Kinabukasan lumuwas kami ni Celestine papunta sa Isla Montealegre sa Quezon. Pinaupahan naman sa'kin ni Roco ang kanyang private island at kami lang ni Celestine ang natatanging naroroon. Tanghali nang makarating kami sa isla at sumakay naman kami ng bangka upang makarating naman sa private island ng mga Montealegre.
Isang oras ang binyahe namin upang makarating sa isla. Sabay kaming namangha ni celestine pagkababa namin ng bangka, isang malawak at napakagandang isla ang pagmamay-ari ni Roco. Matagal na kaming magkaibigan ni Roco pero ni minsan ay hindi pa ko nakapunta sa private island nito. Tanging sa bayan ng mga Montealegre lang kami nagpupunta kapag nagbabakasyon kaming magkakaibigan sa kanila.
"Grabe ang ganda dito!” Manghang saad ni Celestine habang inililibot ang paningin niya sa buong island.
"You like it baby?”
"Sobra!” Masayang turan niya sa'kin.
"Lets go baby, I'm sure pagod ka sa byahe magpahinga ka muna dahil mamaya babyahe ka ulit"
"Hmmmm? San tayo pupunta?” Lumapit naman ako sa kanya at bumulong.
"Sa kama,” nakangisi kong wika sa kanya na ikinalaki naman ng mata niya.
"Nakakarami ka na Doctor Miller ah!”
"The more the merrier baby,” hinawakan ko na ang kanyang kamay at pumunta na sa loob ng malaking bahay na gawa sa purong narra. Umakyat na kami sa taas para ilagay ang mga gamit sa kwarto.
"Matulog ka na muna baby, gigisingin na lang kita mamaya kapag kakain na.
"Ako na lang ang magluluto"
"Magpahinga ka na lang muna, ako na ang bahala dahil mamaya I'm sure mapapagod ka"
"Baby naman!”
"Joke lang," natatawa ko namang sabi sa kanya.
Dumiretso na ko sa kusina at sinimulang magluto. Niluto ko ang mga paborito niyang pagkain. Tinanong ko kasi si mama Celicia kung ano ano ang mga paboritong pagkain ni Celestine kaya yun ang lulutuin ko para sa kanya.
Nang matapos na ko magluto ay inihanda ko ang lamesa at inilagay na don ang mga pagkaing niluto ko, napangiti naman ako ng makita ang mga paboritong pagkain na niluto ko para sa aking asawa. Hinubad ko na ang suot kong apron at umakyat na sa taas para gisingin si Celestine. Nakita ko namang wala na sa kama si Celestine kaya nilibot ng paningin ko ang kwarto. Lalabas na sana ko ng narinig ko ang pagpihit ng seradura ng banyo at lumabas don si Celestine na bagong ligo at nakatapis lang na maikling tuwalya kaya hinagod ko naman ito ng tingin at napalunok akong bigla sa kanyang mala dyosang katawan.
"Baby, tapos ka na?”
"H-ha? Ah, o-oo. Tatawagin na s-sana kita para kainin ka, ah este kumain na tayo," nauutal kong sagot sa kanya. Bigla naman akong nag-init at parang mas gusto kong siya na lang ang kainin ko ngayong hapunan.
"Sige baby magbibihis lang ako susunod na lang ako sa baba," umupo naman ako sa gilid ng kama at tinitigan siya na ikinataka naman niya.
"Why?”
"Aantayin na lang kita"
"Magbibihis pa ko"
"Okay,” tipid kong sagot sa kanya na hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa kanya.
"Panunuorin mo ko magbihis?”
"Hmmm, saka asawa naman kita at nakita ko na yan,” napaawang naman ang kanyang mga labi at nakapamewang niya akong hinarap.
"Hoy Doctor Wallace Miller! Quota ka na ata masyado niyan ah!”
"Mas gusto ko ata na ikaw ang dinner ko ngayon, mas masarap kang ulamin kaysa sa niluto ko"
"Ang manyak mo ah!”
"At least ikaw lang minamanyak ko," ngumisi pa ako sa kanya at natahimik naman siyang bigla.
"Why baby?” Umiling lang siya at yumuko, kaagad ko naman siyang nilapitan at hinawakan ang kanyang baba.
"Sorry na baby binibiro lang naman kita eh"
"Hindi naman ako galit eh, baka kasi hindi na natin magawa yung mga ginagawa natin dahil wala na kong maalala baka bukas hindi na kita kilala, natatakot ako Doc Wallace," garalgal niyang sabi sa'kin. Kaagad ko naman siyang niyakap at hinaplos ang kanyang buhok.
"Kahit na mawalan ka ng ala-ala hindi naman mawawala yung pagmamahal ko sayo. Hindi titigil ang pagtibok ng puso ko sayo Celestine"
Nang makababa na kami tinungo naman namin ang dining area, namangha si Celestine sa nakita niyang inihanda kong mga pagkain.
"Niluto mo to lahat?”
"Yes baby," niyakap ko siya sa kanyang likuran at dumampi ng halik sa kanyang leeg habang siya ay nakatingin pa rin sa mga nakahayin na pagkain.
"Thank you so much baby"
"No baby I should be the one to say thank you," hinarap ko siya sa'kin at hinaplos ang kanyang pisngi. "Thank you for coming into my life. Dahil sayo nagkaron ng kulay ang buhay ko, dahil sayo natuto ulit ako magmahal.
"Pero hindi ako mananatili habang buhay sa piling mo," napayuko ako at natigilan sa kanyang sinabi. Masakit na sa kanya mismo manggaling ang mga salitang yon. "Gusto ko sana na meron kang ipangako sa'kin"
"What is it baby?”
"Gusto kong magmahal ka ulit kapag wala na ko," kunot noo ko naman siyang tinitigan at lumayo ng bahagya sa kanya.
"Baby I don’t understand you, why you suddenly said that?”
"Kasi hindi natin masabi baka bukas wala na kong maalala, kaya ito na ang pagkakataon para masabi ko sayo ang mga gusto kong sabihin sayo”
"Baby sabihin mo na sa'kin ang mga gusto mong sabhin pero ayokong sasabihin mo sa'king muli yon”
"Doc Wallace alam natin pareho kung hanggang saan na lang ako, ayokong makulong ka sa pagmamahal mo sa'kin”
"Hilingin mo na kung ano ang gusto mong hilingin sa'kin Celestine pero wag lang yon! Kaya kong gawin lahat lahat sayo, pero ang isuko ka at hilingin sa'kin ang mga bagay na yan ay hindi ko magagawa," tumalikod ako sa kanya at pasimpleng pinunasan ang takas kong luha.
Naramdaman ko naman ang unti unti niyang pagyakap sa aking likuran at isinandal niya ang kanyang ulo. "Mas gugustuhin ko pang murahin mo ko, saktan mo ko, kaysa hilingin sa'kin yun”
"Mahal na mahal kita Doc Wallace, gusto kong maging masaya ka rin sa piling ng iba kapag wala na ko," pumihit naman ako sa kanya paharap at hinawakan siya sa magkabilang pisngi.
"Ayoko ng magmahal kung hindi lang din ikaw Celestine! Ikaw lang! Kaya please lang, ayoko ng pag-usapan pa yan at ayoko ng hihilingin mo yung bagay na yon dahil hindi ang isasagot ko," napapikit siya ng mariin at pinagdikit ko naman ang aming mga noo. "Alam kong isang araw hindi mo na maaalala to, pero sasabihin ko pa rin sayo. Mahal na mahal kita asawa ko, nakatatak na ang pangalan mo sa puso ko kaya imposible ng mabura to," hinalikan ko naman siya ng may pag-iingat at buong pagmamahal.
Hindi ko alam kung hanggang kailan kami ganito. Natatakot ako na baka paggising ko bukas ay dumating na ang pinaka masakit na mangyayari sa aming buhay. Nakahanda na kong masaktan at magtiis para sa pagmamahal ko kay Celestine.