Chapter "BECAUSE I LOVE YOU"

PASADO alas-seis na nang gabi nang matapos sina Andrew at Sam. Dahil sa pagod ay ipinasiya na lamang ng binata na condo unit na lamang niya siya magpalipas ng gabi dahil doon naman siya mas malapit mula sa branch ng Scott's na pagmumulan niya. Kasasakay lang ng binata sa kotse niya nang marinig ang pagtunog ng kaniyang telepono. Si Sam kasi ay nauna nang umuwi at nagpasundo na lamang sa kanilang family driver.

Agad na napangiti si Andrew nang mabasa kung kaninong pangalan ang nakarehistro sa screen ng kaniyang telepono. Pakiwari niya napawing bigla ang lahat ng pagod na nararamdaman niya kaya naman hindi na niya ito pinaghintay at nagmamadaling sinagot ang tawag.

MAGANDA ang ngiting pumunit sa mga labi ni Lana matapos ang pag-uusap nilang iyon ni Andrew. Nanatiling nakatingin ang dalaga sa magaganda at kulay puting lace curtain na inilagay niya sa four poster-bed sa mismong penthouse ni Andrew.

Alam niyang magugustuhan iyon ni Andrew at hindi na siya makapaghintay ng posibleng maging reaksyon nito.

Tahimik na inayos ni Lana ang dalawang wine glass sa gitna ng coffee table. Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa ito, pero aminado siyang gusto niyang gawing romantic ang gabing iyon. Kung bakit, napangiting muli roon ang dalaga saka sinindihan ang kandila sa gitna ng mesa. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay biglang sumikdo ang kaba sa dibdib ng dalaga nang marinig niya ang elevator chime. Nagmamadali siya lumabas ng kwarto para salubungin ang alam niyang si Andrew.

"HELLO" ang nakangiting salubong niya sa binata nang mabungaran niya ito.

Ngumiti lang din ang binata, at sa malalaking mga hakbang ay natagpuan na lamang niya ang sariling kulong ng malalaking bisig ng lalaki. "Hi" anitong pagkasabi niyon ay maalab siyang hinalikan.

Agad na naparalisa ang kabuuan ni Lana sa ginawing iyon ng binata. Kaya naman bago pa mauwi sa kung saan ang simpleng halik sa pagbating iyon ay minabuti na ng dalagang pakawalan ang sarili mula sa mahigpit na pagkakayakap sa kaniya ni Andrew.

"May ibibigay nga pala ako sa'yo" ang binatang humakbang pabalik sa accent chair kung saan nito iniwan ang dalang sling bag nito.

Agad na napuno ng masidhing kaligayahan ang dibdib ng dalaga nang mapuna kung ano ang ngayon ay hawak ng binata. Isang bouquet ng red roses.

"This is for you" ang binata saka nakangiting iniabot sa kaniya ang magagandang bulaklak.

Napakagat labi si Lana dahil sa kaligayahan saka malugod na tinanggap ang mga iyon. "Thank you, actually may gusto rin akong ipakita sa iyo" ang dalaga na hinila ang kamay ng binata papasok sa silid.

"I hope you like it" ang tanging nasabi ni Lana saka tiningala ang binata sa kaniyang tabi.

Maganda ang ngiting humakbang ang binata palapit sa four poster bed at sumunod naman ng kusa ang mga paa ng dalaga. "Ginawa mong mag-isa?" tanong ni Andrew saka hinaplos ng kamay nito ang manipis na lace curtain.

Tumango-tango ang dalaga. "Actually wala talaga sa plano ito may nagtulak lang sa akin" ang dalagang napahagikhik ng mahina nang hapitin siyang bigla ng binata saka kinuha ang pumpon ng rosas na inilapag nito sa paanang bahagi ng malambot na kama.

"Kung sino man siya, pakisabi nalang salamat" si Andrew na inilapit ng husto ang mukha sa kaniya pagkatapos. "and by the way, I want you to know that I didn't just like it. I actually love it" pagkasabi ay tuluyan na nga nitong inangking ang tila naghihintay na mga labi ni Lana.

MAALAB ang halik na iyon pero marahan at puno ng paggalang.Dahilan kaya mabilis na nawala sa sarili niyang katinuan ang dalaga katulad ng madalas na nangyayari sa kaniya tuwing hinahalikan siya ng binata.

"I would like to tell you something," nang pakawalan ni Andrew ang mga labi niya ay minabuti ng dalaga na igiya paupo sa paanan ng kama ang binata.

Umangat ang makakapal na kilay ng binata saka itinaas ang kamay niya at masuyong hinalikan ang likuran ng kaniyang palad. "Ano iyon?" anitong nagpatuloy sa ginagawang paghalik sa kamay ng dalaga paakyat sa braso nito kaya naman si Lana ay hindi napigilan ang mapasinghap dahil sa kakaibang daloy ng sensasyon na unti-unting binubuhay ni Andrew sa katawan niya.

"S-Si Rhyza, pinuntahan niya ako sa office kanina. Sinabi niyang buntis daw siya at ikaw ang ama" ang walang gatol na sabi ni Lana kaya mabilis na natigilan at napatitig sa kaniya ang binata.

"What?" ang gulat na gulat at hindi makapaniwalang tanong ng binata.

Tumango-tango si Lana saka ngumiti. "Huwag kang mag-alala, alam ko naman na hindi totoo iyon. Matagal nang masyado at kung buntis man siya dapat halata na sa tiyan niya iyon" aniyang tumawa pa ng mahina. "hindi ko inasahan na ganito pala kahirap ang lahat Andrew" sa huli ay dugtong pa ni Lana saka nagbuntong-hininga.

Noon siya kinabig ng binata saka mahigpit na inakbayan. "Hey," si Andrew sa tono na inaamo siya. Kinabakasan rin niya ng pangamba ang pananalita ng binata.

Tiningala niya si Andrew. "Alam mo bang mula nang mabuntis mo ako, side kay Andrea ay pride ko nalang ang naiwan sa akin at mayroon ako?" pagpapatuloy ni Lana.

"What?" si Andrew sa tono nitong naguguluhan.

"Aside sa nauna ko nang naging boyfriend, alam mo namang ikaw lang ang lalaking nagdaan sa buhay ko hindi ba? Alam mo rin na ikaw lang ang lalaking pinagbigyan ko ng sarili ko, ng maraming beses, ng paulit-ulit" pagpapatuloy ni Lana saka nagyuko ng ulo at sinimulang paglaruan ang kanyang mga daliri.

"A-Ano bang nangyayari sa'yo? Anong ginawa ni Rhyza, tell me" puno ng pag-aalalang tanong ni Andrew saka ito kumilos at tumalungko paharap sa kaniya.

Noon tuluyang umagos ang lahat ng emosyon na kinikimkim ni Lana kasama narin ang matinding insecurity na hindi niya maiwasang maramdaman dahil sa kawalang linaw ng lahat sa kanila ng binata.

"H-Hindi mo naman ako kailangang pakasalan dahil lang sa may anak tayo, Andrew" aniyang pinilit na isalba ang sarili niyang emosyon pero nabigo siya.

Umabot sa pandinig ni Lana ang marahas na buntong hiningang hinugot at pinakawalan ng binata. Pagkatapos ay hinawakan nito ang kaniyang baba saka itinaas ang kaniyang mukha pero umiwas siya ng tingin kay Andrew.

"Hey, what are you talking about? Hindi kita maintindihan. Kung si Rhyza lang ang dahilan ng lahat ng ito hayaan mo, bukas na bukas ay kakausapin ko siya" ang binata sa tonong may bahid na galit na alam niyang para sa dati nitong nobya.

Umiling si Lana at tuluyan na ngang napahagulhol ng iyak. "B-Bakit ganoon? Bakit ginagawa nilang mahirap ang lahat para sa atin? Bakit ginagawa nilang mahirap para sa akin ang mahalin ka?" nang hindi niya mapigilan ay iyon ang kusang nanulas sa mga labi ng dalaga saka isinubsob ang mukha sa sarili niyang mga palad.

"Dahil kahit kailan, hindi naging madali ang isang tunay at wagas na pagmamahal, sweetheart" si Andrew na inabot ang mga kamay niya saka iyon mahigpit na hiwakan. "pero hindi mo naman kailangang harapin ng mag-isa ang lahat ng ito. Nandito ako, magkasama tayo, at kahit na kailan hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo" pagpapatuloy ng binata na tumitig pa ng tuwid sa kaniyang mga mata.

"A-Andrew?" nang mabasa ni Lana ang kakaibang uri ng emosyon sa mga mata ng binata.

"I am more than willing to give up everything just to be with you. I can live without money and fame, pero iyon mabuhay nang wala ka sa tabi ko, nakalimutan ko na kung paano" ang madamdaming hayag ni Andrew.

Muling napaiyak si Lana sa sinabing iyon ng binata. "Oh, Andrew" aniyang suminghot.

"Alam ko kahit minsan hindi ko pa nasasabi sa'yo, pero gusto kong malaman mo na dalawa lang ang totoong dahilan kung bakit gusto kitang pakasalan," ang lalaki sinimulang tuyuin ang mga luha niya gamit ang mga daliri nito. "si Andrea, of course. Pero kung sakaling wala ang anak natin, alam mo bang pakakasalan parin kita?"

Nag-init muli ang mga mata ni Lana sa sinabing iyon ni Andrew. "R-Really?" aniya sa nanginginig na tinig.

Tumango-tango si Andrew. "Because I love you, so much" pag-amin ng binata. 

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.