"Saan tayo pupunta?"
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Hawak ni Xen ang kamay ko.
"Family dinner, Babe."
"Ah, okay."
Ilang linggo na rin ang lumipas. Tinapos lang ni Fervid ang parusa sa kaniya ni Mr. Baider hindi na siya bumalik pa ng office. Madalas kaming nagkikita dahil hindi naman maiiwasan na magtagpo ang mga landas namin. Parehas kaming tahimik ni-ha ni-ho, wala. Hindi namin kinakausap ang isa't isa.
Tama na rin siguro 'yon dahil hindi makakabuting magsama pa kami. Masaya naman na ang buhay ko.
Masaya nga ba?
Kahit ang totoo hinahanap ko pa rin siya. I miss him calling 'bata' or 'bunso'. Madalas kapag nakikita ko siya hindi na siya jolly katulad ng dati, tahimik na lang na parang laging may sariling mundo. Ang sabi naman ni Xen madalas sila ni Xhane sa library at nag-aaral kaya okay na rin.
Let him focus to his study.
Ga-graduate na ako at baka hindi na kami magkita pa pagkatapos noon. Hinihiling kong sana hindi na magtagpo ang landas namin, pero may parte sa puso ko na sana makita ko pa rin siya. Ang gulo ko. Naging magulo noong dumating siya. Hindi ko na masiyadong na-enjoy ang pagbabasa ng libro, pero 'yon pa rin ang palagi kong hawak. 'Yong ibinigay niyang gumamela isiningit ko sa isa sa mga libro kong botany.
Sinusubukan kong maging totoong masaya, pero parang palaging may kulang.
At alam ko kung ano— sino, si Fervid.
Siya 'yon. Mahal ko rin siya, pero hindi talaga sang-ayon ang taon, edad, at sitwasyon sa aming dalawa.
Baka talagang kailangang i-let go dahil hindi naman talaga ito ang para sa atin.
Ang 'no boyfriend, no problem' na motto ko heto kasama si Xen. Masiyado siyang mabait para saktan. Isa pa, nandito naman ang pamilya namin para suportahan kami.
"Hi, beautiful Miyell," humalik sa pisngi ko si Mrs. Azarcon. Nakipag-beso rin si Xhane at si Mr. Azarcon.
Nandito si Fervid. Malamang, dahil boyfriend siya ni Xhane.
"Ga-graduate ka na, Miyell!" Excited na sabi ni Mrs. Azarcon. "Anong balak mo after?"
"Maghahanap po muna ako ng school then pagbubutihing mabuti ang pagtuturo."
"Then, we'll get married," nakangiting sabi ni Xen.
Sinulyapan ko si Fervid na ngayon ay nakababa ang tingin, tahimik na kumakain.
Graduate na si Xen nauna siya dahil mas matanda naman siya ng isang taon sa akin. Nagtrabaho na rin siya sa company.
"Babe, anong gusto mo? Mahilig ka sa crabs, 'di ba?" Kinuha niya ito at nilagyan ako sa plato.
"Salamat."
Si papa ay nagtra-trabaho sa kanila isang buwan na ang nakaraan dahil nawalan ito ng trabaho. Nakangiti naman nilang tinanggap si papa bilang driver ni Mr. Azarcon dahil 'yon lang naman ang alam nitong trabaho.
"Sita," tawag ni Mr. Azarcon sa katulong. "Tawagin mo si Melvin sa kusina ayaw pa kasing sumabay."
Si Melvin ay ang papa ko. Lumabas ito galing ng kusina.
"Kumain ka na nandito na ang anak mo."
Nakipag-beso ako kay papa bago umupo.
"Kanina ko pa kasi tinatawag may ginagawa pa raw," nakangiting sambit ni Mr. Azarcon. "Napaka-workaholic."
Tumawa si papa. "Hay nako, Sir. Nasira kasi 'yong gripo."
"Hayaan mo na 'yon masiyado kang masipag hindi mo naman trabaho."
Masaya silang nagkwentuhan. Panay naman ang subo ni Xen sa akin.
"Busog na ako."
Natigilan kami nang itulak ni Fervid palapit sa akin ang vegetable salad.
"Good for the health, Ate."
Gusto kong pangiliran ng luha dahil na-miss kong tawagin niya akong 'Ate.'
"Salamat, Bata."
Ngumiti rin siya.
Matapos ang dinner namin nagdatingan ang mga kaibigan ni Xen kaya nagkaroon na ng kasiyahan. Uminom sila at nagkwentuhan maging si papa at Mr. Azarcon.
Umupo ako sa tabi ng swimming pool habang pinapanood ang kwentuhan nila. Talagang close si papa at ang daddy ni Xen. Hindi na ako magtatakang isang araw ipakasal na talaga nila ako kay Xen.
Okay lang 'yon at least walang masasaktan.
Napatingin ako sa gilid ko nang may umupo. Inilapag niya ang isang in can na alak sa tabi ko.
"Na-miss mo ba ako, Ate?"
Ngumiti ako at tumango. "Oo, ikaw ba?"
"Of course. I'm sorry for what I've done."
"Okay lang 'yon kalimutan na natin," inabot niya ang in can na alak sa akin. "Inom tayo?"
"Hindi ako umiinom may allergy ako sa alak."
"Okay," nilagok niya iyon. "Ga-graduate ka na ilang linggo na lang. Magpapakasal ba agad kayo ni Kuya Xen?"
"Hindi, marami pa akong gustong gawin."
"Katulad ng?"
"Mamasyal sa iba't ibang lugar."
Tumango siya. Ilang segundong namayani ang katahimikan.
"Congrats, Ate."
"Para saan?"
"Kasi sabi mo education is the key to success. Malapit mo nang makamit 'yon."
"Hmm-hmm," tinapik ko ang ulo niya. "Kaya mag-aral kang mabuti."
"That's what I do."
"Good kid."
"I'm not a kid," pilit siyang ngumiti.
"Babe!" May yumakap sa likod ko. Lasing na si Xen.
"Miyell, pwede bang pakihatid na si Xen sa kwarto niya?" Nakangiting sabi ni Mrs. Azarcon. "Lasing na kasi nangungulit na."
"Sige po."
Inalalayan ko si Xen patayo. "Ang dami mo bang nainom?"
Umiling siya. "Kaunti lang, Babe."
"Kaya pala lasing ka," tumawa ako. Sumulyap ako kay Fervid na ngayon ay malungkot na nakatitig sa amin, pero nang magtama ang tingin namin ngumiti siya. "Akyat ko lang 'to, ah?"
"Sige."
"Babe! Bakit ang ganda-ganda mo? Sabi mo ang pangit mo, pero mali ka, ang ganda-ganda mo!" Hinaplos niya ang pisngi ko. Natawa naman ako sa lasing na tono ng boses niya.
"Lasing ka lang kaya naggagandahan ka sa akin."
"Hindi, eh, ang ganda-ganda mo talaga. Pa-kiss nga," humalik siya sa pisngi ko.
"Baliw ka na. Lalasing-lasing ka tapos kung ano-ano sinasabi mo."
"Noong sinagot ako ni Miyell Almildrez tuwang-tuwa ako, eh. Kasi matalino at maganda ang girlfriend ko. Balak ko ngang pakasalan agad, eh, kapag ready na siya." Marahan ko siyang inihiga sa kama. "Sabi niya love niya rin ako. Love niya rin ako! Yehey!"
Napailing na lang ako habang tumatawa. Pumasok ako ng banyo para kumuha ng towel. Binasa ko 'yon sa lababo. May biglang yumakap sa likod ko.
"Lasing na yata ako, Babe."
"Kanina pa."
"Yesh," napasigaw ako nang buhatin niya ako at iupo sa sink. "I love you," marahan niyang hinalikan ang labi ko. Dahan-dahan ko siyang itinulak.
"Matulog ka na."
Bumaba ako ng sink at hinila siya pahiga ulit.
Hinila ako ni Xen pahiga sa tabi niya. "Dito ka na matulog."
"'Di pwede, may practice bukas ng graduation." Nag-init ang pisngi ko nang halikan niya nanaman ang labi ko. "Ba't ba halik ka nang halik?"
Nahigit ko ang hininga nang pumaibabaw siya. Natakot ako at kinabahan.
"Xen, uuwi na ako," akmang babangon ako nang hatakin niya ulit ako pahiga.
"Dito ka na matulog, Babe," gumuhit ang ngisi niya kaya mas tumindi lang ang kaba ko.
"Xen, uuwi—" hindi ko na natapos ang pagsasalita nang halikan niya ako.
Wala namang masama sa ginagawa niya girlfriend niya ako. Tinugon ko ang halik niya, pero ang hindi ko inaasan ay ang paghaplos niya sa dibdib ko. Napamulat ako ng mata. Naitulak ko siya.
"Babe?" Bumalik siya sa ibabaw ko at akmang hahalikan nanaman ako.
"Lasing ka."
"Hmm," humalik siya sa leeg ko.
"Xen, lasing ka."
"Yes, Babe."
"Anong yes? Tigilan mo ang ginagawa mo."
Hinaplos niya ang hita ko. Akmang tatanggalin niya ang short ko. Hinawakan ko na ang kamay niya.
"Lasing ka, Xen!"
Namumungay niya akong tiningnan. "Yes, I am, but I can still see my beautiful girlfriend." Akmang hahalik nanaman siya nang tinulak ko na.
"Please, sleep."
"Dito ka matutulog, Babe?"
"Hindi."
Umalis ako sa kama. Kinakabahan pa rin ako.
"Magpapahatid na lang ako kay Fervid. Matulog ka na." Hiniga ko siya ulit sa kama at kinumutan.
"But I want you here beside me. Dito ka na matulog," pupungay-pungay niyang sabi.
"Saka na kapag matino ka na."
"Bakit 'di ba ako matino ngayon?"
"Hindi."
"Talaga?" Sinundot-sundot niya ang pisngi ko habang tumatawa. "Ang ganda ng girlfriend ko."
Ang dami niyang sinasabi tungkol sa akin kahit pa nakapikit na ang mata. Hinintay ko munang makatulog siya bago lumabas ng kwarto.
Natigilan ako nang mabunggo ako sa bultong nakatayo sa harap ng pinto.
"Oh, Fervid?"
Tipid siyang ngumiti. "Anong nagyari?"
"Huh?"
"Ahm, wala."
Tinalikuran niya ako hinabol ko naman.
"Fervid, pwede mo ba akong ihatid sa bahay?"
"Sige."
Wala na kasi si papa umuwi na dahil pinauwi na ni mama kaya naiwan ako.
Sumunod ako sa kaniya palabas. Nagpaalam muna siya kay Xhane. Sumakay agad ako sa kotse. Inaantok na ako twelve am na rin kasi.
"Nagulo ang buhok mo," inayos niya ang buhok ko. Natigilan ako sa lapit niya. "May nangyari ba sa loob?"
"Bakit mo ba tinatanong?"
"I heard you saying na lasing si Xen."
"Ah," nag-iwas ako ng tingin. "Wala 'yon."
Ilang segundong nanahimik kaming dalawa.
"Actually, what I want to ask if may nangyari ba sainyo?"
Kumunot ang noo ko. "Wala. Anong mangyayaring pinagsasasabi mo?"
"Good," ngumiti siya.
Ang gulo ni Fervid hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya. Sa kakaisip ko sa kaniya hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising na lang ako sa mahinang tapik ni Fervid.
"Nandito na tayo."
Nagmulat ako ng mata. Inilibot ko ang tingin.
Bakit walang ilaw?
Pumasok ako sa loob. Walang tao?
May note na nakalagay na umalis sila mama pupunta kala Tita Lou.
"Hibiscus? Talaga? Wala akong kasama dapat pala roon na lang ako natulog kala Xen."
"Sasamahan muna kita." Nilingon ko si Fervid.
"Hindi na."
"Wala kang kasama mamaya pasukin ka pa ng magnanakaw."
"Mamaya pa 'yon kaya umuwi ka na."
Imbes na sundin ay umupo siya sa sofa. Parang sarili niyang bahay na naghanap ng mapapanood sa TV.
"Wala kayong Netflix?"
"Wala." Tumabi rin ako sa kaniya. "TV plus lang mahina pa ang signal."
"Ang boring," isinandal niya ang likod sa sofa. Ipinikit niya ang mata.
"Pwede ka nang umalis kasi baka inaantok ka na."
"Sasamahan nga kita."
"Okay?"
Nanahimik na ulit kaming dalawa. Parang ang dami kong gustong sabihin sa kaniya, pero hindi ko masabi.
Simula noong tinuruan niya akong lumaban wala nang nagtangkang mang-bully. Bukod sa maayos na rin naman ang hitsura ko dahil sinusuklay ko na ang buhok ko at salamat ma rin sa skin care ni Diamond. Tingin ko naman nag-improve na ang hitsura ko.
Inayos ko ang pagkakahiga ni Fervid. Nakatulog na ngang talaga. Sabi ko kasing umuwi na, eh.
"Ang kulit mo talagang bata ka."
Inayos ko ang buhok niya. "Ang cute mo pa rin." Kinurot ko ang ilong niya, pero mahina lang. "Parang hindi ka tumatanda baby face pa rin."
Hindi ko alam kung anong espirito ang sumapi sa akin.
Hinalikan ko siya sa noo!
Hibiscus, what am I doing?
Nakangising nagmulat ng mata si Fervid.
"You make me think of wanting you."
Patay-malisya akong tumayo. "Pasok na ako sa kwarto."
Hinarang niya ako. "B-bakit?"
"Sabi mo hindi mo ako mahal." Sunod-sunod akong napalunok. "Sabi mo parang kababatang kapatid mo lang ang turi mo sa akin?"
Napaatras ako hanggang lamesa na lang ang naatrasan muntik pa akong bumagsak kung hindi niya ako nahawakan sa baiwang.
"Sigurado ka bang hindi mo talaga ako mahal?"