Chapter "I FUCKING LOVE HER!"

"SO, finally nagkita rin tayo" si Patricia nang imbitahan niya ito sa kaniyang opisina sa head office ng Scott's Cafe nang araw ring iyon.

Ngumiti lang si Andrew saka pinaupo ang dalaga. "May mga gusto lang ako i-discuss ng personal sa iyo" aniya.

Tumawa ng mahina si Patricia at saka nang-aakit na pinag-krus ang magaganda at makikinis nitong binti. "Hulaan ko, tungkol sa kontrata mo?" anitong dinampot ang tasa ng kape saka uminom.

Noon itinuwid ni Andrew ang pagkakaupo saka tinitigan ng tuwid sa mga mata ang dalaga. "Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko sa iyo" pagsisimula ng binata.

Nagsalubong ang mga kilay ni Patricia kasabay ng mabilis na pag-uulap ng mga mata nito. "What are you talking about?" ang naguguluhang tanong nito.

Huminga ng malalim si Andrew saka pinanatili ang pagkakatitig sa mata ng dalaga. "I'm quiting show business, Pat. Hindi na ako magre-renew ng kontrata sa agency" sa isang mababa ngunit may pinalidad na tono ay winika ni Andrew.

"MA'AM Lana may naghahanap po sa inyo" ang sekretarya ni Lana hapon nang araw ring iyon.

Mula sa binabasang papel ay sinulyapan ng dalaga si Rowena na nanatiling nakatayo sa may pintuan ng kaniyang opisina. "Sige" aniyang hindi na inabala ang sariling tanungin dito kung sino iyon.

"Good afternoon," boses iyon ng isang babae kaya naman muling napatingala si Lana kasabay ng paghila ni Rowena pasara ng pinto.

Mabilis na nanlamig ang kabuuan ng dalaga nang makilala kung sino ang babaeng ngayon ay nakatayo sa kaniyang harapan. Walang iba kundi si Rhyza, ang babaeng nakarelasyon noon ni Andrew.

"I would like to formally introduce myself to you first" simula nitong tinitigan siya ng tuwid sa mga mata. "I'm Rhyza Alejandro," anitong kasunod na sinambit ang titulong napanalunan nito sa isang pretihiyosong beauty pageant.

Walang anumang naging reaksyon tungkol sa sinabing iyon ni Rhyza ang dalaga at sa halip ay itinuro niya ang silya sa kaniyang harapan para alukin na maupo ang babae. 

"Hindi rin ako magtatagal," ang mataray nitong sabi sa tono na tila hinihingi ang kaniyang pangalan.

"Lana, just call me Lana" aniya sa propesyonal na tono.

Nakakalokong tumawa ang babae saka muling nagsalita sa kaparehong tono. "Lana, gusto kong malaman mo na buntis ako at si Andrew ang ama!"

Tigalgal si Lana sa narinig kaya hindi siya kaagad nakapagsalita.

"Nagulat ka ano?" anitong tumawa ng mahina. "ayaw akong kausapin ni Andrew, kaya ikaw nalang ang kinausap ko. Siguro naman nauunawaan mo kung bakit gusto kong ipaglabanat bawiin si Andrew mula sa inyo ng anak mo!" anitong binigyang diin ang salitang anak.

"NO! Hindi pwede! You can't do this!" ang galit na winika ni Patricia saka tumayo. "At ano naman ang dahilan mo kung bakit gusto mong mag-quit? Hindi ka pa laos Andrew, sa katunayan sikat na sikat ka. Itatapon mong lahat iyon para sa walang kwentang babaeng iyon na kung tutuusin ay tagahanga mo lang?" ang mahabang litanya ni Patricia.

"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo Patricia!" sa narinig niyang sinabi nito tungkol kay Lana ay mabilis na nakaramdam ng galit si Andrew.

Tumawa ng pagak si Patricia. "Bakit? Hindi ba totoo naman? Isa lang siyang fan na pumayag makipag-hindutan sa'yo dahil ang totoo matagal na niyang pinagpapantasyahan ang katawan mo!" 

At doon na nga tuluyang naubos ang pasensya ni Andrew. "Sinabi ko na sa iyo, huwag mo iinsultuhin si Lana!"

Nakita ni Andrew ang matinding takot sa mukha ni Patricia sa ginawa niyang iyon. "Alam kong mahirap intindihin ang desisyon ko pero dito ako masaya. Ikakasal na ako at gusto kong simulan ang pagbabagong buhay kasama ang mag-ina ko sa isang pribado at tahimik na paraan. I would like to tell you na alam na ng presidente ng agency ang tungkol dito at iginalang niya ang gusto ko, sana ay ganoon ka rin."

Noon nagsimulang umiyak si Patricia. "Walang hiya ka!" anitong galit na galit siyang dinuro.  "I gave you everything! Pero bakit siya minahal mo, bakit ako hindi?!" anitong nagsimula nang pumalahaw ng iyak.

Agad na nakaramdam ng awa si Andrew sa babae kaya naman tumayo siya para yakapin ito pero iba ang ginawa ni Patricia. Agad itong nangunyapit sa kanya saka siya mariing siniil ng halik sa mga labi.

"Ano ba!" ang galit na galit na sabi ni Andrew saka itinulak palayo sa kaniya si Patricia.

"I love you! Gagawin ko ang lahat Andrew, kung gusto mong maging mabait ako sa babaeng iyon at sa anak mo willing ako. Huwag mo lang akong iwan, huwag mong gawin ito sakin please?" ang nagmamakaawang iyak ni Patricia.

"Sa simula palang malinaw na sa ating dalawa ang lahat hindi ba? Iyong lahat ng nangyari sa atin noon, gusto kong ihingi ng tawad sa iyo. Mali iyon, hindi ko dapat ginawa iyon. At kung mababalikan ko lang ang nakaraan ko, baka hindi ganito. At natitiyak kong hindi ko gagawin ang lahat ng iyon, para sa huli wala akong masasaktang tao, katulad ng nangyayari ngayon sa'yo" pagsasabi ng totoo ni Andrew sa tono na humihingi ng paumanhin.

"At pinagsisisihan mo ang lahat ng nangyari sa atin? Walang hiya ka talaga! Mamatay kana sana! Animal ka!" si Patricia na sinimulan siyang pagsusuntukin sa dibdib.

"Stop!" aniyang hinawakan ang dalawang kamay ng babae para pigilan ito. "I'm sorry, but yes. Dahil mali ang lahat ng iyon. Maling-mali at walang katwiran. Hindi kahit na kailan bibigyang katwiran ng pangangailangan ko bilang lalaki o kahit pa ng kasikatan ko ang lahat ng nagawa ko. Dahil sa lahat ng iyon, isa lang naman ang naging totoo, at iyon ay ang naramdaman ko sa babaeng pakakasalan ko" sa huli ay minabuti narin ni Andrew na sabihin iyon kay Patricia dahil kahit masakit, alam niyang iyon ang magpapalaya sa kanilang dalawa.

Mabilis na natigilan sabay napatitig sa kaniya sa Patricia dahil sa sinabi niyang iyon. "W-What?" anitong muling nabasag ang tinig.

Mabait ang ngiting pumunit sa mga labi ni Andrew sa pag-asam na kahit papaano ay mapapagaan niyon ang nararamdaman ng kaharap. "Wala na akong ibang gustong gawin ngayon sa buhay ko kundi ang isang maging mabuting ama at asawa sa mag-ina ko, Pat" pag-amin niya.

"Damn you!" 

"Yes, I know I deserve that, kaya nga humihingi ako ng tawad sa iyo. Kasi alam kong nasaktan kita. Sana maintindihan mo ako, at sana ay maging masaya ka nalang para sa akin kung totoo man ang sinasabi mo na mahal mo ako" si Andrew sa nakikiusap na tono.

Nakakaloko ang tawang pinakawalan ni Patricia. "Kahit kailan hindi mangyayari iyon. Ipaglalaban kita! Hindi ako papayag na mapunta ka sa kanya! Kung alam ko lang na ganito ang aabutin ng lahat sana matagal ko nang pinutol ang lahat ng kahibangan at kalandiaan mo sa ibang babae!"

"Stop! Walang kailangang ipaglaban Patricia dahil hindi tayo pareho ng nararamdaman! Hindi ako ang lalaki para sa iyo. May darating na mas higit sa akin at ibibigay niya ang pagmamahal na kahit kailan ay hindi ko maibibigay sa'yo" paliwanag ni Andrew sa napipikon narin na tono.

"Tell me the truth Andrew" sa pagkakataong ito ay nagpahid ng mga luha niya si Patricia at taas ang noo siyang tinitigan. "bakit mo pakakasalan ang babaeng iyon? Dahil may anak kayo? Iyon ba? Iyon ba ang dahilan mo?" 

Sa tanong na iyon tuluyan na ngang umabot sa sukdulan ang pagtitimpi. "Pakakasalan ko si Lana dahil mahal ko siya Patricia! Because I fucking love her!"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.