Chapter WHC: 17

Bigla niyang naalala ang sinabi ni Kenji sa kanya. Na ang gusto daw nito sa babae ay simple at sweet katulad ng nanay nito.

Simple and sweet. That is soooo me! Kiber ko naman sa pesteng Iggy, the Iguana na iyon. Kay Kenji ako maniniwala.

Nag-focus na lang siya sa pagbabalik ni Kenji at kung paano niya ipapakita dito ang pagiging sweet and simple.

Lumipat sa mesa niya si Justine. "So how is the dancing queen?" puno ng interes nitong tanong.

"Oh! Kenji is the best dance teacher. Napaka-maalaga din niyang dancing partner.” Niyakap ni Yngrid ang sarili na parang hanggang ngayon ay yakap pa rin siya ni Kenji. “ Mabilis nga akong natutong magsayaw. Parang sobrang galing kong magsayaw at pakiramdam ko ay maganda ako kapag isinasayaw niya ako."

"E bakit parang bad trip ka bago ako lumapit?" tanong nito at sumubo ng nachos and cheese.

"Panira ng moment ko si Iguana. Sumingit sa pag-uusap namin ni Kenji dahil may phone call daw. Nang kami na lang dalawa, sabihin ba naman na hindi ako type ni Kenji kaya hanggang ambisyon lang ako."

"Naku! Kawawa naman si Kenji. Nagkaroon siya ng PA na intrimitido. Masisira pa ang pangalan niya sa impaktong Iggy na iyan."

"My sentiments exactly." Uminom siya muli ng tubig. "Nasaan si Dreamilyn?" tanong niya at luminga sa paligid.

"Maglalakad-lakad lang daw siya. Baka nasa gilid ng restaurant. Magpapahangin daw siya sa tabing-dagat.”

"Okay lang ba na iwanan mag-isa ang isang iyon? Baka tumalon sa dagat,” nag-aalalang sabi ni Yngrid. “Kaya nga natin isinama sa party para hindi mapag-isa at magmukmok na naman. Last night na natin dito.”

"Hayaan mo na siyang mag-isa.” Uminom siya ng iced tea. “She really needs some time alone. Pakiramdam ko di talaga siya nag-e-enjoy sa party. Hayaan mo lang siyang mag-senti ng konti.”

"Pero nandito naman tayo para kahit paano aliwin siya. Naku! Ano bang dapat gawin sa isang iyon?" usal ni Yngrid at sinapo ang noo.

Natigagal si Justine at kinalabit siya. "Oh, my! Yngrid, tingnan mo kung sino ang nandito."

Nakakunot ang noo niya nang lumingon. Natigagal din siya nang makita kung sino ang dumating sa party. "Si Casey," usal niya. "Anong ginagawa ng lalaking iyan dito?"

Ang dating nobyo ni Dreamilyn ang pinakahuling taong inaasahan niyang pupunta sa Camiguin. Ito ang nagdesisyon na iwan si Dreamilyn sa kabila ng pagmamakaawa ng kaibigan niya na ipaglaban ang pag-iibigan ng mga ito. Nanganib na kasi ang buhay nito dahil sa mga babaeng baliw na baliw kay Casey. He decided to leave her friend. Nakita niya kung paanong nalungkot ang kaibigan niya tapos ay basta na lang itong susulpot ngayon?

Naglakad si Casey papunta sa direksiyon niya. Halos kasing tangkad ito ni Kenji. Hanggang balikat ang wavy na buhok. He was wearing a blue shirt and jeans. Minsan din nilang naging crush ni Justine ang sikat na rockstar hanggang makuha ni Dreamilyn ang atenisyon nito. "Justine! Yngrid! Nasaan si Dream?" tanong nito.

"Ano na naman ang kailangan mo sa kanya? Guguluhin mo na naman siya. Alam mo naman na nanganib ang buhay niya dahil sa iyo tapos iniwan mo siya. Leave her alone,” sabi ni Yngrid. “Kahit na mahal mo pa siya, hindi naman ako papayag na mapahamak siya. Ikaw na ang umayaw sa kanya, di ba?”

Tumayo ng tuwid si Casey. Determinado ang anyo nito. "Dahil gusto ko siyang protektahan. Pero bumalik na ako ngayon dahil gusto ko siyang makasama. Poprotektahan ko siya. Di ako papayag na may masamang mangyari sa kanya. Kinausap ko na rin ang mga tiyahin niya. Gusto kong maayos ang lahat sa amin. Kaya sabihin na ninyo kung nasaan siya."

Humalukipkip siya at umingos. "No. Hindi ko sasabihin sa iyo."

"Sa pathwalk sa tabi ng dagat," wika ni Justine at inilahad ang kamay sa direksiyon ng pathwalk na may nakahilerang mga poste ng ilaw.

"Thanks!" sabi ni Casey at nagtungo sa direksiyong itinuro ni Justine.

Tinampal ni Yngrid ang balikat ng kaibigan. "Bakit mo sinabi?"

"What? Anong masama doon? That guy is doing his best to win our friend back. Hindi ba deserve nila na magkasama at maging masaya? Kita mo nga kung gaano siya kalungkot kanina. Si Casey lang ang pwedeng magpasaya sa kanya," depensa ni Justine.

"E paano ang death threats kay Dream?" nakapamaywang niyang tanong.

"Sinabi ni Casey na siya ang bahala. We can't protect Dreamilyn all the time either. At aminin na natin na hindi naman natin maibibigay sa kanya ang sayang naibibigay ni Casey. Ang magagawa lang natin ay ibigay natin ang suporta sa kanila ni Kenji bilang kaibigan niya. Kapag ikaw siguro na-in love din wala kaming magagawa kundi suportahan ka.”

“Fine,” aniya sa kawalan ng masasabi. “Pero oras na masaktan na naman si Dreamilyn, lagot sa akin ang Casey na iyan. Wala akong pakialam kahit na crush ko pa siya dati.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.