ISANG pilit na ngiti ang lumabas sa labi ni Lady habang kinakausap siya ng Mama ni Guji. Kasalukuyan siyang nasa mall kasama nito dahil gusto daw siya nitong maka-bonding at makilala nang husto. Ayaw niya sana dahil hangga’t maari ay ayaw niyang makipaglapit dito dahil hindi naman totoo ang relasyon nila ni Guji. Pero hindi naman siya makapagdahilan dito dahil sa bawat dahilan niya ay may sinasabi ito. Ngayon niya napatunayan na may mga taong matanda na ay sadyang malakas pa din ang kakulitan sa katawan.
Nag-sorry ito sa kanya nang malaman nitong nang araw na kinaladkad siya nito sa bahay nito ay dinahilan pala ni Guji na masama ang pakiramdam niya kaya hindi na ito nagtaka nang umalis siya. Kung alam lang daw nitong masama ang pakiramdam niya ay hindi na sana siya pinilit nito na pumunta doon.
Kahapon naman ay ipinakilala na niya si Guji sa kanyang ina makatapos nilang mag-usap sa restaurant alinsunod na rin sa sinabi sa kanya ng Mama niya. Kaunting busisian lamang ang nangyari sa pagitan ng Nanay niya at ni Guji kahapon. Tinanong ng Nanay niya si Guji sa ilan sa mga impormasyon tungkol dito katulad ng kung anong trabaho nito. Nalaman niyang isa palang civil engineer si Guji at siyang namamahala ngayon ng construction firm ng mga ito. Tinanong din ito ng Nanay niya kung totoong mahal ba talaga siya nito at dahil sa napakagaling umarte ng damuho, napatunayan naman nito sa kanyang ina ang “pagmamahal” daw nito sa kanya.
Napatunayan niyang dahil doon ay buhay na buhay si Guji ng nagpasabog ang Diyos ng charm sa katawan. Ang Nanay niya---dahil nasaktan noon---ay hindi agad madaling madala sa mga mabubulaklak na salita ng isang lalaki. Kaya nga kahit marami pa ring nagtangkang manligaw dito noon ay hindi na ito muling nag-asawa dahil naiinis lamang ito sa mga pagpapalapit dito ng lalaki. But with Guji, madali lamang itong nagustuhan ng kanyang ina. Para itong may magic dahil mabilis lamang nitong nakuha ang loob ng kanyang inang kagabi ay parang galit na galit dito dahil sa ginawa nitong kapangahasan sa kanya.
“Hija, pumili ka ng gusto mong damit. Don’t worry, babayaran kong lahat. Para thank you gift ko na rin sa `yo dahil sa pagmamahal na binigay mo sa anak ko,” wika nito sa kanya nang makarating sila sa department store. Kung kanina ay pagkukuwento sa kanya tungkol sa buhay nito ang ginawa nito sa kanya habang nasa isang coffee shop sila, ngayon naman ay pagsa-shopping ang naisipan nito.
“Ay, okay lang po. Kontento na po ako sa mga damit ko, Tita,” nahihiyang sabi niya. “Tita” ang sinabi nito sa kanyang itawag niya dito dahil girlfriend na naman siya ng anak nito. Noong una pa nga ay sabi nito ay “Mama” na lang pero dahil sinabi niyang bago pa lamang silang magnobyo ni Guji ay nag-suggest na lamang siyang Tita na lang muna. “Tutulungan ko na lang po kayo sa paghahanap ng para sa inyo,”
“Ikaw naman, alam kong nahihiya ka pa kaya ka nagkakaganyan ka sa akin. Pumili ka na, okay? I will take no for an answer. Pero kung wala ka namang mapili, ako na lang ang pipili para sa `yo.”
Nagkibit-balikat na lamang siya. “Kayo po ang bahala,”
Nagpunta sila sa gown section ng naturang department store. Ang akala niya noong una ay mga damit nito ang bibilhin nila kaya nagulat siya nang iabot nito sa kanya ang isang off shoulder na kulay violet na gown.
“Try this, hija. Feeling ko bagay `yan sa `yo. Maputi ka kasi,”
“Po? Aanhin ko naman po ang gown?”
“Gusto ko lang. Madalas akong um-attend ng mga events, hija. At madalas na ang attire ay mga ganitong gowns. I want you to be with me sometime para maipakilala kita sa mga amiga ko,” sabi nito sa kanya at tila nag-isip-isip. Nang may biglang pumasok sa isipan ay napangiti ito “Great! Birthday nga pala ng Daddy ni Guji sa Sabado. Simpleng celebration lang sana ang gagawin namin pero dahil sa pagdating mo sa pamilya, magpapa-rush ako nang bonggang party,” sabi nito at bago pa siya makapag-react ay kinuha na ang cellphone at may tinawagan doon.
Napabuntong-hininga na lang siya. Alam niyang madali lamang dito ang pagpapa-rush ng party na iyon. Naniniwala siya sa kasabihang “Money Talks” lalo na kapag mayayaman at maiimpluwensyang tao sa lipunan. Hinayaan na lang niya ito dahil mukhang hindi rin naman ito papapigil.
Nang makatapos ito sa pakikipag-usap ay tinuloy na nila ang pagsa-shopping. Maraming gown ang binili nito para sa kanya para marami daw siyang pagpipilian kung ano ang gusto niyang susuotin sa mismong party. Masasabi naman niyang okay sana ang Mama ni Guji, palakuwento ito, mabait sa kanya at galante. Iyon nga lamang, minsan ay nagiging OA ito kaya hindi niya rin ito mabigyan ng perfect sa pagkakakilala niya dito. Pero naisip niyang talagang may mga taong hindi talaga perpekto.
Tinagpo sila ni Guji sa mall pagkatapos nilang mamili. Nakasuot pa ito ng long-sleeves na polo at mukhang kakagaling lamang sa trabaho. Pero kahit nahahalata niyang tila napagod ito sa buong maghapon nito base na rin sa itsura nito ay hindi pa rin kumukupas ang angking kakisigan nito. Sa tingin niya pa nga ay mas lalo pa itong naging guwapo.
“Hi Ma,” bati nito ng tinignan ang ina. Hinalikan pa nito iyon sa pisngi. Nang balingan naman siya nito ay ang kinuha nito ang dala niyang mga paper bag at saka hinalikan ang kamay niya. Bahagya siyang nagulat pero nang nginitian siya nito ay nawala din iyon. Sa halip ay nakaramdam siya ng kilig dahil sa ginawa nitong iyon. The greeting feels like unique and respectful. Hindi ba’t madalas ay iyong mga prinsesa sa mga fairytales lamang ang nakakaranas ng greeting na ganoon? Pakiramdam tuloy niya ay isa siyang prinsesa dahil sa ginawa nito sa kanya. “Hi Honey,”
“Hi, too.” Ganting bati naman niya.
“Wow, hijo. Himala yata at nag-iba ka ng bungad sa mga girlfriend mo, ha? Dati-rati, halik agad sa labi o pisngi ang nakikita kong ginagawa mo,”
Nagkibit-balikat ito at ngumiti. “Well, Kakaiba si Lady kaysa sa kanila, Ma. She’s more special,”
More special. Parang magandang musika iyon sa pandinig niya. Parang kaysarap paniwalaan na mas espesyal nga siya kaysa sa ibang mga babae nito. Pero dahil alam niyang parte lamang iyon ng drama nilang dalawa ay pinigilan niyang mag-isip ng kung ano.
Nagningning naman ang mata ng Mama nito. “That’s sweet,”
“Siyempre,” sabi ni Guji at inakbayan pa siya. “Ah, Ma, puwede ko bang hiramin muna si Lady? Tutal tapos na naman kayo mag-shopping,”
“Oh sure, Hijo. Kailangan ko na rin naman umuwi kaya talagang iiwan ko na siya sa pangangalaga mo,” sabi nito at tinignan siya. “Thank you for being with me today, hija. Nag-enjoy ako sa pagsa-shopping kasama mo. Sana magkaroon pa rin tayo ng maraming time para makapag-bonding muli,”
Nginitian niya ito. “No problem po. Thank you din po,”
Nginitian na lang niya ito bilang ganti. “So Guji, ikaw na ang bahala sa nobya mo, ha? And behave,”
Nagkamot naman ng ulo si Guji na para bang isang teenager na pinangangaralan ng Mama nito. “Of course, Ma. Bye. Ingat kayo,”
Nang umalis na ang Mama nito ay hindi pa rin inaalis ni Guji ang pagkakaakbay nito sa kanya kaya naman sinita na niya ito. “Ang kamay, please. Wala na ang Mama mo. Hindi mo na kailangang umarte,”
Pero hindi pa rin nito inaalis ang kamay nito sa balikat niya. Bagkus ay pinaglapit pa lalo nito ang sarili nila sa isa’t isa. “Ayaw ko. Ang sarap kaya ng pakiramdam na akbayan kita ng ganito,” wika nito at kaunting-kaunti na lamang ay yayakapin na yata siya.
As usual, nakisama na naman sa eksena ang puso niya. Lumakas na naman ang tibok noon. Gaano man kasarap sa pakiramdam na ganoon ang ginawa nito sa kanya ay kailangan niyang pigilan iyon dahil hindi siya puwedeng masanay sa ganoon. Kaya naman pilit niyang inalis ang kamay nito kahit na ba tila bakal iyon sa tigas.
“Ano ba, Guji, alisin mo nga `yang kamay mo!” saway niya dito pero hindi pa rin ito nakikinig. Bagkus ay natatawang lumakad pa ito habang akbay-akbay siya. Tuloy ay napalakad na din siya dahil mukha siyang makakaladkad nito kung hindi siya susunod dito.
“Hmmm...Masarap ka nga talagang kaakbay,” sabi nito sa kanya habang naglalakad sila. Inilapit pa nito ang mukha nito sa kanya upang amuyin siya. “At mabango pa,”
Hinampas niya ang balikat nito. “Huwag mo nga akong amuyin! Sapakin kita diyan, eh!”
Tumawa ito. “Ay, sadista ka rin, ha? Huwag naman. Dadagdagan mo pa ang statistics ng mga battered boyfriend,”
“Correction, pretend boyfriend,” pagpaalala niya dito.
“Ganoon na din iyon. But Honey, I like your scent,” sabi nito. “I could get used to this, you know,”
“Don’t. We’re just pretending. At puwede bang tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng Honey? Wala na ang Mama mo. Hindi na natin kailangang mag-pretend,”
“Hmmm... Yeah, I know,” sabi nito sa tinig na tila nanghihinayang pero kapagkuwan ay ngumiti din. “Pero masarap talaga sa pakiramdam, eh. At sa tingin ko naman ay ganoon ka din. Namumula `yang pisngi mo, oh,”
“Huh?” doon niya lamang naramdaman na para ngang nag-iinit iyon. Naghanap tuloy siya ng magandang dahilan. “Kinagat lang `yan ng langgam kanina `no!”
Lalong lumuwang ang ngiti nito. “Alam mo, patawa ka, Honey,”
“Ewan ko sa `yo. Dapat ginagawang rule ito, eh. Iyong hindi na dapat nagpe-pretend kapag wala naman iyong taong kailangan nating pag-pretend-an,”
“Well, dapat nga inaalis na `yang rule mo, eh. Ni hindi mo nga napansin na nag-break ako ng rule kanina,”
“Huh?” takang sabi niya. He looked at her hand at doon nasagot ang pagtataka niya. Lalo yatang namula ang pisngi nang maalalang halik din palang maituturing ang ginawa nito sa kamay niya. Gusto niyang sapukin ang sarili. Sa halip kasi na punahin niya iyon, kinilig pa siya. Gosh, ano ba ang nangyayari sa kanya?
Ngumisi naman ito. “So now you know. Ano? Aalisin na ba natin ang rule mo na “no kissing”?”
“No!” sabi niya. “Sa kamay lang kasi iyon kaya hindi ko napansin! Pero kung sa pisngi iyon, baka sinapak na kita `no!”
Umiling-iling ito. “Haay naku, may pagkasadista nga yata talaga ang “girlfriend” ko. Anyway, I will try not to do it kung papayagan mo akong akbay-akbayan ka ng ganito o hayaan mo na lang akong hawakan ang kamay mo,”
“Ewan ko sa `yo! Katulad ka din ng Mama mo, eh. Makulit,”
“Ganoon talaga. Like Mother like son. Makulit talaga ako lalo na sa mga babaeng maganda katulad mo,” he said and winked at her again.
Pakiramdam niya ay lumundag ang puso niya mula sa ribcage nito dahil sa ginawa nito. She felt like she was just winked by a Hollywood actor. Hindi na tuloy siya nakapagsalita pa at hinayaan na lang ito sa pag-akbay sa kanya at maya-maya pa ay paglapat ng kamay nito sa palad niya. Tutal, nag-e-enjoy din naman siya kaya hahayaan na nga lang muna niya ang sarili niya.
“PAGOD ka na ba, hija?” tanong sa kanya ng Mama ni Guji nang mag-excuse siya dito upang umupo maupo muna. Kanina pa kasi sila nakatayo at pagagala-gala dahil sa pag-e-entertain ng bisita. Palagi naman kasing gusto siya nitong kasama dahil pinapakilala siya nito sa mga amiga nito. Proud na proud ito habang pinapakilala siya. Pinagmamalaki pa nito na dahil daw sa kanya ay nagseryoso na sa wakas ang anak nito.
Pero siya naman ay gustong mapairap kapag sinasabi nito na nagseseryoso na daw ang anak na ito sa kanya. Dahil ang hudas na Guji na iyon, pagkatapos siyang sunduin at ihatid sa mismong party ng ama nito ay iniwan na siya sa pangangalaga ng Mama nito. At ang masama pa ay sa kung sinu-sinong babae ang nakikita niyang kasama nito sa loob ng party na iyon.
Naiinis siya dahil doon. Nasa party sila ng magulang nito na dapat ay kanilang pagkukunwarian pero ito ay kung sinu-sino ang nilalandi. Ang Mama naman nito ay tila walang pakialam kahit nakikita nitong kung sinu-sinong babae ang sinasayaw nito na lalong ikinainis niya. Hindi naman niya maggawang magtanong dito dahil baka akalain nitong isa siyang selosang babae.
“Opo, Tita. Hindi po kasi ako sanay sa ganito lalo na kapag naka-high heels,” sagot niya sa tanong nito.
“Ganoon ba? Sige, magpahinga ka na nga muna. Ako na lang muna ang mag-e-entertain sa bisita,” sabi nito at iniwanan na siya sa isang lamesa.
Ilang sandali pa lamang nang makaalis ito ay saka naman lumapit sa kanya si Guji. Ngiting-ngiti pa ang loko nang tumabi sa kinauupuan niya.
“Sayaw tayo, Lady,” sabi nito at inilahad pa ang isang kamay nito sa kanya.
Hindi niya ito pinansin. “Ayaw ko,”
“Bakit naman? Dali na. Hindi pa kita naisasayaw,”
“Ayaw ko nga. Doon ka na lang sa mga babae mo,” hindi niya mapigilang mapaingos.
Napatawa naman ito sa sinabi niya. “Babae?”
“Oo. `Di ba’t ang dami mong kasamang babae? Kanina mo pa nga sila isinasayaw,”
Tumingin ito sa kanya. Kaaliwan ang nababasa niya sa mata nito. “Teka nga, Lady, nagseselos ka ba?”
Itinuro niya ang sarili niya. “Ako? Magseselos? Bakit naman ako magseselos?” pero hindi niya pa rin maitago ang inis habang sinasabi niya iyon. Naiinis nga kasi talaga siya. Hindi niya maitago sa sarili niya na nagseselos nga siya kaya naman naiinis siya. Wala siyang karapatang magselos. Hindi siya girlfriend ni Guji. Nagkukunwari lamang sila. Kanina pa niya iyon itinatatak sa isip niya pero parang ayaw naman niyong makinig.
Eh ano naman kung sweet ito sa kanya nitong mga nakaraang araw na magkasama sila? Eh ano naman kung sinasabi nito sa kanya na masarap sa pakiramdam ang mahawakan siya nito? Hindi ibig sabihin noon ay may karapatan na siya dito.
“Nagseselos ka nga,” aliw pa rin na sabi nito sa kanya.
“Hindi nga!” tanggi naman niya.
Ngumisi ito. “Deny ka pa. Halika na nga at isasayaw na kita. Sisiguraduhin ko na lamang na ikaw ang pinakamatagal kong isasayaw para matigil na `yang pagpuputok ng butsi mo,”
“Hindi ako marunong sumayaw,” sweet song ang kanta kaya naman hindi talaga siya marunong. Hindi naman kasi siya mahilig sa mga ganoong sayaw. Mga pang-aerobics lamang na sayaw ang kaya niya.
“Okay lang. Nandito naman ako. Iga-guide kita. Marunong ako,” sabi nito at hinawakan na ang kamay niya. Papalag sana siya kung hindi lang nito pinakita sa pamamagitan ng tingin na maraming mga tao ang nakatingin sa kanila ng mga sandaling iyon. Kapag pumalag siya ay iisipin ng mga ito na nag-aaway silang dalawa ni Guji. Ayaw niya ng eskandalo kaya naman pumayag na rin siya.
Nang makarating sa dance floor ay iginiya agad nito ang kamay niya posisyon kung paano sumayaw ng isang sweet dance. “Sundan mo lang ang galaw ko para hindi mo ako matapakan,”
Ginawa niya ang sinabi nito pero dahil nakatingin ito ng diretso sa kanyang mata ay hindi niya maiwasang hindi mailang. Para kasing tinutunaw siya nito dahil sa tinging ibinibigay nito na tila tumatagos sa kalamnan niya. Nagbibigay din iyon ng kalambutan sa tuhod niya na naging dahilan kung bakit ilang beses na niya itong naapakan.
“Ouch,” mahinang aray nito ng pangatlong beses na niyang maapakan.
Napangiwi siya. “`Sorry. Sabi ko kasi sa `yo, hindi ako marunong magsayaw,”
“Okay, okay. Ganito na lang. Apakan mo na lang ang dalawang paa ko para hindi tayo patigil-tigil,”
“Ha? Madudumihan ang sapatos mo,”
“It’s okay. Just do it,” sabi nito at inilalayan pa nga siya para itaas niya ang paa niya sa sapatos nito.
Ginawa naman niya ang sinabi nito. Napangiti naman ito nang makitang effective naman iyon. Ramdam na ramdam tuloy niya ang tibok ng puso nito dahil halos magkayakap na sila sa posisyong iyon.
“Hindi ka ba nahihirapan?” tanong niya dito ng minuto na ang binibilang pero hindi pa rin sila tumitigil sa pagsasayaw.
“Hindi. Mas okay nga ito, eh. `Di ba parang Edward at Bella lang ang peg?” tuwang-tuwa pang sabi nito.
Hindi niya tuloy maiwasang hindi mamula ang mukha. Bukod kasi sa pinagtitinginan na sila ng mga tao dahil sa kakaibang ginawa nito sa kanya ay wari’y kinikilig pa siya. He was bearing her weight pero hindi man lang ito nagrereklamo. Bagkus ay masaya pa nga ito.
“You look lovely when you blush,” papuri nito sa kanya.
“Huwag mo nga akong lokohin!”
“I’m not joking. Pero kahit hindi ka rin naman nagba-blush maganda ka pa rin. You are probably the most beautiful lady here in the party,”
“Sus! Eh kung ganoon, bakit hindi na lang ako ang sinamahan mo buong gabi kung ako talaga ang pinakamaganda?”
“Hanggang ngayon nagseselos ka pa din?” amused na tanong nito.
“Naiinis lang ako kasi nakikita ng mga tao ang mga ginagawa mo. Ano na lang ang iisipin nila? Ipinagmamalaki ka pa naman ng Mama mo na hindi ka na babaero simula nang makilala mo ako pero iyon ka at kung sinong babae ang nilalandi mo,”
“Wala silang iisipin na masama, Honey. Trust me,”
“At bakit naman, ha?”
“Those girls I’m with before are my cousins,”
“Huh?” Nang mag-sink-in sa utak niya ang sinabi nito ay namula sa pagkapahiya ang mukha niya. Kung puwede lang sigurong humiling siya na lamunin na siya ng lupa ng mga sandaling iyon ay nahiling na niya. Ang tanga-tanga niya! Pinsan naman pala nito ang mga babaeng pinagseselosan niya! Nakakahiya! Kaya naman pala parang balewala lang sa Mama nito na marami itong kasamang babae ay pinsan naman pala nito ang mga iyon. Hindi naman kasi siya ipinakilala ng Mama nito sa mga pinsan nito.
“Sa tingin mo ba kaya na lang kitang ipahiya sa harap ng maraming tao lalo na sa birthday party pa ng Daddy ko? Shame on you, Honey. I have so much respect for you kahit na ba nagkukunwari lamang tayo,” sabi nito pero hindi naman galit. Para ngang aliw na aliw pa rin ito habang ine-explain ang akala niyang masamang ginawa nito.
“Errr.... `Sorry,” tanging nasabi na lamang niya at napayuko. Pero hindi naman nagtagal ay itinaas nito ang baba niya at pinatingin muli siya sa mga mata nito. And as her eyes met his, nagulo na naman ang buong sistema niya. Hindi niya alam kung tama bang maramdaman niya ang mga iyon dahil nagkukunwari lamang naman sila. Pero hindi niya mapigilan ang sarili niya. Guji was so charming she can feel that he will sweep off her feet like a Princess to her Prince Charming.