Chapter "ANYTHING FOR HER"

"HEY!" gabi na at inabutan ni Andrew na gising pa ang kapatid na si Samantha.

Nakangiti siyang hinarap ng kapatid. "Akala ko hindi kana darating" anitong kumuha ng isang baso saka nilagyan ng yelo pagkatapos ay sinalinan ng alak. 

"Dumaan kasi ako kina Lana" ang binatang lumapad ang ngiti sa pagkakabanggit sa pangalan ng dalaga.

Nanunukso ang ngiti sa mga labing sumagot si Sam. "You look so happy and contented, Kuya" anitong sinimsim ang alak sa sarili nitong baso.

Muling napangiti si Andrew sa narinig. "Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Pero totoo iyan, kontento at masaya ako ngayon. Hindi ko pa ito naramdaman kahit kailan, ngayon lang" ang binatang hindi napalis ang ngiti samba labi.

"Kailan mo ba ako ipakikilala sa mag-ina mo?" tanong muli ni Sam sa kaniya.

Nagkibit ng balikat niya si Andrew bago sumagot. "Anytime" aniyang kinindatan pa ang nakababatang kapatid pagkatapos.

"Oo nga pala tinawagan ako ni Patricia, hindi ka raw niya ma-contact?"

Hindi sumagot roon si Andrew at sa halip ay muling sinalinan ng wine ang baso nito.

"Hey, kuya" untag sa kanya ng nakababatang kapatid.

" Yes, narinig kita" aniya rito.

"Tawagan mo, mukhang important. Anyway, nag-away ba kayo?" usisa ni Sam sa kaniya.

Napabuntong hininga si Andrew sa tanong na iyon saka tila napapagod na minasahe ang sariling batok.

"Yeah, " pag-amin niya saka inubos ang lamang alak ng kaniyang baso.

"Bakit naman?"

"Gusto niyang bawiin ko ang sinabi ko dun sa post ko na anak ko si Andrea" pagsasabi niya ng totoo.

Mahinang tawa ang pinakawalan ni Sam bago muling nagsalita. "Alam mo kuya pansin ko kay Pat noon pa may feelings siya sayo" parang siguradong sigurado ang kapatid niya sa sinabi nito.

"Malabo iyon, matalino si Pat at malinaw pa sa sikat ng araw ang lahat sa kaniya" giit niya.

" Yeah, pero kung may nangyayari sa inyo, hindi malayong redevelop na ang feelings niya for you. Babae ako kuya, kaya alam ko" katwiran naman ng kapatid niya.

"Kung ganoon ba, possible kayang si Lana may feelings din for me?" sa tanong na iyon napangiti si Andrew.

"Para kang high school" si Sam na umikot ang mga mata.

Pumalatak ang binata. " Sagutin mo nalang kasi ang tanong ko" aniya.

"Eh hindi ba nga fan mo siya?" pagpapaalala pa sa kanya ng bunsong kapatid.

"I know, pero alam naman nating pareho ang ibig kong sabihin hindi ba?" Ang makahulugang sabi ng binata.

Tinawanan siya ni Sam. "Paano ko masasagot ang tanong mo eh hindi ko pa siya nami meet. Pero sure akong ikaw ang may feelings for her. Kaya hindi mo siya magawang iwasan" any Sam.

Natigilan at napaisip si Andrew sa narinig. " Kasi may anak kami" paliwanag niya.

Tinaasan siya ng kilay ni Sam. " Really? Si Andrea lang ba talaga ang dahilan?" anito stoning hindi kumbinsido.

Natatawang kumilos si Andrew. "Bahala ka nga" aniyang umakmang iiwan na ang kapatid.

"Goodnight! Bukas na tayo mag-usap!" Pahabol ni Sam nang paakyat na siya ng hagdan.

Kinawayan lang niya to habang parang sirang plaka ba nagpapaulit-ulit sa pandinig niya ang sinabi sa kanya ng bunsong kapatid.

Possible nga kayang siya ang totoong may feelings rito kaya hindi niya kayang tips in ang dalaga? Kaya ganoon na lamang katindi ang paghahangad niya para rito?

Naupo sa gilid ng kama niya ang binata saka bigla at sumagi sa isipan niya ang nangyari sa kanila kanina sa bahay niya na napag-alaman niyang originally at bahay noon nina Lana at ang tiyahin nito.

At kanina, ano bang pumasok sa isipan niya nang mula sa condo niya at pinuntahan niya ang dalaga para kausapin. Pero katulad ng dati, iba na naman ang naganap.

Paano nga kaya kung totoo ang sinasabi ni Sam? Na may special feelings siya para kay Lana?

Naguguluhan ang isipang ibinagsak ni Andrew ang likuran sa malambot niyang higaan.

Hindi naman kasi siya sigurado kaya ayaw niya magsalita muna ng tapos. Pero kung may isang bagay na sigurado siyang nararamdaman niya para kay Lana regardless the presence of Andrea, iyon at ang katotohanan na willing niyang gawin ang lahat para rito. Anything for her, kahit yata hilingin ni Lana sa kanya na mag-quit sa pag a artists walang problems kanya. Dahil napakahalaga sa kaniya ng dalaga.

KINABUKASAN nagulat si Lana nang makita ang sasakyan ni Marius na pumarada sa harap ng kanilang bahay.

"Good morning!" Ang masigla nitong bati.

"Good morning Marius. Bakit ang aga mo naman yata?"

"Yayayain ko sana kayong magsimba?" Ang walang na sagot ng binata.

Noon mabilis na naghagilap ng pwedeng sabihin si Lana. "A-Ano kasi, nakapangako na ako kay Andrew eh" aniya sa nag aalangang tinig.

Sukat sa sinabi niyang iyon at mabilis na napalis ang magandang ngiti sa mga labi  best friend niya.

"Sabihin mo nga sa akin ang totoo Lana" anito sa mariin pero mababang tono. "Kayo na ba unit ng lalaking iyon?"

"H-Hindi" aniya.

" Kung ganoon bakit ganoon nalang ang reaksyon mo kapag nababanggit ang pangalan niya?"

"Ano?"

"Mahal mo ba siya?" Ang tahasang tanong sa kanya ng matalik na kaibigan.

Napipilan si Lana sa tanong na iyon. Hindi dahil hindi niya iyon inasahan kundi dahil siya man ay biglang nalito sa kung ano ba talaga ang tuna niyang nararamdaman para kay Andrew.

"Ano? Mahal mo ba?" Nasa tono ni Marius ang pagkainip kaya lalong nataranta ang dalaga.

"I-I don't know" iyon na ang pinaka-safe na sagot na naisipan ng dalaga.

Nakita niyang gumuhit ang hinanakit samba mata ni Marius.

"Bakit ako Lana? Mula high school magkasama na tayo pero hindi mo ako natutunang mahalin?" Ramdam niya ang sakit sa bawat salitang binibitiwan ni Marius.

"M-Marius" aniya nang makitang kumilos ang binata palapit sa gate.

" W-What?

"Saan ka pupunta? Kararating mo lang" ang ranging wasabi niya.

Matagal muna siyang tinitigan ng lalaki bago kumibot ang mga labi nito at para magsalita.

"Sana sinabi mo sa akin noon pa? Willing to naman gawin ang kahit ano para sa iyo"  sakit na sakit sa tono.

"Please, Marius" habol niya sa matalik na kaibigan.

"Babalik nalang ako kapag okay na ako" ang makahulugan nitong sabi saka na sumakay sa dala nitong sasakyan.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.