Chapter 34 Secret Spot

**

Well of True Cherries: Chapter Thirty-Four

Riinnngggggg~!

"Okay, Class dismissed"

Louie: Yaaahoooo! XD

Lahat: (nakatingin kay Louie) O__O"

Louie: *blush* I-I mean.. G-Goodbye and thank you...? >__<;;

Kinuha ko na agad ‘yung bag ko at dumiretso sa labas ng room.

Ewan ko ba, parang hindi ako makahinga sa loob ng classroom na ‘yun! >o<"

Nakakalungkot kasi maaga ang uwian ng Calypso kaya wala na si bestie.

Wala tuloy akong kasabay pag-uwi...

"Louie, gusto mo sabay tayo?" :)

Nagulat ako. Tapos lumingon ako sa nagsalita.

Louie: Ikaw pala.

Emma: Nauna na sila Sam 'no? Tara, magsabay na lang tayo.

'Awkwaaard. =__=;;

Louie: S-Sure ka? B-Baka may kasabay ka nang umuwi..?

'Bigla siyang tumawa nang malakas. o__o?

Emma: Bakit naman ako magkakaroon? Eh nakipag-break na nga si Resshin sa'kin eh. Remember?

Louie: Err. Oo naaalala ko pa. Baka lang naman may iba ka pang nakakasabay. Tulad ng classmates..

Emma: Ouch naman, Louie. Ayaw mo ba 'kong kasabay? :(

Louie: H-Hindi naman sa ganun..

Emma: Yey~! Eh ‘di magsabay na tayo! :DD

'She suddenly wrapped her arms around mine.

Emma: Let's go!

Louie: O-Okay.. >__<;;;

Habang naglalakad, nasa may gate na kami nang bigla siyang napatigil.

Emma: Oooops.

Louie: May problema ba?

Emma: I forgot my book in the locker! Wait ka lang dito, Louie ah.

Louie: Sure.

'Ayun, tumakbo na siya pabalik.

I sat down on the cement. Elbows on knees. My hands cupping my face.

Louie: (sa sarili) Siguro hindi ko na kailangang maging awkward 'pag kasama si Emma. Baka nabigla lang siya sa sinabi niya sa'kin nung nakipag-break si Shin sa kanya. Baka na-hurt lang siya masyado kaya niya nasabi sa'kin ‘yun. Alam ko, mabait naman siyang tao eh..

'Lumipas na ang 20 minutes at wala pa rin siya.

Hmm.. bakit kaya?

Bumalik ako ng room to check. Wala siya dun.

Louie: Siguro may pinuntahan lang?

I went back kung saan ako galing kanina. Sa may gate. Umupo na lang ulit ako sa semento.

Pero lumipas na ang 15 minutes at wala pa rin siya..

Louie: Haaayss.. Nasaan na kaya ‘yun?

???: Louie? Ikaw ba ‘yan?

'I turned around to see who's talking.

Louie: D-Daren! *blush*

Daren: Ano’ng ginagawa mo diyan? 'Di ba uwian niyo na?

Louie: O-Oo.. Wala lang. Bakit? Masama ba? -__-+

Daren: *laughs* You look like a beggar. Nakaupo ka pa diyan sa semento.

'Bigla siyang may dinukot sa bulsa niya at naglabas ng piso.

Kinuha niya ‘yung kamay ko at nilagay ‘yung piso sa palad ko.

Daren: There. Bata, 'wag mong iwawala ‘yung piso ah ^__^

Louie: *kumukulo ang dugo* Grrrrrrrr... GET OUT OF MY SIGHT!!! >O<#

'Binato ko ‘yung piso sa malayo. Nagulat ako dahil tumakbo siya at pinulot ‘yung piso.

Pagkabalik, sabi niya..

Daren: Louie, piso rin 'to. Pinapahalagahan din.

Louie: Whatever >_>"

Daren: It reminds me of tokens. ‘Yung mga tokens ng Black Cat. :)

Louie: Oo nga 'no? Haha. Parang ganito nga ‘yun.

Daren: Bakit 'di ka pa umuuwi?

Louie: Uhm. May hinihintay pa 'ko eh.

Darren: Pwes nandito na ko. *winks*

EPAL.

...pero cute!

Louie: I-I wasn't waiting for you! >////<

Daren: Eh sino? Si Resshin? ~__~+

Louie: Si Emma!!

Daren: O__o!?

Louie: I know. Shocking, right? -__-"

'Naging seryoso ‘yung mukha niya bigla.

Daren: Halika. Ihahatid na kita sa inyo.

Louie: B-Bakit??

Daren: Dahil..

.

.

.

"...naghihintay ka lang sa wala"

**

Louie: Hahahaha! Pa'no mo naman nasabi ‘yun? 'W-Wag ka ngang magbiro nang ganyan! *nervous laugh*

Daren: Seryoso ako, Louie. Gaano ka na ba katagal naghihintay?

Louie: Uhm.. 35 minutes..

Daren: At ano ‘yung sinabi niyang dahilan para iwan ka niya?

Louie: N-Nakalimutan niya raw ‘yung libro niya sa locker.. Babalikan niya lang..

Daren: What the hell!? Babalikan lang ‘yung book tapos 35 minutes!?

Louie: Malay m–

'Hindi ko natapos ‘yung sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Daren.

Daren: Wala nang malay malay! Halika na!

'He pulled my arms and dragged me.

Louie: D-Daren! Waaait!!!

A memory suddenly flashed in my mind. Nung una kaming nag-meet. Well, second actually. Pero first formal meeting. Nung ni-reveal niya na siya si Black Cat. Sa Riverbanks.

Hinihila niya rin ako nun parang ganito.

Louie: . . .

'Nakarating na kami sa motor niya.

Daren: Get in.

Louie: S-Sure ka? Hindi na babalik si Emma?

Daren: For heaven's sake, Louie! Kabisado ko na ‘yang Emma na ‘yan!

Hindi na ako nagsalita. Sumakay na lang ako.

Throughout the whole ride, tahimik lang ako.

Wala ring nagsalita sa aming dalawa.

Pero siya ‘yung nauna.

Daren: Ang tahimik mo bigla.

Louie: Hindi ako makapaniwala..

Daren: Now you know her true colors...

Louie: . . .

'Ayoko nang mag-comment dun.

Daren: Malungkot ka ba?

Louie: . . .

Daren: Don't worry. I'll take you to somewhere special. :)

Louie: Huh? S-Saan? o__o???

Daren: You'll know when we get there. :D

*Vroooooommm~!!*

And guess what?

Saan niya 'ko dinala...?

Sa isang unfinished house. Isang bahay na malaki sana kaso hindi natapos gawin.

Puro bakal at kahoy at semento pero wala pang pintura. =___="

Louie: Ito na ba ‘yung "somewhere special" mo!? >0<#

Daren: Yup. ^__^

Louie: Ano nama'ng special dito!? Napag-iwanan na ‘yung bahay. Hindi na tinapos ‘yung pag-construct. Wala pa ngang pintura eh! >o< Wala pa ring mga dingding!! Pati bubong wala pa!

'Hindi siya sumagot. Ngumiti lang.

Louie: Oh no.. don't tell me.. O__O"

Daren: . . .

Louie: M-May balak kang masama sa katawan ko ‘no!? Dinala mo ko rito kasi walang makakakita sa'tin!!

Daren: What the hell are you talking abou–

*paaaak!*

I slapped his face. HARD.

Daren: x___x (swollen cheeks)

Louie: And you have the nerve!! Tatawag ako ng 911!!! >O<

Daren: Louie, please..

Louie: *nagpa-panic* OH NOEZ!! W-Wala pa naman akong dalang matigas na bagay pang self defense!

Daren: Just..

Louie: Ayoko pang mabuntis nang maaga!! T___T

Daren: SHUT UP OR I'LL MAKE YOU PREGNANT RIGHT NOW!!!

Louie: O.O" (shocked)

Daren: *sigh* Good. That's better. =__=;;

Louie: >__< *scared*

Daren: Listen, I'll tell you something. Napakahalaga sakin ng lugar na 'to.

Louie: Dahil...?

Daren: Ito dapat sana ‘yung magiging bahay namin. Kaso dahil hindi maganda ang location at malayo sa office ng parents ko, hindi na 'to tinuloy. Gumawa na lang ulit ng bagong bahay sa ibang lugar. ‘Yun ‘yung tinitirahan namin ngayon. Tapos ito, napag-iwanan na.

Louie: Gano'n ba? Kung gano'n sa inyo pala 'to?

'Grabe! Ang rich kid talaga nitong si Daren!

Daren: Nagtampo ako nung malaman kong hindi na itutuloy ang bahay na 'to. Kasi gusto ko talaga sa lugar na 'to. Tahimik. Mapayapa. Wala masyadong tao. Malayo sa siyudad. Malayo sa problema.

Louie: Oo nga. Tahimik dito. Tayong dalawa nga lang ang nandito eh! >.>

Daren: Alam mo ba? Tuwing may problema ako sa pamilya, dito ako pumupunta. Hindi sa Black Cat Arcade dahil alam na agad ng magulang ko na nandun ako. Alam kasi nilang madalas ako dun. Saka mas nakakapag-relax ako dito. Gumagaan ang pakiramdam ko.

Louie: (nakikinig)

Daren: Minsan nakaupo ako sa semento. Minsan sa mga bakal o kahoy. May ibang times inaakyat ko rin ‘yang bahay.

Louie: Kaya mo ba 'ko dinala rito? Para i-share ang "secret spot" mo?

Daren: Yep. Kapag malungkot ka, pwede kang pumunta dito anytime. Ako, si Daren Gil Mendoza, ay binibigyan ka ng karapatan na gamitin ang aking special hiding place. Ikaw lang ang binigyan ko ng karapatan kaya alagaan mo 'tong mabuti, ha? :)

Louie: Haha. Sure. :P

Daren: Nga pala.. may isa pang dahilan kaya.. dinala kita rito..

Louie: O__O? Don't tell me!!! >o<

Daren: 'Wag kang mag-alala wala akong gagawing masama sa'yo, okay!? >0<#

Louie: Hehe. Naninigurado lang naman.. ^o^;;;

Daren: As I was saying, gusto kong malaman mo na.. meron akong pangako sa sarili ko.

Louie: Pangako? Ano ‘yun?

Daren: Kapag may asawa na 'ko, itutuloy ko 'tong bahay na 'to at dito kami titira. :)

'I don't know why, pero nag-blush ako. I felt my face turn red.

Louie: O////O

Daren: I want us to live here someday, Louie..

'OMG... I don't know what to say! >__<;;;;

Louie: x__x

Daren: Hahaha. It's okay. Hindi mo kailangang ma-pressure. Sinasabi ko lang sa’yo.

Louie: Hehe.. ^__^;;;

Daren: It's getting dark. I-uuwi na kita.

Louie: Okay. Thanks nga pala.

Daren: Any time. :)

Sumakay na 'ko sa motor. Habang paalis, tumingin ulit ako dun sa unfinished house.

Naalala ko ‘yung sinabi ni Daren kanina,

"Kapag may asawa na 'ko, itutuloy ko 'tong bahay na 'to at dito kami titira"

Bumilis bigla ‘yung tibok ng puso ko.

Kasi... sa totoo lang...

.

.

.

Nagustuhan ko rin 'tong lugar na 'to.

~CONTINUE TO NEXT CHAPTER.

xx

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.