**
Well of True Cherries
Chapter Thirty-Five
School day once again!
Medyo late na rin ako, kaya ako tumatakbo.
Nakita ko na ‘yung sign na “II-Calypso” sa pintuan.
Louie: Ayun! Calypso! :D
Pumasok agad ako sa room at nag-bow sa teacher.
Louie: S-Sorry I’m late!!! >__<;;
Class: (nakatingin lahat kay Louie)
Teacher: Ms. Cayabyab.. baka nakakalimutan mong—
Louie: OMG! Kimmy?? Bakit ka naligaw dito sa class namin? Saka.. bakit ka nakaupo sa upuan ko? -__-“
Kimmy: Uhmm, ikaw ata ‘yung naliligaw Louie..
Class: Hahahahahaha!!!
Huh...?
OO NGA PALAAAAAA!!!
Nag-bow ulit ako para humingi ng sorry tapos dumiretso na ako sa room ng Harpalyke.
Pagpasok ko sa pintuan, nagulat silang lahat.
Louie: Sorry I’m la—
Teacher: Sit down.
Louie: ...O-Okay
‘Tumabi na ko kay Bacon.
Bacon: Howdie! ^o^
‘Err, 'di ko na lang siya pinansin -__-;;
“Psst... Louie!!”
Paglingon ko, si Emma pala.
Emma: Sorry sa kahapon ah. Nagkaroon kasi ng emergency meeting sa club, 'di na kita nabalikan.
‘Bigla kong naalala ‘yung nangyari kahapon. 'Yuung pinaghintay niya ako.
Louie: Oks lang! :D
‘Kaya pala hindi na siya bumalik, kasi nagka-meeting pala bigla.
Kahit kung anu-ano pa ‘yung sinabi ni Daren... Mabait pa rin si Emma sa tingin ko.
---
B.R.E.A.K!
Yeeeeey, finalllyyy! Hahaha!
???: Ang laki ata ng ngiti mo ah :)
Louie: Emma! Ikaw pala :D
Emma: Haha. Tara, puntahan na natin sila Kimmy.
After nun, nagkita-kita na kami sa canteen kasama nila Sam at Kimmy.
Louie: Beeesssttyyy!!! I missed youuu!! T____T
‘Niyakap ko nang mahigpit si Sam.
Sam: L-Louie naman! Nakaka-isang araw ka pa lang sa Harpalyke!
Louie: P-P-Pero miss na talaga kita eh.. TToTT
Sam: Sus.. ako ba talaga ang namimiss mo? O baka naman si...
‘Bigla niyang tinuro ‘yung direksyon ni Resshin.
Nakita ko siyang tumatawa kasama ng mga kabarkada niya.
Louie: O////O *blushed*
Emma: Louie! Nagawa mo na ba ‘yung home work natin sa Chemistry?
Louie: H-Home work...?
Kimmy: Hay naku itong si Louie talaga!
Sam: Pasensya ka na Emma ah. Kailangan mo pang alagaan 'tong si Louie -__-“
Emma: Haha! Ok lang :>
Louie: Emma..... W-Wala akong nagawa.. Huhuhu.. TT_TT
Emma: Pakopyahin na lang kita :D
Sam: O__O
Kimmy: O___O
Louie: *____* Talagaaa?
Emma: Haha! Oh eto :) *hands the notebook*
Kimmy: Waaa! Ang swerte mo naman kay Em, Louie! >o<
Louie: Thanks Emma! >:D<
---
Before we knew it, tapos na pala ang break.
At tapos na rin akong kumopya! Mouhahaha!
Nakas-ettle na kami sa mga rooms namin.
Dumating na rin ‘yung teacher sa Chemistry.
Teacher: Bring out your home works.
Louie: Hehehe *confident*
Bacon: Ayos lang iketch? o__o
‘Ano daw? “Iketch”? Ano'ng lahi ba 'tong katabi ko? =__=
After naming ipasa ‘yung notebooks namin sa harap, isa-isa nang chineck ng teacher.
Louie: *bulong* Ganito ba talaga siya? Isa-isang chinecheck ‘yung home works? 'Di ba normally ‘yung katabi na lang ‘yung pinagpapa-check?
Bacon: Not sure aketch!
‘Err, kailangan ko atang masanay sa language nitong si Bacon. Need ko ata ng subtitles or auto-translate. “OTL
Ayun, tahimik lang ‘yung class habang busy ‘yung teacher.
Ganito ba palagi rito sa Harpalyke? Kung nasa Calypso pa rin ako, nagdadaldalan na kami ng classmates ko at ang ingay na ng room.
Teacher: Miss Cayabyab..?
‘Nagulat ako. Bakit bigla akong tinawag?
Louie: Y-Yes sir...? (napatayo)
Teacher: You have the same answers with Miss Mendez. Even with the explanations. Could you tell me what happened?
OH NO.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako.
Louie: I-I...
Teacher: Don’t even bother. Obvious naman kung sino'ng kumopya. Si Ms. Mendez ang top 1 ng klase, at balita ko mula sa ibang teachers na hindi kataasan ang mga grades mo.
'Ouch.. sobra naman siyang magsalita... pinapahiya na niya ako sa harap ng klase.
Teacher: Dahil sa ginawa niyong dalawa. Parehas kayong zero for this assignment. Hindi lang ‘yung kumopya, pero pati ang nagpakopya.
Louie: But, S-Sir!
‘I feel so horrible. Nadamay ko pa si Emma!
Nagtinginan sa’kin lahat ng mga kaklase ko.
At hindi ‘yun tingin ng pagkaawa at simpatya.. kundi tingin ng galit at pagka-inis..
I had no idea that this was just the start of a continuous string of tragedy.
**
Teacher: I will forgive you both. But this will be the last time.
Louie: T-Thank you, Sir!!! Sorry, Em! B-Buti na lang mabait si sir 'no? Hahahaha! ^__^;;;
Err, wala atang naki-ride sa joke ko. Lahat sila seryoso ‘yung mukha. Huhuhu iba talaga 'yung atmosphere dito sa Harpalyke compared sa section ko! I can't seem to have fun here huhu.
Uwian na. Malungkot akong naglalakad papunta sa gate.
Dapat masaya ako dahil nakaligtas kami ni Emma. Eh bakit tila 'di ako mapakali?
Louie: *sigh* . . .
“Louie!”
Huh? May tumawag ba sa’kin?
“Louie!”
‘Paglingon ko, naandun si Emma.
Emma: Hi, sabay na tayo :D Para makabawi ako sa’yo last time.
Louie: Emma! Sorry talaga kanina ah >__< *bows*
Emma: Hahaha. Ayos lang ‘yun! Wala namang may gusto na mangyari ‘yun eh :)
Louie: M-Mag-isa ka lang ba laging umuuwi? Hindi mo ba kasabay si Kimmy..?
Emma: . . .
Louie: Emma..?
Emma: May iba kasi ako dating nakakasabay eh ^__^
Louie: *eeek!* O__O
'Oo nga palaa! Si Resshin!!! Gosh, Louie! Ang krung krung mo talaga! Pinaalala mo pa kay Emma si Resshin! ToT
Emma: May problema ba...? :)
Louie: W-Wala naman! Hahahaha! XD
--
The.Next.Day
I have decided. Pagpasok ko ng klase, kailangang ma-redeem ko ‘yung image ko!
Sigurado akong nagkaroon ng misunderstandings kahapon.
Baka akala nila isa akong “freeloader” na walang gagawin kundi kumopya sa kanila.
Err, hindi nga ba?
Kaya naman maaga akong pumunta sa school.
Louie’s Plan: Pumasok nang maaga para maglinis ng room, tapos mahuhuli nila akong naglilinis. Then matutuwa sila sa’kin!
“Louie, ang bait mo pala! Ang sipag mo pa!”
“Thank you sa paglinis ng room namin, grabe nakakahiya naman sa’yo”
Louie: Ayos lang ‘yun! Hobby ko talaga ang maglinis! Mouhahaha! ^o^
...kaso hindi eh. Pagpasok ko ng room, marami na agad ‘yung tao. =__=
‘Haist. Bahala na nga, igi-greet ko na lang sila! :D
Louie: Gooooood mooooorning, everyoooooone!! !^0^
Lahat: ('di pinansin si Louie) . . .
‘Hmm, 'di ba nila ako narinig?? Maulit nga!
Louie: Good morning and mabuhay, II-Harpalyke!! ^___^
Lahat: (patuloy pa rin sa ginagawa)
Weird.. baka ganito talaga sila sa umaga. Mga walang buhay kasi kaka-start pa lang ng pasok.
Louie: Ano ba kayo, we should begin the day in high spirits! Kailangan umaga pa lang mataas na ang energy natin para tuloy-tuloy! ^__^
Lahat: . . .
‘Errrr. Ignored lang me. Hay, bahala na! Baka mga puyat lang kagabi.
Pumunta na 'ko sa upuan ko.
“Mr. Taxi Taxi Taxi...”
'Di pa 'ko lumilingon, alam ko nang si Bacon ‘yung kumakanta. -__-
Nakarating na pala siya.
‘Pinagmasdan ko nang maigi ‘yung mga kaklase ko.
Ngayon lang ako nagkaroon ng chance para titigan at pagmasdan silang lahat.
Grabe... ang sisipag nila. Lahat sila gumagawa ng assignment kahit hindi pa ngayon ang pasahan. ‘Yung iba naman, nagre-review. Teka, section 1 ba to? =__=
Wala namang ganun ah. Random ‘yung pag-arrange ng mga students sa bawat section!
Nagulat ako dahil bigla nilang sinara ‘yung mga notebooks nila, tapos lahat sila nagpuntahan dun sa may pinto. Dahil nakakumpol silang lahat dun, hindi ko tuloy makita nang maayos kung ano ba ang meron.
Louie: Bakit sila nagkumpulan dun sa pintuan..?
Bacon: Chuchuchuruchu.. Parating na ang Queen Bee! ^3^
Louie: Queen Bee..?
‘Teka, nasa Gossip Girl ba 'ko!?
“GOOD MORNING, EMMA!!!”
-sabay-sabay silang lahat bumati.
Sinalubong nila si Emma sa pintuan.
Emma: Good morning din sa inyo ^__^
.
.
Louie: O__O”
Bacon: ^3^
Louie: Err, B-Bacon.. ano ba si Emma dito? President? Muse?
Bacon: Preshident :D
Louie: -_-"
‘Tila naman mga alagad ni Emma ang mga 'to! Saka bakit ganun? Nung binati ko sila, wala silang response? WEIRD!
---
Maya-maya, dumating na rin ‘yung break.
Lahat sila nagtakbuhan papunta kay Emma.
“Miss Emma, sabay na po tayong kumain!”
“Pwede po bang sumabay sa inyo?”
“Nagluto ako ng food para sa’yo, Emma!”
“Emma, pwede ba 'kong sumabay kumain?”
Emma: Pasensya na kayo, may kasabay na akong kumain eh ^__^
Tumayo siya tapos lumapit sa’kin.
Louie: o__o?
Emma: Tara na Louie, baka naghihintay na sila Kimmy :)
Louie: Uhm.. pa-paano sila..? *sabay turo*
Emma: Guys, sabay na kami ni Louie eh. Don’t worry, babawi ako sa inyo :D
...tapos hinatak na niya ako palabas.
Gosh, I feel sorry for them O__O
---
Kimmy: GRAAABBEE!! 'Di ko akalain ganun pala katalino 'tong si Sam! Nasagot niya lahat ng questions ni Sir Einstein!! >o<
Sam: Hahaha! Ano ka ba, ikaw nga eh! 'Di mo sinasabi na ang galing mo palang mag-drawing!
Kimmy and Sam: Hahahaha!
Louie: Ehehehe ^_^"
'Huhu, buti pa si Kimmy! Nag-eenjoy maging exchange student sa Calypso huhu!
Kimmy: Kayo, ano nama'ng balita sa Harpalyke? ;)
Louie: Umm.. bad news nga eh. Muntik na kami ni Emma kahapon.
Sam: Kahapon!? Bakit??
Louie: N-Nahuli kasi ako ni Sir na kumopya sa kanya.
Kimmy: Teka, sinong Sir ba ‘yan?
Louie: Si Sir Edison... grabe pala ‘yun..
Kimmy: Nyek! Talagang grabe ‘yun!! Siya mismo ang nagche-check ng home works namin dati pa!
‘What? Dati pang ganun 'yung teacher na 'yun?
Emma: Oo nga eh. 'Di ko inaasahan na makikita niya pa na parehas kami ni Louie. Grabe, sobrang nangingilatis talaga siya ng notebook!
Louie: Hehehe.. P-Pero pinagbigyan niya naman kami.. 'Wag na lang daw uulitin.. ^__^;;
Sam: Buti naman kung ganun..
---
The Next Day! :D
Okay! Sisiguraduhin kong magkakaroon ako ng magandang comeback! >:)
Pagpasok ko ng room, iisa-isahin ko silang babatiin!!
Louie: Goood mooorning, Harpalyke!!
Lahat: . . .
Louie: Good morning, Chelsea! ^__^
Chelsea: . . .
Louie: Good morning, Simon!
Simon: . . .
‘Bakit tila wala silang nakikita? Nagkakaroon lang ba sila ng energy 'pag nakikita na nila si Emma? =__=+
Louie: Good morning, Chuck!!
Chuck: . . .
Louie: Good morning, Jenny!
Jenny: . . .
Louie: Waaaaah... Ayaw nila akong pansinin.. “OTL
“Good Morning, Luluuu!!”
Sa wakas! May bumati rin sa’kin! *u*
At tinawag niya pa 'ko sa nickname ko!
Louie: Good morning di– ^___^
Bacon: ^o^
Louie: Err, Bacon ikaw pala >_>;;
---
THE NEXT DAY
I’ll definitely win their hearts this time!!! w__w (nag-aapoy na ang mata)
Dahil this time, magpapamigay na ako ng food! Siguradong may energy na sila para batiin ako! >:)
Louie: Good morning, Jake! (sabay abot ng food)
Jake: . . .
‘Err, ayaw niya pa rin akong pansinin. Binaba ko na lang ‘yung tinapay dun sa lamesa niya.
Louie: Good morning, Queenie! (sabay abot ng food)
Hindi niya rin tinanggap kaya pinatong ko na lang sa table niya.
Louie: Good morning, Janet! (sabay patong ng food)
...at ganun na nga ‘yung ginawa ko. Pinatong ko na lang ‘yung mga tinapay sa lamesa nila.
Dahil tila ayaw pa rin nila akong kausapin.
Ang weird naman nila. Hindi ba normally gaganahan at matutuwa ang isang tao sa sight ng pagkain? Or ako lang ba ‘yun? >.<
Pero doon na ako naliwanagan.
Nalaman kong hindi na biro ang usapang 'to.
.
.
.
.
Dahil isa-isa silang tumayo at ibinasura ‘yung mga tinapay na bigay ko sa kanila.
Louie: What the...
~CONTINUE TO THE NEXT CHAPTER.
xx