Nasa loob na kami ng opisina ni Drew at masama ko silang tinitigan ni Arianne. All these years hindi pa rin tapos ang mga panloloko ni Arianne, ano pa ba ang hindi totoo sa kaniya? Bakit kailangan niyang gawin ‘yon?”
"Siguro naman kailangan ko ng matinong paliwanag ngayon?” Sarkastikong tanong ko kay Arianne at Drew.
"Doctor Wallace sinabi ko na ‘yong totoo"
"Andrew!”
"Arriane kailangan niyang malaman ang totoo! Kailangan mo ring magamot!” Taka ko naman silang tinitigan at gano'n din si Arianne sa'kin.
"A-anong s-sinasabi mong kailangan niyang magamot?”
"Wala akong sakit!” Sigaw ni Arianne na halata ang pagkabalisa. Hindi namin kasama si Lance sa loob ng opisina ni Drew at pinaghintay na lang muna namin siya sa labas para hindi niya marinig ang kung ano man ang pinag-uusapan namin, masyado pa siyang bata para maintindihan ang lahat. Alam kong alam niya kung sino ang totoong ama niya at biktima lang din siya ng panloloko ni Arianne. Pero ,kahit ganoon pa man ay hindi niya dapat marinig ang iba pang mga bagay-bagay tungkol sa'min.
"She has a mental illness DocWallace," walang paligoy-ligoy niyang sagot sa'kin at sinulyapan ko naman si Arianne na kagat-kagat ang hinlalaki nito at balisa.
“P-pero bakit? Paano?”
“Lagi ko siyang kinakausap about sa nakaraan niya at anong nangyari sa kaniya, pero ayaw niya pang magsalita, laging ikaw ang bukambibig niya”
"So paano ka naging tatay ni Lance?”
"Nagkakilala kami ni Arianne 9 years ago, I don’t know how it happens and then one time she got pregnant and I know I'm the father”
"9 years ago? So, wala pang 10 years old si Lance?”
"I'm so sorry Doc Wallace, pinagbigyan ko lang si Arianne dahil nakiusap siya at alam ko rin na may sakit siya at ginagawan ko na rin ng paraan para magamot siya." Oo nga pala hindi malabong malaman niya ang sakit ni Arianne dahil isa siyang psychiatrist. Ang kaninang galit na nararamdaman ko ay biglang napalitan ng awa. Naaawa ako sa kaniya dahil hindi ko alam na may ganito pala siyang pinagdadaanan. Nilapitan ko naman si Arianne na nakaupo sa sofa at nakayuko. Umupo naman ako sa kaniyang tabi at hinawakan ang isang kamay nito at napatingin sa'kin.
"Magpagaling ka Arianne, para sa anak mo kailangan ka ni Lance"
"No!” Umiling-iling pa ito at tumawa ng marahan. "Hindi ako baliw Wallace! Hindi ako baliw alam mo ‘yan!”
"I know Arianne, pero kailangan mong magamot. Kailangan mong magpa theraphy"
"He's right Arianne, kahit para sa anak na lang natin"
"Hindi mo anak si Lance, anak siya ni Wallace! Anak mo siya hon," niyugyog pa niya ako para paniwalaan siya, napabuga naman ako sa hangin at saka siya muling tinitigan.
"Ganito na lang Arianne magpagamot ka muna saka tayo ulit mag-usap puwede ba ‘yon ha?” Marahang wika ko sa kaniya. Ilang segundo pa ay unti-unti ko na rin siyang napapayag.
Dahil sa pag-aalala ko sa kaniya hinatid ko na sila sa bahay nila, nauna namang bumaba si Arianne na walang imik at sumunod naman kami ni Lance na nasa tapat ng kanilang gate.
"Dad__I mean D-doc Wallace, s-sorry po, hindi po dapat ako pumayag sa kagustuhan ni mommy"
"Its okay Lance, hindi mo naman kasalanan ‘yon, alagaan mo ang mommy mo okay?”
"Opo, ‘wag po kayong mag-alala aalagaan ko po siya Doc Wallace," ginulo ko naman ng bahagya ang kanyang buhok at nginitian.
"Puwede mo pa rin akong tawaging daddy kung gugustuhin mo," saglit muna siyang nag-isip.
"S-sige po doctor daddy," natawa naman ako dahil sa tawag niya sa'kin. Napaka-suwerte ni Arianne dahil napaka bait at maintindihin ni Lance sa murang edad niya.
Habang nagmamaneho ako ay iniisip ko pa rin kung bakit nagkaganoon si Arianne. Nagmadali naman akong umakyat sa aking opisina at binuksan ang aking drawer kung saan ko itinago ang DNA result namin. Dahan-dahan ko naman itong kinuha at binuksan ang sobre. At dun ko nabasa na hindi ko nga tunay na anak si Lance. Tama nga ang pakiramdam ko nung una, pero bakit ganito? Bakit parang may lungkot akong nararamdaman nang malaman kong hindi ko tunay na anak si Lance? Pano ko pala sasabihin sa mga magulang ko ang tungkol kay Arianne? Im sure malulungkot si papa kapag nalaman niyang hindi niya tunay na apo si Lance dahil napamahal na siya sa bata.
Bigla ko namang naisip si Celestine, kung sana ganoon lang ang naging sakit ni Celestine ay may chance pa siyang gumaling at makasama ko pa siya habang buhay.
Napayuko na lamang ako habang nakaupo sa aking mahabang sofa. Ito na ba ang mga kabayaran sa mga nagawa kong paglalaro sa mga babae? Ganito na lang ba siya maningil sa'kin? Pero bakit parang sobra naman yata? Wala na ba talaga akong karapatang lumigaya man lang? Mga tanong na pumapasok sa aking isipan. Nilakumos ko ang DNA result na hawak ko at hindi ko na napigilan pang mapahagulgol bagay na naabutan ni Marco pagkapasok niya ng aking opisina.
"Marco ayoko siyang mawala, hindi ko kakayanin! Hindi ko na alam ang gagawin ko, mahal na mahal ko si Celestine Marco, siya ang gusto kong makasama habang buhay," mga katagang binitawan ko sa aking pinsan habang patuloy na umiiyak. Umupo naman siya sa aking tabi at ipinatong niya ang kanyang kamay sa aking balikat.
"Ang magagawa mo lang Wallace ay ang busugin siya ng pagmamahal mo, alagaan mo siya hangga’t sa makakaya mo, ‘wag mo siyang sukuan kahit na dumating ‘yong time na tuluyan na talaga siyang walang maalala, masakit man pero kailangan nating tanggapin may mga bagay talaga na hindi nakalaan para sa'tin," natigilan naman ako sa kaniyang sinabi at mataman siyang tinitigan. Tumango lamang ako sa kan’ya at saglit kaming natahimik.
"Hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sayo sa ginawa mong pagtulong kay Celestine noon salamat bro! Kung hindi ka dumating baka kung ano na ang nangyaring masama kay Celestine"
"Wala ‘yon Wallace, kumpara sa ginawa mo sa'min ni Lyn, kung hindi dahil sa pagiging madaldal at pakialamero mo baka hanggang ngayon wala pa ring KAMI,” sabay naman kaming nangiti. Maya-maya ay biglang tumawag si Kian sa aking cellphone na siyang sinagot ko kaagad.
"Yes Kian?”
"Doctor handsome! Si Celestine diyos ko pumunta ka kaagad dito!” Napatayo naman ako sa aking kinauupuan at nagtataka akong tinitigan ni Marco.
"Bakit anong nangyari?!”
"Hindi ko alam, bigla ka na lang niyang hinahanap tapos hindi niya ko makilala hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya! Nandito kami ngayon sa mall, pumunta ka na ngayon dito dahil pinagtitinginan na siya ng mga tao rito naaawa na ako sa kaibigan ko doc handsome," ramdam ko ang paggaralgal ng kaniyang boses.
"Sige pupunta na ako kaagad diyan, basta ‘wag mo siyang iiwan okay? Bantayan mo siyang maigi hangga’t hindi pa ako nakakarating diyan tatawagan na lang kita kapag nandiyan na ako," matapos kong makipag-usap kay Kian ay dali-dali ko namang hinubad ang white coat ko at ipinatong lang kung saan.
"Ano raw nangyari kay Celestine?”
"Hindi ko rin alam Marco, ang sabi lang ni Kian hinahanap daw niya ako, umaatake na naman ang sakit niya"
"Sige na Wallace puntahan mo na siya," kaagad naman akong lumabas ng aking opisina at na siya namang biglang pagtawag sa'kin ni Dictor Cristobal.
"Doctor Wallace are you in a hurry?”
"Yes po doc, I'm sorry pero kailangan ko na po munang umalis"
"Pero oras pa ng duty mo ah"
"Sorry po pero emergency lang po talaga," lalagpasan ko na sana siya ng muli siyang magsalita.
"We have an important meeting today and I want you to be there"
"But Doctor Cristobal"
"Gaano ba ka-importante ‘yang pupuntahan mo na ‘yan?” Mahinahon pero may diin niyang sabi sa'kin.
"She's more important than anyone else!” Tumalikod na kaagad ako at hindi na siya hinintay pang magsalita. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda kay Celestine.