CHAPTER 34

"Doctor Wallace nasan ka na?” Sigaw ni Celestine habang palakad-lakad siya sa loob ng mall samantalang si Kian naman ay nakasunod lang sa kanya dahil hindi siya nito makilala at lumalayo ito sa kanya pag lumalapit siya sa kanyang kaibigan. "Miss nakita mo ba si doctor Wallace yung boyfriend ko?” Tanong niya sa babaeng nakasalubong niya, ngunit nilagpasan lamang siya nito at hindi pinansin.

Nagsisimula ng maiyak si Celestine at si Kian ay walang magawa kundi pagmasdan ang kawawang kaibigan. Maya maya ay napaupo na lang si Celestine sa gitna at humahagulgol, marami na rin ang mga taong nakatingin sa kanya na tila nagtataka sa ikinikilos ni Celestine, lalapitan sana ito ni Kian ng bigla dumating si Wallace na humahangos na nilapitan si Celestine at ipinantakip niya sa ulo ni Celestine ang hawak niyang jacket.

Niyakap naman ni Wallace si Celestine nang naitayo na niya ito mula sa pagkakaupo. Samot sari naman ang mga naririnig ni Wallace sa paligid nila, pero hindi na lang niya ito pinansin.

"Ssssh dont cry baby you're safe now," tumingala naman si Celestine para makita kung sino ang taong yumakap sa kanya.

"Baby is that you?”

"Yes baby its me? Are you okay?” Hinawakan naman ni Celestine ang magkabilang pisngi ni Wallace na umiiyak.

"Kanina pa kita hinahanap kala ko iniwan mo na ko"

"Hinding hindi mangyayari yon" halika ka na ihahatid na kita"

"May sumusunod sa'kin kanina hindi ko naman kilala" nagpalinga linga naman si Celestine at hinanap ang lalaking kanina'y sumusunod daw sa kanya. Nang makita niya ito sa kanilang harapan ay nagsusumiksik naman si Celestine kay Wallace na animoy takot.

"B-beshy ako to si Kiana" garalgal na wika ni Kian sa kanyang kaibigan.

"Kian pasensya ka na, alam naman natin yung sakit niya hindi ba? Baka nga sa susunod ako naman ang hindi niya makilala," saad niya kay Kian habang akap akap niya si Celestine. "Baby, siya si Kian yung bestfriend mo, hindi siya masamang tao"

"Kaibigan ko?” Tumango lamang si Wallace at sinulyapan si Kian na mangiyak ngiyak dahil sa tinuturan ni Celestine.

"S-sorry pero wala akong matandaan na kaibigan ko"

"O-okay lang beshy, naiintindihan kita, tara na po Doc Wallace ihatid na natin siya." Habang nagmamaneho si Wallace ay panaka naka naman niyang sinusulyapan si Celestine na ngayoy natutulog na sa kanyang tabi at nasa likuran naman nila si Kian.

"Anong nangyari sa kanya Kian? Tanong ni Wallace habang nakatutok pa rin sa daan.

"Iniwan ko lang siya saglit sa may drugstore kasi sinamahan ko siyang bumili ng mga gamot niya tapos pagbalik ko parang may hinahanap siya. Ikaw pala yung hinahanap niya pag lumalapit naman ako sa kanya tinataboy niya ko hindi daw niya ko kilala" kwento ni kian habang panay ang hikbi nito dahil naaawa siya sa sinapit ng kanyang kaibigan.

"Simula bukas hindi na siya papasok sa school nag-aalala na ko sa posible pang mangyari sa kanya," nakarating na sila sa bahay nila Celestine, hindi na ginising pa ni Wallace ang kasintahan at binuhat na lang niya ito papasok sa kanilang bahay. Nagulat naman sila Darren, Clarence at ang ina nito na buhat buhat ni Wallace si Celestine at inihiga nito sa kwarto ng dalaga.

"Anong nangyari sa kanya hijo?”

"Mama Celicia, hindi ko na ho patatagalin pa, pakakasalan ko siya bukas na bukas din. Aasikasuhin ko na po ang kasal namin" gulat namang nilang tinitigan si Wallace.

"Teka Doc Wallace, ano bang nangyari?

"Unti unti nang lumalala ang sakit niya Clarence. Ayokong dumating yung panahon na ako naman ang hindi niya maalala, gusto ko habang maaga pa ay magkaron kami ng ala-ala bilang mag-asawa.

Saglit silang natahimik sa sinabi ni Wallace at tinitigan ang natutulog na si Celestine. Lumapit naman ang mama ni Celestine kay Wallace at niyakap ito.

"Hijo alagaan mong mabuti si Celestine, mahalin mo siya tulad ng pagmamahal namin sa kanya," kumalas naman sa pagkakayap si Celicia at hinarap si Wallace. "Alam kong darating ang araw na mahihirapan ka na pag-aalaga mo sa kanya, pero nandito kami na handang umalalay.

"I know po mama Celicia, ‘wag po kayong mag-alala dahil araw araw naman kaming dadalaw dito saka pwede naman po kayo pumunta sa condo ko para dalawin si Celestine.

"We will hijo"

"Dude! Tawag ni Darren kay Wallace. "Wag mong pababayaan ang nag-iisa naming prinsesa, nakikita namin kay Celestine na mahal na mahal ka rin niya, mahirap din para sa'min ang tanggapin na ganyan ang naging sakit niya.

"Meron ba sa pamilya niyo ang nagkaron ng ganyang sakit? Biglang tanong ni Wallace.

"Ang lola ko, sagot naman ni Celicia na na kay Celestine nakatuon ang tangin.

"N-namatay si lola noong highschool pa lang ako dahil sa sakit na alzheimers, sana ako na lang ang nagmana ng sakit na yon at hindi si Celestine," naiiyak na turan ni Celicia. Binalingan naman ni Kian si Wallace.

"Doctor handsome alagaan niyo pong mabuti ang kaibigan ko ah? Mamimiss ko siya ng sobra, wala na kong kasama maglunch, mamasyal at higit sa lahat makokopyahan," napatawa naman sila sa biro ni Kian.

"Wag kang mag-alala Kian, makikita mo pa naman siya pwede kang dumalaw sa condo ko kahit kailan mo gusto"

"Talaga doctor handsome!? Hindi ka nagbibiro?” Nagningning naman ang mga mata ni Kian dahil sa sinabi ni Wallace sa kanya.

"Oo naman!”

"Siyanga pala Wallace, pano kayo ikakasal bukas kung halimbawa biglang umatake ang sakit niya?” Bigla namang natahimik si Wallace sa tanong ni Clarence, paano nga kung bukas sa araw ng kasal nila ay biglang umatake ang sakit niya? Sinulyapan naman ni Wallace si Celestine.

"I don’t know Clarence, sana lang hindi umatake ang sakit niya bukas.

CELESTINE POV

Dahan dahan ko namang iminulat ang mga mata ko at pakiramdam ko tila ay may nakayakap sa'kin at amoy na amoy ko pa ang pabango nito. Kilala ko ang may-ari ng pabango na ito. Dahil medyo madilim sa aking kwarto hindi ko masyadong maaninang ang kanyang mukha.

Gumalaw siya ng bahagya at inilapit niya pa ako sa kanya at niyakap ng mahigpit. Si Doctor Wallace ba ito? Pero ano ang ginagawa niya dito? Saka paano ko nakauwi? Mga tanong na gumugulo sa aking isipan.

"B-baby?” Umungol lang siya at hinalikan ang aking noo.

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Saka pano ka nakapasok dito?” Marahang sabi ko sa kanya at nanatili pa rin siyang nakapikit. Dahil sa liwanag ng bwan na nagmumula sa aking kwarto ay unti unti ko ng nasilayan ang gwapo niyang mukha. Namumungay pa ang mga mata nitong nagmulat at tinitigan ako.

"Baby sa pinto ako pumasok,” paos niyang sagot sa'kin.

"Baby naman!”

"Ayaw mo ba?”

"Ang alin?

"Na katabi ako?”

Shit naman! Ito na naman ang puso ko, ano ba kasing meron sa lalaking ito lagi na lang ako pinapakilig?

"Anong sinabi mo kila kuya? Hindi ba sila nagalit at dito ka pa talaga natulog?

"Tuwang tuwa pa nga sila"

"What!?” Gulat ko naman siyang tinitigan.

"Ang sabi ko lang sa kanila na curious ka makita si Mr kamote"

"Sino naman yun?”

"Makikilala mo na siya bukas ng gabi"

"Bakit gabi pa? Saka ang pangit naman ng pangalan niya," natawa naman siya at muli akong niyakap ng mahigpit.

"Baby?”

"Hmmmn? Tipid niyang sagot.

"Mahal kita," kumalas naman siya sa pagkakayakap at hinarap ako.

"Mas mahal kita Celestine, lagi mong tatandaan yan," hinalikan naman niya ako sa mga labi at maya maya ay pumatong na rin siya sa'kin. Bumaba naman ang kanyang mga halik sa aking leeg at itinaas naman niya ang suot kong t-shirt, hinawi niya ang suot kong bra at doon ay para siyang batang sumisipsip.

"Aaaaah, b-baby!! Para akong hinihingal dahil sa sensasyong ginagawa niya sa'kin. Tumigil naman siya sa kanyang ginagawa sa aking dibdib at muli naman akong hinalikan. Hinihingal kaming pareho ng maghiwalay ang aming mga labi.

"You like it baby?” Mahinang wika niya. Nahihiya naman akong tumango sa kanya na ikinangiti niya. "We will continue what we're doing baby, baka hindi ka makapagmartsa bukas eh"

"Ha? A-anong martsa?” Umalis naman siya sa pagkakapatong sa'kin at iniunan niya sa'kin ang kanyang braso at niyakap ako.

"Baka mapilay ka bukas at hindi ka makalakad," bigla naman akong kinabahan sa kanyang sinabi at napagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Let’s go to sleep baby, and be ready tomorrow," nagtataka man pero hindi ko na siya tinanong dahil nabalutan na rin ako ng antok.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.