Chapter WHC: 16

"Okay," wika niya. Bahala na si Batman. Ang buhay at kahihiyan niya ngayon ay nasa mga kamay ni Kenji.

“Relax. Listen to the music,” utos ni Kenji at pinisil ang kamay niya. “Right foot back.”

Nang iurong ni Yngrid ang kanang paa at isinabay ang galaw sa tempo ng musika ay nawala ng kaba niya. Patuloy sa pagbibigay ng instruction si Kenji sa kanya at warning kung anong susunod na step. Noong una lang iyon dahil kalaunan ay nagagawa na niyang sabayan ang musika. Isang pisil lang ng kamay ni Kenji at buka ng bibig ay alam na niya ang gagawin.

Umikot-ikot sila at parang dahon lang siya na hinahayaang tangayin ng hangin. Nang mga oras na iyon ay parang dalawa lang sa mundo. Wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya. She had never felt so happy for a very, very long time. Mula kay Bruno na asungot at walang ginawa kundi buwisitin ang araw niya ay si Kenji Matsunaga na ang kasama niya ngayon. He was dancing with her, encouraging her and he made her feel beautiful. Like she was the most beautiful girl alive. And she loved it.

Humalakhak siya nang matapos ang mabilis na musika at hawak lang nito ang baywang niya habang umiindayog sila sa mabagal na musika. “Wow! Nakakapagsayaw na ako. Hindi ako makapaniwala na nakatagal ako sa dance floor nang hindi palpak ang ginagawa ko at wala akong napapatay na kuko sa paa ng ibang tao.”

"See? Hindi totoo na hindi ka marunong magsayaw," sabi ni Kenji at pinisil ang baba niya.

"Thanks to my handsome dance instructor. Siguro kung dati pa kita naging ka-partner sa sayaw, hindi ko na iiyakan ang grade ko sa P.E.”

“Bakit mo naman iniiyakan?”

“Kasi laging mababa ang grade ko. Boring kasi at istrikto mga dance teacher ko dati. Tapos hindi mo pa kasing guwapo ang ka-partner ko sa sayaw.”

Pumalatak si Kenji. “Huwag kang mag-alala. Dahil sinabi mong guwapo ako, pasado ka sa akin.”

“Yes!” sigaw niya at yumakap sa leeg nito. “Thank you. Hindi ko inaasahan na ganito pala kasaya ang magsayaw. I feel light and happy."

"Iyan din ang ginagawa ng pagsasayaw sa akin. Kapag hindi ako nakakapaglaro ng football, it is either I hit the gym or I dance. Iyan din ang libangan namin ng pamilya ko dati. You should do this more often."

Hindi niya alam kung mae-enjoy niyang magsayaw sa susunod kung hindi si Kenji ang makaka-partner niya. Malamang ay hindi. Hindi na ganoon ka-exciting ang pagsasayaw kapag hindi si Kenji ang kasayaw niya.

Nakadama siya ng lungkot. Ngayong gabi lang ang lahat ng ito. Isang masayang panaginip lang. Kung pwede lang sana ay hindi matapos ang gabing iyon.

“Mukhang pagod ka na. Uminom muna tayo,” wika ni Kenji at niyaya siyang bumalik sa mesa nila.

"Of course." Pawisan na siya dahil mainit ang gabi.

Hinihingal na si Yngrid nang makarating sa mesa. Pareho silang nag-request ng tubig. "Kung gusto mo turuan pa kita ng ibang steps,” alok ni Kenji.

"Baka bigla mo akong singilin ng talent fee mo. Alam ko na hindi ko kakayanin ang talent fee mo. Baka mamulubi ako."

Inilapit nito ang mukha sa kanya. "I will give you a huge discount."

"Gawin mo na lang kaya akong PA mo?"

"Hush!" anito at inilapat ang daliri sa labi niya. "Baka masaktan si Iggy kapag narinig iyan. He really likes his job."

Tumirik ang mata niya. "Yeah, right!"

Sobrang gusto nga ni Iggy, the Iguana ang trabaho nito kaya pati ang ibang role gaya ng pagiging head ng pictorial at pagiging bodyguard ni Kenji ay gagawin nito. Mas mayaba pa nga ito kay Kenji.

"Kenji!" tawag ni Iggy, the Iguana dito at lumapit sa kanila. "Kenji, you have a phone call. A very important one."

Speaking of the devil, the iguana is here. As usual, panira na naman ito ng maliligayang sandali.

Inabot ni Iggy kay Kenji ang cellphone at sinipat kung sino ang caller. His handsome face suddenly became grim. "If you'll excuse me, I really need to answer this phone call."

"Sure," wika ni Yngrid at naglakad papunta sa area kung saan di gaanong dinig ang tugtog.

Ngumisi naman sa kanya si Iggy at hindi umalis sa mesa. "I know your type. Isang ambisyosang babae na gustong mapansin ni Kenji. You are not his type.”

“At ano naman ang type niya?”

“Someone sophisticated and someone with class. A far cry from you, I must say. Kaya hanggang ambisyon ka lang dahil kahit anong gawin mo, wala ka sa kalingkingan ng babaeng gusto niya." At saka taas-noo siyang iniwan.

Mabuti na lang talaga at nakapagtimpi si Yngrid. That reptile was sooooo crass. Ano bang palagay nito sa sarili nito? Diyosa? Okay. Hindi nga siya kasing ganda o sexy ng mga modelo, beauty queen at artistang nakasalamuha ni Kenji pero hindi naman kailangang talampakin siya ni Iguana. Sobrang sama ng ugali. Nakakasira ang iguanang iyon sa magandang pangalan ni Kenji.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.