Chapter End Trip

Well of True Cherries

by irshwndy

*tututu—*

I hit my alarm. Nauna akong magising bago ito tumunog. Mouhahaha! Life achievement!

Bumangon ako at humarap sa salamin para bigyan ang sarili ko ng pep talk.

Louie: Lulu, ‘wag kang matakot sa kanila! Isa kang Cayabyab—kayang kaya mo ‘yan!

“Hoy, ‘wag mo ngang idamay ‘yung buong angkan natin sa problema mo.”

But of course, my annoying kuya had to butt in. =__=

Louie: Bakit ka nandito sa kwarto ko!?

Arvie: Pinuntahan kita para gisingin. Mukhang ‘di na pala kailangan! Wow, ano’ng meron sa’yo today?

Bigla naman siyang nag-acting na parang pang-best actor sa MMFF.

Arvie: Si Louie ka ba talaga? Sino ka at saan mo dinala ang kapatid ko!?

Louie: Che! Kaya ko ring gumising nang maaga ‘no!

Arvie: Saan mo dinala ang kapatid ko kasi… kasi… kasi THANK YOU! TToTT (sabay luhod sa tuwa) Sa wakas wala na ‘kong annoying little sis! Huhuhooraaaaay!

Tinulak ko ‘yung kuya kong nakaharang sa pinto at dumiretso na sa banyo para maligo.

Habang naliligo, naalala ko bigla ‘yung mga nangyari sa akin kahapon. Hindi ako makapaniwalang magagawa sa’kin ng mga kaklase ko ‘yun. Panandalian ko lang naman silang magiging kaklase… pero ano’ng ginawa ko sa kanila para magalit sila nang ganun? Bakit tila obsessed sila kay Emma!?

Huminga ako nang malalim and gave my cheeks a little cheer-up slap.

Louie: You can do this, Lulu!!! >O<

“Hoy, bilisan mo! Sayang sa tubig 'yung pagdadrama mo!”

Grrr! Ms. Author, pwede bang paki-delete na po sa story ‘yung kuya ko!? =___=

Pagkatapos magbihis, lumabas na ako para maglakad papunta sa sakayan.

*BEEP!* *BEEP!*

Huh? Ang ingay naman nun! -__-

*BEEP!* *BEEP!*

Bakit tila sinusundan ako nung busina? Naglalakad ako nang maayos dito ah. I have no time for catcallers. -__-#

*BEEEEP!* *BEEEEEEEEEEEP!*

Grrrr, ano ba’ng problema nun!? Paglingon ko, nagulat ako.

Isa ngang CAT-caller! =__=;;;

Daren: Good morning. :) Sakay ka na.

Louie: W-What are you doing here!?

Daren: Well, I also live around here in case you forgot.

Louie: Hindi mo kasama si Kimmy?

Daren: Ihahatid siya ng driver namin to school today.

Binagalan niya ‘yung andar ng motor niya para masabayan ako sa pace ko ng paglalakad.

Daren: Are you not getting on? (sabay tapik sa upuan sa likod)

Louie: A-Ayoko ngang sumakay diyan!

Daren: Eh saan mo gustong sumakay? Mas bet mo ba rito? (sabay tapik sa lap niya)

Louie: Luuuuulz!!! >O<

Hinagis ko sa kanya ‘yung bag ko sa galit. Sinalo niya naman ito at biglang sinabit sa motor niya.

Daren: Buti pa bag mo, gustong sumakay sa motor ko. Sana ‘yung may-ari rin.

Louie: Ibalik mo nga ‘yung bag ko!!!

Daren: Ikaw kaya nagbigay sa’kin.

Louie: Hindi ko binigay! Binato ko ‘yan sa inis sa’yo!!!

Daren: So ibig sabihin… I just need to annoy you more, so you can throw yourself at me next? \:)

Louie: *blushing hard* F-Fine, sasakay na ako! Just stop being annoying!

Daren: Okay. ^___^

Umangkas na ako sa likuran niya at kumapit sa damit niya.

Daren: Louie… baka magusot naman ‘yung uniform ko niyan. :P

Louie: Ay, sorry...

Kumapit ako sa mga balikat niya.

Daren: Hmm, medyo nakaka-off balance kapag nakakapit ka sa balikat, miss. ^_^;

Nilipat ko ‘yung kapit sa likuran ng motor.

Daren: Delikado ‘yan baka mahulog ka.

Louie: E-Eh saan!? >_<

Daren: Hahaha! Just hug me from behind. Bakit ka ba naiilang kung wala namang dapat ika-ilang— O////O

Niyakap ko siya mula sa likod.

Daren: . . .

Louie: I-Is there something wrong?

Daren: W-Wala naman… >_>;

Pinaandar na niya sa normal speed ‘yung motor, at lumarga na kami papunta sa school.

Daren: Araw-araw na kaya kitang ihatid?

Louie: Huh? ‘Wag na! Hindi naman kailangan!

Daren: Para araw-araw mo ‘kong yayakapin. ^___^

Louie: *blushing*

Emz!? Simula nung nagpaalam si Daren na manligaw, he’s becoming bolder and bolder.

I can’t deny na kinikilig ako, and I admit that I am enjoying it somehow.

Kaso… marami pa akong mga hinaharap na problema ngayon. Kailangan ko munang asikasuhin ang mga ‘yun.

Dahil naka-motor kami, maaga kaming nakarating sa school. Pababa na sana ako ng motor niya nang bigla siyang nagsalita.

Daren: Saan room mo? Hatid na kita.

Louie: W-W-W-Wag na!

Kapag nakita ako ng mga taga-Harpalyke na may kasamang lalake, baka kung anu-ano pa ang sabihin nila sa’kin! The less issues, the better.

Daren: Fine.

Bigla niyang inabot 'yung kamay niya na tila ba namamalimos.

Louie: Ano 'yan?

Daren: 'Di mo ba bibigyan ng tip ang driver mo?

Louie: S-Sapat lang 'yung baon ko para sa'kin!

Daren: Hindi naman kailangang cash eh...

Ngumiti siya bigla nang nakakalokong ngiti.

Syempre, ready ako with a response at pinakita ko 'yung kamao ko na handang sumuntok.

Louie: Eto, gusto mo!? -__-+

Daren: *sighs* Alright, I guess that would do.

Bigla niyang kinuha 'yung kamao ko at hinalikan ito.

Louie: O////O (blushing)

Daren: *smirks* End trip ko na, miss.

Louie: !!!! (still speechless)

Daren: Don't forget to give me a good review. ;)

.

.

.

.

At nakababa na nga ako sa motor niya at umalis na siya.

Daren: Bye, miss. Till our next trip. :P

Pero... tila naiwan ko yata 'yung puso ko sa kanya.

XX

SEE YOU NEXT CHAPTER~!

If this chapter somehow made you smile, please leave a nice review. Thank you!

-irshwndy

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.