Chapter WHC: 135

“Hindi mo naman ako kinikilalang pinsan, Margaret,” aniya sa malamig na boses. “At hindi na ako interesado na ipilit na sa kasamaang-palad ay magkadugo nga tayo.”

“Oh! Pero pwede ko namang sabihin kay Kenji na naghihiganti ka lang sa akin. Na ginagamit mo lang siya para ipakita na mas magaling ka kaysa sa akin. It isn’t so hard, Yngrid. Maswerte ka kung mamahalin ka pa rin niya pagkatapos.” Lumapad ang mala-demonyo ntong ngiti. “Iyon ay kung gusto ka pa niyang mahalin. Kenji is big about trust. Gusto niya sinasabi sa kanya ang lahat at wala kang inililihim. I guess, di mo pa nasasabi na magpinsan tayo.”

Naningkit ang mata niya. Gustong-gusto na niyang kalmutin ang makinis nitong mukha nang mga oras na iyon. “You miserable bitch! Gusto mo talaga na maging miserable ang mga tao sa paligid mo katulad mo. Sa palagay mo ba babalik siya sa iyo oras na siraan mo ako sa kanya?”

Tumingala ito at humalakhak nang malakas. Sinapo nito ang dibdib habang parang kinakalma ang kaligayahan nito. Siya naman ay gusto nang sumabog nang mga oras na iyon. “Kenji is mine. He will always be mine. Kundi man siya magiging akin, walang ibang pwedeng makinabang sa kanya. Mali ka ng kinalaban, Yngrid. Mali ka ng minahal. But I will be nice to you. I will give you a fews or a few weeks. So spend your time with him wisely. Hindi mo alam kung kailan siya mawawala sa iyo.” Iniwan siya nitong nakatigagal at pumasok ng cubicle.

Nanlalambot ang tuhod niyang lumabas ng restroom. Dali-dali siyang kumuha ng drinks sa isang dumaang waiter. Ininom niya iyon kahit na di niya alam kung alak iyon, juice o tubig. Kahit ano para lang mahimasmasan siya.

Nilapitan siya ni Kenji. “Hey! Anong nangyari? Namumutla ka.”

Huminga siya ng malalim. “M-Medyo masakit ang ulo ko. Pwede bang umuwi na tayo? Gusto kong magpahinga.”

“Sure. Magpapaalam lang tayo sa host natin,” anito at kinintalan siya ng halik sa noo.

Parang gusto niyang maiyak nang yakapin siya nito at alalayang maglakad. Ayaw niyang mawalay sa init ng katawan nito. Ayaw niyang mawala sa kanya si Kenji. He was her life now. Kapag nawala ito sa kanya, parang may kamay na rin na dumukot sa puso niya mula sa dibdib niya. She would feel hollow inside.

Hindi niya ito basta-basta isusuko. Naipaglaban na niya si Kenji noon. Lalo niya itong ipaglalaban ngayon. Gagawin niya ang lahat para huwag lang itong mawala sa kanya. Sa kahit anong paraan.

“DAHAN-DAHAN lang, Kenji. Dahan-dahan,” anang si Yngrid habang inaakay si Kenji papasok ng bahay niya. Sa gate pa lang ay piniringan na niya ang mga mata nito ng silk na panyo. Katatapos lang ng early dinner nila at sinabi niya dito na may sorpresa siya para dito.

“Ano ba kasi ang sorpresa mo?” tanong ng binata.

“Kapag sinabi ko na, hindi na sorpresa iyon,” natatawa niyang wika at idinala ito papasok sa loob ng guestroom sa baba ng bahay niya.

Umungol ito bilang protesta. “Yngridddd….”

“Patience, Kenji. Good things come to those who wait,” aniya at diniinan ang balikat nito baba. “Maupo ka.”

Naupo naman ito sa malambot na kama na may pulang silk bedsheet. May pulang pillow case din ang unan at pulang seda rin ang kumot. She toned down the light into soft hue. May nakakalat din na talulot ng rosas sa kama. Amoy rosas din ang paligid. Very romantic. Too bad, di pa iyon nakikita ni Kenji ngayon.

Hinubad niya ang sapatos nito. Inayos niya ito para nakahiga ito sa talaksan ng unan na nakasandal sa headboard ng kama. “Now what?” tanong ng binata sa boses na animo’y nauubusan ng pasensiya.

Hinawakan niya ang kamay nito. “Do you trust me, Kenji?”

“I do.”

“Good,” aniya at saka hinawakan ang kamay nito. Inangat niya iyon at saka itinali ang kamay nito sa seda rin na panyo na nakatali doon.

“Anong…” natatarantang wika ni Kenji. Akmang babalikwas ito ng bangon at akmang hahatakin ang kamay mula sa kanya.

“Kenji, I thought you trust me,” aniya sa mas mariing boses at itinali agad ang kamay nito.

“I am not used to these kind of games,” he said in a strained voice. Parang kinakabahan pa nga yata ito.

“You will love it. Trust me,” aniya sa naninigurong boses.

Nang isang kamay pa ang itinali niya ay hindi na ito gaanong tumutol. Pero nakita niyang hinila nito ang tali. As if he was testing the bond. Malamang ay gusto nitong makalusot at kumawala sa pagkakatali. “It is secured,” gulat nitong usal.

“I used to be a Girl Scout, honey,” aniyang may ngiti sa labi. “Ready for my next surprise?"

“Hurry,” he said in a rough voice. His anticipation was mounting. Ganoon din naman ang nararamdaman niya. Nanginginig ang kamay niya nang kunin niya ang bowl ng strawberry na may whipped cream. Sinadya talaga niyang piringan ang mga mata ni Kenji kung hindi ay wala siyang lakas ng loob para sa mga susunod niyang gagawin.

“Hindi tayo nakapag-dessert kanina. But I prepared something for you. Open your mouth like a real good boy,” wika niya sa mapang-akit na boses. Ibinuka nito ang bibig at sinubuan ito ng strawberry na may cream.

Kinagat nito ang strawberry at umungol nang bumaon ang ngipin nito sa malambot na prutas. “Good?” tanong niya.

Tumango ang binata at pinadaanan ng dila ang labi na may bahid pa ng cream at katas ng strawberry. “More.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.