Chapter WHC: 36

Kenji welcomed the heat of the sun when the Boeing 777 plane he was in touched down Ninoy Aquino International Airport. Isang buwan siyang na Europe para sa series ng modeling stint. Maswerte siyang naging bahagi siya ng campaign para sa isang international brand ng damit kung saan may mga series sila ng fashion show at mga pictorials.

Malaking bagay para sa career niya na magkaroon ng exposure sa Europe. May nag-offer din sa kanya ng kontrata doon pero gusto muna niyang i-discuss sa manager niya. Ayaw niyang iwan ang career niya sa Pilipinas dahil mas komportable na siya dito na mas itinuring niyang tahanan kaysa sa Brazil. And of course, there was Margaret. It was not easy to part from his girlfriend. Isang buwan pa nga lang siyang nawala ay nami-miss na niya ito.

May sariling career din si Margaret sa Pilipinas at nariyan din ang pamilya nito na hindi nito basta-basta maiiwan. Nauunawaan niya iyon. Overprotective ang pamilya ni Margaret dito. Twenty-seven na ito pero kung tratuhin ito ay parang bata. Nag-iisa itong tagapagmana ng mga Choi na may chain of restaurants sa buong bansa. Naalarma ang mga Choi nang malamang siya ang boyfriend ng nobya. Iyon din ang dahilan kung bakit itinago nila sa press ang relasyon.

Tutol sa kanya ang mga Choi para kay Margaret. Di nga naman siya galing sa buena familia. He came from a humble family. At kaya naman siya nagsisikap para sa pamilya niya at para na rin maipakita sa pamilya ni Margaret na hindi man siya ganoon kayamanan ay kaya naman niyang buhayin si Margaret nang maginhawa.

At malaking bagay ang European stint niya para mas lalong mapaunlad ang career niya. Oras na maramdaman niyang karapat-dapat na siya para sa pamilya ni Margaret ay saka niya yayayaing magpakasal ang dalaga. It might take some time but he knew that it would be worth it. Wala siyang di gagawin para kay Margaret.

Masyadong hectic ang schedule niya sa London. Masyado siyang busy nitong nakakaraang araw kaya hindi niya natse-check ang mga emails niya o sumisilip man lang sa internet. His roaming was off. Ang nagawa lang niya ay tawagan si Margaret gabi-gabi para kumustahin ito. At natagpuan na nila ang bagong hang-out nila.

Mukhang magugustuhan nito ang Sweet Surrender Café na pag-aari ni Yngrid na nakilala niya sa Camiguin. Na-relax siya noong nagsu-shoot sila doon at nasabi din ni Margaret na pwede silang pumunta doon kung gusto nilang mag-relax at malayo sa mata ng mga reporters.

It was perfect. A café with a view of the golf course. Hindi crowded, maberde ang paligid at makakahinga sila. Sa sobrang hectic ng schedule nila ay kailangan nila ng quiet time together kung saan walang masyadong mambubulabog sa kanila. Tiyak niyang matutuwa si Yngrid dahil sa exposure iyon sa café nito.

Hindi niya alam kung bakit magaan ang loob niya kay Yngrid. Siguro dahil minsan niya itong iniligtas. Siguro dahil mabait naman ito. But for some reason, she reminded him of Margaret. It was weird. Di naman magkahawig ang mga ito at malayo din ang personality sa isa’t isa. O sadyang pareho lang siya ng comfort na nararamdaman dito gaya kapag kasama niya si Margaret.

Tinawagan niya ang handler niya habang nasa immigration siya. “Hey, Bryan! I had just arrived. I will be out in fifteen minutes max.”

“Okay. I will meet you at the arrival area.”

“Is Margaret with you?”

“No. May importante tayong pag-uusapan…”

“Wait. I will call Margaret. Talk to you later.” He dialed his girl’s number. Alam niyang magtatampo ito kapag di ito ang una niyang nakausap pagdating niya ng Pilipinas. He was supposed to call her, pero naunahan siyang tawagan ni Bryan. He found it weird. Di naman siya sinusundo ng handler niya maliban noong unang tapak niya sa Pilipinas. Baka may gig ngayon kaya kailangan siyang sunduin. Baka naman hindi niya natanggap ang mensahe kung mayroon man. “Hi, babe. I am back. ”

“Oh, babe. I miss you so much.” Ilang araw silang di nagkausap dahil walang signal ng internet o cellphone sa maliit na bayan sa Scotland kung saan sila nag-pictorial. Na-stranded pa siya kasama ang crew dahil sa malakas na ulan. Akala nga niya ay hindi na niya mahahabol pa ang flight na pabalik ng Pilipinas. Pinilit niyang makauwi talaga para kay Margaret. “I am tied up at the moment but I will meet you at your town house. Remember that I love you, babe.”

“I love you, too.”

Tiyak na matutuwa ito kapag nakita ang necklace na nabili niya sa Harrod’s sa London. Ang totoo ay gusto niyang ibili ito ng engagement ring. Pero gagawin niya iyon sa tamang panahon. Hindi pa ngayon.

Nagulat siya nang harangin siya ng mga reporters paglabas ng arrival gate. “Kenji, anong masasabi mo sa statement ni Margaret Choi na break na daw kayo?” anang showbiz reporter na laging plunging neckline ang damit at halos isubo ang mikropono nang itapat sa bibig niya.

Natawa siya. “That must be a joke, Gretel. Nagtrabaho lang ako sa London. We never thought about breaking up. Baka naman nakikipagbiruan lang siya sa inyo.”

“Mukhang hindi joke dahil may pictures pa siya na nakikipag-date kay Congressman Padilla,” sabi ng isang bading na reporter na matagal na sa industriya.

“What?” bulalas niya at nilingon ito.

“Hindi mo pa ba nakikita ang mga pictures at articles tungkol doon?” tanong ng isa pang bading na reporter na minsan ay suma-sideline na standup comedian.

Hinawi na ng security ng airport ang mga reporter. Narinig ni Kenji na sumisigaw ang handler niyang si Bryan na mag-i-issue sila ng statement at magpapa-interview sa tamang panahon pero di na niya alam ang nangyayari.

Lumulutang na ang pakiramdam niya. Kahit siguro may magsabog ng granada sa direksiyon niya nang mga oras na iyon ay hindi siya makakatakbo pa. Sasabog na lang siya sa kinatatayuan niya. Sunud-sunuran lang siya hanggang isakay siya sa kotse. His girl, Margaret, declared to the world that they broke up? At may bago itong idine-date na lalaki. Anong ibig sabihin nito?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.