Chapter EPILOGUE

SURPRISE EPILOGUE

**

“Black.”

“White!”

“Black nga sabi.”

“Mas maganda ang white!”

Sampung taon na ang nagdaan simula nang maaksidente si Resshin at nakulong ang tatay ni Emma. Heto kami ni Daren sa mall, hanggang ngayon ay hindi pa rin magkasundo pati ba naman sa magiging kulay ng kama sa bahay.

“Mas maganda ang white na bedsheet! Mukhang malinis!” giit ko sa kanya.

“Para sa’n pa? Dudumihan rin naman natin?” ngisi niya.

Namula ako sa sinabi niya. Pati ‘yung saleslady na nag-assist sa amin ay namula rin. Ito talagang si Daren, walang pinipiling lugar pagdating sa kapilyuhan!

“Sige na miss, kunin na namin ‘tong white. ‘Yung asawa ko kasi ang nasusunod sa kama,” ngiti ni Daren.

Halos nangamatis na ‘yung mukha ko sa hiya, tapos ‘yung saleslady naman ay tila ‘di pinapatahimik ng kanyang hyperactive imagination habang ibinabasta ‘yung bedsheet na bibilhin namin.

Isinakay na namin ang mga pinamili sa likuran ng kotse at nag-drive na paalis. After roughly 30 minutes ay nakauwi na kami sa bahay namin—which is right next to my lola’s house. Yup, itinuloy namin ni Daren ang pangarap niyang ipagawa ang dati nilang unfinished house. Our sweet little secret spot.

Pagkababa sa kotse, nagkatinginan kami ni Daren dahil parang may mga naririnig kaming kaluskos na nanggagaling sa loob ng bahay. Nagmadali kaming pumasok at nagulat nang mapansing bukas ang pintuan.

“Surprise! Happy wedding anniversary!”

Bumungad sa amin sina Sam, Kimmy, Resshin, at ang fiancee niya na si Allie. Lahat sila ay may hawak na balloons at mga alak.

“Paano kayo nakapasok!?” nagtataka kong reaksyon sa kanila.

Lumapit si Daren kay Kimmy at ginulo ang buhok niya. “Sino pa ba? Malamang itong makulit na kapatid ko ang may pakana. May spare key kasi siya ng bahay.”

“Hehehe!” belat ni Kimmy.

Tinulungan ni Resshin magbaba ng gamit si Daren mula sa kotse. Kami namang mga girls ay nag-set up ng karaoke, hinihiyatan kasi namin si Sam na kumanta.

“Punta lang ako sa kusina para kumuha ng pwede nating makain,” ani Daren.

“Ay, Daren! Wait—” pahabol ni Resshin, kaso huli na ang lahat.

“Uggghh!” hiyaw ni Daren nang dambahin siya ng alagang aso ni Allie.

Napakamot ng ulo si Resshin. “S-Sorry Daren, hindi ko nasabi agad na nandito si Shinichi.”

“I-Ilayo niyo siya sa’kin! L-Louie, get him off me!” halos maiyak-iyak na saklolo ni Daren. Lahat naman kami ay nagtawanan. Takot kasi si Daren sa mga aso, bilang may lahi ata siyang pusa. Inilayo na ni Allie at Resshin si Shinichi kahit na gustong gusto pa nitong dilaan si Daren.

“Ay, Kuya! Can you prepare something that’s good for seven people?” bilin ni Kimmy.

Nagkatinginan lang kami ni Daren at ginawa nga ‘yung request ng kapatid niya. Naghanda kami ng sari’t saring mga pagkain. Merong chicken wings, french fries, chips, cold cuts, at isang bowl ng cherries!

Nag-umpisa ang kakulitan ni Sam na medyo lasing na ata dahil kumuha siya ng isang pirasong cherry at iwinawagayway ito sa harapan ng mga mukha namin. “Sabi nila, good kisser raw kapag nabuhol itong tangkay ng cherry gamit ang dila.”

“Sige nga! Sige nga!” hirit naman ni Kimmy na kunsintidora.

Lahat kami ay kumuha ng tig-iisang cherry at sinubukan nga ang sinabi ni Sam.

“Nagawa ko!” hiyaw ni Kimmy.

“Ehhh, bakit ang hirap!?” ani Sam.

“Kumusta sa’yo, Shin?” tanong ni Allie.

“Hehehe! Mukhang swerte ka sa’kin, Allie my sweetie!” Inilabas ni Resshin ang tangkay mula sa bibig niya at ipinakita ang pagkakabuhol nito. Halatang kinilig naman si Allie.

“Louie, kanina ka pa diyan ha!” Sam called out.

Mga dalawang minuto na ang lumipas pero ito pa rin ako at hirap na hirap. Magkasalubong na ang mga kilay ko pero ayoko pa ring sumuko. I AM A GOOD KISSER! I just know it! Hindi ako magpapatalo sa tangkay ng cherry na ‘to!

“Halika, tulungan na kita.” Nagulat ako dahil hinawakan ni Daren ang magkabilang pisngi ko at bigla akong hinalikan sa harap ng lahat.

“Ayieee!” hirit ng mga kaibigan naming nanonood sa amin habang hinahalikan ako ni Daren.

Ang mga dilat na dilat kong mga mata ay napapikit nang maramdaman ko ang pagpasok ng dila ni Daren sa loob. His tongue was leading mine, helping it tie up the stem of cherry inside my mouth.

“U-Uhh, guys, iwanan na ba natin sila?” biro ni Sam. “Sabihin niyo lang if gusto niyo na kaming umuwi!”

Inilayo na ni Daren ang mga labi niya at ngumisi siya. Kinuha ko ‘yung tangkay ng cherry mula sa bibig ko at tinignan ito.

Lahat ng mga mata ng mga tao sa kwarto ay nakapako doon sa buhol-buhol na tangkay ng cherry na hawak ko. Hindi ko mapigilang mamula’t mahiya.

Sorry, guys. I guess my husband is the best kisser.

‘DING-DONG!’ Saktong tumunog ang doorbell namin no’ng nagkakaasaran na kami. “Ako na kukuha!” aniko habang papunta sa pintuan.

Binuksan ko ito at nagulat sa’ming bagong bisita. “S-Sorry I’m late. Makakahabol pa ba ako? Happy anniversary sa inyo ni Daren.”

Ngumiti ako at niyakap ko siya. “Of course, you’re welcome! I’m glad nakabisita ka!”

“Emma!” binati siya ni Kimmy na sumunod sa’kin sa pinto para salubungin siya.

“I also brought a couple of old friends with me, kung okay lang.”

Mula sa sinasakyang SUV ni Emma ay bumaba ang mga pamilyar na mukha mula sa dati naming high school.

“Oh my god! Lex! Marko!” excited kong hiyaw at agad na niyakap sila.

Pagpasok nila sa loob ay naiwan muna kami saglit ni Emma sa may pintuan.

“Salamat sa lahat, Louie. Hindi ka tumigil sa pagpapadala ng sulat sa akin noong nasa ward pa ako,” nahihiyang sabi ni Emma.

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya. “Wala iyon. Masaya ako at magaling ka na. We all deserve a friend, especially at times when we feel alone.”

Nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ni Emma. “Maraming salamat, Louie. Hindi mo ako pinabayaan at binigyan mo ako ng pagkakataong magbago. Maraming maraming maraming salamat...”

Napaluhod siya dahil sa sobrang pag-iyak. Lumuhod rin ako at niyakap ko siya. Walang tigil ang kanyang paghagulgol, kaya patuloy rin ang paghagod ko sa likuran niya para pakalmahin siya.

Like cherries, we always need someone to connect with—may it be a friend or a lover—or else, we will grow weak and wilt away if we stay alone. Emma grew up feeling alone even if she was a part of a family. Hindi niya kailanman naramdaman na parte siya ng kanyang itinuturing na pamilya. Maling mali ang mga nagawa niya, pero hindi ko siya hinayaang mag-isa. Sa pamamagitan ng mga palitan ng liham, unti-unti naming nakilala at napatawad ang isa’t isa.

Naaalala ko pa ang mga sinabi sa akin ni Resshin noon sa ospital, “Kumpol-kumpol kasi ang mga cherries kapag tumutubo sila sa puno.”

Gano’n rin kami. Ako, na konektado kay Sam, na konektado kay Kimmy, na konektado kay Daren, na konektado kay Aika, na konektado kay Emma, na konektado kay Resshin, na konektado sa’kin. Ang mga buhay namin ay parang mga tangkay ng cherries na magkakadikit—and we need each other in order to grow stronger.

Ikaw, nahanap mo na rin ba ang tangkay na kumokonekta sa kabilang pares mo? Kung oo, mapapangako mo ba sa’kin na hindi mo ito puputulin?

xx END xx

Thank you for reading Well of True Cherries by irshwndy.

Sana ay nakarating ang mensahe ng librong ito sa mga puso niyo hihi. Please recommend this story to your friends on Facebook, Twitter, Instagram, or TikTok!

FACEBOOK PAGE: irshwndy

TIKTOK: irshwndy

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.