Chapter 54 - A Pair of Cherries
Well of True Cherries
written by irshwndy
** ** **
LOUIE’S POV
Simula umaga ay panay iyak na ng cellphone ko. At kapag sinasagot ko ito, ay kung anu-anong mga offers at scam calls ang mga natatanggap ko.
“Hi, Miss Cayabyab! Gusto niyo po ba ng FREE subscription?”
“Miss Cayabyab, open-minded po ba kayo magtayo ng franchise?”
“Congrats, Miss Cayabyab! Nanalo kayo ng 1 million pesos, just sign our form...”
Sa sobrang irita ko ay ginawa ko munang naka-mute ang phone ko, para hindi na muna nila ako gambalain. Nakakapagtaka na sabay-sabay ang mga tawag nila ngayong araw, hindi ko alam kung bakit. Tila ba sadya o planadong guluhin nila ang araw ko.
Napatawag tuloy ako sa jowa ko para magreklamo, “Babe, libre mo ako ng milk tea! Stressed agad ako umaga pa lang, eh.”
“Hahaha! Ang cute mo talaga kapag nagiging honest ka. Alright, my baby’s wish is my command,” sagot ni Daren sa kabilang linya.
“Cute ako, honest man o hindi!” hirit ko pabalik. “See you, labyu!”
** ** **
Namasyal kami ni Daren sa may Salcedo, marami kasing kainan doon. Naroon din ang favorite milk tea place ko. Habang nakapila sa loob ng Serenitea ay may nakita akong naglalako ng fishball sa kabilang kalsada.
“Daren, bili lang ako ng fishball! Miss na miss ko na ‘yon eh, please?” I pouted my lips like a little kid.
“Ikaw, ha. Porket alam mong cute ka, sinasagad mo. Go babe, ako na bahalang pumila rito.” Daren ruffled my hair before giving me a peck on the head.
Excited akong lumabas at naghintay makatawid. Nang wala nang sasakyan ay naglakad na ako papunta sa fishball stand.
“Louieeeee!”
Paglingon ko, nakita kong tumatakbo si Resshin papunta sa akin. His face looks like he’s scared to death. Narinig ko namang humihiyaw rin si Daren sa kabilang kalsada at nagkukumahog papunta sa’kin. Panic is written all over his face as well.
Ano’ng ginagawa ni Resshin dito? Bakit ako hinahabol ni Daren? Why are they both running towards me? These are all the thoughts that flashed in my head for a split second.
Suddenly, the image of a car rushing in my direction appeared in the corner of my eye. Sa sandaling iyon, nakita ko ang mukha ng driver nila Daren na nagmamaneho ng kotseng iyon.
Time stood still. Ito na ba ang katapusan? Napakabilis naman.
.
.
.
Sigh, hindi ko pa naiinom ang milk tea na libre ni Daren.
‘BLAM!’
Everything turned white. I can hear the faint sounds of people screaming, and the siren of an ambulance nearby.
“Louie! Louie!” I opened my eyes and saw my lover crying in front of me.
“D-Daren?”
“Louie... are you okay? S-Si Resshin...”
I got up and sat straight. Nasugatan ang noo ko pero wala akong any major injury. May dumaan sa gilid ko na stretcher, at paglingon ko rito ay nakita kong nakahiga ang isang duguan na Resshin.
“RESSHIN!!!” I yelled at the top of my lungs.
Tumakbo kami ni Daren papunta sa ambulansya at sumakay para samahan si Resshin.
“Resshin, please! Stay with us!” Punong puno na ng mga luha ang mga mata ko, halos hindi na ako makakita.
“Resshin, nandito kami ni Louie! Kumapit ka lang sa’min! ‘Wag na ‘wag kang bibitaw!” hiyaw ni Daren.
Nang makarating sa ospital ay ipinasok na nila si Resshin sa emergency room at naiwan kami ni Daren sa labas. Niyakap niya ako nang mahigpit habang parehas kaming umiiyak.
“Resshin saved you... That fucked up driver tried to hit you!” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Daren.
“B-Bakit?”
“That psycho Emma probably instructed him. Hindi na sila pwedeng palagpasin! If something bad happens to Resshin, I’ll never fucking forgive them!” Sinuntok ni Daren ang pader.
Habang naghihintay ng resulta ay narinig namin ang ilang mga yabag na papalapit sa amin.
The people I saw were the ones that I least wanted to be here—si Emma at ‘yung driver ni Daren, nandito ngayon sa ospital.
Lumapit ang isang alalang-alalang Emma sa amin. “H-H-How’s Resshin?” Nanginginig ang boses niya habang nagtatanong.
Hindi ko na napigilang sampalin siya. “How can you do this!? How crazy are you, Emma!?”
“Hindi ‘yon dapat si Resshin! I-Ikaw dapat ‘yon!”
Palapit na sana sa kanya si Daren para saktan siya pero pinigilan ko siya.
“Let me go, Louie! I want to kill this bitch!” giit ni Daren.
Lumapit sa amin ‘yong driver nila Daren, nanginginig ang buong katawan niya dahil sa kasalanang nagawa niya. “A-A-Ako na mismo ang magpapaliwanag sa mga pulis! Hindi ko na kaya! Hindi ko na kayang makipagsabayan sa mga kahibangan na ito!”
Dumating na rin ang mga pulis upang tanungin kami sa nangyaring aksidente. Huhulihin na nila ‘yong driver sa kasong reckless driving pero bigla siyang umamin, “Hindi lang po ito isang aksidente. Magpapaliwanag po ako sa kulungan. Pero kung pwede lang sana ay hindi niyo ikulong ang anak ko.”
Nagulat si Emma sa sinabi ng driver. Kahit kami ni Daren ay napakapit sa kamay ng isa’t isa. No way, anak niya si Emma? Kung gano’n ay tama nga ang hinala ko no’ng una. Pero bakit sabi ni Daren ay may iba silang tatay?
Lumingon si Emma at lumapit papunta sa’kin. Umatras ako at hinarangan naman siya agad ni Daren. “What do you want?” tanong ni Daren.
“Louie... I just have one last favor,” umiiyak niyang sabi, “Balitaan mo ako please kung ano’ng kalagayan ni Resshin.”
Pagkasabi niya no’n ay sumama na siya ng mga pulis at lumayo na silang tuluyan sa amin.
** ** **
Limang araw na ang nakalipas simula ng mangyari ang trahedyang iyon. Binisita ko si Resshin sa ospital kasama si Daren, ito ang unang araw na pwede na raw siyang tumanggap ng bisita ayon sa doktor.
“Wow! Fruit salad!” Malaki ang ngiti ni Resshin nang makita niya ang dala namin para sa kanya. Kahit maraming bandage sa mukha niya ay nagawa niya pa ring ngumiti.
“Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong ko sa kanya.
“Nakulong na si Emil, samantalang si Emma naman ay nabalitaan kong confined sa isang ward,” balita ni Daren.
“I see... I hope ay magbago na nga talaga for good si Emma.” Sumubo si Resshin ng isang pirasong sliced apple. “Mmmm! Refreshing!”
I smiled at his childlike antics. Iba talaga ang kabaitan nitong si Resshin. Siya na nga itong nasa ospital, pero nagawa niya pa ring mag-hope para sa ikabubuti nila Emma.
Nakakuha ng cherry si Resshin sa fruit salad at napatigil sa pagsubo. “Daren, ayos lang ba kung kausapin ko muna si Lulu mag-isa?”
Lumingon ako kay Daren at tumango siya. “Walang problema, doon muna ako sa labas ng kwarto.” Bago umalis ay chineck muna maigi ni Daren ang mga nakabendang kamay at paa ni Resshin. “Okay, mukhang wala ka naman sa tamang kalagayan para gumawa nang masama. Sige, iwan ko na kayo. Louie, sigaw ka lang kunsakali.”
“H-Hoy, Daren! Grabe ka! Don’t you trust meee?” pa-cute na iyak ni Resshin.
“Hahaha. Binibiro lang kita! Oo naman, may tiwala ako sa’yo. Malaki rin ang pasasalamat ko sa pagligtas mo kay Louie.” Lumapit si Daren kay Resshin and gave him a fist bump. “You’re one cool doggie. Salamat at nariyan ka, Resshin.”
Lumabas na si Daren at naiwan kaming dalawa ni Shin sa loob. “Louie, ayos lang ba kung i-abot mo ‘yung papel at lapis sa may desk?” pakiusap niya sa’kin.
Kinuha ko ito at inabot kay Resshin, pero umiling siya. “That’s for you. I want you to draw me a cherry,” aniya.
Nagtaka ako at gumuhit ng isang pares ng cherries na magkakabit ang tangkay. Ipinakita ko ito kay Resshin at nagtanong, “Ano’ng trip ‘to, Shin? Pinapagawa mo ba sa’kin ang homework ng pamangkin mo?”
Natawa siya nang mahina. “Sa tingin mo, bakit kaya kapag sinabing cherry, automatic na ganyan ang itsura na iniisip ng mga tao? ‘Yang dalawang pares na magkakabit sa tangkay.”
Napaisip ako sa sinabi niya. “Oo nga ‘no? Hindi rin ako sure. Ganito na kasi lagi ‘yung imahe ng cherry na nakikita ko sa mga libro at sa internet.”
Ngumiti si Resshin at nagpaliwanag, “Apparently, cherries are always picked by pairs. Kumpol-kumpol kasi ang mga cherries kapag tumutubo sila sa puno. At kapag hinaharvest na sila ng farmers, mas mabuting may konektadong kapares sila lagi para mapanatili ang freshness nila.”
Napa-wow ako ni Resshin doon. Who would have thought that this happy-go-lucky guy would actually know a lot about science? “Aba, Resshin. In fairness, you did your homework,” biro ko sa kanya.
He gave me a bittersweet smile, “You were my other pair of cherry, Louie. Pero pinili kong putulin ang koneksyon natin noon, kaya I grew weak and wilted away.”
Natahimik ako dahil hindi ko inaasahan ‘yung sinabi niya. Nagpatuloy siya, “And now, you are connected to a different cherry which is Daren. At nakikita ko kung gaano ka niya napapasaya. I want you to stay connected to him, Louie. Don’t cut him off like what I did to you before. He’s your other pair, he’s the one who keeps you healthy and happy.”
Resshin grinned at me, and I smiled back at him. “Yes, I promise.”
Napalingon kami nang makarinig ng pagpasok ng ibang bisita. Isa itong mahinhing babae na nahihiyang tumuloy sa loob. Nandito siya para bisitahin si Resshin? Hmm, bakit parang pamilyar ang itsura niya?
“Louie, meet Allie. Siya ‘yong may-ari ng aso na lagi kong nakakalaro sa park,” pakilala ni Resshin.
“Ahhh! Kaya pala parang namumukhaan kita!” Lumapit ako sa kanya at inabot ang kamay niya para batiin siya. “I’m Louie, nice to meet you!”
“Louie, ‘yon lang ang gusto kong sabihin. I just wanted you to promise me that! Puntahan mo na si Daren bago pa magwala. Hahaha!”
Tumango ako kay Resshin and gave him a smile. Bago tuluyang lumabas ay nilingon ko ulit sila. Nakita kong masaya siyang inaalagaan ni Allie. Aba, mukhang Resshin has found his pair of cherry as well.
I ran towards the corridor and saw the face of the man I love so much.
Si Daren Gil Mendoza, also known as Black Cat.
Nakatalikod siya at sinusubukang kumuha ng softdrinks mula sa vendo. Pasimple akong pumunta sa likuran niya at tinakpan ang mata niya gamit ang mga kamay ko. Ginaya ko kung paano siya unang unang nagpakilala sa akin noon bilang Black Cat.
During that time, we were still enemies. And now, who would have thought that I would end up loving my very own bully?
“Guess who?” I asked.
“Tao ba ‘to? Hayop?” he mocked me.
“HOY! Ang kapal mong pusa ka, ha!” Natanggal ko tuloy ‘yung mga kamay ko dahil sa pag-react sa asar niya.
He turned around, and kissed me. Nagulat ako, pero hinayaan ko lang siya at ipinulupot ang mga braso ko sa paligid ng leeg niya. Our lips were overlapping each other, and our hearts were silently telling each other how much we love the person in front of us.
“I love you little girl,” he mouthed without breaking our kiss.
Kissing him tastes so sweet and heart-filling, like a piece of cherry on top of your favorite dessert. Nagtitinginan ang mga nasa ospital pero hinayaan lang namin sila.
I don’t care, because I want to enjoy this cherry as much as I can.
** ** **
“Gusto ko 'yung parang endless supply. 'Yung hindi mo alam at wala kang idea kung kailan mauubos. Parang... Parang isang malalim na balon!” paliwanag ko kay Sam noon.
He gives me that endless supply of sweetness that my heart has always craved for.
He’s my own personal well of true cherries.
xx END xx
Thank you for reading Well of True Cherries by irshwndy! This is a story that’s super close to my heart because it is the first one that I started to write. I fell in love with Louie, Resshin, and Daren. I hope that they were able to touch your hearts as well.
Please share this story to your friends and recommend it on Facebook, Group Chats, or TikTok!
At tulad ng magkapares na cherry, sana ay we can still stay connected kahit tapos na ang istoryang ito. Like my Facebook page: irshwndy para sa mga updates and announcements. Pwedeng pwede rin tayo magkulitan doon! For memes and other fun content, follow my TikTok account, irshwndy as well.
SALAMAT SA LAHAT NG SUPORTA, MY CUTIE #CATPUPS! I LOVE YOU!
-irshwndy
(BUT WAIT, THERE’S MORE! SURPRISE EPILOGUE SHOWING WHAT HAPPENS NEXT WILL DROP SOON!)