Chapter 16

Fervid Ruiz's POV

"Architect Ruiz."

Inikot ko ang swivel chair para tingnan ang secretary.

"Sir, is it okay to accept contract from the Philippines?"

Napatingala ako.

Am I ready to see her?

After I graduate, I went to Singapore for work. Inayos ko muna ang future ko bago makipagkita ulit sa kaniya. Gusto ko siyang bigyan ng buhay na hindi dumedepende sa tatay kong walang ginawa kung hindi sumbatan ako.

Nakipaghiwalay ako kay Xhane kasi hindi ko na kayang lokohin ang sarili ko. Pagkatapos noong huling gabing nagkausap kami ni Miyell hindi na ako nakipagkita pa sa kaniya.

"Sigurado ka bang hindi mo ako mahal?"

She stared at my face. The way she looked at me choking my heart. I felt nothing about her stare.

Hindi niya ba talaga ako mahal? Kahit kaunti?

"Fervid, hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo. Sinabi ko naman na hindi kita gusto. As you can see, kami ni Xen. Gusto mo bang masira ang lahat?"

"Hindi mo ako gusto kasi mahal mo ako."

"Don't create Big Bang."

Kumunot ang noo ko. "Dinadaan mo pa ako sa pagiging science major mo," ngumisi ako. Mas lalo ko siyang siniksik.

"L-look," matapang kong sinalubong ang tingin niya. "Just tell me that you love me, too, I'll make sure that we end up marrying each other."

"Fervid, no. Ang bata mo pa. Mag-aral kang mabuti."

"Oh?" I formed 'O'. "So that's it? Just because I'm young?"

"No," umiling siya. "Ayaw ko nang gulo."

Pinakatitigan ko ang mata niya.

Tama ba ang nakikita ko? May kakaibang kislap iyong ipinapakita.

Pinagdikit ko ang noo naming dalawa. "I need you, Miyell," bulong ko sa tainga niya. "Ate, please?"

"Ano bang sinasabi mo? Bakit ba gumagawa ka nang iskandalo? Nakita mo naman na boyfriend ko si Xen at girlfriend mo ang kapatid niya. Tingin mo ba may patutunguhan kung magiging tayong dalawa?"

Tinitigan kong mabuti ang mata niya. "Mahal mo ako, eh. 'Yon ang sabi ng mata mo."

Nag-iwas siya ng tingin. "Don't force things to be yours. If that is really for you it will be like a magnet," hinawakan niya ang pisngi ko. "Wherever you are it attracts to glue itself."

"Are you telling me that I need to wait?" Malungkot ko siyang tiningnan.

Umiling siya. "Kung ako para sa iyo at ikaw ay para sa akin gagawa ang tadhana ng paraan."

Tumango ako. "I can't stay any longer."

Dahil kapag nagtagal pa ako baka mahalikan ko siya at hindi ko na mapigil pa ang sarili ko.

Tumalikod ako. Nilingon ko ulit siya bago ako lumabas.

"Babalikan kita," seryoso ko siyang tiningnan. "At sa pagbabalik ko sisiguraduhin kong hindi na ako bata." Tumitig ako diretso sa mata niya. "I don't want to be a magnet, I don't want to wait to attract things. I rather want to be a water you can't live without me."

Humarap muli ako. "You can take me anytime."

Iniyakap ko ang dalawang kamay sa dibdib matapos ay itinuro siya ng dalawang palad.

Sign language ng 'I love you'.

Napaawang ang labi niya. Alam kong alam niya 'yon dahil nag-take naman sila ng Introduction to Special Education.

"By crook, by hook or rope, you'll be mine."

Nakangiti ko siyang tinalikuran.

Hintayin mo ako, Sexy Babe.

---

Napatakbo ako pababa ng escalator.

Geez! Baka hindi ko maabutan ang kasal ni Denmeir!

Si Denmeir ay isa sa mga kaibigan ko. Kasal niya ngayon kaya parang kidlat akong kumilos.

Pinaharurot ko ang kotse. Hindi muna ako dumaan sa unit ko. Diretso simbahan agad. Hindi naman halatang wala akong ligo. Napangiti ako sa naisip.

Nakakahiyang dumaan sa main entrance ng simbahan. Siguro kanina pa nagsimula. Umupo ako sa pinakalikod. Actually, I don't have news about Denmeir because it took me so long at the Singapore. I did everything to success. Nalaman ko na lang na ikakasal na siya. Hindi ko nga nakilala kung sino 'yong babaeng papakasalan niya.

Nakangiti akong pumalakpak nang mag-I do silang dalawa.

Watta lucky man, he married his loved one.

"Mabuhay ang bagong kasal!" Nagpalakpakan ang mga tao.

Lalapitan ko na sana si Denmeir para surpresahin na nakarating ako sa kasal nang mapako ako sa kinatatayuan. Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa babaeng nakasalamin, maayos ang buhok niya ngayon at masayang umiiyak.

Nilingon ko ang babaeng ikinasal kay Denmeir.

That's Ailey? 'Yong minsang kwene-kwento ni Miyell sa akin. They are friends!

Pinanood ko lang ang paglinya ng mga babae para sa paghahagis ng bulaklak. Nakatitig lang ako kay Miyell na ngayon ay magka-krus ang kamay sa dibdib. Hindi sumali sa pagkuha ng bulaklak.

Ayaw niya magpakasal?

Napangisi ako. Maybe they broke up.

Hinagis ni Ailey ang bulaklak ng patalikod.

Lumapad ang pagkakangiti ko nang lumagpak 'yon mismo sa pagitan ng dibdib at braso niyang nakakrus.

Parang umaayon ang panahon.

"Hibiscus rosa sinensis! No way!" Pagmamaktol ni Miyell habang inaabot ang bulaklak sa mga kaibigan.

"Yes way!" Sigaw ng tatlong niyang kaibigan.

Inaabot niya kay Delight ang bulaklak, pero hindi nito 'yon tinanggap.

"Hibiscus! Ayaw ko nito! No! No! No! Mukha bang may papatol sa hitsura ko? Ano ba naman! Kunin niyo ito!" Tinakbuhan siya ng mga kaibigan kaya nagtawanan. "Ang pangit ko! Walang papatol sa pimples ko! Kinasal na ako sa mga libro! Hoy! Kunin niyo 'to!" Hinabol niya 'yong tatlo.

Pigil na pigil ko ang ngiti habang pinapanood siya. Parang bumalik siya sa dati. 'Yong nakasalamin at siguradong kung hindi kasal ng kaibigan niya hindi siya nagsuklay ng buhok. Wala naman na siya masiyadong pimples.

I was curious if she stopped her skin care routine.

"Bakit ako ang nakasalo? Hindi nga ako sumali! Kakainis naman!"

"Walang susubok na magkamali sa akin! Sainyo na ito! Please lang! Hoy!" Sigaw ni Miyell. Tinawanan lang ulit siya ng mga kaibigan.

That flower wants us to marry each other, Sexy Baby.

"Nematodes! Badtrip naman oh! Saan ako hahanap ng groom ko? Mukha akong palakang tinubuan ng buntot, may sungay at lima ang kamay!"

Ang lakas ng tawanan ng mga tao.

Hindi ko na napigilan. Lumapit na ako kay Denmeir at kinuha ang garter. Mamaya kung sino pang makakuha nito.

"Oh? Fervid? Akala ko hindi ka pupunta? Late ka wala ka naman kanina. Bakit mo kinuha ang garter?" Sunod-sunod na tanong ni Denmeir.

"Akin na lang. Ang cute, eh," nakangiti kong sabi habang nakatingin kay Miyell.

Umakbay ako kay Denmeir at bumulong. "Pahabol ko na lang ang gift kakarating ko lang, eh."

"Brad, nandito ka lang masaya na ako." Tinawanan ko lang siya.

Pumunta na sa venue. Ang napili nila ay sa beach. Sumunod ako. Siyempre nandoon 'yong bride ko, eh.

Sinadya kong 'wag magpakita sa mga kaibigan niya lalo na sa kaniya. Wala lang gusto ko lang siyang pagmasdan kung ano ba ang nagbago sa kaniya.

May nagbago nga ba?

Mayroon.

Gusto ko siyang lapitan nang uminom siya nang sunod-sunod.

Kailan pa siya natutong maglasing? May allergy siya sa alcohol? May gamot ba siya?

"Hey, honey babe, kakatihin ka nanaman niyan," inilayo ni Key ang baso sa kaniya.

Napahinto ako sa akmang paglapit sa kaniya.

Honey babe? The fuck? Is she with him?

As I have remember, he is her friend. Wala akong nakitang kahit na anong signs na may gusto si Key sa kaniya, pero bakit parang may something ngayon?

Nakuyom ko ang palad ko. Nagngitngit ang ngipin ko nang ipatong ni Miyell ang ulo sa balikat nito.

What the geez?

So, sila nga! Nag-break sila ni Xen tapos ngayon ang boyfriend niya ay ang mismong kaibigan niyang si Key? Seriously?

Sa bagay ilang taon akong nawala.

What should I expect? Everything will be the same?

Gusto kong manuntok nang iakbay pa ni Key ang kamay sa balikat niya at si Miyell naman ay yumakap sa baiwang niya.

I can't take this anymore!

Tumalikod ako. Tiim ang bagang.

Huli na ba ako?

"Fervid? Jolly cow!"

Mariin akong napapikit nang makita ko sa harapan ko si AP. Hinila niya agad ako palapit kala Miyell.

"Hey! Mga Nematoda may sorpresa ako! Heto oh!" Tinulak niya ako dahilan para mapaupo ako. Tiningnan ko ang nasa harapan ko ngayon na si Key at Miyell. Tulog na magkapatong ang ulo sa isa't isa habang magkayakap.

"Ay? Tulog na?" Tumabi sa akin si AP. "Sayang 'di ka makikita ni Miyell. Kailan ka pa bumalik?"

"Kanina lang."

"Kumusta ang Singaporean boy?"

Napabungisngis ako. Singaporean boy talaga?

"Okay naman."

Lumapit si AP kay Miyell. "Tarantada ka! Mamatay ka ng jolly cow ka painom-inom ka pa!"

"Hmm," umungol si Miyell. "Ano ba!"

"Uminom ka ng gamot nasaan 'yong gamot mo?"

"Wala."

Lumapit na ako at sinilip din ang leeg niya. Ang pula, ang daming pantal.

Nakangiti akong tiningnan ni Miyell. "Nanaginip ako. Nandito si Fervid."

"Jolly cow! Hindi ka nanaginip talagang nandito siya."

Tumawa si Miyell. "Lagi mo naman akong binibiro na nandiyan siya."

Pinakatitigan kong mabuti ang mukha niya. The same. My Miyell.

Itinayo siya ni AP. Nanlaki ang mata ko nang marahas niyang itulak sa akin si Miyell napayakap tuloy ako sa kaniya.

"Ikaw na bahala riyan," kumindat pa siya. "Painumin mo ng gamot."

Nagkamot ako ng ulo. Seriously? She's drunk and wasted.

"Hoy, honey babe. Napanaginipan ko si Fervid," akmang lalapit siya kay Key para gisingin, pero hindi ko na hinayaan.

Honey babe? So corny. Mas maganda at sweet kung sexy baby.

Well, I don't care if they're in a relationship. I'll get my Miyell out of here.

Kinarga ko si Miyell. Nakangiti naman niya akong tiningnan. Isiniksik niya ang mukha sa leeg ko.

"Ang bango."

Napabungisngis ako. Wala akong ligo mabango pa rin?

Isinakay ko siya sa kotse. Napansin kong kamot siya nang kamot.

"Lasinggera ka na ngayon, Sexy Baby?"

"Hibiscus! Bakit kaboses mo si Fervid?"

"Ako si Fervid, Sexy Baby."

Tumawa siya. "Niloloko mo naman ako."

"Edi 'wag kang maniwala."

Dumaan muna ako sa Mercury Drug Store para bilhan siya ng Loratadine. Buti hindi siya pasaway ininom niya na agad.

Nakangiti ko siyang binuhat papunta ng condo. Isiniksik nanaman niya ang mukha sa leeg ko. Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman kong dinampi-dampian niya ng halik ang leeg ko.

What the geez? What is that?

"Hmm."

Nakagat ko ang labi. "Don't you dare light up the flame you can't turn it off, Sexy Baby," bulong ko sa tainga niya.

"Wala naman apoy rito. Anong light up na sinasabi mo?"

Ngumisi ako. "You want to feel me?"

Sinapo niya ang noo ko. Kunot-noo ko siyang tiningnan.

"I can feel you na," humalik pa siya sa pisngi ko.

Geez, itong babaeng ito!

Hindi ko mabuksan agad ang condo dahil ang kulit niya. Yumayakap siya sa akin at inaamoy ako.

"Kaamoy mo 'yong batang si Fervid."

"I'm not a kid."

"Ay, oo nga. Hindi ka naman mukhang bata at saka hindi naman ikaw 'yon."

Napailing na lang ako. Sa wakas ay nabuksan ko rin ang unit.

Tatawa-tawa siya nang ihiga ko siya sa kama. Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang tumakbo. Nasuka siya sa damit niya dahil pinangtakip niya 'yon.

Geez, what to do?

"Ay, amoy suka," tumawa siya. "Saan ba ang banyo rito, Mister?"

Itinaas niya ang damit. Nakita ko na ang bra niya kaya pinigilan ko ang kamay niya.

"Sa banyo ka na maghubad."

Kumuha ako ng damit ko at ibinigay sa kaniya.

Mariin akong napapikit nang harap-harapan niyang hinubad ang damit.

"Sabi't sa banyo na!"

"Bakit ka nagagalit?" Nakanguso niyang sabi. "Sabi naman ni Fervid walang makikita sa akin."

Geez. Inis akong napasabunot na sarili. Inan-hook niya ang bra niya.

"Geez, pasok sa banyo!"

Tinakpan ko ng kumot ang dibdib niya. Hindi ako tumingin, promise. Wala akong nakita kahit pa ang init-init na.

It was torturing me.

Tatawa-tawa niyang nilaro ang tubig sa bath tub. Pipigilan ko sana kaso huli na nakalangoy na siya sa bath tub dala ang kumot. Basang-basa na siya.

Kagat-kagat ko ang labi habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko naman maiwan dahil baka makatulog ilubog niya pa ang ulo niya.

"Ang tagal ni Fervid, 'no?" Malungkot niyang sabi. "Iniwan niya na lang ako."

Pinakatitigan ko ang mukha niya. Nanlaki ang mata ko nang itapon niya sa akin ang kumot. Tinampisaw niya ang tubig habang nakangisi sa akin.

"I can see your boobs, Sexy Baby."

Hindi na ako nag-iwas ng tingin. Nakita ko na ano pang iwas ang gagawin ko?

"Halika," senenyas niyang lumapit ako. Sinunod ko naman.

The flame burn in higher degree celsius when she kissed me on my lips.

Bahala na bukas. Isusumpa ako nito pagkatapos.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.