Roco si Jake ng libro na nasa aking mesa at nasalo naman ito ni Jake.
"Gago hindi ako bakla! Siraulo lang ‘yang si Wallace!
"Mabuti naman, kasi ako ang nanghihinayang sa 7 inches mo!”
"Kung ako kay April iiwan kita dahil sa 4 inches mo! Hindi ako satisfied!”
"Hayup ka Roco! 4 inches? 4 inches kapag hindi galit!”
"Magsilayas nga kayo! Dito pa kayo nag-uusap ng kababuyan niyo!”
"Iyan ang sinasabi ko sa’yo Wallace mahirap kapag naiin-love ka nagiging birhen ka!” Biro ni Roco.
"Ano ba kasing nangyari diyan?” Tukoy ko ang kaniyang kamay na may benda.
"May nanggulo lang sa bar"
"And then?”
"Thats it!”
"Rocs may bouncer ka bakit nakipagbugbugan ka pa? Dahil?”
"Ayon nga lang yon!” Umiwas naman siya sa'kin ng tingin at ako nama'y sumandal sa aking upuan at humalukipkip. Tinitigan ko naman siya at inaantay magkuwento.
"Wala ‘yang ikukuwento si Roco kasi nga mukhang hindi siya gusto ng gusto niya!”
"Shut up Jake! Saway ni Roco at tinawanan lang siya ng kaibigan.
"Sa guwapo at macho mong ‘yan Rocs inayawan ka ng babae? Try mo kaya ipakita ‘yang 7 inches mo ewan ko lang kung hindi siya mabaliw sa’yo!”
"Alam niyo si Marco lang ang matino kong kaibigan. Kayong dalawa ang siraulo at manyakol kong kaibigan!”
"Hoy Rocs baka nakakalimutan mo na mas manyak ka kasi hinipuan mo ako noong nalasing ako, kayong dalawa ni Jake!
"Tama naman si Wal ipakita mo sa kan’ya ‘yang 7 inches mo para magkaalaman na," sabay naman kaming natawa ni Jake, pagkuwa’y bigla akong natahimik dahil naalala kong bigla si Celestine.
"Oh Wallace natahimik ka? Tapos ka ng mang-asar?”
"Inaalala ko kasi si Celestine Rocs eh"
"Oo nga pala kumusta siya? I just heared the news about sa sakit niya"
"Its severe Rocs, and I plan to marry her 4 days from now bago pa tuluyang mawala ang mga ala-ala niya, gusto kong gumawa kami ng mga ala-ala bilang mag-asawa," yumuko ako at ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa aking mesa at pinagsiklop ito.
"Magpakatatag ka Wal alam naming mahirap ang sitwasyon mo ngayon, nandito lang kaming mga kaibigan mo kapag kailangan mo kami, alam mo namang hindi lang sa kapotpotan kami maaasahan,” natawa naman ako ng bahagya, kahit na may kalibugan sa katawan itong mga kaibigan ko alam ko namang maaasahan ko sila sa lahat ng bagay.
Nang makaalis na sila Jake at Roco, ay naisipan ko namang tawagan si Celestine para kumustahin, sana okay lang siya.
"Hi baby! How's your day?” Masayang bati ko sa kan”ya pagkasagot niya ng aking tawag.
"Okay naman baby, kumain ka na?”
"Nope! Gusto ko muna marinig ang boses ng maganda kong girlfriend," narinig ko pa ang pagtawa niya na ang sarap pakinggan.
"Sige na kumain ka na po"
"Okay baby ikaw din, susunduin kita mamaya anatyin mo na lang ako"
"Sa mall na lang tayo magkita may bibilhin lang kami ni.. ni ano… " saglit muna siyang natahimik, alam kong meron siyang hindi matandaan at panigirado umaatake na naman ang sakit niya"
"S-sino baby? Lalaki ba yan? Baka naman may gusto sa’yo ‘yan ha?” Kunwa'y sabi ko.
"Ha? W-wala kaya, si ano ‘yong k-kasama ko"
"Ah si Kian ba?”
"Ah, oo, paano mo nalaman?”
"Because I'm your boyfriend, sige na baby, magkita na lang tayo mamaya okay? I love you!”
"I love you too baby,” napangiti naman ako at parang tenager na kinikilig sa simpleng pagsabi lang niya ng I love you.
Kalalabas ko lang galing sa operating room dahil meron akong naka-schedule na surgery ng mahagip ng mata ko si Arianne kasama si Lance na kalalabas lang sa pinasukan nilang kuwarto. Lalapitan ko sana sila ng biglang lumabas naman ang isang doctor din. Nagulat ako ng makilala ito, si Drew na seryoso ang mukha at nakatingin din kay Lance.
Paano niya nakilala si Arianne at bakit pa nito kasama ang anak ko? Pero ang mas lalong ikinagimbal ko ay ang pagtawag ni Lance kay Drew.
"What did he say? Did he call him daddy? What the fuck?! Mahinang mura ko sa aking sarili. Naguguluhan ako at salitan ko silang tinignan ng hindi man lang nila ako napapansin.
"Walang puwedeng makaalam ang tungkol sa'tin at lalong-lalo na ang tungkol kay Lance, tanging si Wallace lang ang kikilalanin ni Lance na ama niya at hindi ikaw!” May diing saad ni Arianne kay Drew.
Ibig bang sabihin na hindi talaga ako ang tunay na ama ni Lance? Pero bakit? At ano ang pinakita niyang DNA sa'kin? Si Drew pala ang totoong ama ni Lance. Pero paanong nangyari iyon? Mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Dahil sa gusto kong malaman ang katotohanan ay unti-unti naman akong lumapit sa kanilang kinaroroonan na ikinagulat nilang pareho.
"W-wallace? K-kanina ka pa ba riyan?” Nauutal na wika ni Arianne at tinignan ko naman ng makahulugan si Drew na siyang pag-iwas nito.
"Now tell me Doctor Andrew, ikaw ba ang totoong ama ni Lance?”
"Wallace a-ano b-bang sinasabi mo? S-syempre ikaw ang ama," sinamaan ko naman ito ng tingin at muling binalingan si Drew.
"Tell me the truth Dreew, are you his father?”
"W-wallace naman!”
"Shut up Arianne! Hindi ikaw ang kinakausap ko kun”di si Drew so please shut the fuck up!” Nanginginig kong saad sa kaniya dahil sa galit.
"Now Drew, tell me the truth!” Bumuntong hininga muna siya at sinulyapan si Arianne na nasa aking gilid at hawak nito ang kamay ni Lance.
"Hindi ikaw ang totoong ama ni Lance kun’di ako." Parang biglang gumuho ang mundo ko sa nalaman ko, hindi dahil sa nalaman kong hindi ako ang tunay na ama ni Lance. Kun’di dahil sa panlilinlang ni Arianne sa'kin at lalong- lalo na sa mga magulang ko.