#####Chapter 45 - The Dare
Well of True Cherries
written by irshwndy
**
“B-Bakit naging kayo ni Aika?”
“If you really want to know, then I’ll tell you.” He took a deep sigh, “It actually happened here, in this very place.”
“W-What!?” Nakaramdam ako bigla ng selos at binalak kong bawiin ang kamay ko mula sa kanya. Ngunit pinigilan niya ito at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
“Let me finish my story first,” diin niya, “Listen carefully, Louie.”
I bit my lip and readied my heart as I listened to the story about their past.
“It happened around three years ago, when I was still in my first year,” he began, “Matagal nang may gusto sa akin si Aika kahit hindi kami magka-section. Lagi siyang bumibisita sa classroom namin at inaabangan ako tuwing lalabas ng room. Aaminin ko, may itsura siya at botong boto sa amin ang mga kaklase ko. Pero ewan ko ba, hindi talaga ako magkagusto-gusto sa kanya.”
Habang nagkukwento siya, hindi ko mapigilang makumpara ito sa kwento ni Resshin noon tungkol sa kanila ni Emma. Magkaparehas pala kasi sila ng sitwasyon.
“‘Yung mga pasilip-silip sa classroom at pag-abang sa akin pauwi, became worse each day.” Nagbago ang tono ni Daren, at medyo may pait sa mga mata niya, “Her crush... became an obsession. She was practically stalking me, even outside school.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Pumasok sa isip ko ‘yung maamong mukha ni Aika. Parang wala sa itsura niya ang pagiging stalker. Pero kung ganoon katindi ang inis ni Daren sa kanya, paano naging sila?
Nagpatuloy si Daren sa kwento niya, “Kahit nasa bahay ako, lagi siyang naghihintay kung tuwing kailan ako lalabas. Kahit walang pasok, kapag sumisilip ako sa bintana ay nakikita ko siyang nakaabang. I was actually getting scared that time. Wala lagi ang mga magulang ko kaya wala akong masumbungan. Ayoko rin namang idamay ang kapatid kong si Kimmy dahil grade school pa siya at ayaw ko rin na matakot siya bigla.”
Habang nakikinig ay hindi ko mapigilang ma-bother sa kwento ni Daren. I had no idea na may ganito pala siyang pinagdaanan noon. Hinawakan ko pabalik ang mga kamay niya dahil nagsisimula na itong manginig.
“One day, I got really fed up with it. I decided to go away from home and visit this place... because I consider this secret spot to be my personal sanctuary. I thought that I would feel safe here.” He sighed deeply before continuing, “Kaya nagmadali akong lumabas ng bahay at tinawag ko ‘yung driver namin. Nakilala mo na siya ‘di ba? Inutusan ko siyang ihatid ako rito.”
‘Yung driver nila Daren! Oo nga pala, siya rin ‘yung nakita ko sa larawan ni Emma at hindi ko pa ito nasasabi sa kanila.
Hinayaan ko na munang magkwento si Daren, “Pagkabukas ng pintuan ng kotse, laking gulat ko dahil sumunod si Aika sa loob at sumakay rin. I panicked. I told her to get off the car. Ang sabi niya sa’kin ay pagbigyan ko raw muna siya dahil wala naman siyang masamang intensyon. Gusto niya lang raw talaga akong makilala.”
I can hear the sound of Daren’s heart beating loudly in fear. I decided to hug him from behind in order to help him calm down.
“I felt very uneasy that time, pero ang sabi sa akin ng driver namin ay pagbigyan raw muna namin siya dahil mukha namang wala siyang balak na masama. Kunsakali raw na may gawin si Aika ay ibababa niya raw ito agad,” patuloy ni Daren, “So we both let her. Nakasalumbaba lang ako buong byahe. Nakayuko naman si Aika at wala naman siyang masamang kinilos. Hanggang sa makarating na kami sa lugar na ‘to.”
Hinigpitan niya lalo ‘yung hawak sa kamay ko, medyo nasasaktan ako sa diin ng pagkakahawak niya pero hinayaan ko lang siya dahil alam kong kailangan niyang ibuhos ang nararamdaman niya.
“Sinundan niya ako hanggang sa pagbaba. She kept asking me why I couldn’t give her a chance to become my girlfriend. Sabi niya na lahat sa batch namin ay nirereto kami sa isa’t isa. Isinisigaw niya na maganda’t matalino naman siya kaya hindi niya maintindihan kung bakit ayaw ko pa rin sa kanya. Habang sinasabi niya ang mga ito ay nasa loob na kami nitong bahay na under construction. Sunod pa rin siya nang sunod sa akin. Umakyat ako sa hagdan na wala pang hawakan, medyo delikado umakyat dito kaya panatag akong hindi niya ako susundan.”
Nakita kong nanlilisik na sa galit ang mga mata ni Daren.
“But I was wrong. Sumunod pa rin si Aika kahit wala pang suporta ang hagdanan. She still kept yelling na she should be my girlfriend. Sa sobrang inis ko ay humarap ako sa kanya para sabihing lumayo siya... kaso...” Daren bit his lip out of bitterness, “Napasama ‘yung pagharap ko at nasagi ko siya. Hindi ko ito sinasadya, pero kasalanan ko kaya naaksidente siya at nahulog sa hagdanan.”
Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat.
“Napahiyaw ako sa takot at tumakbo agad ‘yung driver namin para tumulong. Siya ang tumulong magdala kay Aika sa hospital. Pagkatapos nun ay halos ilang buwang nasa hospital si Aika. At kahit matagal na panahon na ang lumipas at fourth year na kami ngayon, dahil sa mga surgeries na natanggap niya ay tuluyan nang naging mahina ang likuran niya. Kaya naman kahit hanggang ngayon ay pabalik-balik pa rin siya sa hospital.”
“I’m sorry to hear that, Daren...” Naipon ang mga luha sa mga mata ko at niyakap ko si Daren nang mahigpit.
“I felt responsible for what happened, kaya I decided to take care of her and become her boyfriend. It is what’s happening to Resshin right now, kaya kahit karibal ko siya sa’yo ay gusto kong tulungan siya upang hindi siya magaya sa kapalaran ko. I had been faking my love for years... until I met you.”
He cupped my face using his hand and continued his words, “When I met you sa Black Cat Arcade, I instantly fell in love. I thought, ‘This is the girl I want to take care of’ kaya nakipaghiwalay ako kay Aika. After that, I mustered the courage to go back to this place. This unfinished house is very important to me despite the accident that happened here, that’s why I decided to face my fears. Nilabanan ko ‘yung trauma at naka-ilang balik sa lugar na ito.”
He started caressing my face as his lips turned up into a sad smile, “Every week, I would go back here and recall that terrible event. I was palpitating and sweating cold every time I would sleep here. Mag-isa kong niyayakap at pinapakalma ang sarili ko tuwing gabi. Pero I forced myself to bring back the love I had for this place. Palagi akong bumibisita rito hanggang sa tuluyan akong maka-move on sa nangyari. I was able to overcome that tragedy.”
Nilapat niya ang noo niya sa noo ko, hinawakan ko ‘yung kamay niya na nakahawak sa mukha ko.
“This used to be my happy place before that incident, and I still want this to be my happy place despite what happened. I want us to create lots of happier memories here, Louie.”
Ngumiti ako at bumunot ng baraha. Pula ang nakuha ko at ipinakita ito sa kanya. “Your turn to ask,” I told him.
“Can you give me a happy memory here, Louie?”
“Is that your question, Daren?”
“Yes...”
“That sounds more like a dare, but...” For the first time ever, I leaned my face closer to his and brushed my lips against his. I kissed him slowly, very slowly, making the most out of every second. He returned my kisses with the same softness and carefulness.
I didn’t want to stop, but I know that I have to return to my grandmother’s house soon.
I pulled away and hugged him, “But I’m willing to take that dare, Daren.”
“Louie...”
“Yes?”
“Ang... pait nga ng brocolli juice.”
Namula ‘yung buong mukha ko nang bigla kong na-realize na lasang brocolli juice siguro ‘yung buong bibig ko kanina nung hinalikan ko siya!
“Hahaha! That’s still the sweetest brocolli juice that I’ve ever tasted,” he smiled, “I don’t mind tasting it again.”
“Daren... about that driver, I have something to tell you.”
.
.
.
xx SEE YOU NEXT CHAPTER xx
Whoa, Well of True Cherries is not calming down! Please give it more love and share it to your friends! Let's support Louie and the gang by voting 5 stars!
Also, I decided to call the readers of Well of True Cherries "CatPups" :D
It's a combination of Daren (Cat) and Resshin (Pup), because they both play an important role for this story. Saka isa pa, cute kasing pakinggan! Hihihi. Cute kasi kayo hihi.
I hope this story becomes a physical book soon. After ma-complete nito, I'll work on revising its format into a formal novel. Hope you guys can support Well of True Cherries when that happens!