Chapter SPECIAL CHAPTER "MRS. ANDREW SCOTT"

AGAD na nag-init ang mga mata ni Lana nang matanawan ang isang pamilyar na cottage na sa loob ng halos limang taon ay ngayon lamang niya muling nabalikan. Iyon ay sa kaparehong resort sa Palawan kung saan sila unang nagkita at nagkakilala ni Andrew ng personal.

"Are you okay?" noon siya natigilan nang marinig niya ang amuse na tanong na iyon mula sa kaniyang asawa.

Naluluha ang mga mata na tiningala ni Lana ang kaniyang kabiyak.

Sa lahat ng pagkakataon palaging sinisikap ni Lana ang hindi maging emosyonal. Lalo na kapag para sa anak niya. Dahil para sa kaniya, hindi siya makakapag-isip ng maayos kung magpapatangay siya ng husto sa kaniyang emosyon.

Pero sa pagkakataong iyon, hindi niya alam kung dahil ba sa labis na kaligayahan na nararamdaman niya. O dahil ba iyon sa lahat ng paghihirap na pinagdaanan niya bago niya nakasama ang lalaking pinakamamahal niya? Kaya parang gusto niyang yumakap kay Andrew, isubsob ang mukha niya sa malapad nitong dibdib at doon umiyak ng umiyak?

Sa huli ay parang may sariling isip ang mga luha niya na kusang bumalong at bumasa sa kaniyang mukha. 

Hinayaan na lamang niya ang mga iyon.

Masyado siyang masaya. At umiiyak siya dahil masaya siya.

"Hey," si Andrew na amuse siyang ipinihit paharap dito. "are you crying?" tanong pa nito sa kaniya.

Sa tanong na iyon ay tuluyan na ngang napahagulhol ng iyak si Lana kaya minabuti niyang isubsob na ang mukha sa malapad na dibdib ng kaniyang asawa.

Ilang sandaling hinayaan siya sa ganoong ayos ni Andrew. Umiyak siya ng umiyak habang ang puso niya ay nag-uumapaw sa matinding kaligayahan. Hindi parin siya makapaniwala na nandito siya ngayon. Buhay at kasama si Andrew.

"OKAY ka na ba?" tanong sa kaniya ng asawa niya nang nasa veranda na sila ng cottage. 

Iyon ang cottage na tinuluyan niya noong magdaos ng out of town seminar ang real estate company na pinagtatrabauhan niya.

At iyon rin ang kaparehong cottage kung saan unang may nangyari sa kanila ni Andrew.

Tumango siya saka pinagmasdan ang perpekto at napaka-gwapong mukha ng kaniyang asawa. Pagkatapos ay tinanggap niya ang baso ng tubig na iniaabot nito sa kaniya at saka siya uminom.

"Hindi ko gustong sirain ang gabing ito kasi naging iyakin ako," ani Lana na sinundan ang sinabi ng mahinang tawa saka inilapag ang baso sa maliit na mesa.

"Naalala ko pa, hindi sa table na ito tayo nag-share ng una nating breakfast?" ang malambing na tanong sa kaniya ni Andrew habang malagkit na nakatitig sa kaniyang mukha.

Sa narinig ay muling nag-init ang sulok ng mga mata ni Lana. Pagkatapos noon ay nangilid na naman ang kaniyang mga luha at hindi na niya napigilan ang pagpatak na naman ng mga iyon na mabilis rin naman niyang pinahid.

"Hey," ang asawa niya na hinila ang silya nito at inilapit sa kaniya. Naupo si Andrew paharap sa kaniya.

"I-I'm so sorry, hindi ko gustong maging emosyonal pero naiiyak talaga ako at hindi ko mapigilan," pagsasabi niya ng totoo habang pandalas ang pagpapahid sa mga luha na kusang kumakawala at tila ba ayaw magpaawat sa pagdaloy.

Tumawa ng mahina si Andrew saka hinawakan ng banayad ang mukha niya gamit ang dalawa nitong kamay. Pagkatapos noon ay niyuko siya nito at saka dinampian ng isang simpleng halik sa labi.

"Tell me, ano bang nangyayari sa iyo? Bakit simula kanina ganiyan ka na?" amuse na tanong ni Andrew habang nangingislap ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.

Umiling si Lana saka suminghot. 

"M-Masaya ako, at hindi ako makapaniwala na buhay ako. Nandito at kasama mo," pag-amin niya sa totoong nararamdaman at tunay na dahilan kung bakit siya emosyonal simula pa kanina.

Tumango si Andrew. "Masaya rin ako, masayang-masaya," anito na binigyan ng diin ang sinabi.

"Hindi mo kasi naiintindihan. Alam mo, hindi mo alam kung gaano kasarap sa pakiramdam na ang isang simpleng fan lang na katulad ko ay asawa mo na ngayon? Alam mo bang kung gaano kasarap sa feeling na ako ang pinili mong mahalin at pakasalan? At higit sa lahat sa akin mo ibinigay ang pangalan mo?" paliwanag ni Lana na sa pagkakataong iyon ay nagpipigil parin na mapaiyak. 

Dahil katulad ng sinabi niya kanina, hindi niya gustong sirain ang unang gabi nila ni Andrew bilang mag-asawa nang dahil sa pagiging iyakin niya.

Malapad ang ngiti na pumunit sa mga labi ng kaniyang kabiyak dahil sa sinabing iyon ni Andrew. 

"Mrs. Andrew Scott," anitong masuyong ginagap ang kaniyang palad saka marahan na pinisil. "kahit ilang beses pang maulit ang buhay ko, ikaw parin ang nag-iisang babae na pagbibigyan ko ng pangalan ko, pangako iyan," anitong itinaas ang kamay niya saka hinalikan ang likuran niyon.

Napangiti si Lana kasabay ang haplos ng masarap na damdamin sa kaniyang puso dahil sa tinuran na iyon ni Andrew. 

"Kahit hindi madali ang mahalin ka, kahit napakaraming babae ang gustong maangkin at makasama ka, kahit malagay ulit sa p-panganib ang buhay ko," sa huling sinabi ay tuluyan at muli na namang nabasag ang tinig ni Lana.

"Love," si Andrew na bigla ay nagbago ang emosyon ng mga mata.

Nawala ang amusement at napalitan iyon ng matinding affection at pang-unawa para sa kaniya. At sa pagkakataon na iyon noon lang rin naunawaan ni Lana kung saan siya nanggagaling. 

"K-Kahit muli ay malagay pa sa panganib ang buhay ko, pangako, lalaban ako at patuloy at paulit-ulit na babalik para sa iyo, at sa anak natin. Kasi mahal na mahal kita Andrew, higit pa sa sarili ko at sa kaya kong sabihin o ipaliwanag, pero ang pagmamahal ko sa iyo kaya kong iparamdam. Kasi hindi lahat nasasabi ng salita, pero ang lahat kayang iparamdamn ng puso," ang mahabang salaysay ni Lana habang muli ay patuloy na naman sa pagbalong ang kaniyang mga luha.

Narinig ni Lana ang marahan na buntong hininga ni Andrew bago ito lumuhod sa harapan niya para yakapin siya ng mahigpit. Ilang sandali pagkatapos noon ay pinakawalan siya ng kaniyang asawa saka tinitigan.

Nakita niya sa mga mata ni Andrew ang masidhing pagmamahal na alam niyang para sa kaniya lamang. At labis iyong ikinagalaw ng kaniyang puso. 

"Mahal na mahal din kita Lana. Hindi ko alam kung anong pwede kong sabihin o ipangako sa iyo pero ang totoo gusto kong ibigay ang buong ako sa iyo. Gagawin ko ang lahat, maging maligaya ka lang at si Andrea. Kayo ang magiging mundo ko dahil sa inyo lang iikot ang buong buhay ko, pati narin ang susunod pa nating mga anak."

Sa huling sinabi ni Andrew ay nakita ni Lana na kumislap ang maliliit na apoy ng paghahangad sa magaganda nitong mga mata. Kaya naman hindi na siya nagtaka nang hawakan nito ang kamay niya saka siya hinila patayo.

"Sa tingin ko kailangan na nating magsimula," ang sumunod na pabulong na sinabi ni Andrew saka pinadapo ang mainit nitong labi sa kaniyang punong tainga.

Napasinghap doon si Lana kasabay ang masarap na agos ng sensasyon sa kaniyang buong katawan.

"Andrew," anas niya saka ikinapit ang dalawang braso sa leeg ng kaniyang asawa.

Noon siya hinapit ng husto ni Andrew sa kaniyang baywang saka pagkatapos ay mariing hinalikan sa kaniyang mga labi.

"Shower tayo?" tanong nito sa kaniya nang bumitiw ito mula sa pagkakahalik sa kaniya habang nasa mga mata nito ang makahulugang mga titig.

Agad ang excitement na naramdaman ni Lana sa sinabing iyon ni Andrew kaya walang pagdadalawang isip siyang tumango habang malapat pang nakangiti.

Sa banyo nagtuloy si Lana habang si Andrew ay nagsabi na ila-lock muna nito ang mga pintuan ng cottage. Nasa harapan siya ng salamin sa loob ng bathroom nang mula sa repleksyon ay nakita niyang pumasok ang asawa niya.

Noon siya nito nilapitan saka tinulungan sa ginagawa niyang patatanggal ng hair pins sa kaniyang buhok. Pagkatapos ay ang zipper naman ng kulay pula naman niyang dress ang hinarap nito na hinayaan lamang ni Andrew na mahulog sa kaniyang paanan.

"Napaka ganda mo talaga, alam mo ba iyon, ha, Lana?" tanong sa kanya ni Andrew habang tinatanggal sa pagkaka-hook ang suot niyang bra. 

Nagbuka ng bibig si Lana para sana sagutin ang tanong na iyon ng kaniyang asawa pero napigil ang lahat ng gusto niyang sabihin nang bigla siya nitong siniil ng halik.

At kasabay ng halik na iyon ay ang naramdaman naman niyang pagbaba ng malikot na kamay ni Andrew sa hiyas na nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Sa simula ay maingat lamang itong humahaplos doon at nang marahil ay nakaramdam ng pagkainip ay kusa iyong pumaloob sa suot niyang seamless lacy panty.

Napaungol si Lana subalit hindi kumawala ang ungol na iyon dahil nakulong iyon sa makahinang nilang mga labi ng kaniyang asawa.

Siya man ay nagsimula naring gumawa ng sarili niyang eksplorasyon sa katawan ni Andrew.

Isa-isa niyang kinalas ang pagkakabutones ng suot nitong polo at nang matapos ay basta na lamang niya iyon inihulog sa sahig ng banyo. 

Isinunod niya ang pang-ibaba ng kaniyang asawa hanggang sa ang matira na lamang roon ay ang boxers na siyang suot nitong panloob.

Hinila siya ni Andrew sa ilalim ng shower matapos nito iyong buksan. 

Maligamgam ang tubig na inilabas noon kaya hindi naman nabigla si Lana at sa halip ay nagustuhan iyon ng katawan niya.

Naramdaman niya ang lamig ng tiles sa wall ng banyo nang itulak siya roon ng kaniyang asawa matapos nitong muling angkinin ang kaniyang mga labi. 

Alam niyang aangkinin na siya ni Andrew nang itaas siya nito at hindi nga siya nagkamali.

Walang kahirap-hirap lamang nitong hinawi ang suot niyang manipis na saplot sa ibabang bahagi ng katawan niya at sa isang iglap ay naramdaman na niya ang galit na galit nitong pagkalalaki na pumasok sa bukana ng kaniyang pagkababae.

"I'm sorry baby, hindi ko na kayang patagalin pa," anitong huminto sa paghalik sa kaniya para magpaliwanag kung bakit wala na ang usual na foreplay nila nang mga sandaling iyon.

Hinihingal na napapikit si Lana gawa ng matinding daloy ng kuryente na naramdaman niyang umagos sa bawat himaymay ng kaniyang pagkatao nang maisakatuparan ni Andrew ang pagpasok sa kaniya.

Noon siya muling nagdilat ng kaniyang mga mata para lamang mabungaran ang mukha ng asawa niya na pinagmamasdan pala ang kaniyang reaksyon. 

Nginitian niya si Andrew saka inilapit ang mukha rito para halikan. 

"It's okay," sagot niya sa pagitan ng paghahabol ng hininga dahil sa kaligayahan na unti-unti nang ipinaparamdam sa kaniya ni Andrew nang magsimula itong gumalaw sa kaniya.

Hindi sumagot ang kaniyang kabiyak at sa halip ay lalo pa nitong diniinan ang pagkaka-pin nito sa kaniya sa wall habang patuloy ito sa ngayon ay mas papabilis at mas malalalim na paglalabas-masok ng sandata nito sa kaniyang pagkababae.

"Shit! Oh, Andrew!" daing ni Lana saka kumapit ng mahigpit sa balikat ng kaniyang asawa. 

Ilang sandaling nagpatuloy si Andrew sa ginagawang pag-angkin sa kaniya sa ganoong posisyon bago siya nito ipinihit paharap sa dingding. 

Hinawakan nito ang kaniyang dalawang kamay saka inilagay sa likuran ang mga iyon bago nito mabilis na muling ipinasok mula sa kaniyang likuran ang tila bakal nitong pagkalalaki.

Impit na sigaw ang naglandas sa lalamunan ni Lana at pumuno sa loob ng banyo nang magsimulang humampas ang malalakas na alon ng pagkalalaki ni Andrew sa kaniya namang pagkababae. 

Mararahas at katulad ng dati, parang wala nang bukas. 

Dahilan kaya halos mamatay na siya sa labis na kaligayahan. 

At kailangan niyang aminin na gusto niya ang paraan ni Andrew ng pag-angkin nito sa kanya. Kaya naman hindi na siya nagtaka nang sa katagalan ay para na itong naghahabol sa malalakas at buong pwersa nitong paglalabas-masok sa kaniyang bukana.

"Shit, Andrew, lalabasan na ako!" sigaw niya habang nanatiling nakadikit ang kaniyang pisngi sa tiled wall ng banyo.

Wala siyang narinig na anumang salita mula sa kaniyang asawa. At sa halip ay inilapit nito ang mukha sa kaniya saka siya mariin na hinalikan.

Kasabay ng halik na iyon ay ang mas higit pang pagbilis paghampas ng pagkalalaki nito sa kaniyang bukana. Hanggang sa tuluyan na nga nilang parehong narating rurok, nang magkasama.

Maganda ang ngiti sa mga labi ni Andrew na katulad niya ay hindi napigilan ang mapaungol nang magkasabay na naman nilang narating ang fulfillment ng kanilang pagtatalik.

"Gusto mo pa?" tanong sa kanya ni Andrew matapos siyang dampian ng halik sa kaniyang mga labi.

Malapad ang pagkakangiting nagsalita si Lana. "Kung kaya mo pa," sagot niya saka tumawa ng mahina.

Nangislap ng husto ang mga mata ni Andrew sa sinabi niyang iyon. "Hindi ako mapapagod na angkinin ka, iyan ang lagi mong tatandaan, Mrs. Andrew Scott," anitong muli siyang siniil ng mainit na halik pagkatapos.

At katulad ng dati, alam ni Lana kung saan patungo ang halik na iyon. 

At kung ang asawa niya ay sinasabi nitong hindi ito mapapagod na angkinin siya.

Siya naman, hindi siya mapapagod na ibigay ng paulit-ulit ang sarili niya rito, dahil mahal na mahal niya ito. At wala na siyang ibang lalaking mamahalin pa, kundi ito lamang. 

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.