Apat na buwan na ang nakalipas simula ng mawala si celestine. Sobrang sakit ang naramdaman naming lahat lalo na si mama Celicia. Halos hindi na siya makakain ng maayos lagi siyang nakakulong sa kwarto ni Celestine. Sa loob ng apat na buwang hindi ko na siya kapiling ay sobra akong nangulila sa kanya. Araw-araw akong pumupunta sa kanyang puntod para bisitahin, may mga oras din na doon na ko nagpapalipas ng gabi. Hindi na ko nakakapasok masyado sa ospital dahil naaalala ko lang si Celestine kapag nasa opisina ako.
Bawat sulok ng condo na tinutuluyan namin ay mga may litrato namin ni Celestine. Hindi ko pa kaya. Gusto ko palagi kong nakikita ang mukha niya ang mga magaganda niyang ngiti kahit na sa picture na lang. Pakiramdam ko kasi buhay na buhay pa siya. Sa twing maaalala ko siya lalo lamang bumibigat ang nararamdaman ko. Miss na miss ko na si Celestine. Miss na miss ko na ang asawa ko. Naabutan ako nila Jake, Roco at Marco na nakabulagta sa mahabang sofa. Palagi na nila akong binibisita sa condo ko simula ng mawala si Celestine.
"Wal gumising ka na dyan! Palagi ka na lang bang magiging ganyan? Gising sa'kin ni Jake na matalim ang titig sa'kin. Samantalang sila marco at roco naman ay naglalagay na sa trash bag ng aking mga kalat.
"Wal, hindi pwedeng parati ka na lang ganyan. Halos araw araw ka ng umiinom, hindi ka na masyadong kumakain. Napapabayaan mo na yung sarili mo eh!”
"Pwede ba Jake pabayaan niyo na ko, umalis na lang kayo," wika ko sa kanya habang nakahiga pa rin ako sa sofa at nakalagay ang isa kong braso sa aking noo.
"Wallace, sa tingin mo ba mabubuhay pa ang asawa mo kapag ganyan ka? Mas lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo! At sa tingin mo rin na magiging masaya si Celestine sa ginagawa mong yan?!”
"Tama si Marco Wallace. Asan na yung kilala naming Wallace na manyakis, mapagbiro, sobra kung mang-asar pagdating sa kapotpotan? Alam naming nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon dahil sa pagkamatay ng asawa mo pero Wallace life must go on. Hindi magiging masaya si Celestine kung makikita ka niyang nagdudusa," tumayo naman ako sa pagkakahiga at hinarap sila.
"Alam niyo ba kung ano yung nararamdaman ko ngayon ha? I'm in soo much pain! Dito sobrang sakit!” Turo ko sa aking puso. "Simula noong malaman ko yung sakit niya, nawalan siya ng ala-ala at ang pinakamasakit yung wala na siya sa piling ko. Hanggang ngayon ramdam na ramdam ko pa rin yung sakit na matagal ko ng iniinda!” Sa pagkakasabi kong iyon sa kanila ay napahagulgol na lang ako at sapo ko ang aking ulo at nanatili akong nakayuko.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko mararamdaman itong sakit. Simula ng mamatay si Celestine ay parati na lang ako dito sa condo, o di kaya sa puntod niya ako nagpapalipas ng oras. Hindi ko na magawang ipalinis itong condo unit namin at palagi na lang akong nag-iinom. Buti nga at hindi pa ko tinatanggal sa ospital. Minsan naiisip ko na ring magresign at pumunta na lang sa ibang bansa para kahit papano malayo sa ala-ala ni Celestine. Pero paano ko naman gagawin yon kung hanggang ngayon ay nakaukit pa rin siya sa puso ko.
"Wal, alam naman namin yon pero sana wag mo namang pabayaan yang sarili mo hindi madali ang pinagdadaanan mo ngayon pero hindi alak at pagpapahirap sa sarili mo ang sagot dyan sa sakit na nararamdaman mo," natahimik akong bigla sa sinabi ni Jake. Bumuntong hininga muna siya at saka muling nagsalita.
"Tumayo ka na dyan at maligo kami na nila Marco at Roco ang bahala dito bibisitahin ka daw ngayon ni tita Shayne dahil nag-aala na daw siya sayo.” Mabilis akong tumayo at nagtungo na sa banyo, ilang araw ko na din hindi nakikita ang mama ni Celestine pati na rin ang mga magulang ko. Pati sila ay nakalimutan ko na dahil sa pagdadalamhati sa asawa ko.
Nang makalabas na ko ng banyo ay kaagad na rin akong lumabas ng kwarto na tanging boxer shorts lang ang aking suot. Naabutan ko na kasama na nila si mama sa salas at maraming dalang pagkain.
"Wallace anak!” Sinalubong naman ako ni mama ng mahigpit na yakap at hinalikan ko naman siya sa kanyang pisngi.
"Anak ang payat payat mo na, hindi ka na raw masyadong kumakain at parati ka pang naglalasing," saad niya sa'kin ng makaupo na kami sa sala.
"I'm sorry ma"
"Anak, wag mo namang pabayaan ang sarili mo, nahihirapan din ako kapag nakikita kang ganyan"
"Don’t worry tita sinermonan na namin yang si Wal," sagot naman ni Jake ng nakangisi.
"Mabuti na lang anak at meron kang mga kaibigan na tulad nila, manyakis pero maaasahan"
"Ouch naman tita! Si Wallace lang at si Jake yun eh! Depensa ni Roco na nakataas pa ang isang kilay.
"Hoy wag kang magtuturo dyan baka manuno ka! Ang 7 inches mo maging 2 inches na lang!” Sabay tawa naman ni Jake sa biro niya kay Roco.
"I'll be going to U.S next month," natahimik silang bigla at sumeryoso ang tingin sa'kin matapos kong sabihin yon.
"W-what? A-anak bakit?”
"Doon muna ako ma, at para na rin hindi ko masyadong naiisip si Celestine, mas lalo lang akong nasasaktan sa twing uuwi ako dito sa condo mas mabuti sigurong pumunta muna ko ng ibang bansa"
"Wal are you sure about that?” Takang tanong ni Marco.
"Yes Marco, desidido na ko"
"Kailan naman ang balik mo?”
"I don’t know Roco, siguro in god's perfect time," ngumiti naman ako ng pilit sa kanila. Mas mabuti na rin siguro yon para maayos ko na din tong buhay ko. At sa pagbalik ko sana wala na tong sakit na nararamdaman ko at tanggap ko na, na kailanman ay hindi na siya babalik na wala na siya sa piling ko.
Binuksan ko ang closet ni Celestine, naroroon pa rin ang iba pa niyang mga gamit. Hindi ko pinatanggal yon dahil gusto ko nakikita pa rin yon kahit wala na siya. Binuksan ko naman ang kanyang drawer tumambad sa'kin ang isang notebook na wari ko ay diary niya. Kinuha ko naman ito at nagtungo ako sa aking study table. Saglit ko muna itong tinitigan at nagdadalawang isip kung babasahin ko ba ang nilalaman ng diary niya. Huminga muna ko ng malalim at saka ito binuksan.
Dear diary,
May nakita akong isang gwapong doctor sa school, as in sobrang gwapo niya! Pero hindi ko siya crush ah! Nagagwapuhan lang ako sa kanya! Ang ganda ganda ng mga mata niya at ang mga labi parang ang sarap halikan!.. natawa naman ako ng bahagya ng mabasa ang unang pahina, nagpatuloy akong muli sa pagbabasa. Lahat ng nilalaman non ay walang iba kundi ang tungkol sa'kin. Kung paano naging kami, at kung ano ano pa. Napansin ko naman ang huli nitong sulat, iba na ang kanyang paraan ng pagkakasulat. Ito na siguro yung huling pagsusulat niya dito sa kanyang diary, parang pinilit na lang niya isulat ito noong panahong medyo nakakaalala pa siya.
To the man who stole my heart:
Hi Doctor Wallace, its me Celestine! Pwede ko namang sabihin sayo to pero mas gusto kong idaan na lang dito sa diary ko dahil alam kong mababasa mo rin naman ito someday. I want to say how lucky I am to have you as my husband. Pinapangarap lang kita noon, pero heto minahal mo ko ng sobra sobra. Hindi ko nga alam kung bakit mo pa rin ako pinagtyatyagaan noong nalaman mo na may sakit ako. Lagi kang nasa tabi ko, hindi ko man maalala ang lahat lahat satin, alam ko nakikilala ka nitong puso ko. Thank you soo much baby for the love and care. Tanggap ko na na hindi tayo para sa isa't isa at hindi ako mananatili habang buhay sa piling mo, mahal na mahal kita Doc Wallace kaya mas pinili ko rin na manatili sa piling mo. Alam mo bang iniisip ko noon na magpaka layo layo? Pero hindi ko ginawa dahil mas gusto kong makasama ka sa kabila ng sakit ko. Gusto ko sana na kahit wala na ko maging masaya ka pa rin at mahanap mo ulit yung babaeng magiging rason kung bakit ka muling ngumingiti. Ayokong makulong ka sa pagmamahal mo sa'kin gusto ko maging masaya ka. Hindi ko alam kung kailan ako hindi na makakaalala pero ito lang ang masasabi ko, MAHAL NA MAHAL KITA DOCTOR WALLACE!!! Sobrang mahal na mahal kita….
Celestine Anne Ordonez Miller.
Dahan dahan kong ibinaba sa lamesa ang diary ni Celestine matapos ko itong basahin. Nagsisimula ng bumagsak ang aking mga luha at inilagay ko ang aking mga palad sa aking mukha ang aking munting pag-iyak ay napalitan ng hagulgol. Dahil ako lang naman mag-isa sa condo ko ay hinayaan ko na lang ang sarili ko na umiyak ng umiyak.
"I love you too baby! Nasabi ko na lang sa pagitan ng aking pag-iyak.
~~~~~~~
2 years later
"Doctor Miller, you have so many admirers huh!” Wika sa'kin ng isa kong kasamang doctor, natawa lang ako sa kanya. "So, when do you plan to go back to the Philippines? “
"Next week," nandito kami ngayon sa conferrence room at katatapos lang ng meeting.
"Are you sure you don’t want to transfer here?
"Yes! Because I love my country!” Biro ko na lang sa kanya na ikinatawa rin niya. Saktong kakauwi ko lang sa bahay na tinutuluyan ko ngayon dito sa U.S ng tumawag naman si Macelyn napangiti naman ako at sinagot ko ito.
"Yes Mace? Kanina si Marco ang kausap ko, tapos ngayon ikaw naman? Ganon niyo ba talaga ko kamiss?”
"Oo miss na miss ka na namin lalong lalo na yung kambal!” Sagot niya sa kabilang linya.
"Oo nga pala kumusta na mga inaanak ko? Wala pa bang kasunod?” Narinig ko namang mahina siyang tumawa.
"Wala pa noh! Saka hindi pa pwede”
"Sus! Pwede na yan!” Nagluluto naman ako ng hapunan ko habang kausap si Mace sa telepono.
"Mag-bibirthday na sila Jk at Madel 6 months from now kaya wag na wag ka ng aalis ah?”
"Ang bilis ng panahon noh? Akalain mo yun magtatatlong taon na sila?”
"Kaya nga eh, Siyanga pala next week na ang balik mo di ba?”
"Yes nandyan na ko next week bakit susunduin niyo ko ni Marco?”
"Baka yung magkakaibigan lang ang susundo sayo at si tita Shayne aasikasuhin ko pa kasi yung branch ng bagong tinatayo naming restaurant ni Leonard eh"
"Grabe big time ka na Mace ah!” Natatawa kong wika sa kanya.
"Sira! O siya sige ingat ka ha?”
"Okay Mace see you next week!”
Nang makalabas na ko ng airport ay natanaw ko na kagad sina Jake, Roco, Marco at si mama. Mahigpit naman akong niyakap ni mama at kita ko ang namumuo niyang luha dulot ng kasiyahan dalawang taon din akong nawala at sobrang namiss ko talaga siya.
"Mas lalo ka atang gumwapo anak ah!”
"Syempre tita kapag gumagwapo lumalaki din ang kamote!” Sinamaan ko naman ng tingin si Jake kahit kailan talaga to walang preno ang bibig.
"Pwede ba Jake baka gusto mong ihampas ko sayo tong hawak kong bag!”
"Eto naman hindi na mabiro kakauwi mo lang eh! Syempre namiss ka lang namin!” Kaagad naman kami dumiretso sa bahay kasama ang mga kaibigan ko. Nagkaron na din kami ng konting salo salo at nagkwentuhan din tungkol sa mga bagay bagay na naganap dito noong panahong wala ako.
Malalim na sa gabi ng magpaalam sila at tinungo ko na ang dati kong kwarto. Wala pa rin itong pagbabago, ganon pa rin ang ayos nito. Pabagsak naman akong nahiga sa kama at pumikit sandali. Nang magmulat ako ay may napansin naman ako malapit sa study table ko na nakabalot ng dyaryo. Tumayo ako sa pagkakahiga at kinuha ko ito at kaagad na binuksan. Tumambad sa'kin ang wedding picture namin ni Celestine. Hanggang ngayon ay nakaproseso pa rin sa isip ko ang kanyang mga ngiti. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala si mama at lumapit sa'kin.
"Anak hanggang ngayon si Celestine pa rin ba? Humarap naman ako kay mama at ngumiti ng mapait.
"Siya pa rin ma, hindi naman nawala yon. Pero yung pagkawala niya unti unti ko ng natatanggap"
"Anak tulad ng sabi ni Celestine, buksan mong muli yang puso mo, wag mong isara dahil sa pagmamahal mo sa kanya"
"I can’t promise you ma"
"Hijo__”
"I'll be fine ma, you don’t have to worry about me," totoo bang okay na ko? Pero hanggang kailan ako magiging ganito? Tanong ko sa aking isipan.
Kinabukasan nagyaya sila Marco magpunta sa beach, kasama namin ang kanya kanya naming pamilya pati na rin mga kaibigan. Habang pinagmamasdan ko sila Marco at Macelyn na masayang naghahabulan kasama ang mga anak nila, ay labis akong nalungkot. Kung nabubuhay lang sana ni Celestine at hindi nagkaron ng sakit baka may anak na rin kami at masayang namumuhay. Lumapit naman ako sa kanila para hiramin ang kambal dahil sabik na rin ako sa dalawa kong inaanak.
"Hey bro, hiramin ko muna mga inaanak ko ah,” sabay buhat ko sa kambal.
"Wallace," tawag sa'kin ni Marco, nilingon ko naman ito habang karga ko ang kambal sa magkabilang braso ko.
"Okay ka na ba? It's been 2 years wallace"
"Don’t worry Marco I'm okay," ngumiti naman ako sa kanya bago sila iwan.
"Alam mo Wallace bagay sayo maging tatay," baling sa'kin ni Mazer at nandito kami ngayon sa kubo habang kandong ko si Madeline at si Jk naman ay katabi ko sa upuan at tahimik na kumakain.
"Talaga? Sayang nga eh.” Nasabi ko na lang sa kanya at nilaro laro si Madeline.
"W-wallace?” Nilingon ko naman kung sino ang tumawag sa'kin nanlaki ang aking mga mata ng mapagsino ito. Lumapit naman sila sa kinaroroonan namin.
"Arriane"
"Kumusta ka na?”
"Ayos lang," katabi naman nito si Drew at nakaakbay sa kanya.
"Anong ginagawa niyo dito?”
"Marco invited us, at syempre gusto ka rin makausap ni arriane"
"Si Lance nga pala bakit hindi niyo kasama?”
"Nasa States siya ngayon, don na siya nag-aaral kasama ang parents ni Drew"
"Ah ganon ba? So, kumusta ka na arriane?”
"I'm okay Wallace, thanks to Drew dahil tinulungan niya ko. Siya ang naging sandalan ko noong panahong may sakit ako"
"Well thats great, you look good together," ngumiti naman sila sa'kin.
"Actually we're planning to get married next year," masayang wika ni Drew.
"Talaga? Invited ba ko?” Biro ko naman sa kanila.
"Oo naman ikaw pa!” Natatawang sagot ni Drew.
"I’m happy for both of you"
"Salamat Wallace at sorry sa mga nagawa ko, lalong lalo na yung kasinungalingan ko about kay Lance"
"Tapos na yon Arianne, ang mahalaga okay na tayo at nahanap mo na yung taong makakasama mo habang buhay"
"Don’t worry Wallace darating din yung babaeng makakapagpahilom niyang sugat mo," napangiti naman ako ng mapait at sinulyapan sa di kalayuan sina Macelyn at Marco na masaya.
Pumunta muna ko sa front desk ng hotel para kunin ang susi ng kwarto ko nang biglang mapadako ang tingin ko sa hindi kalayuan. Napanganga akong bigla sa aking nakita na wari ba'y nakakita ako ng multo. Nakatayo ako sa front desk at hinihintay ang susi ng kwarto ko nang bigla din siyang lumapit dito.
"Hi miss can I get my room key?” Sabi niya sa babae at ngumiti naman siya dito.
"The fuck! That smile and the voice__bulong ko sa aking isipan.
Napatingin naman siya sa'kin at matamis na ngumiti. Napalunok akong bigla at bumilis ang tibok ng puso ko.
"Thank you miss," pagkakuha niya ng susi ay naglakad na siya palayo at gulat na gulat pa rin akong nakatitig sa kanya.
"How can this be? I think I'm crazy right?” Sabi ko sa aking sarili.
"Sir?” Tawag sa'kin ng babae na kanina pa pala ako tinatawag kaya napapitlag ako at hinarap siya. Inabot niya sa'kin ang susi at mabilis ko itong kinuha. Sinundan ko naman kung saan patungo ang babae na kasabay ko kumuha ng susi. And there I saw her looking for her room. Lalapitan ko na sana siya ng bigla namang may tumawag sa kanya.
"Louise!” Tawag ng dalawang bakla na sa tantya ko ay nasa 50's na.
"Mamu! Kanina ko pa kayo hinahanap san ba kayo nagpunta?” Yung mga tuhod ko pakiramdam ko ay ano mang oras ay bibigay ito sa nakikita ko. Paanong nangyaring kamukhang kamukha niya ang asawa ko? Mga ngiti niya, at ang boses niya parehong pareho! Hindi ko na namalayan na nawala na pala siya sa paningin ko.
"Wal!” Napabalik lang ako sa huwisyo ng tawagin ako ni Jake. "Kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pala, oh! Bakit parang nakakita ka ng multo?” Takang tanong niya sa'kin.
"I don’t know how can I explain it to you I think im crazy over Celestine!”
"Ha? Anong ibig mong sabihin?”
"I saw her! I mean, may nakita akong isang babae na kamukhang kamukha niya!”
"Wal guni-guni mo lang yun, hindi ka pa kasi nakakaget over sa asawa mo, kaya siguro kahit saan nakikita mo siya"
"No Jake! I think she's real!”
"Lahat naman tayo Wal may mga kamukha, parang ako kamukha ko si Chris Evans, ganon lang yon!” Napairap naman ako sa sinabi ni Jake. Namamalikmata lang ba ako? O baka dahil nasa puso ko pa rin siya at hindi makalimutan kaya kahit saan mukha niya nakikita ko.
"Hoy Wal tara na!” Tawag sa'kin ni Jake ng hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko. Tama, namamalikmata lang ako. Namimiss ko lang ang asawa ko kaya hanggang dito ay nakikita ko siya.