Chapter 36 Stray Animal

Hindi ko ma-describe ‘yung feeling.

Parang nanliliit ako habang lahat ng nasa paligid ko ay mga higante.

Parang nag-iisa na lang ako sa mundo.

Pumunta na ako sa upuan ko nang hindi nagsasalita.

Louie: . . .

Maya-maya, narinig ko ‘yung paggalaw ng mga upuan at dali-dali na naman silang tumayo para magkumpulan sa pinto.

Lahat sila: Good morning, Miss Emma!!!

Emma: Good morning din sa inyo :)

Louie: . . .

Dumating na rin ‘yung teacher. Nakatunganga lang ako.

Habang nagdi-discuss ‘yung teacher ay nakatitig lang ako sa isang empty space.

Louie: . . .

Emma: (napatingin kay Louie) Louie?

Louie: . . .

Pagsapit ng break time, hindi pa rin ako tumatayo.

Lumapit na ulit sa'kin si Emma.

Emma: Naghihintay na sila Sam at Kimmy :D

Sabay abot niya ng kamay niya.

Louie: . . .

Emma: Louie, are you okay?

Louie: . . .

Hindi ko siya sinasagot. Hindi ko siya pinapansin.

‘Sorry Emma, wala talaga ako sa mood.

Akala ko aalis na siya, pero tumabi siya sa akin at binaba ‘yung gamit niya.

Emma: Hindi kita iiwan mag-isa. Kung ayaw mo kumain, sasamahan kita.

Louie: . . .

Hindi ako kumain ng lunch. Pati si Emma. Nasa room lang kami buong break time at nakaupo.

Louie: . . .

**

Maya-maya ay uwian na.

Tumayo na ako at papunta sa pintuan.

Bigla akong hinarangan.

Chelsea: Sa tingin mo ba pauuwiin ka namin nang ganun-ganun lang?

‘Yun ang unang beses na may kumausap sa akin na taga-Harpalyke maliban kay Bacon at Emma.

Chuck: Nakita namin ‘yung nangyari kanina. Dahil sa’yo hindi nakakain si Emma.

Jenny: Sino ka ba sa akala mo?

Simon: Nakikidayo ka lang dito ah.

Louie: . . .

Queenie: Sa susunod alamin mo kung saan ka lulugar.

Jake: 'Wag kang masyadong pa-cool.

Umatras ako. Pero humahakbang pa rin sila palapit sa'kin.

Wala nang ibang tao sa room. Nakaalis na lahat maliban sa'kin at sa mga humarang sakin.

Napasama ako ng atras at napaupo ako sa sahig!

They surrounded me and trapped me in a circle.

Para akong nawalan ng boses. Gusto kong sumigaw ng tulong pero walang tunog na tumatakas sa bibig ko.

I feel like I’m going to die..

**

Bullying. This is my first-hand experience of bullying.

Akala ko sa mga teleserye lang 'to nangyayari.

I looked at their faces one by one.

These are the faces that I greeted one by one kahapon at kaninang umaga lang.

"Good morning, Chelsea!"

Chelsea: Look at you, you look like a stray animal.

"Good morning, Chuck!"

Chuck: You obviously don't belong here.

"Good morning, Janet!"

Janet: Ang lakas na nga ng loob mong kumopya kay Emma, hindi ka pa nakuntento!?

"Good morning, Queenie!"

Queenie: Isang buwan ka pa naming titiisin!?

'I can't breathe... Tila ba naso-suffocate ako sa mga malalaking anyo nilang nakapaligid sa akin.

"Good morning, Jake!"

Jake: What do you have to say for yourself!?

"Good morning, Simon!"

Simon: Ganito ba 'yung mga galing Calypso?

* CLANG! * CLANG! * CLANG *

Nakita kong isa-isang sinasara at nila-lock ng iba sa kanila 'yung mga bintana.

Pinatay nila ang mga ilaw. Lumabas na rin sila at nagsalita muna bago ako tuluyang i-lock sa loob ng classroom.

Chelsea: Ang dapat sa mga stray animal like you? Kinukulong.

*BLAM!*

At iniwan na nila ako sa loob.

Pagkaalis nila, tumakbo agad ako sa pinto at sinubukang buksan ito.

Naka-lock nga mula sa labas!

Tinignan ko 'yung mga bintana. Wala, lahat naka-lock rin.

Louie: Tulooooooong! Tulooooooooong!

Humihiyaw ako at baka sakaling may makarinig sa akin.

* GRUMBLE * GRUMBLE *

Narinig ko na ang pagkulo ng tiyan ko. Nagugutom ako ngayon dahil hindi ako nag-lunch.

Louie: Tulooooong! Sakloloooooooo!

Kinakalabog ko nang maigi 'yung pinto at mga bintana.

Tinignan ko 'yung phone ko, dead battery.

Bakit ngayon pa!?

Am I going to stay locked inside here hanggang mag-umaga!?

Louie: SAKLOLOOOOOOOOO!

Haist. Wala na bang mga guard or janitor ng ganitong oras!? Anong oras na nga ba?

Masyadong malayo itong room ng Harpalyke doon sa gate kung saan may nakabantay na guard. Hindi siguro umaabot doon ang mga hiyaw ko.

* GRUMBLE * GRUMBLE *

Hindi pa nakiki-ayon sa panahon 'yung tiyan ko! TToTT

Louie: Whatever! I'm hungry!!!

Sa sobrang gutom ko, naghanap ako ng pagkain!

Teka... 'yung mga inabot kong tinapay kanina!!!

Nasa trash can nga pala!!!

And for the first time ever in my life, I felt weeeeirdly thankful na tinapon nila 'yung mga pagkaing binigay ko sa kanila kaninang umaga. "OTL

Louie: Err... so dapat ba 'kong magpasalamat sa kanila?? =__=;;;

Lo and behold, nasa trash can pa nga!

Louie: My preciouses! Huhuhuhu! TToTT

For the first time ever rin, na-excite ako sa pagkain sa basura.

Dali-dali akong kumuha at kumain. Buti naka-plastic at hindi nilanggam o narumihan.

Habang tuwang tuwa na kumakain, simula nang tumulo ang mga luha ko.

Louie: Hahahaha! Nababaliw na ata ako... Nakangiti ako, pero umiiyak ako... Hahahaha!

Hahahaha... :(

...

"Louieeeeee!!! Nasaan kaaaa!?"

Tila ako nasamid nang makarinig ako ng boses.

"Hoy, gabi na! Bawal na ang mga estudyante ngayong oras!"

"Kuya, may hinahanap lang po ako!"

"Nakauwi na ang lahat ng mga estudyante! Sarado na lahat ng rooms!"

Palapit nang palapit ang mga boses nila. Dali-dali akong lumapit sa pinto at humiyaw.

"NANDITO AKO!!! SAKLOLOOOOOOO!!!"

"Louie!!!"

Nang bumukas ang pinto, hindi ko mapigilang yakapin siya sa tuwa.

.

.

.

"Resshin! Thank you for saving me!"

Niyakap niya rin ako pabalik.

Resshin: Nagtaka ako dahil hindi ka sumabay kina Sam at Kimmy kaninang lunch. Tumawag ako sa inyo pero sabi ng kuya mo 'di ka pa raw nakakauwi...

Louie: *sob* I thought I was gonna die... *sob*

Resshin: I thought I was gonna die, too. I was so worried about you...

Guard: *ehem*

Louie and Resshin: O////O

Guard: Miss, care to explain bakit ka naka-lock mag-isa sa room nang ganitong oras?

.

.

.

.

Louie: Yes, I'm more than willing to explain.

The fire in my eyes were fueled by anger.

Hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa'king pagkulong.

'Wag nilang subukan ang galit ng babaeng kumain ng basura! ~__~+

xx

SEE YOU ON THE NEXT CHAPTER!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.