#####Chapter 43 - Truth or Dare
Well of True Cherries
written by irshwndy
**
“Louie, ibasta mo na lahat ng gamit mo!”
Bibisitahin namin ngayon ang lola ko sa bagong bahay nila. Kakalipat lang kasi nila at tutulungan namin silang mag-ayos. Pupunta rin ang ilan sa mga pinsan ko.
“Louie, malapit na raw ‘yung sundo. Nakabihis ka na ba?”
Nagmadali na lang akong kumuha ng damit sa aparador. Dress akong kinuha ko para madaling suotin. “Ready na ‘ko!” hiyaw ko sa kanila.
Kinuha ko na ‘yung bag ko at nagmadaling bumaba.
Ahhh, weekends. A break from all the problems at school. A break from Resshin and Daren.
Sumakay na kami sa van ng tito ko. Isinuot ko na rin ang earphones ko at nakinig sa Today’s Top Hits. Habang nasa byahe ay panay kwento ng Kuya Arvie ko sa mga pinsan ko. Hindi na ako nakikisali dahil minsan lang namang maging bida ‘tong kuya ko, kaya hinahayaan ko na lang siyang magkuda at i-enjoy ang kanyang screentime.
“Malapit na tayo,” ani ng tito ko. Hindi ko namalayang nakalayo na pala kami. Binuksan ko ang bintana ng van at sumilip sa labas.
Tila lumuwa ‘yung mga mata ko sa bumungad sa akin.
‘Yung secret spot ni Daren—’yung bahay na hindi natapos gawin, ay nasa tapat ko mismo ngayon!
Huminto na ang van at sumigaw ulit ang tito ko, “Nandito na tayo! Baba na kayo.”
Binuksan na ng isa sa mga pinsan ko ‘yung pintuan ng van at isa-isa silang lumabas.
“Oy Lulu, hindi ka ba bababa?” tanong sa akin ng kuya ko, “Nauutot ka ba kaya gusto mong maiwan diyan?”
“Che!!! Hindi lang ako makapaniwala. Bakit tayo nandito!?”
“Luh, baliw. Binibisita natin si lola, may amnesia ka ba?” sagot sa’kin ni kuya.
“A-Alin ba rito ‘yung bagong bahay ni lola?” kabado kong tanong.
“Ayan, oh.” Sabay turo ng kuya ko dun sa bahay na katabing katabi mismo nitong secret spot ni Daren.
=_=
Out of all places, bakit dito lumipat ang lola ko!?
Bumaba na kami ni kuya sa van at lumapit sa mga pinsan namin. Hindi pa rin ako makapaniwala. Lahat sila ay nakatitig sa bagong bahay ng lola ko samantalang ako naman itong nakatitig doon sa katabing bahay na hindi natapos ang construction.
“Halika mga apo! Pasok kayo, ‘wag mahiya!”
Pumasok na kaming lahat sa loob at nagsimulang tumulong mag-ayos ng mga gamit ni lola. In fairness, nakakatulong rin palang makalimot ng mga problema itong paglilinis at pag-aayos ng mga furniture. Kami-kami mismong magpipinsan ang nagde-decide kung saan ilalagay ang mga sofa, drawer, at mga lamesa. Kami rin ang namili mismo ng mga carpet at mga kurtina.
Ganito pala ang feeling kapag kinasal ka na at may sarili na rin kayong bahay. Napangiti ako, at biglang pumasok sa utak ko ‘yung unfinished house ni Daren na katabi lamang nito.
“Kapag may asawa na 'ko, itutuloy ko 'tong bahay na 'to at dito kami titira.” Naalala ko bigla ‘yung sinabi niya sakin noon, “I want us to live here someday, Louie.”
“Apo, tila namumula ata ‘yung mukha mo. Masyado bang mainit? Lakasan ko ba ang aircon?” Nagulat ako dahil nasa harap ko na pala ang lola ko.
“O-Okay lang po, Lola! Hehe!”
“Napagod yata kayong lahat dahil sa pag-aayos ng mga gamit, halikayo at may inihanda akong merienda para sa inyo.” Niyaya niya na kaming lahat papunta sa hapag-kainan.
“L-Lola... ano po ito?” tanong ng isa naming pinsan. Ang tinutukoy niya ay ‘yung weird-looking green juice na nasa pitsel.
“Homemade broccoli juice! Pampalakas ‘yan ng katawan!” Proud na proud si Lola habang sinasalinan niya ang mga baso.
Nag-activate bigla ‘yung survival instinct ko at nagpaalam agad ako, “Lola! M-May pupuntahan lang po pala ako sa labas!”
Paalis na ako nang bigla akong hinawakan ng lola ko sa balikat. Pinagpapawisan ako sa kaba at takot.
“Ganun ba, Lulu? ‘Wag kang mag-alala, meron akong tumbler dito na mababaon mo.”
Pagkasabi niya nun ay inabot niya sa akin ‘yung tumbler na may laman nang broccoli juice. Tinignan ko itong maigi at tila may mga lumalangoy-langoy pang mga fiber! Yikes!
“S-Salamat, Lola! S-Sige, una na po muna ako!”
Tumakbo na agad ako paalis habang naririnig ko ‘yung kuya kong humihiyaw, “Hoy, Lulu! Ang daya mo tumatakas ka!”
Pagkalabas ko sa bahay, napatigil ako dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Maya-maya lamang ay dinala ako ng mga paa ko papunta sa katabing bahay na under construction. Sa secret spot ni Daren.
“A-Ano’ng ginagawa ko rito? Hay. Might as well look around.”
Bakit ba ako kinakabahan? Imposible namang nandito si Daren, ‘di ba?
Sementado na ang mga dingding ngunit wala pa itong pintura at mga bintana. Pero pagkapasok ko, nagulat ako dahil puno ng posters ng mga rock bands ang dingding sa loob. May maliit ring folding bed at mga ilang komiks sa sahig.
Yikes! May tumitira ba rito!?
Natakot ako dahil baka may kung sinong homeless ang makakita sa akin kaya naman umatras agad ako. Kaso may ligaw na kahoy sa sahig kaya natalisod ako patalikod. “Ahhhh!” Napatili ako dahil mukhang mapapasama ang bagsak ko!
I shut my eyes tight, bracing myself for the incoming impact. Pero after a few seconds, napansin kong walang nangyari. Huh?
Pagdilat ko, nakita ko ‘yung mukha ng isang gwapong lalake. Nasalo niya ako using his arm, which is supporting my back from falling. Para kaming sumayaw ng tango sa posisyon namin ngayon.
And the guy started to speak, “What are you doing here, Louie?”
Shet. This handsome guy turned out to be Daren! Biglang namula ‘yung buong mukha ko. Inalalayan na niya akong makatayo nang maayos. “I-I was just visiting my grandmother next door...”
“Oh? Lola mo pala ‘yung bagong kapitbahay ko,” ngiti niya.
“Kapitbahay? Dito ka ba nakatira?” My face looked confused.
Using his thumb, tinuro niya ‘yung folding bed na pinapalibutan ng mga posters at komiks.
“D-Did you run away from home!?” I asked him.
“Hahaha. Relax, tumatambay lang talaga ako rito every weekend.” He ended his laugh with a smirk, “Although... kinilig ako kasi you looked really concerned for me just now.”
“W-What?” I stuttered.
“Maybe I should run away from home for real, para lagi kang concerned para sa’kin.” Hinawakan niya ‘yung dulo ng chin ko.
“D-Don’t do that!” Inalis ko ‘yung kamay niya.
“Don’t do what? Run away from home or touch your face?”
“Both!!!” Tinulak ko siya palayo and took a deep sigh, trying to regain my composure.
“Ano ‘yang dala-dala mo? Gayuma ba ‘yan para sa’kin?” Tinuro ni Daren ‘yung tumbler ko na may lamang broccoli juice. Transparent kasi ‘yung tumbler kaya kitang kita ‘yung weird-looking green liquid sa loob.
“Broccoli juice ‘to. Kung gusto mo, sa’yo na lang.” Inabot ko sa kanya ‘yung tumbler at nilibot ko ‘yung lugar. Mukhang palagi ngang bumibisita rito si Daren. I could tell na nililinis niya rin ‘yung sahig from time to time.
“Masaya ba talagang tumambay rito?” tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya at hinawakan ‘yung wrist ko sabay hatak sa akin papunta doon sa folding bed. “H-Hoy! Saan mo ako dadalhin!”
“Relax. Wala akong gagawin sa’yo. Kanina ko pa sinasabi sa’yong rumelax ka lang, Louie. Masyadong wild ‘yang imagination mo kasi. Don’t worry, we’ll be doing those stuff soon when we get married.”
Nautal ako bigla dun sa sinabi niya at wala akong na-respond pabalik.
“I believe that experience is the best answer to a question. Kaya we’ll hang out in this place para malaman mo kung masaya bang tumambay rito.”
Umupo kaming dalawa doon sa folding bed at naglabas siya bigla ng mga baraha mula sa maliit na kahon na nandoon sa sulok.
“Bakit may baraha ka rito!?”
“I told you, this is my secret spot and I’m here every weekend. I come here to unwind and relax. It’s my happy place.” He started to shuffle the cards, “And it became even happier today.” He looked at me straight in the eyes, “Because I didn’t know that I would find my future girlfriend here.”
“Hoy, Daren. Masyado ka yatang confident. Sure ka bang sasagutin kita?” I talked back out of spite.
“Yup.”
Aba! Ang hangin ata rito! I raised my voice a little, “Paano ka naman naging sure, aber!?”
“Because I won’t stop courting you until you say yes.”
Hindi na lang ako nag-react doon sa sinabi niya. I tried to act cool even though deep inside ay nagwewelga na ‘yung puso ko sa kilig.
“Ano’ng lalaruin natin?” I asked him.
“Hmmm. What if we play a drinking game?” he smiled.
“W-What!? Underage pa ako! Bawal pa akong uminom ng alak,” sabi ko sa kanya.
He chuckled for a bit before answering, “Kapag drinking game, alak agad? Sakto kasi may dala kang weird juice. Kumbaga, equivalent siya ng alak bilang consequence.”
I was able to calm down after hearing that, “Okay, okay. Akala kung ano. Sige, payag ako. Tutal matatalo ka naman sa’kin at iinumin mong lahat ‘to.” I grinned.
“Hah. I like it when you’re being competitive, Louisa Cayabyab.”
He piled up the cards in one deck and placed it in front of us.
“Let’s play Truth or Dare. Kapag pula ang nabunot na card, kailangang sumagot sa kahit anong itatanong sa kanya—bawal magsinungaling. Kapag itim ang nabunot, kailangang uminom.”
I suddenly got excited. Earlier this morning, I was expecting to just spend a chill weekend at my grandmother’s house. Now I’m face-to-face with my enemy-turned-suitor, Daren Gil Mendoza.
.
.
.
“Alright, game.”
xx SEE YOU NEXT CHAPTER xx
Welcome to irshwndy’s cococorner!
Ayieee, kinikilig ang mga #TeamDaren at excited na sila sa next chap~! Yiheee.
Ang kinilig, kailangan mag-vote! Hurhur! So click that LIKE icon para tuloy-tuloy ang good vibes.
Like my Facebook page, “irshwndy” for memes and other fun content! May free wallpapers rin doon which I posted recently hihi.
VOTE.FOLLOW.LIKE.SAVE THE WORLD!