Chapter "ROSE PETALS"

"I PROMISE" si Lana na matamis munang ngumiti bago hinaplos ang mukha ng binata.

Iyon lang at hinalikan na siya ni Andrew. Kasabay niyon ang muling paglilikot at panggagalugad ng kamay ni Andrew sa bawat parte at kurba ng katawan ni Lana.

Ilang sandali lang at mula sa pagkakapikit ay naramdaman ng dalaga ang tila banayad na paghaplos ng kung ano sa katawan niya na nagdudulot ng kakaibang kilabot at masarap sa sensasyon kay Lana. 

Nagdilat siya ng paningin at bumitiw sa pagkakahalik sa binata. Noon nga niya napag-alaman na rose pala ang ang hawak ni Andrew na siyang inihahaplos ng binata sa katawan niya.

Napuno ng init ang damdamin ni Lana dahil sa ginawing iyon ng binata. Pagkatapos ay muli siyang hinalikan ni Andrew. Sa pagkakataong iyon ay wala na sa kamay nito ang bulaklak kaya naman napaungol siya nang maramdaman niya ang pagkalalaki ng binata na masuyong humipo sa hiyas na nasa pagitan ng kaniyang mga hita.

Napasinghap si Lana dahil sa masarap na sensasyong inihatid sa kanya ng ginawang iyon ng lalaki. Pagkatapos ay siya man ay gumawa narin ng sarili niyang eksplorasyon sa katawan ni Andrew. Hanggang sa tuluyan na ngang nagawi ang mga kamay niya sa nagngangalit nitong pagkalalaki.

Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Andrew dahil sa ginawa niya kaya naman lalong na-inspire ang dalaga na bigyang ligaya ang kaniig, katulad narin ng ginagawa nito sa kanya. 

Bumango siya saka itinulak pahiga ang lalaki. Habang nanatili ang isang kamay niya na abala sa ginagawang pagsuyo sa tila naghuhurumentadong kasarian ni Andrew.

"Oh Lana" nang marahil hindi makatiis ay narinig niyang namutawi sa mga labi ni Andrew kasabay ang pagpikit nito.

Pakiramdam ni Lana ay lalong naging masidhi ang kagustuhan niyang bigyan ng satisfaction si Andrew. Kaya naman niyuko niya ang lalaki saka ito mariing hinalikan. Habang ang kamay niya ay hindi umalis sa pagkalalaki ng binata.

Ilang sandali siya mismo ang bumitiw sa pagkakahalik sa binata saka tila nanunukso ang ngiting pumunit sa kaniyang mga labi. Nagtatanong ang mga mata pinagmasdan siya ni Andrew na nakita niyang nagbuka ng bibig para magsalita. Pero napigil ang lahat ng iyon nang sa pinakamabilis na paraan ay niyuko niya ang galit nitong sandata saka sinimulang suyuin sa pamamagitan ng kaniyang bibig.

Noon nagsimulang magmura si Andrew dahil marahil sa hindi nito inakalang kaya niyang gawin ang bagay na iyon.  Siya man ay ganoon rin, instinct niya ang nagsabi sa kaniya at iyon lamang ang sinunod niya. 

"Oh sweetheart you're doing great!" ang narinig niyang sinabi ni Andrew. "but I want to taste you now, and I will punish you, passionately!" ang binatang may panggigigil sa tono na bumangon saka siya hinila at mariing hinalikan sa mga labi.

Alam niyang iyon na ang simula ng lahat, hindi lang nang muli ay isa na naman g nakakabaliw na pagkakataon kasama si Andrew kundi pati narin ng isang mas maliwanag na bukas kasama ang binata.

"NINONG MARIUS!" iyon ang pamilyar subalit maliit na tinig na narinig ni Marius habang naglalakad siya sa isang mall. Pagkagaling kasi niya sa trabaho ay dito siya nagtungo para bumili ng mga kailangan sa isang bookstore.

"Ninong! Ninong Marius!" noon na nga sinimulang hanapin ng binata ang tinig na talagang nagdala ng kakaibang haplos sa damdamin niya.

"Andrea?" nang mamataan ang isang batang ngayon ay tumatakbo palapit sa kanya at nagmula sa loob ng isang toy shop ay maluwang na napangiti ang binata. "Andrea, baby!" aniyang tumalungko at mahigpit na ikinulong sa mga bisig niya ang batang babae na sa loob ng buwan ay pinananabikan niyang makita pero pinipigilan niya.

"Sinong kasama mo?" ang agad niyang naitanong nang bumitiw mula sa pagkakayakap sa kaniya ang bata.

"My Tita Sam!" ang masiglang sagot ng bata saka nilingon ang likuran napinanggalingan nito kanina.

Noon mabilis na parang huminto ang mundo ni Marius nang mamataan ang aminin man niya o hindi ay siyang pinakamagandang mukha na nasilayan niya. Hindi niya alam kung bakit pero iyon ang totoo at ayaw niyang magsinungaling sa sarili niya, o mas tamang sabihing hindi niya kayang magsinungaling sa sarili niya.

Napakaganda nito sa suot na simpleng tan na t-shirt at kulay lumot na walking shorts na ang haba ay parang binigyan lang siya ng pagkakataon mamalas ang pinakamagaganda at makikinis na hita  at mahahabang binti na nakita niya sa buong buhay niya.

Maganda, napakaganda. At lalong naging kaakit-akit ito sa paningin niya dahil sa brown at kulot nitong buhok. Matangos ang ilong, makipot na labi na pinahiran ng manipis na lipstick at makinis at maputing kutis. Napansin niyang malaki ang pagkakahawig nito kay Andrea kaya agad na nagkaroon ng paghihinala ang binata.

"Hello" ang dalaga nang makalapit ito sa kanya.

Sa simpleng outfit nito ay talagang parang nawawala na siya sa sarili niya. Napakaganda ng katawan nitong balingkinitan at bumagay sa taas nito na marahil ay nasa pagitan ng five-six to five-eight. Naka-doll shoes lang ito pero matangkad itong tingnan dahil sa mahahaba nitong binti na perpekto ang hugis.

Mabilis na gumana ang isipan ni Marius. Ngumiti siya sa babae saka inilahad ang kamay rito. "Hi, Marius, Ninong ako sa binyag ni Andrea" pagbibigay alam niya saka hindi napigilang bigyan ng isang marahang pisil ang maliit at malambot na kamay ng babae.

Tumawa ito ng mahina saka sa matalinong paraan ay binawi ang sariling palad mula sa kaniya. "Sam, Samantha Scott. Kapatid ako ni Andrew, nabanggit na nga ni Lana sa akin ang tungkol sa'yo at masaya akong makilala ka" naramdaman niya ang sinseridad sa tono ng magandang babae at lihim na ikinatuwa iyon ng binata.

"Di ba Ninong Marius my Tita Sam is beautiful?" si Andrea na kinabakasan ng pagmamalaki sa tono.

Narinig niya ang pino ang mahinang tawa na pinakawalan ni Sam at nagustuhan niya iyon. Pagkatapos ay nakangiti niyang hinarap muling si Andrea saka sinagot ang tanong nito. "Yes, very beautiful baby, magkamukha kayo kaya pareho kayong maganda" pagsasabi niya ng totoo.

Sa sinabing iyon ay agad niyang binigyan ng isang malagkit na titig si Sam na nakita niyang naging dahilan ng mabilis na pag-ilap ng mga mata nito kasabay ng mabilis na pamumula ng mga pisngi. Noon agad na sinamantala ni Marius ang pagkakataon.

"Pauwi na ba kayo?" aniyang nanatiling kay Sam nakatingin.

Nakita niyang kumibot ang makikipot at mapupulang labi ni Sam. "A-Actually kakain kami ni Andrea, nagugutom na raw siya eh."

Parang musika sa pandinig ni Marius ang narinig niyang panginginig sa boses ng magandang babae kaya muli sinamantala na naman niya iyon. "Good, nagugutom rin ako. Okay lang ba kung sasama ako sa inyo?"

Si Andrea ang mabilis na sumagot sa tanong niyang iyon nang may excitement sa tinig. "Yes Ninong!" anito.

Tumawa ng mahina si Marius saka tinitigan muli ng malagkit si Sam. "Well?" aniya sa tono na alam niyang mababalisa ng husto ang babaeng kaharap at hindi nga siya nagkamali.

"O-Okay" anitong tipid siyang nginitian pagkatapos.

Sa isip ni Marius habang sinisundan niya sa paglakad ang magtiyahin ay unti-unti naring nabubuo sa isipan niya ang isang plano na alam niyang magtatagumpay siya.

"Gaganti ako Andrew. At titiyakin ko na masasaktan ka sa gagawin ko"  ang likurang bahagi ng isipan niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.