Sumilay ang ngiti sa labi niya. Sabi na nga ba’t hindi siya nito matatanggihan. Muli niya itong sinubuan. Sa pagkakataong ito ay mas marami ang cream na kumalat sa labi nito at di naabot pa ng dila nito. “May cream ka pa sa labi mo,” sabi niya.
“Saan?” tanong ni Kenji.
“Let me,” bulong niya. Dumukwang siya at idinampi ang labi sa cream na nakapalibot sa labi nito. Kenji snatched his breath. He tried to catch her lips in a kiss, subalit mabilis siyang lumayo dito. “More strawberries?” she asked in a playful tone.
Umungol si Kenji. “Yes!” mas marahas na sagot nito.
Kinagat ni Yngrid ang bagong strawberry sa pagitan ng dalawang ngipin at saka inilapit sa labi ni Kenji. Nang kagatin ng binata ang strawberry ay nagdikit ang labi nila. He slightly nipped her lips and she tasted the strawberry and cream. Naramdaman niya ang mainit na dila nito na dumaan sa labi niya. Now that was hot!
Si Kenji ang nakatali pero pakiramdan niya ay ito ang kumokontrol sa kanya. He didn't let go of her lips and kissed her with so much passion. Naitukod niya ang kamay sa dibdib nito at hinayaan itong palalimin ang halik. Pakiramdam niya ay tuluyan na siyang nahuhulog sa isang ipo-ipo. Nalulunod na siya sa sensasyon. Instead of seducing him and controlling him, she was the one who was being seduced and controlled.
Her hands clutched the front of his shirt. She could feel the heat of his skin. Isa-isang kinalas ng daliri niya ang butones ng polo shirt nito. Then her palms explored his bare skin. It was hot, like simmering ground that emminates heat from the hot magma underneath the Earth's crust.
Naghiwalay ang labi nila ni Kenji nang kinailangan niyang sumagap ng hangin. "Untie me," pakiusap ng binata.
"No!" sagot niya. Then her lips started to cover new territories. Her lips touched his neck. Kenji let out a sensual growl. Animo’y nahihirapan ito. But she knew that he was enjoying it as well. He just couldn’t surrender his control.
“Yngrid, honey, untie me please,” anito sa mas malumanay na boses. Nakita niya ang pagkuyom ng palad nito at ang pagtatangka nitong makawala sa pagkakatali. Di tulad kanina na kaya siya nitong kontrolin gamit ang mga labi nito nang halikan siya ay wala na itong magagawa ngayon.
“I am not yet through exploring you, honey,” she said in a saccharine voice with a smile on her lips. “You just lie there and enjoy.”
Umungol ito nang bumaba ang labi niya sa makinis nitong dibdib. Her fingers flicked his male nipples. And with the hitch of his breath, she discovered that it was sensitive. Lalong tumindi ang kompiyansa niya.
“Who are you really?” he asked in a rasp voice mixed with torture and delight. “How could you do these wicked things to me?”
Inangat niya ang labi niya mula sa balat nito at tiningala ito. “Do you want me to stop and untie you now? Oras na pakawalan kita, uuwi ka na.”
“No!” marahas na sagot ng binata.
“I shall proceed then,” aniya at ipinagpatuloy ang paglalakbay pababa ng labi at ng mga kamay niya.
Pinaghahandaan talaga niya ang gabing ito. Mula nang gabing magkaharap sila ni Margaret, alam niyang kailangan niyang gumawa ng paraan, kahit anong paraan, para hindi mawala sa kanya si Kenji. Gusto niyang ipakita sa binata kung ano pa ang kaya niyang ibigay. Kung ano pa ang kaya niyang gawin para ipakita ang pagmamahal niya dito.
She was a woman with a mission. Alam niyang wala na siyang oras. She orchestrated this whole thing for Kenji. Pinaghandaan niya ang lahat. She scrapped the whole ultimate seductive dance act. Wala siyang kapag-a-pag-asa kung iyon ang gagamitin niya para akitin si Kenji. Baka maging comedy lang ang lahat. Sa halip na maakit niya ito ay baka mawala ang romantic mood.
Kaya binasa pa niya ang libro na bigay ng nanay niya. Nag-research din siya sa internet kung paanong maitatago ang kahinaan niya at magagamit iyon bilang lakas niya. And she deviced this whole plan. She was glad that it was working. Pero alam niyang nagsisimula pa lang siya. Marami pang pwedeng mangyari.
She loved this feeling. Siya ang makapangyarihan. Kenji was under her mercy. Kung matutuloy ang lahat ayon sa plano niya, alam niyang di na sila magkakahiwalay ni Kenji kahit na kailan. She would bind him to her forever.
Kenji’s body buckled when her lips touched his prized abs. She let out a giggle then playfully bit his skin. “You are merciless!” sigaw ni Kenji. “Yngrid, let me go. I… I just want to touch you.”
Hindi niya pinansin ang pagmamakaawa nito. She unbuckled his belt. Naging mas maiigsi ang paghinga nito. As if he was hyperventilating. Then she pulled his zipper down slowly. Sa sobrang bagal ay naririnig ang dahan-dahang pagbukas nito sa buong silid. She had never been this bold in her life. Nagsimulang manginig ang kamay niya, nanlamig iyon at parang namamanhid. Nagsisimula na siyang kabahan. Kailangan ng hands on training sa mga susunod na pangyayari at aminado siya na hindi siya nakapag-practice sa mga susunod. Iba ang napanood lang niya sa video at iba ang actual.
Lalo siyang kinabahan nang makita niya ang itim na boxer shorts na suot ng binata. He was so well-endowned down there. Parang gusto niyang mag-collapse. Anong gagawin niya sa ganoon kalaki? Lalo siyang nataranta.
“Yngrid?” tanong ni Kenji.
“Y-Yes?” aniya sa nanginging na boses.
“May ahas sa baba. Malaking ahas.”