CHAPTER 42 END

Tumagal ng Mahigit 1 taon ang naging sakit ni Celestine. Hindi na siya makakain ng siya lang. Hindi na rin siya makapagbihis at kailangang may umalalay na sa kanya. Lahat kami ay hindi na niya maalala. Kung anong pangalan niya, sino ako, pamilya niya at mga kaibigan niya. Mahirap man, pero kahit kailan ay hindi ko siya sinukuan.

Naabutan ako ni mama Celicia at mga kapatid niya kasama ang mga magulang ko sa tinutuluyan namin at katatapos ko lang palitan ng damit si Celestine at ngayo'y nakahiga na sa aming kama. Nasa sala naman sila at hinihintay ako, papalit palit naman ang tingin ko sa kanila at may halong pagtataka kung bakit lahat sila ay naririto.

"Ano pong ginagaw niyo dito? At saka medyo late na ah, may kailangan po ba kayo?” Pansin ko ang pagtitinginan nila mama at mama Celicia na para bang may gusto silang sabihin sa'kin na napaka halaga.

"Ah hijo m-may sasabihin kasi sayo ang mama Celicia mo,” saad sa'kin ni mama at binalingan ko naman si mama Celicia na nakayuko at hindi mapakali.

"Ano po yun mama celicia?”

"Ahhhm a-anak, alam kong nahihirapan ka na rin sa pag-aalaga mo kay Celestine. Hindi biro ang pinagdadaanan niyong mag-asawa lalo ka na Wallace anak hindi mo na naaasikaso ang sarili mo, gusto din naman namin kahit papano magkaroon ka din ng oras para sa sarili mo," mahabang litanya ni mama Celicia.

"Ma, wag niyo po akong alalahanin, kaya ko pong alagaan ang asawa ko at isa pa nandyan naman po kayo kapag kailangan ko ng katuwang sa kanya"

"Napagdesisyunan kasi namin Wallace na mas makakabuti siguro kung dalhin na lang natin siya sa isang ospital na kayang kaya siyang alagaan, hindi naman siya__”

"No mama Celicia!” Napatayo akong bigla at hindi na pinatapos ang ano mang sasabihin niya.

"Hindi ako papayag! Ma, nangako ako sa sarili ko hanggat nabubuhay pa ang asawa ko hinding hindi ko siya susukuan sa pag-aalaga kahit gaano pa kahirap yan! Ikaw na din ang nagsabi sa'kin mama na wag ko siyang sukuan, pero bakit ngayon kayo na ang sumusuko?!” Hindi ko na mapigilan pa ang mapaluha dahil sa sinabi ng mama ni Celestine.

"Anak, ikaw ang inaalala namin”

"She's my wife ma!” Sigaw ko sa aking ina. "Akala ko pati kayo hindi susuko pero bakit?!” Napabuga ako ng malakas sa hangin at tinitigan silang muli. Samantalang si Clarence at Darren naman ay tahimik lang na nakikinig sa amin.

"Kung nahihirapan na kayo mag-alaga kay Celestine hindi ko na kayo oobligahin kaya ko siyang alagaan mag-isa! At kaya ko igive up ang propesyon ko para lang sa kanya.” Dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko na napigilan ang mapaiyak at lalo pa itong lumakas nang yakapin ako ni mama Celicia.

"I’m so sorry hijo, hindi ko sinasadyang saktan ka, ayaw lang namin na nakikitang pati ikaw nahihirapan. Hindi kami sumusuko sa pag-aalaga kay Celestine nasasaktan kaming lahat sa twing nakikita ka namin kung paano mo alagaan at asikasuhin ang asawa mo. Hindi namin intensyon na ilayo si Celestine, kahit ako na ina niya kapag nakikita siya na nasa ganoong kalagayan ay nasasaktan din,” patuloy ni mama Celicia habang yakap pa rin ako. Kumalas naman ako ng pagkakayakap sa kanya at hinarap siya.

"Don’t worry about me mama Celicia, kahit anong hirap pa ang maranasan ko basta kasama ko lang ang asawa ko wala akong pakialam kaya please mama, ayokong malayo sa asawa ko hindi ko kaya!” Muling pumatak na naman ang aking mga luha at napayuko na lamang.

"Okay hijo, sorry kung nasabi ko ang mga bagay na yon, hindi rin naman namin gustong malayo si Celestine. Iniisip lang din naman namin ang kapakanan mo"

"I know po mama Celicia, pero kaya ko po alagaan si Celestine"

"Don’t worry anak hindi ka namin pababayaan ng papa mo, baling naman sa'kin ni mama na nasa aking tabi at hinawakan ang aking isang kamay.

Katulad ng nakasanayan na namin, halinhinan ang pag-aalaga ng aming mga magulang kay Celestine, sina Darren at Clarence naman kapag wala silang pasok sa opisina ay ipinapasyal nila si Celestine mas makabubuti daw yon sabi ng kanyang doctor para daw kahit papano meron siyang naaalala kahit hindi daw ganon kabuo.

Pumunta naman ako sa kanyang doctor para malaman kung ano na ang naging resulta ng kanyang huling checkup. Kasalukuyan ko siyang hinihintay sa loob ng kanyang opisina, at maya maya ay pumasok na din ang doctor at naupo sa kanyang pwesto at kaharap naman ako.

"Ano na pong resulta ng test niya doc?”

"Sad to say Doctor Miller, unti-unti ng natutunaw ang kanyang brain cells which is cause na pahina ng pahina ang kanyang memorya at baka ito na rin ang maging cause na__” biglang putol naman niya sa kanyang sasabihin. I know what he's trying to say. Pati ako ay hindi makapagsalita sa kanyang paliwanag.

"Ang maigi mong gawin ngayon Doctor Miller ay dalhin mo siya sa mga lugar na madalas niyong puntahan maaaring kahit papaano ay may konti siyang maalala, pero ito ay pansamantala lang, and besides Doctor Miller anytime pwede siyang bumigay dahil hindi na kinakaya ng kanyang utak," dahil sa sinabi ng doctor parang tila unti unti akong pinapatay ng takot at kaba na isang araw ay darating na ang kinatatakutan naming lahat.

Bago ako pumunta sa aking opisina ay dumaan muna ko sa opisina ni Marco. Tulad ng dati hindi ako kumakatok kapag pupunta ako ng kanyang opisina. And there I saw them, Marco and Mace hugging each other. Tumikhim muna ko ng hindi pa nila ako napapansin.

"You miss each other huh?” Gulat naman nila akong hinarap at si Marco naman ay tinitigan ako ng masama.

"I-ikaw pala Doc Wallace, kumusta?” Masayang bati sa'kin ni Mace. Sinalubong naman niya ko at niyakap.

"I'm okay Mace"

"But not totally okay," dugtong naman ni Mace, ngumiti lang ako sa kanya ng pilit at pagkuway naupo kami sa couch.

"May kailangan ka Wallace?” Tanong sa'kin ni Marco na katabi naman niya si Mace. Masaya ako para sa kanilang dalawa dahil nahanap na nila ang totoong pagmamahal. Samantalang ako ay nahanap ko ang babaeng mamahalin ko at mamahalin din ako pero hindi pang habangbuhay.

"I want a favor to ask bro"

"Sure what is it?” Sinabi ko naman sa kanya kung ano ang balak ko. Kita ko naman ang pagtataka at lungkot sa kanilang mag-asawa. Tumabi sa akin si Mace at marahang hinawakan ang aking mga kamay.

"Napaka swerte ni Celestine kasi ikaw ang lalaking minahal niya. Napaka buti mo Doc Wallace, and I'm sure kapag nakaalala man siya kahit konti lang ipagpapasalamat niya yon sayo.

"Salamat Mace”

"No Doc Wallace ako dapat ang magpasalamat sayo, dahil sa ginawa mo sa'min ni Marco.

"Tinulungan ko lang yang pinsan ko dahil napaka torpe," sabay naman kaming natawa. Tumayo na ako at nagpaalam na rin sa kanila nang muli akong tawagin ni Marco ng malapit na ko sa may pintuan.

"Wallace," nilingon ko naman siya at seryoso akong tinitigan.

"Stay strong Wallace"

"I will bro"

Nasa harap ako ng pintuan ng unit namin at tinitigan ko ang pinto. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi ng doctor ni Celestine. Sobrang bigat ng aking pakiramdam at hindi ko ata kakayanin kung isang araw ay bigla na lang bumigay si celestine. Huminga muna ko ng malalim at nagpasya na rin pumasok. Naabutan ko si mama Celicia na pilit pinapakain si Celestine pero ayaw naman nito.

"Sige na anak kumain ka na, para makainom ka na ng gamot mo"

"Ayoko,” sagot ni Celestine na nasa malayo ang tingin.

"Anak, gusto mo bang antayin ang asawa mo para siya ang magpakain sayo?” Napatingin naman si Celestine kay mama Celicia.

"Sinong asawa?” Saglit na hindi makapagsalita si mama celicia at tinignan lang niya si Celestine. Muli sana siyang magsasalita ng lumapit na ako sa kanila na nasa dining area.

"Sige na po mama ako ng magpapakain sa kanya, sabay halik ko sa pisngi ni mama Celicia at kinuha ko naman sa kanya ang pagkain ni Celestine

"Wallace anak, kumain ka na ba?”

"Mamaya na po ma, aasikasuhin ko muna si Celestine"

"Sige hijo lilinisin ko lang saglit yung kwarto niyo para makapagpahinga na rin si Celestine maya-maya"

"Sige po ma salamat," naiwan naman kaming dalawa ni Celestine at umupo ako sa kanyang tabi. Ang mga tingin ni Celestine ay hindi na katulad ng dati na may pagmamahal. Ang tingin na niya ngayon sa akin ay isang estranghero na lang.

"Ba__ I mean Celestine, kumain ka na para makainom ka ng gamot mo," marahan kong wika sa kanya.

"S-sino ka?”

"I__I, I'm Doctor Wallace. I'm your private doctor"

"Ah ganon po ba? Nice meeting you po Doctor Wallace," mataman lang akong nakatitig sa kanya at hindi ko namalayan ang pagbagsak ng aking mga luha nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya.

"Bakit ka umiiyak?”

"Ha? Ahhhmm, ano… medyo masakit lang kasi yung mata ko eh. Sige na susubuan na kita para makatulog ka na rin ng maaga dahil bukas aalis tayo”

"San tayo pupunta?”

"Mamamasyal tayo bukas, gusto mo bang mamasyal?” Unti unti namang sumilay ang kanyang mga ngiti. Ang ngiting gustong gusto ko makita araw araw, ang ngiting hinding hindi ko na masisilayan oras na iwan na niya ako.

Maaga kaming umalis ng condo at kasama ko sa sasakyan sina mama Celicia at Kian, at si Celestine naman ay nasa harapan. Nang makarating na kami sa lugar ay inalalayan ko namang makababa si Celestine. Inilibot niya ng kanyang paningin ang lugar at nagtataka kung nasan kami ngayon.

"Ma, kayo na po ang bahala magdala kay Celestine sa loob mauuna na po akong pumasok"

"Sige hijo kami na ang bahala"

"Okay po ma, mauna na ko sa loob antayin ko na lang kayo," nakakailang hakbang pa lang ako ng muli akong tawagin ni mama Celicia.

"Wallace anak," lumingon naman ako sa kanya at napansin ko ang panunubig ng kanyang mga mata ganoon din si Kian.

"Salamat," tanging nasabi ni mama Celicia. Ngumiti naman ako sa kanya at naglakad na papunta sa loob.

Nakarating na ko sa loob ng auditorium ng school na pinapasukan ni Celestine at sinuot ko ang aking white coat. Katabi ko naman si Drew na noon ay kasama ko nang ganapin ang medical mission namin.

Naririto din ang aking mga magulang na nakaupo kunway mga pasyente at mga kaibigan, sina Marco at Jake na kahilera ko din sa aking kinauupuan. Hinihintay na lang namin ang pagpasok ni Celestine sa auditorium. Naalala ko naman ang pabor na hiniling ko kay Marco noong nakaraan.

~~~~~~~~

"Marco gusto ko sanang dalhin siya kung saan kami unang nagkakilala, gusto ko kahit hindi niya maalala maging memorable pa rin sa'min especially sa kanya yung moment na yon," malungkot kong wika sa kanya at siya'y seryoso lamang na nakatingin sa akin.

"Okay Wallace walang problema. I know you're too much in pain. Pero diyos lang ang makpagsasabi kung kailan tayo mawawala.” Yes, Marco is right hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang lahat kapag naiisip ko na mawawala sa piling ko si Celestine. Kailangan ko na bang ihanda ang sarili ko? Ang hirap para sa'kin! She's my life and everything! I dont know how to live without her.

Lagi kong sinasabi sa aking sarili na ayos lang kahit wala siyang maalala, kahit hindi na niya ko kilala bilang asawa niya basta nakikita ko lang siya at nakakasama araw araw. Ilang minuto pa ang lumipas ay natanaw na namin si mama Celicia na akay si Celestine at si Kian. Halata naman sa kanya ang pagtataka kung bakit siya naririto sa lugar. Inilibot naman ng kanyang paningin ang kabuuan ng auditorium, at pagkuway dumako ang tingin niya sa akin. Dahan dahan siyang lumapit at naupo sa aking harapan, sandali ko muna siyang tinitigan katulad ng pagtitig ko sa kanya noong nakita ko siya ng malapitan dito sa auditorium.

"K-kunin ko lang yung vitals mo ha?” Kinuhanan ko naman siya ng BP at nang matapos na ay saka lamang siya nagsalita.

"Ang gwapo niyo po," sabay kaming nagulat ni Drew sa kanyang sinabi, dahil ito din ang sinabi niya sa akin noong una niya ko makita.

"Ha?”

"Ang sabi ko ang gwapo niyo, ngayon lang ba may nagsabi sayong gwapo?” Hindi naman ako makasagot sa kanya dahil natutuwa ako kahit papano ay may puwang sa kanyang isipan na naaalala niya. Tinapik naman ako ni Drew sa aking balikat kaya napatingin ako sa kanya. Tumango lamang siya at at binaling kong muli ang aking tingin sa asawa ko.

"M-marami ng n-nagsabi sa'kin niyan,” nauutal kong sagot sa kanya at hindi ko inaalis ang pagkakatitig sa kanyang magandang mukha.

"Marami na ding naka-fling yan,” sabat naman ni Drew kaya napadako naman ang tingin niya dito,

"Talaga? Ako nga pala si… si… ipinilig pa niya ang kanyang ulo na tila nag-iisip at napakamot sa kanyang ulo.

"I'm Doctor Wallace Miller,” pakilala ko naman sa kanya, ngumiti naman siya at inilahad niya ang kanyang kanang kamay sa akin. Tinanggap ko naman ito at matamis siyang ngumiti.

Bigla kong naalala na ganitong ganito ang mga ngiti niya noon. Mas lalong kumirot ang puso ko at umiwas sa kanya ng tingin. Ang malawak na auditorium ay nababalutan ng lungkot at tahimik na umiiyak ang mga nakapaligid sa amin.

"Sige po mauuna na ko"

"S-sige Celestine, mahina kong wika sa kanya agad naman siyang nilapitan ni mama Celicia at Kian para igiya na palabas ng auditorium. Nang makalabas na sila ay saka lamang ako napahagulgol, isipin ko pa lang na isang araw ay mawawala si Celestine naninikip na ang aking dibdib.

"Aaaaah! Fuck!” Mahinang mura ko nilapitan naman ako ni Marco at marahang tinatapik ang aking balikat.

"Dyosko si Celestine wag mo po siyang kunin!” Sigaw na ni mama habang patuloy na umiiyak. Ang mga kuya naman ni Celestine ay pawang mga tahimik lang at halatang pinipigilan lang ang maiyak.

"Lets go Wal," yaya ni Jake. Sunod naman naming pupuntahan ay kung saan kami kinasal ni Celestine. Memorable ang lugar na yon para sa'min, hindi man niya maalala alam kong naaalala naman yon ng puso niya.

Papalubog na ang araw ng dumating kami kung saan kami kinasal ni Celestine. Nakatingin lang siya sa malakas na alon ng dagat, at ang kanyang mahabang buhok ay tila din alon dahil sa malakas na ihip ng hangin. Hinayaan lang namin siya na maglakad papunta sa tabing dagat at kami ay nakasunod lamang kung saang direksyon siya papunta.

"Antayin niyo na lang ako sa may kubo," wika ko sa kanilang lahat, malungkot lang nila akong tinignan at tumalikod na ko sa kanila para sundan si Celestine. Mabagal ang kanyang paglakad at ako naman ang tinatanaw lang ang kanyang likuran habang nakasunod sa kanya. Maya maya ay huminto siya at pinagmamasdan ang malawak na dagat. Pumihit naman siya paharap sa'kin at matamis na ngumiti.

Ang kanyang mga ngiti hanggang kailan ko kaya ito masisilayan? Lumapit naman ako sa kanya at tinanaw ang dagat.

"Nagustuhan mo ba dito?”

"Oo maganda, ang sarap pakinggang yung alon ng dagat"

"Gusto mong maupo?” Tumango lang siya sa'kin at inalalayan ko naman siyang maupo sa buhangin. Tahamik lang kami at parehong pinapanuod ang malakas na alon ng dagat at papalubog na araw. Ilang minuto pa ang lumipas ay siya na rin ang bumasag ng katahimikan.

"May boyfriend ba ko o asawa?” Dahan dahan ko naman siyang sinulyapan ngunit nasa dagat pa rin ang kanyang tingin.

"M-meron kang asawa"

"Talaga? Busy ba siya?” Hindi naman ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Dapat ko bang sabihin na ako ang asawa niya? Napakuyom ako ng palad at muling tumingin sa dagat.

"Ikaw ba yon?” Natigilan ako at muli siyang tinitigan. Sa pagkakataong ito ay nakatingin na rin siya sa'kin at pansin ko na malungkot ang kanyang mga mata. Yumuko ako at marahang tumango. Inihilig naman niya ang kanyang ulo sa aking balikat na ikinagulat ko. Hinawakan niya ang aking kamay at pinagsiklop ito.

"I'm sorry kung wala na talaga akong maalala, pero ang puso ko nakakaalala," mahinang saad niya sa'kin at pansin ko ang malalim niyang paghinga.

"O-okay lang, naiintindihan kita baby. Kahit na kalimutan mo ko na asawa mo, basta alam ko na nasa tabi lang kita masaya na ko," garalgal kong wika sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko para akong kinakabahan, humigpit naman ang pagkakahawak ko sa kamay ni Celestine at hinaplos ang suot niyang wedding ring namin.

"Gusto ko sana na magpromise ka"

"W-what is it?” Kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Promise me that you'll let me go and give up on me," bigla akong naguluhan sa kanyang sinabi. Anong ibig niyang sabihin? No! Mali ang iniisip ko.

"Ano bang sinasabi mo baby?”

"Wag mong isara yang puso mo, give your love to someone else"

"Celestine! Humigpit lalo ang hawak niya sa aking kamay kaya naman napahinto ako sa aking sasabihin.

"Please? I love you soo much and I want you to be happy”

"How about me huh Celestine? Sa tingin mo ba magiging masaya ako dahil sa mga sinasabi mong yan?” Inangat naman niya ang kanyang ulo at tinitigan ako, kita ko ang pamumuo ng kanyang mga luha. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tipid na ngumiti.

"Hindi kita kilala pero alam ko na ikaw yung taong mahalaga sa'kin dahil yon ang sabi ng puso ko," muli naman niyang ipinilig ang kanyang ulo sa aking balikat at nagsisimula ng pumatak ang aking mga luha. Hindi pa ko handang mawala siya, hindi ko kaya!

"Mahal na mahal kita Celestine alam kong wala kang naaalala sa'tin pero sana naman wag mo kong iwan please?” Bumuga ko ng malakas sa hangin para mapigilan ang aking pag-iyak.

"I’m sorry,” tanging yun lang ang kanyang katagang sinabi sa'kin. Nang medyo dumidilim na ay napagpasyahan ko ng yayain si Celestine na umuwi. Nakatulog na si Celestine habang nakaupo kami at pinapanuod ang dagat.

"Baby, halika na uwi na tayo," gising ko sa kan’ya habang nakahilig siya sa aking balikat.

"Baby?” Muli kong tawag sa kan’ya pero hindi ito sumasagot. Kinabahan akong bigla at hinawakan ang kanyang pulso at pinakiramdaman ito.

"Fuck! Celestine wake up!” Iniangat ko ang kanyang mukha at tinapik tapik ang kanyang pisngi para magising ito pero balewala pa din.

"Oh fuck please Celestine!! Wag naman ganito!! Hindi ko kaya please!” Sigaw ko habang yakap yakap ang aking asawa at malakas ang aking pag-iyak. Kaagad namang lumapit silang lahat sa kinaroroonan namin.

"Mama!” Tumingin ako sa kanya at umiling habang mahigpit ko pa ring yakap si Celestine.

"Princess!!!” Sigaw ni Darren at lumapit siya dito at hinaplos ang kanyang mahabang buhok. Samantalang si mama Celicia naman nakayakap kay kian at parehong umiiyak.

"Aaaaah! Baby NO! please Marco, Jake dalhin natin siya sa ospital baka may magagawa pa!”

"Wallace anak, si Celestine na ang bumigay kaya hayaan na natin siyang magpahinga. Hindi ka man niya gustong iwan pero ang diyos na ang nagdesisyon para sa kanya"

“Hindi ko kaya mama! Hindi ko kaya!! CELESTINE! PLEASE WAKE UP BABY! Don't leave me please! Oh god no please!!! AAAAAH!!!!” Sigaw ko habang patuloy na umiiyak, sobrang sakit, pero wala na kaming magagawa kundi tanggapin na iniwan na niya kami. Tama si mama Celicia, kailangan ko ng palayain si Celestine. Habang buhay siyang mananatili sa aking alaala lalong lalo na sa aking puso.

“I love you soo much baby, magkikita din tayo balang araw,” bulong ko sa kan'ya habang mahigpit siyang yakap at hindi pa rin kami magkamayaw sa pag-iyak.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.