Chapter Weird Feelings

#####Chapter 46 - Weird Feelings

Well of True Cherries

written by irshwndy

**

“Daren... about that driver, I have something to tell you.”

Kumunot ang noo niya pagkasabi ko ng mga salitang ‘yun. I admit, it was kinda out of nowhere. But I believe that it’s something important that I have to bring up right now.

Napatingala siya at nagtanong, “Ano’ng meron sa kanya?”

“Siya ‘yung nasa larawan na tinatago ni Emma. At... nakita ko rin siya isang beses sa may bahay nila Emma at Aika.”

Hindi pa rin nawawala ang lukot sa pagitan ng mga kilay niya kaya nagpatuloy ako sa pagtanong, “Don’t you think that’s weird? Is he Emma’s father? Because they looked like it doon sa picture ni Emma na nakita ko.”

“Yeah, it is weird. Pero iba ang tatay nila Aika at Emma. Nakilala ko na kasi ang parents nila noong kami pa ni Aika, at hindi siya iyon. Magkaibang magkaiba sila. Maykaya ang magulang nila Aika’t Emma.” He paused for a bit before continuing, “But I do admit that it is weird. Baka naman hindi si Emma ang nasa larawan? Sigurado ka bang si Emma ‘yun?”

Inalala kong maigi ‘yung larawan, pero mabilisan ko lamang iyong nakita kaya hindi rin ako sigurado. Mas nagbigay pansin kasi ako doon sa lalakeng nasa larawan nang makilala kong iyon ‘yung driver nila Daren. “Baka mali nga ako at hindi ‘yun si Emma,” sabi ko sabay yuko.

Ngumiti si Daren at inuntog niya nang marahan ang noo niya sa ulo ko. “Don’t be sad, little girl.” Lumingon ako sa kanya at ngumiti pabalik. Nagsalita siyang muli, “It’s still weird that Emma is hiding a photo of my driver. Pero as of now, I can’t think of any reason why. Don’t worry, pagmamasdan kong maigi kung may kakaiba sa driver namin. I will look into this further.”

Tumunog bigla ang cellphone ko. “Yikes!” Napatayo ako nang mabasa ko ang text ng kuya ko na pinapabalik na ako sa bahay ng lola ko. Hindi niya raw ako mapapatawad kung nauna na akong umuwi sa amin at iniwan ko siya roon.

“Daren, pasensya na. Kailangan ko nang bumalik!” Ibinalik ko na ang mga baraha sa lalagyanan at kinuha ko na ‘yung tumbler ko. Paalis na ako nang lumingon ulit ako kay Daren. Nakatingin lang siya sa akin at nakangiti.

“What!?” singhal ko sa kanya. Mukha kasing nakakaloko ‘yung ngiti niya, eh. Tila ba may reason behind it at may halong pang-aasar.

“What?” sagot niya sa’kin pabalik habang nakangiti pa rin.

“B-Be careful when you sleep here, okay!? Walang pintuan dito kaya kayang-kaya kang pasukin!”

Tumawa siya bigla nang malakas kaya napatanong ako bigla, “Bakit ka tumatawa?”

“Kung umasta ka kasi parang girlfriend na kita, eh.”

Napaatras ako bigla sa sinabi niya. Pero bakit ganun? Tila ayaw pa rin ng mga paa ko na umalis sa lugar na ito. Tila naghahanap ang mga dila ko ng dahilan para magtagal pa ako rito... even if it’s just for a few seconds longer. Bakit parang gusto pa ng katawan ko na maiwan dito kasama si Daren?

Kumuha muli ng baraha si Daren at ipinakita niya sa akin na kulay pula ito. He then asked me, “Will you come back here again?”

“Ang daya mo talaga, ‘yung nakabunot ang dapat na tinatanong.” I looked at the floor and asked him a question, “Will you let me hang out with you again if I do?”

“The Truth? Of course, Louie.” Tumayo siya at lumapit sa akin. Nasa may sementadong hugis ng pintuan na kami. “Especially if you’ll let me have a taste of that broccoli juice again.”

I couldn’t control the redness of my face. Alam kong hindi ‘yung broccoli juice ang tinutukoy niya. Nagsungit na lang ako para matago ‘yung kilig ko, “Paalam, alis na ‘ko!”

“Bye! Bisita ka ulit, ha.” Pagkasabi niya nun ay nag-acting siya na may kunwaring pintuan doon sa butas at sinara niya ito kuno. Hindi ko mapigilang mapangiti sa ginawa niya. At hindi na rin naalis ‘yung ngiti ko hanggang sa makabalik ako sa bahay ng lola ko. I sure want to go back to that place again, I thought.

Habang kasama ko ang mga pinsan ko, hindi maalis sa utak ko ‘yung mga nangyari sa amin ni Daren kanina. We were super intimate in that place!

“Louie, kinukwento ni RJ na nabasted siya ng nililigawan niya. Bakit ka nakangiti diyan?” epal na tanong ng kuya ko. Napawi tuloy ‘yung panandaliang saya ko at bumalik sa pakikinig ng heartbreak story ng pinsan ko.

Nang tulungan ko namang maghugas ng mga pinggan si lola, hindi ako maka-focus dahil naalala ko ‘yung maraming beses na sobrang lapit ng mga mukha namin ni Daren sa isa’t isa. I didn’t know that being within such a small proximity with someone can make your heart flutter.

“Lulu? Nalagay mo ‘yung mga plato sa lalagyanan ng mga baso. Tapos ‘yung mga kutsara’t tinidor naman, tatlong beses mo nang sinabon at inanlawan,” biglang salita ng lola ko.

Hanggang sa dumating ‘yung gabi’t nakahiga na ako sa kama ay nakatulala pa rin ako sa kawalan. Nag-flash sa utak ko ‘yung halik namin kanina. Iyon ‘yung unang beses na ako ang nag-umpisa at humalik sa kanya. Inilapat ko ang dalawang daliri ko sa ibabaw ng mga labi ko.

“Bakit ganun? Nag-kiss naman na kami dati, pero bakit iba ‘yung pakiramdam this time?” tanong ko sa sarili ko. Mga ilang minuto lamang ay pinilit ko na lang makatulog... kahit na gising na gising ang puso ko.

xx CONTINUE TO THE NEXT CHAPTER xx

On a roll po ako ngayon sa pagsulat ng Cherries hehe. Sana po ay mapagbigyan niyo ang aking kahilingan... FOR VOTES! Please vote vote vote for Well of True Cherries para masarap ang ulam nating lahat mamaya! :D

Share niyo rin itong story sa friends niyo, sabihin niyo ang kulit kasi ng author wahahaha.

The next chapter is already up! Enjoy reading, my #CatPups!

Facebook Page: irshwndy

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.