Chapter WHC: 15

"Hindi ko naman inutusan na sugurin siya,” depensa pa ng bruhang reptilya.

Pinanlakihan ito ng mata ni Kenji. "Iggy...."

"I am shoreee," labas sa ilong na sabi ni Iggy, ala-Gloria Macapagal Arroyo. “Nag-shoree na ako.”

Pilit siyang ngumiti. "Okay lang iyon."

Halata naman na napipilitan lang ito. Ayaw na lang ni Yngrid humingi ng sinserong paumanhin mula kay Iggy at palakihin ang isyu. Masyadong maganda ang gabing iyon para abalahin ang sarili sa isang reptilya. Kundi naman dahil sa kagagawan nito ay hindi sila magkakaroon ng moment ni Kenji. Baka hanggang picture lang sila at wala na. May positibo namang dinala sa kanya ang pagka-nega ni Iggy.

“Let’s just enjoy the night,” wika ni Justine na bahagya nang umiindak-indak sa musika. Mukhang gusto nitong sulitin ang huling gabi ng kalayaan nito.

"Come. Ipapakilala ko kayo sa direktor namin. I think you are not formally introduced," wika ni Kenji at hinawakan ang siko niya.

Maya maya pa ay lumapit na sila kay Direk Mac na nakasimpleng camiso de chino at black curdoroy pants saka leather sandals. "Happy birthday, Sir,” bati nilang magkakaibigan.

"Thank you for coming to my humble party, ladies. Sana ma-enjoy ninyo ang gabing ito at makalimutan ang mga nangyari kahapon," wika nito. "And if you want to dance, I think Kenji here can handle that."

Nilingon niya si Kenji. "You dance?"

"Kung singer ang mga Pilipino, sa Brazil naman hindi pwede na matigas ang katawan mo. So yes, I love dancing," sabi ni Kenji at ibinuka ang mga bisig saka sumayaw kasabay ng tugtog na parang hinahamon siyang sumayaw.

"Oh! I don't dance and I don't sing. Panonoorin ko na lang kayo.”

"I will handle the dancing. Do you want to give it a try?" tanong ng binata at inilahad ang kamay sa lanya.

"Hindi nga ako marunong."

At hindi niya ilalagay ang sarili sa kahihiyan. Sobrang quota na siya sa kahihiyan mula kahapon. Waley na waley na ang ganda niya kapag nagkataon.

"I can teach you. I will teach you the basic steps then I will handle the rest. Game?" Kenji asked in a confident tone. Na parang madali lang para sa kanya na matutunan ang pagsasayaw kahit na wala talaga siyang talento doon.

"Maya-maya ng konti,” sabi niya. “Iba na muna ang isayaw mo.”

"Naunahan ka na ni Justine."

Nasa dance floor na si Justine at kapareha ang isang Brazilian model na kaibigan ni Kenji. Komportableng-komportable ito at parang dancing queen. Kasama ang social dances sa training na nakuha nito sa istrikta nitong lola. Bakit ba hindi siya nag-aral magsayaw?

Oh, yeah. She tried. She tried so hard. Iniyakan nga niya ang card niya mula elementary hanggang college dahil laging mababa ang grade niya sa P.E. dahil sa punyemas na sayaw na iyan.

Tumatawang bumalik si Justine sa mesa nila. "Come! Masayang magsayaw." At nito hinila si Dreamilyn sa kabila ng protesta ng kaibigan nila.

Humalukipkip si Kenji at tumutok ang mga mata kay Yngrid. "Ikaw na lang ang hindi nagsasayaw. Ako ang bahala sa iyo."

“Alright. Don’t tell me I didn’t warn you. Di talaga ako marunong.”

Hinila siya ni Kenji sa gilid ng pool kung saan walang tao. Hinawakan ni Kenji ang kanang kamay niya. Ihinawak nito ang isa pa niyang kamay sa braso nito at ang isang kamay naman nito ay humawak sa balakang niya. Ilang pulgada lang ang layo nila sa isa’t isa. Bigla siyang na-conscious. “Relax,” utos ni Kenji. “Salsa ang ituturo ko sa iyo kaya dapat relax ka lang.”

Yngrid rolled her shoulders. “I will try.”

Medyo naiilang pa siya sa sobrang lapit nila sa isa’t isa kaya pinilit niyang mag-focus sa itinuturo nito. “Eight counts lang ang steps. Iurong mo ang kanang paa mo then close.” Inusod ng kaliwa nitong paa ang kanang paa niya para umurong. “Left foot forward then close.”

“I can do that,” kampante niyang sabi.

Itinuro pa nito sa kanya ang ibang galaw katulad ng side salsa, kung paano umikot at kung paano dapat ang galaw ng kamay. Kenji was patient with her. It was surprisingly easy. Siguro dahil ubod ng guwapo ang dance instructor niya.

“Ready to take on the dance floor?” tanong ni Kenji matapos ang may sampung minuto rin niyang basic salsa lesson.

Nanlamig ang kamay niya. “Ha? Pwede bang dito na lang tayo sa gilid sumayaw? Okay naman yata na di na tayo makihalo sa dance floor.”

“No. Hindi ako papayag na dito ka lang.” Walang nagawa si Yngrid nang hatakin siya papunta sa dance floor. Hinawakan ni Kenji ang baywang niya at ang hinawakan ang isang kamay niya. "Remember the basic steps and I will take care of the rest. Okay?"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.