Well of True Cherries
written by irshwndy
**
“I saw something strange in Emma’s locker...”
Napalunok ako after finally saying it. Nasabi ko na, there’s no backing out now.
“Ano’ng nakita mo, Lulu?” tanong ni Resshin.
“It’s a picture of a little girl with someone who looks like her father? Hindi ako sure kung tatay niya nga. Pero ganun ‘yung dating sa akin ng picture.”
Sinundan ulit ng tanong ni Resshin, “Si Emma ba ‘yung batang babae?”
“Mukhang si Emma, pero hindi ako sigurado. Actually, kaya ko nabanggit sa inyo... dahil may isang bagay akong sigurado doon sa picture. ‘Yung matandang lalake, siya ‘yung—”
“Louie!!! Let’s go! We need to get that photo!” Tumayo bigla si Daren.
“W-Wait, bakit?” nagtataka kong tanong sa kanya. Hindi ko pa natatapos ‘yung sasabihin ko.
“I need to see that photo!” pirming sigaw ni Daren.
“Saglit lang! Saglit! Kasi ganito... may usapan kami ni Emma na hindi ko na papakialaman ‘yung locker niya ulit eh.”
“Why the hell do you need to listen to that woman?” inis na tanong ni Daren.
“I just... don’t want to ruin our friendship, okay? If we want to see that photo again, kailangan may permission ni Emma.”
Sumagot agad si Daren, “Pero how in the world can we make her agree to that? As if namang papayag siya basta basta.”
Bigla kaming napatingin kay Resshin na kanina pa tahimik at kumakain lang ng Chicken A La King niya.
“Hm? Ano ‘yun, may kailangan ba kayo sa’kin?” tanong niya habang ngumunguya.
.
.
.
Thirty minutes later after mag-dinner, bumalik ulit kami sa school. Nakatayo kami ngayon sa harap ng classroom ng Harpalyke. Hawak-hawak naming dalawa ni Daren si Resshin sa magkabilang balikat.
“Waaaah! Ano’ng kailangan niyo sa’kin!? Waaaah!” panay hiyaw niya.
“Resshin, please! Kailangan mong i-convince si Emma na payagan kang buksan ang locker niya.” pakiusap ko sa kanya.
“Huhuhu! Bakit kailangan kong i-offer ang katawan ko!? Nire-reserve ko ‘to para kay Lulu!” sabi ni Resshin habang tinatakpan ng kamay ang katawan niya.
“Baliw! Magpapaalam ka lang via phone! Tatawagan mo si Emma!” asar na sabi ni Daren, sabay kuha sa phone ni Resshin na nasa pantalon niya.
“Hoy, mag-ingat ka sa pagdukot! Kay Louie lang ‘yan!” sigaw ni Resshin.
“Hmph. Kay Louie nga ‘yan, pero akin naman si Louie.” sagot ni Daren sabay biglang akbay sa akin.
Bigla namang sumingit sa gitna si Resshin at inalis ‘yung kamay ni Daren sa balikat ko. “Fine! Tatawagan ko na si Emma. ‘Wag mo lang hahawakan si Lulu!”
Kanina ko pa pinipigilan ‘yung kilig ko sa kanilang dalawa. Masyadong back to back ‘yung mga banat nila, hindi kinakaya ng marupok kong heart! ToT
*Kring!*
Sinagot agad ni Emma ‘yung tawag after one ring. Mukhang malakas pa rin talaga ang tama niya kay Resshin.
“Hi, Em! Kumusta? Long time no talk.” Nakatingin sa akin si Resshin sabay kindat, bigla siyang nag-mouth ng words na tila ba sinasabing “‘Wag kang magselos.”
“M-May gusto lang sana akong hiraming libro sa’yo, eh. ‘Yung Advanced Calculus! Dala mo ba ‘yun?” patuloy lang si Resshin.
Samantalang kaming dalawa ni Daren, tahimik at nakaabang. Medyo kinakabahan na rin kung mahuhuli ba kami ni Emma o hindi.
“Ahhh, nasa locker mo siya?” Nanlaki ‘yung mga mata namin at nagkatinginan kaming tatlo sa sinabi ni Resshin. “Sakto! Nandito pa ako sa school, pwede ko bang kunin sa locker mo?”
Nakadikit na ‘yung tenga naming parehas ni Daren sa phone ni Resshin, nakikichismis. “Pwede? Yes! Thanks, Em! Ibabalik ko agad!”
Binaba na ni Resshin ‘yung phone. Bigla akong namula nung napansin ko kung gaano pala kalapit ‘yung mukha ko sa kanilang dalawa habang nakikinig sa tawag. Tila magkakapalit na kaming tatlo ng mukha sa sobrang lapit sa isa't isa.
“Mission accomplished! Nasan ang reward ko, Louie?” ngiti ni Resshin. Inilapit niya ulit ‘yung mukha niya sa akin.
“Mission is not yet accomplished, doggo. Kailangan pa nating kunin ‘yung photo sa locker ni Emma.” Hinatak naman siya agad ni Daren palayo.
I cleared my throat and lead the two of them inside our classroom. Sa loob, tinuro ko sa kanila ‘yung locker ni Emma. Pinuntahan agad naming tatlo at hinanap ‘yung larawan.
.
.
Kaso, wala na kaming makita.
“Sigurado ka bang ito ‘yung locker ni Emma?” tanong ni Daren.
“O-Oo! Bakit ganun, wala na ‘yung picture?” Nagsimula akong mag-panic.
“Baka nakaipit sa mga libro?” suggest ni Resshin.
Binuklat naming tatlo lahat ng mga libro doon, pero wala pa rin kaming makita.
“Resshin, kunin mo ‘yang Advanced Calculus. Baka mahalatang iba ‘yung pakay natin kapag hindi mo ‘yan hiniram.” sabay abot ni Daren sa kanya ng libro.
Nagpaalala rin si Resshin, “I-arrange niyo rin by color ‘yung mga libro pagsoli para hindi mapansin ni Em na ginalaw natin lahat.”
Medyo kumirot ‘yung puso ko pagkasabi niya nun. Kasi tama si Resshin, ganun nga inaayos ni Emma ang mga libro niya. Ibig sabihin, kilalang kilala niya nga si Emma dahil naging sila...
Nagulat ako dahil biglang ginulo ni Resshin ‘yung buhok ko sa ibabaw ng ulo. “Don’t worry, Lulu! Napansin ko lang ‘yun bago natin kunin ‘yung mga libro. ‘Di mo kailangang magselos! Hehe!”
Paano nalaman ni Resshin ‘yung nasa utak ko? Namula tuloy ako nang husto.
“Kabisado na kita, Lulu. Basang basa ko na ‘yung mukha mo kapag nalulungkot ka o nagseselos. Hehe.” dugtong niya.
Sa loob-loob ko, napapangiti ako. He may know Emma, but he knows me way way better. Even the tiny expressions of my face, memorized na ni Resshin.
*PAK!*
Biglang hinampas nang marahan ni Daren ‘yung ulo ni Resshin gamit ‘yung isa sa mga libro. “Can we stay focused on the mission, please?”
Inayos na namin ‘yung locker ni Emma. Hindi na talaga namin mahanap ‘yung picture.
Kasalanan ko ‘to, nabanggit ko pa kasi sa kanya kaninang lunch. Tapos nagmadali pa akong umalis kanina sa classroom. Baka tuloy itinago na niya sa ibang lugar.
“I’m sorry.” sabi ko sa kanila.
“Hey, cheer up.” Inangat ni Daren ‘yung chin ko mula sa pagkakayuko. “At least we know that it exists, because I wasn’t sure before.”
Umupo kaming tatlo sa mga seats doon sa classroom.
“Bakit mo pala kailangan ‘yung picture na ‘yun, Daren?” tanong sa kanya ni Resshin.
“I just know that Emma is hiding a very important clue. I am not sure kung ano, pero I’m guessing na it’s that photo. ‘Yun ‘yung hinahanap ko sa kanya dati na ipinatago niya saglit kay Lex, kaya ko binully si Lex noon as Black Cat.”
Naalala ko nga 'yung nangyaring iyon, may ipinatago nga si Emma sa bag ni Lex noon.
‘Yung picture nga kaya iyon?
Nag-ring bigla ‘yung cellphone ko.
“Hello? Kuya Arvie? Oo, nasa school pa ako. What!? Okay, fine.” Ibinaba ko na ‘yung phone.
Nakatitig naman sa akin si Daren at Resshin, tila ba nag-aabang ng balita kung tungkol saan ‘yung tawag sa’kin ng kuya ko.
“Sorry, mukhang may sasabayan pala ako pauwi ngayon. Hehehe.” sabay belat ko at umalis na doon sa classroom.
“Hooooy, Louieee! Bawal talkshit! Sabi mo sasabayan mo ang isa sa amin!” sigaw ni Resshin kahit nakalayo na ako.
“Don’t leave me alone with this dogface!” pahabol na hiyaw ni Daren.
Tumakbo na ako palayo at iniwan na silang dalawa.
Actually, nag-text talaga ako sa kuya ko kanina na tawagan ako hehehe. Humihingi ako ng saklolo na sunduin ako para makatakas dun sa dalawa. Paminsan-minsan, kakampi naman ang kuya ko at hindi laging kontrabida sa buhay ko hehe.
.
.
.
Sayang, wala na ‘yung picture ni Emma.
Pero bakit ganun? Tila may nakalimutan akong importanteng bagay?
Hmmmm...
xx SEE YOU NEXT CHAPTER xx
Please VOTE, VOTE, VOTE! Well of True Cherries is a story that’s super close to my heart and it needs more love! So please Vote or click Thumbs Up sa bawat chapter if you love this story too! <3
Like my Facebook Page: irshwndy
Thank you, CatPups~!