Chapter Epilogue

Nang magsama-sama sila sa sala ng mansion para sa maliit na party. Naroon din ang mga dati niyang manliligaw na itinuring niyang kaibigan at ang mga crew na naging pamilya niya sa loob ng mahigit isang buwan.

Nag-thumbs up si Patrice sa kaibigang si Matilda na ka-holding hands na si Raymark. Mukhang nagkakamabutihan na ang mga ito.

Pinanood din nila ang airing ng finale ng programa. Di niya maiwasang maging emosyonal dahil ang programang iyon ang nagbigay-daan para mabago ang relasyon nila ni Calden.

Sa pagtatapos ang programa ay nag-flash sa screen ang sikat na host na si Sangria Eduque. “You’re the One for Me fever is not yet over. Tomorrow, we have a mini dating game during Hearts Romances’ book launch. And our searcher is Kirst Villaviray, Philippine’s hottest male model.” At ipinakita ang isang larawan ng naturang model na nakasuot lang ng pantalon habang naliligo sa ilalim ng waterfalls.

Isang nakakatulig na tili ang pinakawalan ni Desmond. “I wanna join! I wanna join. Ako ang hinahanap niya.”

Namaywang si Sangria. “And for our next season, I will be your host.”

“Bakit siya? Anong nangyari kay Vhon?” tanong niya at nilingon si Vhon na may hawak ng kopita ng alak. Tahimik lang ang host habang pare-pareho sila ng tanong sa loob ng bulwagan.

“And our next searcher is none other than Vhon Teczon. So, girls, get ready to audition. Take a chance and claim your destiny. Who knows, maybe...”

Pumalit sa screen si Vhon na may hawak ng rosas. “You are the one for me.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.