Chapter WHC: 42

“Siyempre sa kanya ang finale,” sabi ni Justine. “Maghintay ka lang.”

"Gusto mo ng juice o ng makakain?" alok ni Dreamilyn. "May pizza dito."

"Hindi. Mamaya na lang," aniya at itinaas ang kamay bilang pagtanggi habang di pa rin inaalis ang tingin sa 32 inches niyang LED TV.

"Hoy! Kumurap ka naman. Commercial pa lang," sabi ni Justine.

"Si Kenji na ang susunod na i-interview-hin. Mamaya na ninyo ako guluhin pagkatapos ng interview," aniyang may kasamang asik. Ayaw niyang ginugulo siya sa mga importanteng bagay. Ganoon siya ka-focus. Ayaw niyang inaabala siya.

"Hayaan mo na nga siya. Lumuwa ang mata niyan sa gutom."

Matapos ang commercial ng shampoo ay ipinakita sa screen si Margaret. "Do you love Kenji Matsunaga?" tanong ng host ng Showbiz Puliz na si Amonda Barnes.

"Yes," sagot ni Margaret.

Dating episode iyon ilang buwan na ang nakakaraan nang sa wakas ay aminin na nina Kenji at Margaret ang relasyon ng mga ito. Naniniwala ang marami na tumagal ang relasyon dahil sa mahigit isang taon na itinago sa publiko. Margaret and Kenji was the perfect couple in public, to Yngrid's dismay, until the break up.

Nakikita sa gilig ng screen ang maliit na live video ni Kenji habang isinasa-himpapawid ang flashback video. Nakasuot ng shades ang binata kaya di niya makita ang mga mata nito. Nakasuot ito ng light blue na polo shirt. And he looked breathtakingly handsome.

"Bakit naka-shades?" tanong ni Dreamilyn.

"Mataas ang sikat ng araw sa studio,” anang si Justine.

"Shhhh! Ang ingay ninyo!" saway niya sa dalawa at matalim na tiningnan. Ibinaling ulit niya ang tingin sa TV.

"Para magbigay ng linaw sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay, live in Showbiz Puliz, Kenji Matsunaga. Good afternoon, Kenji."

Si Amonda Barnes ay isang dating artista na lalaki. Matagal itong nawala sa limelight at pagbalik ay isa na itong bonggang babae. Hindi niya bet ang leopard printed dress ni Amonda, ang maroon boa na nakabalot sa leeg nito at ang mapula nitong lipstick pero wala naman siyang magagawa dahil ito ang interviewer ni Kenji.

Kumabog ang dibdib niya nang i-focus si Kenji sa camera. "Good afternoon, Amonda," anang binata sa medyo malat na boses. Wala nang shades si Kenji nang ipakita sa camera. "Good afternoon sa lahat ng viewers ng Showbiz Puliz." Ngumiti si Kenji subalit hindi umabot sa mga mata nito. His eyes were sad. Really, really sad.

"How are you right now? I mean, you had just arrived from London and you were welcomed with the news of your break up."

"It was a complete shock. Hindi ko alam na magsasalita si Margaret tungkol sa relasyon namin. She didn't tell me about this," malungkot na wika ng binata subalit halatang pilit nitong kinokontrol ang emosyon.

Natahimik na silang magkakaibigan maliban sa mahinang hum ng aircon at manaka-nakang tunog sa likuran niya habang nagmimiryenda ang dalawa.

"She was emotional when you left. Parang ayaw niyang maghiwalay kayo sa airport. How long were you gone?" tanong ni Amonda.

"A month. I went to Europe to work."

"Did your absence affected your relationship?"

Bumuntong-hininga si Kenji. "Siguro di kami nagkaintindihan. She didn't want me to go. Masyado akong busy. Siguro nawalan ako ng panahon sa kanya, with the different time zones and all. We tried to make it work. Siguro hindi na lang niya ako nahintay. S-She decided to call it quits, I guess."

"Anong sabi ng pamilya mo?" tanong ni Amonda.

"Nalungkot sila. They like Margaret. My parents treat her like their own daughter when they visited here. My mom cooked for her and stuff.”

"How about Margaret's family? Do they like you?"

Natahimik si Kenji at di agad sumagot. Di naman kaila sa publiko kung ano ang trato ng angkan ni Margaret sa mga taong di babagay sa estado ng pamilya ng mga ito. Alam niya iyon mismo. It was a bitter experience she didn’t want to be reminded of. At kung anumang karanasan iyon, tiyak niyang ganoon din ang pinagdaanan ni Kenji. O baka mas malala pa.

Pilit na ngumiti si Kenji. "I did my best to show them that I am worthy of their daughter. They know I did.”

"Nagkita ba kayo ulit kayo ni Margaret matapos ang paghihiwalay ninyo?"

Tumango ang binata. "Yes. Nagkasalubong kami sa hallway kanina."

"How was it?"

Lumungkot ang mga mata ni Kenji. "Weird. She just hugged me. Gusto kong isipin na pareho ng dati pero hindi na."

"How's the relationship after the break up?"

Mariing nagdikit ang mga labi ni Kenji at lumamlam ang mga mata. Animo’y gusto nitong maiyak pero pinipigilan lang nito. "I want to think that pwede pa kaming maging magkaibigan. She's special. Malaki ang respeto ko sa kanya. Hindi ko alam ang mangyayari sa hinaharap pero nandito lang ako para sa kanya. I believe we love each other still despite the break up."

"You still love her?" tanong ni Amonda dahilan para pigilan niya ang hininga niya.

"Di mawawala iyon."

"Naghiwalay ba kayo dahil sa pamilya niya?"

"I-I have nothing against her parents. Nirerespeto ko sila. Mahal na mahal ko ang anak nila.”

Tagos sa dibdib ni Yngrid ang mga sinabi ni Kenji. Walang sinabing masama ang binata pero di man lang ito naringgan ng masama sa magulang ni Margaret pero parang sinagot na rin nito ang tanong. Kundi man ang mga Choi mismo ang dahilan ng hiwalayan ng mga ito ay malaking factor ang pamilya ni Margaret sa mga pangyayari. Naramdaman niya ang pagsisikap ni Kenji na pasayahin ang mga ito. Na patunayan na karapat-dapat ito para kay Margaret. Subalit sa pagkakabagsak ng balikat ng binata ay kitang-kita ang kabiguan nito.

Gusto niyang i-comfort ito nang mga oras na iyon. Gusto niyang sabihin dito na di ito nag-iisa pero nagkasya na lang siya na pagsalikupin ang mga kamay habang pinipigilan ang sarili na maiyak. Pinigilan lang niya ang pagtulo ng luha niya dahil tiyak na kakantiyawan siya ng dalawang kaibigan sa likuran.

"Ano ang iba pang dahilan ng break up ninyo?" tanong ni Amonda.

Yumuko ito at yumugyog ang balikat. Nahigit ni Yngrid ang hininga. Akmang bubuka ang bibig niya nang magsalita si Justine sa likuran niya. "Shocks! Umiiyak si Kenji." Tumabi ito sa kanya at niyugyog ang balikat niya. “Umiiyak talaga siya. Iniiyakan niya si Margaret. Ay, grabe! Ganoon niya kamahal ang bruhang iyon.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.