“Oh! Is that man your boyfriend? He says, “Yngrid, will you marry me?”.”
Bumagsak ang panga niya at umurong ang dila niya. Gusto siyang pakasalan ni Kenji? Nagpo-propose ito ng kasal sa kanya sa harap ng mga tao sa Louvre Museum? Sa harap ng buong Paris. The proposal was as huge as Eiffel Tower. Hindi niya alam kung anong gagawin. She was expecting a proposal but not this grand.
“How am I supposed to answer that?” nausal na lang niya.
“Say, “Oui!”!” wika ng babae. “Oui! Oui! Oui!”
Nang marinig iyon ng iba ay nag-chant na rin ang mga ito. Napuno ng “Oui!” sa paligid. Nang hindi siya sumagot ay umalis sa harap ng Pyramide si Kenji at naglakad palapit sa kanya. Nakakuyom ang palad nito na animo’y isang mandirigma nang naglakad palapit sa kanya at lumuhod sa harapan niya. Malambot at maamo na ang anyo nito. And he was staring at her as if she was a goddess. Inilahad nito ang palad at naroon na ang isang maroon na kahita. Binuksan nito ang kahita at nahigit niya ang hininga nang makita ang pink diamond ring.
“Yngrid, dahil hirap ka sa French, tatanungin na lang kita sa Tagalog. And I am expecting that you will answer me this time. Gusto mo ba akong pakasalan, maging asawa ko habambuhay at maging ina ng mga anak ko?” tanong nito.
Pakiramdam niya ay makapal ang lalamunan niya dahil sa nagbabantang luha sa mata niya. Sinapo niya ang dibdib niya at huminga ng malalim. “Oo, Kenji. Pakakasalan kita kahit na saang simbahan at kahit na kailan. At kung kailangan kong mabuhay ulit, gusto ko na pakasalan ka nang paulit-ulit.” Hinawakan niya ang binata sa magkabilang pisngi. “Mahal kita, Kenji. Je’taime!” At saka niya hinalikan nang mariin ang binata sa labi. Tumayo si Kenji nang hindi naghihiwalay ang labi nila at binuhat siya. She shamelessly wrapped her legs around his torso. Wala siyang pakialam kung eskandaloso man iyon. She was in Paris, the City of Love. The most gorgeous guy on Earth had just proposed to her. Nobody could blame her for being carried away. Wala siyang pakialam. Basta masaya siya.
Naghiyawan ang mga tao sa paligid nila. Nang maghiwalay ang labi nila ni Kenji at may mga bumati sa kanila. May nagbigay pa ng bulaklak. Bigla ay nasa romantic mood ang nasa paligid niya. Nag-pack up na ang mga staff ng pictorial. Mukhang kanina pa tapos ang shooting ng mga ito at hinihintay lang siya para makapag-propose si Kenji. It was so sweet.
“Huwag ka munang magbihis,” bilin niya kay Kenji at nilaro ng daliri ang gilid ng damit nito mula sa nag-iisang strap ng toga gown mula sa kaliwang balikat nito pababa sa kanang dibdib nito. “I love this Greek god outfit.”
Lumunok ang binata. “I will ask the crew if I can borrow this one.”
Dali-daling nilapitan ni Kenji ang isang babaeng Pranses na sa palagay niya ay nasa forties na. Nagpaliwanag ang binata sa salitang Pranses. Sa huli ay tumango ang babae. “Merci!” pasasalamat ni Kenji at masayang bumalik sa kanya.
Pinatungan na lang ni Kenji ng itim na coat ang white toga. Hawak-kamay silang sumakay ng subway train papunta sa maliit na apartment na bigay ng modeling agency ni Kenji sa Paris. Maliit lang iyon pero may magandang view ng Eiffel Tower. Kahit naman saan sila magkasama ni Kenji ay masaya sila.
Papasok si Kenji sa pinto nang pigilan niya ito. “Wait.”
“What?” tanong nito.
Inilabas niya ang pulang silk na tela mula sa bag niya. “I have to blindfold you first.”
Umungol ang binata. “Another game?”
Tumingkayad siya at pumunta sa likuran nito para maipiring ang mga mata nito. “I promise that I won’t blow it this time.”
“I thought you will blow me this time,” pabiro nitong wika na may ngiti sa labi.
“Maybe I will, maybe I won’t,” aniya na lalong nakapagpa-frustrate sa binata. She loved it whenever she get to control him. She always let him lead her. Ngayon na lang ulit siya nagkaroon ng control dito. She wanted this night to be special.
“Actually, I have a grand plan for our engagement night. Plano kong dalhin ka sa restaurant sa Eiffel Tower.”
“Next time maybe,” she said in a bored voice. “This is more exciting. May view din naman ng Eiffel Tower sa kuwarto natin.”
Pinahubad niya dito ang coat nito at naiwan ang white toga at sandals nito. Walang nagawa ang binata nang pahigain niya ito sa kama at itali niya ang mga kamay nito gamit ang pulang silk na tela.
“It is my dream to make love with a Greek god,” usal niya nang kintalan ng halik ang labi nito.
“Another torture, Madamoiselle?”
“You are just impatient, Matsunaga. Always impatient.”
Bumaba siya sa kama at umangal agad ito. “It is unfair to leave me here.”
“Kailangan mo lang maghintay.” Nagtungo siya sa refrigerator at naghanap ng pwede niyang magamit sa larong iyon. Chocolate? No. Strawberry? Nagamit na niya dati. Peaches? Too sweet for her taste.
Nagningning ang mata niya nang makita ang di pa nabubuksang champagne. Mukhang pinaghandaan ni Kenji ang sandaling iyon. Kinuha ang champagne at kinuha ang cork screw.
“Yngrid, what are you going to do?”
“Since we are in Paris, we will do it the French way.” Pinihit niya ang cork screw at natanggal ang cork. It pop and the cold and expensive wine dripped on Kenji’s helpless yet gorgeous body. Napasigaw ang binata at nagningning naman ang mata niya nang makita ang gintong likido sa katawan nito. "Cheers!"
Then she drank champagne from this gorgeous abs. Hindi nawawala ang ngiti sa labi niya. It was a perfect night with the diamond ring on her finger, the view of Eiffel Tower from outside their aparment’s window and the gorgeous demigod who was hers. Only hers.