Chapter WHC: 109

She felt powerful. Oh-so-powerful. Ganito pala ang epekto sa isang babae na alam niyang gaano siya kagusto ng lalaking gusto niya. Kung ano ang kayang gawin niya dito. That she could transform him to a slave if she wanted to.

“Kiss me and let’s see where it will lead,” she said and undulated herself to him. She could feel him tense. Na parang nilalabanan lang nito ang pagnanasa nito sa kanya.

Umungol ang binata. “Take a shower and get dressed. We are through here.”

“Kenji, where is my kiss?” Unfair naman ito. A promise is a promise.

“You will get it at the right time. Kailan ba naman kita binigo?” anang binata at inalis ang pagkakayakap ng binti niya sa baywang nito. At base sa kislap sa mga mata nito ay hindi siya magsisisi kapag sinunod niya ito. “We will go someplace nice. Come on.”

“Fine,” aniya at magkahawak ang kamay nilang umahon sa pool.

Her body was humming. Sexual tension was filling the air between them. Dala niya ang excitement na iyon nang mag-shower siya.

Sekreto pa ang relasyon ni Kenji. Bagamat lumabas ang mga picture nila ni Kenji kung saan halos di naman kitang mabuti ang mukha niya dahil pinrotektahan siya ng binata ay nanatili ang privacy niya. Sinabi lang ng reporters na special friend siya ng binata.

Hindi naman sila obligadong magpaliwanag sa publiko. Mas gusto nga niya ito - nagagawa nila ang gusto nila nang walang nakikialam. Alam niyang kailangan nilang ilihim muna ang relasyon nila. Mukhang maayos ang flow ng relasyon nito at ni Margaret nang nakatago pa sa publiko. Mas mabuti na iyon. Hayaan na lang ang mga tao na mag-speculate.

Paglabas niya sa shower room tumuloy siya sa maliit na restaurant ng clubhouse kung saan nila napagkasunduan na magkita.

Natigilan nang marinig niya ang halakhak ni Kenji. "You are such a lovely girl."

Mabilis na nagtago at sumandal sa pader para di makita ni Kenji si Yngrid. Sino namang babae iyon? Hindi niya makita ang babae dahil sa nakaharang na poste. Kinabahan siya. Kenji was nice to women. Women of all ages were enamoured by his charm. He was friendly to everyone. Kaya nga kahit mga juding ay nagkaka-ilusyon na mahal ng binata. At dahil di naman masabi ni Kenji sa mundo na may nobya na ito sa katauhan niya, natural lang na dudumugin pa rin ito ng mga kababaihan. Wala naman siyang magagawa kundi ngumanga na lang habang nagngingitngit ang puso niya. Ayaw naman niyang maging kontrabida sa fans ni Kenji lalo na’t nakaranas na ng kalupitan ang mga ito kay Margaret. Kaya para sa pagmamahal niya ay magtitimpi siya. Timpi-timpi lang.

Tumawa ulit si Kenji. "Oh! Oh! Stop tickling me."

Pakiramdam niya ay nilabasan ng usok sa magkabilang tainga. Sandali! Sandali! Sandali! Okay lang na maging friendly ito. Okay lang kung sabihan nito ng “wonderful” ang ibang babae kung nawa-wonderful-an naman ito. Pero ibang usapan na kung may kilitian nang involved. Maghuhurumentado na talaga siya.

Lumabas siya sa pinagtataguan at pasugod na naglakad papunta sa kinalalagyan ng binata at ng maharot na babaeng iyon. “Kenji!” She called his name in a curt tone.

Nakangiting lumingon ang binata sa kanya. “Hello, honey! Look!”

“Sinong…” Madilim ang mukha niya at magsisimula nang komprontahin kung sinumang babae ang nangingiliti sa nobyo niya nang makita ang isang tuta na dinidilaan ang mukha nito.

Humagikgik ulit ang binata. “Isn’t she lovely? Bagong aso ito ni Mrs. Guadania.” At saka tumango sa direksiyon ng presidente ng homeowner’s association na nakaupo sa harap ni Kenji.

“Lovely indeed,” usal niya nang mahimasmasan. “Magandang hapon po, Mrs. Guadania.”

“Ipinasyal ko dito sa Fifi dahil gusto niya dito sa clubhouse. Natuwa naman si Kenji nang makita siya. Mahilig nga pala siya sa aso,” sabi ng ginang. “Pero di ko yata nakikitang ipinapasyal mo ang mga alaga mo nitong huli.”

“N-Nasa kay Margaret po muna sila ngayon,” anang si Kenji at nahimigan niya ang bahagyang paglungkot ng boses nito.

“Oh! Nagkikita pa rin pala kayo ng ex-girlfriend mo,” anang ginang at kinuha ang alaga nitong aso mula kay Kenji.

“Just for the dogs,” anang si Kenji at tipid na ngumiti.

“Di naman kayo bagay ni Margaret. May ibang babaeng mas bagay sa iyo. Naku! Dapat makilala mo ang anak kong nurse na nagtatrabaho sa Japan. Naku! Sa palagay ko ay bagay na bagay kayo,” anang ginang at hinampas na ng abaniko ang braso ni Kenji. “Ikaw, Yngrid, mukhang wala ka pang boyfriend? Wala na rin ang manliligaw mo na may-ari ng inuupahan mo na café , di ba? May pamangkin akong engineer sa Saudi. Uuwi iyon sa isang buwan.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.