Chapter "GOOD NIGHT KISS"

"HINDI man siguro naging ganoon kaganda ang simula nating dalawa para sa iba, pero hinding-hindi ko iyon ipagpapalit kasi para sa akin isa iyon sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko" ang isinagot ni Lana makalipas ang ilang sandali.

Maganda ang kislap sa mga mata ni Andrew dahil doon. "Yeah?"

Tumango si Lana saka masuyong hinaplos ang gwapong mukha ni Andrew. "Yes, at dahil iyon sa anak natin, kay Andrea" sagot niya.

Matamis ang ngiting pumunit sa mga labi ni Andrew. Kinuha nito ang kanyang kamay saka inilapit sa labi nito at hinalikan. "Salamat, at patawad" ang sa halip ay isinagot ng binata.

"Patawad?" bahagya pang nagsalubong ang mga kilay ng dalaga dahil sa sinabing iyon ni Andrew.

Tumango-tango si Andrew  saka ibinaba ang kamay niya pero nanatiling hawak nito. "Sa lahat ng pagkukulang ko bilang ama ng anak natin. Patawarin mo ako kung hindi kita hinanap. Ang totoo gusto talaga kitang hanapin noon, pero mas nanaig sa akin ang pride at isama mo narin ang pagiging, I hate to say it pero, sa lahat ng nangyari nagmistula akong puppet ni Tita Tina. Kasi importante sa akin ang kasikatan, gusto ko ang limelight, kahit ang totoo sa huli na-realize ko na hindi pangmatagalan ang lahat ng iyon. Kasi ang totoong kaligayahan ay ang pamilya, ang pamilya na bubuuin ko kasama mo at si Andrea" ang mahabang salaysay ni Andrew.

Humaplos sa puso ni Lana ang sinabing iyon ni Andrew kaya naman mabilis na nag-init ang kanyang mukha. Pero dahil hindi iyon ang tamang panahon para maging emosyonal ay nagpigil ang dalaga at nagtagumpay naman ito. 

"P-Pwede ba akong magtanong?" basag ang tinig na winika ng dalaga.

Tumango si Andrew saka mabait na ngumiti.

"K-Kung sakali bang sinabi ko sa iyo ang totoo noon, aalukin mo parin ba ako ng kasal?" 

Kung saan hinugot ni Lana ang lakas ng para sa katanungang iyon ay hindi niya alam. Basta ang tiyak lang niya ay bigla siyang kinabahan nang hindi niya maunawaan. Hinintay niyang magsalita si Andrew. Tinitigan niya ang mga mata nito saka hinagod ng tingin ang mukha na bahagyang nagtagal sa mga labi ng binata dahil nga hinihintay niyang kumibot ang mga iyon. Pero iba ang nangyari, dahil malakas siyang napasinghap nang bigla siyang hinalikan ni Andrew.

Ilang sandaling nanatiling angkin ng binata ang mga labi niya. Pagkatapos ay habol ang paghinga siyang pinagmasdan ni Andrew nang bumitiw ito sa paghalik sa kaniya. "Of course! Pero huwag na nating pag-usapan iyon. Although nanghihinayang ako sa lahat ng nasayang na panahon, sa lahat ng hindi ko nagawa na sana ay nagawa ko. Tapos na iyon, at siguro mas mabuti na rin ang ganito, ang mas importante naman kasi iyong ngayon at bukas kasi iyon ang mayroon tayo" ang mahabang paliwanag sa kaniya ni Andrew.

Napalabi si Lana sa narinig. "Iniisip mo ba na magkakaroon ako ng regrets kaya ayaw mong pag-usapan ang tungkol doon?" saka sinundan ng dalaga ang sinabi ng mahinang tawa.

Tumawa ng mahina si Andrew saka nito parang walang anumang binasa ang mapupula nitong labi. "Aminado naman ako sa mga regrets ko, pero katulad na nga ng sinabi ko, mag-focus tayo sa kung ano ang mayroon tayo ngayon at sa future."

Nagkibit ng balikat niya si Lana saka naglalambing na muling inihilig ang ulo sa balikat ng binata. "Sabagay, tama ka naman" ang tanging nasabi niya.

Noon kumilos ang binata saka siya inakbayan. "Ang totoo, marami akong gustong sabihin sa iyo na alam kong pwedeng bumago sa buhay mo, sa buhay nating tatlo pero masyado pang maaga" ang makahulugang winika ni Andrew na nagpabilis ng tibok ng puso ng dalaga habang nakahilig parin siya sa balikat ni Andrew.

Gusto sanang magtanong ni Lana pero nagpigil siya. Masyado pang maaga? Para saan? Para sa ano? 

Nag-iwan ng malaking tanong sa isipan ng dalaga ang sinabing iyon ni Andrew. Pasasaan ba at malalaman rin niya ang tungkol doon. Pero sa ngayon, kailangan niyang magkasya nalang muna sa kung ano ang mayroon sila, dahil sa kabila ng lahat, gaya na nga ng nasabi niya noon pa mang una, kailangan niyang i-save ang ego niya.

"Andrew?" ilang sandali pagkatapos ay inilayo ni Lana ang sarili sa binata at saka pumihit paharap rito.

"Inaantok kana?" ang natatawang tanong ni Andrew sa kanya.

"Medyo, pero ang totoo, gusto ko lang malaman mo na wala kang dapat na ipag-alala kasi naniniwala naman ako sa'yo" pagsasabi ng totoo ni Lana.

Nakita niyang kumislap ang magagandang mata ni Andrew kasabay ang pagsilay ng isang magandang ngiti mula sa mga labi nito. "Talaga?" anitong hindi maitago ang kasiyahan sa tinig.

Tumango ng magkakasunod si Lana. "Yes, I believe in you. Malaki ang tiwala ko sa iyo, iyon ang totoo" paglilinaw pa niya.

Noon siya mahigpit na niyakap ng binata. "Salamat Lana, maraming salamat" anito.

"Matulog kana?" nang bumitiw siya sa pagkakayakap kay Andrew ay nakita niya ang tila pag-uulap ng mga mata nito.

"Okay" ang maikli nitong sagot sa tumayo na sinundan naman ng dalaga.

"Matutuwa bukas ang anak mo paggising niya, sigurado ako doon" si Lana na tila nai-imagine pa ang posibleng maging reaksyon ng anak nila pagkagising ni Andrea bukas at katabi nito ang ama.

Sandali siyang pinagmasdan ni Andrew saka tinanggap ang damit na iniaabot niya. "Dito kana matulog?" ang halos pabulong na alok ng binata sa kagustuhang huwag magising si Andrea.

"Baliw ka ba?" ang hindi makapaniwalang sagot ni Lana bagaman ang totoo ay gusto niya ang idea na iyon.

Noon parang walang anuman na hinubad ni Andrew ang suot na damit. Nagulat doon si Lana na mabilis na tumalikod. Narinig pa niya ang mahinang tawang pinakawalan ng binata dahil sa naging reaksyon niya.

"Hey" ang narinig niyang winika ni Andrew. "okay na" sa tono na halatang nagpipigil ng tawa, at iyon nga ang nakita niya sa aura ng mukha nito pagpihit niya paharap rito. "maganda itong shirt mo, sakto sa akin" compliment pa ng binata sa amuse parin na tono.

Namula ng husto ang mukha ng dalaga dahil doon. "Unisex kasi iyan" ang maikli niyang sagot saka inirapan ang binata.

Noon tuluyang napangiti si Andrew. "Don't tell me hanggang ngayon, pagkatapos ng lahat?" ang makahulugan tanong sa kanya ng lalaki.

Pumalatak si Lana. "Tumigil ka nga!"

Pigil ang tawang pinakawalan ni Andrew. "C'mon sweetheart, bakit naman ganun eh samantalang ilang beses mo nang..." 

Mabilis na pinutol ni Lana ang iba pang gustong sabihin ni Andrew. "Matulog kana at baka magising pa iyang anak mo" aniya sa matigas na tono kahit ang totoo hindi niya mapigilan ang panghihimasok ng kilig sa damdamin niya.

"Dito kana matulog, ang laki-laki nitong kama oh" ang tinutukoy ni Andrew ay ang queen sized bed na hinihigaan ngayon ni Andrea.

"Makikita tayo ni Mama" ang sagot niya kahit ang totoo ay gustong-gusto na niyang sumagot ng oo sa binata.

"Tsk, hindi naman tayo magtatabi di ba? Nakagitna nga satin si Andrea eh" giit na naman ni Andrew sa tonong namimilit na tono.

Sandaling nag-isip ang dalaga na nanatiling nakatitig sa binata. 

"Please?" si Andrew iyon.

Noon nagbuntong hininga si Lana. "O sige na nga!" aniyang kumilos at pumuwesto sa bahagi ng wall.

Maganda ang ngiting nahiga narin si Andrew kung saan nakagitna sa kanila ang bata. "Good night sweetheart" ang malambing nitong hinimig saka ngumuso pa sa gesture na humihingi ng halik.

Natawa doon si Lana saka bumangon para pagbigyan ang kahilingan ng binata. Tinanggap niya ang good night kiss na iyon na totoong ibang ligaya ang ibinigay sa kaniya gaano mang iyon kasimple o kahit sabihing smack lang iyon.

"Good night" aniya nang makahiga na.

Matutulog na sana siya pero naramdaman niya ang kamay ni Andrew na inabot ang kaniya saka iyon ipinatong sa anak nilang mahimbing parin ang tulog.

"Matulog kana" aniya sa binata.

Tumango ito ng ngiting-ngiti. "Ikaw rin" anito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.