Chapter "LACE CURTAINS"

"L-LOVE?  Mahal mo ako?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Lana habang patuloy sa pag-agos ang masaganang luha sa magkabila niyang pisngi. 

Noong tuluyang lumuhod sa harapan niya ang binata saka sinapo ng mga kamay nito ang kaniyang mukha. "Sobrang mahal na mahal Lana" si Andrew na inilapit ng husto ang mukha sa kaniya saka siya masuyong hinalikan.

Lalong napaiyak sa narinig niya ang dalaga. "T-Talaga?" nang pakawalan ni Andrew ang mga labi niya.

Tumango si Andrew saka siya niya ng mahigpit. "Kung alam ko lang na ganito pala kasarap sa pakiramdam na malaman mo kung ano ang totoong nararamdaman ko para sa'yo, sana matagal ko ng inamin sa'yo. I'm so sorry if I made you wait to hear what you need to hear" naramdaman niya sa binata ang katapatan ng mga salita nito kaya lalong napuno ng matinding kaligayahan ang puso ni Lana.

"Mahal din kita Andrew, mahal na mahal kita. Kayong dalawa ni Andrea ang lahat sa akin" pagsasabi niya ng totoo saka hinaplos ang mukha at buhok ng lalaking pinakamamahal niya.

Tumango ng magkakasunod ang binata. "Ibibigay ko ang lahat ng mayroon ako maging masaya ka lang. Gagawin ko ang lahat mapasaya lamang kita ng lubos. Hindi ko nakikita ang sarili ko na tumatanda nang wala ka" pagpapatuloy ng binata. Nang hindi magsalita si Lana ay nagpatuloy si Andrew. 

"Alam ko hindi magiging madali ang lahat ng ito, lalo at hindi pa natatapos ang lahat  nang nanggaling sa nakaraan ko. But I promise you, po-protektahan kita at si Andrea. Hindi ko kayo pababayaan" nasa tono ni Andrew ang katatagan at naniniwala siya rito.

"I know, I believe you" si Lana na inilapit ang mukha sa binata. 

Nangingislap ang mga matang hinagod ng tingin ni Andrew ang mukha niya. Pagkatapos ay hinaplos nito ang manipis at puting lace na inilagay niya kanina. "Gusto ko ang lace curtain na ito. Parang ikaw, beautiful, soft, delicate and has gentle curves" ang binata sa nang-aakit na tono.

Nahigit ang paghinga ni Lana sa sinabing iyon ni Andrew. "A-Andrew" aniya.

"I wanna make love to you tonight sweetheart," anas ni Andrew saka nito sinimulang haplusin ng kamay nito ang binti niya paitaas. 

"Oh, A-Andrew" aniyang napasinghap nang mabilis na kumalat sa kabuuan niya ang init na nililikha ng ginagawang iyon ng binata.

"You never wear stockings, am I right?" ang binatang ipinagpatuloy ang ginagawang paghaplos sa binti niya kaya muli ay napasinghap na naman si Lana.

"M-Minsan," pagsasabi niya ng totoo.

Tumawa ng mahina si Andrew saka itinuwid ang kamay nito at kumuha ng isang piraso ng rosas sa bouquet na nasa tabi ni Lana. "You don't need it if you are going to ask me, you have a very beautiful pair of legs with smooth skin. At gusto ko silang halikan, ngayon mismo" ang sa tila nang-aakit nitong tono saka muling hinaplos ang binti niya. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na ang kamay nito ang gamit ni Andrew kundi ang mismong rosas na kinuha nito mula sa bouquet.

"I love you baby" ang binata na inilapit ng husto ang mukha sa kaniya kaya hindi na siya nabigyan ng pagkakataong magsalita.

Napapikit si Lana nang bumalandra sa mukha niya ang mabangong hininga ni Andrew. "I love you too" aniyang sinalubong ang mga titig ng binata pagkatapos.

Ngumiti ang binata. "Tell me, how do you like it this time?" tanong nito na sinimulang ibaba ang pagkaka-zipper ng suot niyang dress.

Naramdaman ni Lana ang mainit na palad ni Andrew na lumapat sa likuran niya nang tuluyang na ngang maibaba ng binata ang ibaba ang itaas na bahagi ng kaniyang damit. 

"I-Ikaw ang bahala" sagot niya saka naramdaman na ang kaniya namang bra ang isinunod ng binata.

Ngumiti ang binata. "Are you sure?" paniniyak nito sa tono na hindi parin nagbabago.

Kumilos ang kamay ni Lana saka hinaplos ng mga daliri nito ang labi ng binata. "Yes, I'm sure" sagot niya saka niyuko si Andrew saka hinalikan.

Mariin at maalab ang naging pagtugon ni Andrew sa halik niyang iyon. At marahil katulad niya, dahil narin sa masidhing paghahangad na madaling sinindihan ng binata sa pagkatao niya ay naging mapusok at palaban si Lana sa kauna-unahang pagkakataon.

"So, officially I am your girlfriend now?" si Lana na tila nagkaroon ng sapat na lakas ng loob na sabihin ang mga bagay na iyon dahil narin sa katotohanan na sa wakas nagkaroon narin ng pangalan ang lahat ng emosyon at damdamin na nararamdaman niya sa bawat haplos at halik sa kaniya ni Andrew.

Magaganda ang kislap sa mga matang ngumiti ang binata. "Of course, my future Mrs. Andrew Scott" anito umakmang muling hahalikan siya pero mabilis na nagawang iiwas ni Lana ang kaniyang mukha.

"It's a dream come true you know? A simple fan like me is soon to be my favorite actor's wife?" totoo sa loob ni Lana ang kaniyang sinabi. 

Totoo naman, noong bago si Andrea isa lamang siyang simpleng tagahanga na nakukuntento sa simpleng pagkausap niya sa malaking litrato ni Andrew sa kanyang kwarto. Ang one night stand na nangyari sa kanila ng binata kailangan niyang aminin na dream come true rin para sa kaniya. Dahil hindi lahat ng fan posibleng maranasan ang nangyari sa kaniya. 

Nagmamahal siya, iyon ang totong dahilan kung bakit nagawa niyang ibigay kay Andrew ang sarili niya noon. At kahit kailan hindi niya pagsisisihan ang nangyaring iyon dahil noon niya naranasan ang isang pagmamahal na hindi niya ipagpapalit kahit kanino, ang pagmamahal niya para kay Andrea mula nang isilang niya ito. Mula nang siya ay maging isang ganap na ina.

Hindi man naging malinaw sa kanila ni Andrew ang lahat sa simula palang ay nararamdaman parin niya ang totoong pagmamahal nito para sa kaniya. Pero hindi iyon sapat dahil ang totoo kailangan ng kahit sinong babae ang pangalan. Pangalan ng kung nasaang estado na ba ang isang relasyon kung saan ito ang involve.

At ngayong narinig na niya mula sa binata kung ano ba ang dapat talaga niyang marinig at matagal narin niyang hinihintay. Alam niyang ngayon niya mas higit na kailangang maging matapang, ngayon niya mas makakayang ipaglaban ni Andrew.  Dahil mahal siya nito at iyon ang totoong dahilan kung bakit siya inalok ng kasal ng binata.

"Marrying a fan is not a big deal for me. What is important to me is that she changed me, and taught me how to love completely, and that's you" ang binata na mariing inangkin ang mga labi ni Lana pagkatapos. 

Mabilis na naiwala si Lana ng mapusok na halik na iyon ng binata. At katulad ni Andrew na naging abala ang mga kamay sa paggalugad sa kabuuan ng dalaga ay ganoon rin naman siya rito. 

Mula sa pagkakaluhod sa harapan niya ay tumayo si Andrew saka siya inihiga sa kama. Nang pumatong ito sa kaniya ay muli niyang sinalubong ang mga halik niya habang ang kamay niya ay mabilis na pumaloob sa suot nitong pang-itaas at masuyong humaplos doon.

Ilang sandali lang ay hinawakan ni Lana ang laylayan ng polo shirt ni Andrew saka iyon hinila paitaas.

"Promise me na kahit anong mangyari hindi ka bibitiw sa mga kamay ko Lana" si Andrew na tuluyang na nga hinila pababa ang suot niyang bestida. Pagkatapos ay isinunod nito ang panty niya hanggang sa tuluyan na ngang natambad sa paningin nito ang kahubaran niya. 

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.