Chapter 30

“KAILANGAN pa ba talagang naka-make-up?” nakasimangot ang mukha ni Frances habang nilalagyan siya ng blush-on sa mukha ng nirentahang stylist ng Lovely Romance Publishing---ang publishing company kung saan siya nagsusulat.

“Oo naman. Today is our LRP’s grand fans day. You should looked beautiful in the eyes of your readers,” sagot naman ni Miss Agatha, senior editor sa LRP at siya rin editor sa series niyang ila-launch ngayon. Kasa-kasama niya ito habang mine-make-up an siya dahil gusto raw nitong makita kung ano ang ayos niya. Pinagtataka niya kung bakit parang excited na excited itong makitang maayusan siya samantalang noong mga nakaraang fans day naman ay hindi ito ganoon sa kanya. Nandoon rin ang may-ari ng LRP na tila suportadong-suportado pa siya habang inaayusan siya sa may back stage.

“Hindi naman beauty contest itong grand fans day. Isa pa, bakit parang kakaiba yata ang ayos niyo sa akin compare sa ibang writers? Sa kanila, kaunting make-up lang. Halos lipstick nga lang. Sa akin nakapekeng eye-lashes na, eyeliner at may libreng contact lenses pa. Tapos ang damit ko, talagang expense pa ng kompanya at bongga kung ituturing sa suot nila,”

Napansin niyang tila sandaling nalito ito dahil sa sinabi niya. Tumingin pa ito sa ibang fellow writers niya na sa halip na mainggit ay nakangiti pa sa ginagawa sa kanya. Matagal-tagal bago sinagot ni Miss Agatha ang tanong niya. “E-eh kasi, ila-launch nga namin ang series mo `di ba? Kaya ikaw ang star writer namin ngayong fans day. At ang mga star, dapat ay bongga!”

Hindi pa rin naalis ang pagtataka niya. “Eh bakit noong last grand fans day na ni-launch ang book series ni Miss Cezanne, hindi naman ganito kabongga ang ayos sa kanya? Sa kanya nga, hanggang batch three ang ni-launch samantalang sa akin ay batch one lang,”

Ang tinutukoy niyang series na ila-launch sa kanya ay ang ginagawa niyang series tungkol sa mga male models na siyang dahilan rin niya noon kung bakit kinailangan niya ng tulong ni Lucy para makahanap siya ng inspirasyon. Pero dahil tapos na niya ang Batch one noon at patapos na rin naman ang batch two ay in-edit na iyon ni Miss Agatha para raw maisabay sa launching ng grand fans day. By batch kasi naglalabas ang LRP ng mga series ng mga ito.

“Bagong rule natin `yan kapag fans day, Miss Francine,” banggit pa sa pen name niya ni Ma’am Bridgette, ang may-ari ng LRP. “Kailangang gastusan ang writer na may ila-launch na book series kapag fans day,”

“Talaga, Ma’am? Hindi ba naman masakit sa loob niyo ang gumastos ng ganito kalaki para lang sa make-up?” sa tantiya niya kasi ay parang professional stylist pa ang inupahan ng mga ito. Kilala pa naman si Ma’am Bridgette bilang kuripot. Hindi naman niya ito masisisi dahil business woman ito. Kadalasan kasi ng kilala niyang business woman ay kuripot, lalo na at may lahing instik pa ito.

“Francine, `wag ka ng magreklamo, okay? Minsan lang maging galante `yang si Ma’am kaya matuwa ka na lang,”

Nagtataka pa rin siya pero dahil wala na siyang maisip na itanong pa sa mga ito ay nakiayon na lang siya kahit medyo naiilang siya sa ginagawang pag-aayos sa kanya. She was not fund of stardom. Kapag nga um-attend siya ng mga fans day ng LRP ay palaging simpleng T-shirt at pantalon lang ang suot niya. Kanina ay ganoon rin ang attire niya, pero dahil pinagpalit siya ni Miss Agatha ay napilitan tuloy siyang suotin ng dress na binigay ng mga ito sa kanya.

Hindi siya sanay na ganoon ang ayos niya. Maganda man ang pagkakaayos sa kanya at halos yata ng fellow writer niya ay pinuri siya nang maisuot niya ang dress. Ang elegante raw niyang tignan kahit wala pa siyang ayos. Mukha raw siyang mayaman sa suot niyang damit. Hindi niya gaanong nagustuhan ang papuring iyon dahil na rin kaibang-kaiba ang itsura niya ngayon sa kung ano ang pinakalagay ng bulsa niya. Sa totoo lang ay muntik na rin siyang hindi pumunta sa fans day na iyon dahil malapit na talagang masaid ang pera niya. Kung hindi lang talaga ginawang mp3 ni Miss Agatha ang cellphone niya sa maya’t mayang pagtawag nito sa kanya ay baka hindi na talaga siya pumunta. Sa isip-isip nga niya noong una ay sana hindi na lamang niya ibinigay rito ang bagong number niya para hindi na siya kulit-kulitin nito. Pero dahil kailangan niyang makausap ito noong isang araw ay napaalam niya tuloy rito ang bagong number niya.

Isang linggo na rin ang nakalilipas simula nang umalis siya ng bahay ni James. At sa isang linggong iyon ay talaga namang ramdam na ramdam niya ang pagiging pulubi niya. Ibinenta na nga niya ang promo na nakuha niya papuntang Boracay para lamang makaupa siya kahit bedspacer lamang. Mabuti na lamang at pumayag ang travel agency na ibenta niya iyon sa mga ito muli kahit sa mababang halaga dahil walang-wala na talaga siyang pera at wala na rin siyang pera na panggastos kung matutuloy man siya roon.

Pakiramdam tuloy niya ay iyon na ang pinakamahirap na linggo ng buhay niya. Bukod kasi sa wala siyang pera at sugatan ang puso niya, hindi na muli siyang makapagsulat nang ayos. Hindi niya matapos-tapos ang huling libro sa batch two ng series niya na siyang inaasahan niya ng pera. Palagi na lang kasing kapag nagsusulat siya ay naiisip niya ang inspirasyon niya para sa nobelang iyon na walang iba kundi si James.

Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kanya ang mga nangyari. Unang beses niyang nagmahal at unang beses rin siyang nasaktan. Tuwing naalala niya ang mga nangyari ay nasasaktan pa rin siya kahit alam niyang wala naman siyang karapatan na masaktan dahil kasalanan niya ang lahat. Nahihirapan siyang maka-move on sa kagagahang ginawa niya. Kahit sa kabila ng pangyayari, pakiramdam niya ay mahal niya pa rin ito. Ito kasi ang palaging laman ng isip niya kahit sinaktan siya nito.

Pero ganoon yata talaga ang pag-ibig. Kapag minahal mo nang husto ang isang tao kahit ilang araw pa lamang kayo na nagkasama, mahihirapan kang kalimutan ito. Napakadaling mahulog sa isang tao pero mahirap makalimot.

Humugot siya nang mahabang hininga at inalis sa isip ang mga pumapasok sa doon. Magpo-focus na lang siya sa pagiging “star” niya sa grand fans day na iyon.

Pagkatapos niyang ayusan ay pinapila na silang lahat na writers sa backstage. Sa isang malaking mall sa Quezon City naganap ang grand fans day at may stage pang inihanda ang staffs para sa pagpapakilala sa mga manunulat ng LRP. Pinakahuli siya sa pila dahil engrande raw ang entrance niya. Sinunod na lamang niya ang utos nina Miss Agatha at ilang staffs ng program. Pero hindi pa man natatapos ang writer na susundan niya ay napakunot ang noo niya nang may nagdatingang mga lalaki sa labas ng backstage. At hindi lang basta lalaki ang mga iyon kundi mga naguguwapuhang lalaki! Pakiramdam niya ay lumabas lahat ng heroes niya sa series niya dahil sa mga ito. Mukha kasing mga male models ang mga ito, lalo na nang bigla na lamang sabay-sabay na naghubad ang mga ito sa harap niya.

Napalingon siya kay Miss Agatha na parang tuwang-tuwa rin sa nakitang environment. Kung siya ay higit pa rito ang reaksyon noon, ngayon ay para lamang siyang lalong nalungkot habang nakikita ang mga lalaking iyon. It reminded him of James. Kahit hindi ito model, kayang-kaya nitong makipagsabayan sa ganda ng katawan nito sa mga model na iyon.

Lumapit sa kanya ang mga lalaki at kinamayan pa siya. “Hi Miss Francine. Kasali nga pala kami sa grand entrance niyo para sa event na ito dahil sa male models series mo,”

Nagtataka man dahil parang sobra-sobra na yatang special ng araw ng launching ng series niya ay ngumiti na lamang siya sa mga ito. Noon naman dumating ang isang staff ng program at tinawag na sila. Unang pumasok ang mga models na rumampa sa stage. Rinig na rinig niya ang malakas na sigawan ng mga tao. Ilang sandali ay pinapasok na siya ng staff sa loob ng stage. Pero the time na nakapasok siya sa stage ay nagbabaan na ang lahat ng models. Ang host na lamang ng event at siya ang nasa stage. Nakaupo na ang ilan sa mga fellow writers niya pagkatapos ng mga itong ipakilala.

“And here comes our star writer for the day. The writer of LRP’s newly launch series, Miss Francine!” wika ng host ng program. Nagpalakpakan ang mga tao. “Miss Francine, ano po ang masasabi niyo para sa mga readers niyong nandito?”

“Ha? Kailangan ko pa ba ng ganito? Hindi naman ako ganoon kasikat na writer, eh,” alam niyang mabenta raw ang books niya pero ayaw niyang aminin sa sarili niya na ganoon nga ang lagay niya. Kapag pinupuri siya ay parang nahihiya siya. Ang sabi ng iba ay kaya raw ganoon ay napa-flatter siya, hindi lang raw niya maamin. At sa tingin niya ay ganoon nga siya pero hindi naman siya sanay sa ganoon kaya ayaw niyang intindihin iyon.

“Wow, ha! Hindi pa sikat ang lagay mo na `yan Miss?” parang nagulat ang host sa sinabi niya. “Ang dami mong fans na nagsisigawan sa `yo at may mga banners pa nga, oh!”

Ngumiti na lamang siya dahil nahihiya pa rin siya. Nag-iisip siya ng sasabihin para makaalis na roon. She really doesn’t want the limelight. “Keep supporting LRP’s books, especially my new series. Thank you,” sabi niya saka maglalakad na sana pababa sa table ng mga writers ng pigilan siya ng host.

“Teka lang, Miss! Wala na bang iba? Bonggang entrance na nga ikaw, tapos ganyan lang ang sasabihin mo?”

“Well, I never really expected this fans day to be so special, lalo na para sa akin. Hindi ako sanay. Saka isa pa, hindi rin ako ganoong kadaldal na tao kaya wala akong masabi,” pag-a-alibi na lang niya kasi nahihiya siya.

“Talaga? Bakit ayon sa aming source ay may pagka-loka-loka rin kayo? O naging mahiyain kayo ngayon dahil nakakatigalgal ang abs ng mga male models na nag-perform muna bago kayo pumasok?”

“Ha? Bakit naman ako matitigalgal sa---“

“Sabi ng source namin, ganoon raw kayo kapag nakakita ng shirtless na lalaki?”

Namula siya sa sinabi ng host lalo na at tumawa yata lahat ng tao sa sinabi nito. Hindi niya alam kung sino ang sinasabing source nito dahil wala namang may alam na ganoon nga ang nangyayari sa kanya maliban kay Lucy at kay James.

“Dati `yun,” hindi na niya maiwasang magtaray dahil pakiramdam niya ay napahiya siya sa sinabi nito. Isa pa, napatunayan niya nitong mga nakaraang araw na hindi na siya ganoon. Wala kasi siyang ginawa kundi ang manood ng mga videos ng mga shirtless na lalaki dahil sinusubukan niya pa rin na magsulat. Pero sa halip na mag-drool ay nalungkot lang siya dahil sa bawat lalaking iyon, si James ang nakikita niya.

“So you mean, hindi ka na ganoon ngayon?”

Umiling siya.

Tumango-tango ang house. “But how about mas hot pa sa mga models na iyon ang makita at makasama mo right here on stage?”

Kumunot na ang noo niya. “Bakit ba ganyan ang mga tanong mo sa akin, ha? Parang masyadong personal naman yata `yan,”

Ngumisi lamang ito at sa pagtataka na naman niya ay umalis ito sa harap niya at pumunta sa backstage. Napailing-iling na lamang siya sa nangyayari sa program na iyon. Napaka-weird at unexpected ng mga ginagawa ng tao sa paligid niya.

Napagpasyahan niyang bumaba na sa stage pero nang biglang may narinig siyang background music ay napatigil siya. She heard a strum of a guitar. Parang napako tuloy ang mga paa niya lalo na at pamilyar sa kanya ang kanta. Pamilyar na pamilyar.

“Sandali na lang... Maari bang pagbigyan...”

Nang simulan nitong kantahin ang kanta ay lumabas ito mula sa backstage. Right at that moment ay parang gusto niyang maiyak. Ikinurap pa niya ang mga mata niya para masiguradong si James nga ang nakikita niya.

Lumapit ito sa kanya habang may hawak-hawak na gitara. Gusto niyang mapalunok nang mapasadahan ang kabuuan nito. He was just wearing rugged jeans. Its his usual get-up whenever he was at home. He was shirtless. At kahit ganoon lamang ang ayos nito, wala pa rin binatbat rito ang mga male models na rumampa kanina. Sa tingin niya ay ngayon nangyari sa kanya ang sinabi ng host na natigalgal siya.

Wala, eh! Kay James lang yata may effect `yung pagkatigalgal thingy slash can’t control my mouth ko kapag nakikita siyang shirtless sa personal.

“Aalis na nga... Maari bang hawakan ang iyong mga kamay...” sa linyang iyon ay lumuhod pa ito sa harap niya para hingin ang kanyang mga kamay. Hindi na siya nakapagpigil pa at siya na ang mismong humawak rito at niyakap ito. Even if he does hurt her, she still missed and loved him. Siguro nga ay ganoon yata talaga kapag nagmahal. Kahit sinaktan siya nito ay hindi niya pa rin mapigilan ang sarili na mapalapit rito.

He hugged her back, mas mahigpit pa kaysa sa yakap na ginawa niya rito. Parang ilang sandali na lamang at magka-crush na siya sa yakap nito pero kataka-takang wala man lang siyang maisip na ireklamo ng dahil doon. “I’m so sorry, Frances. Hindi ko dapat ginawa ang mga iyon sa `yo,”

“James...”

“When the day Angeline came at my home, I already choose you. I realized that my love for you is stronger than years of waiting for her. Hindi lang ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin iyon sa `yo. At kinailangan pa kitang paalisin kaya lalo ng hindi nagkaroon ng pagkakataon. Gusto man kitang piliin noong araw na iyon pero kailangan ako ni Angeline nang mga oras na iyon. I choose to hurt you in front of her dahil lalo lamang na lalala ang sakit niya kung sakaling ikaw pa ang kakampihan ko,”

Napakunot ang noo niya. Anong ibig sabihin nito? “Sakit? May sakit si Angeline?”

Tumango ito at nagpaliwanag sa kanya. Nalaman niya ang tungkol sa sakit ni Angeline at ang ginawa nito para subukang ayusin ang buhay ng dating nobya nito. Noon niya naintindihan kung bakit ganoon na lamang ang ikinilos sa kanya ng dalaga.

“I tried to find you after that. Pero hindi ka naman nagpahanap. I tried to contact your cellphone number pero mukhang nagpalit ka na naman. Si Lucy ang kinausap ko pero hindi niya rin alam kung nasaan ka hanggang sa maisip ko ang trabaho mo. Hanggang sa mapunta ako sa publishing house niyo at mag-come up sa plano na ito,”

“Plano? Y-you mean---?” natutop niya ang kanyang bibig sa napagtanto. Kaya naman pala ganoon kabongga ang treatment sa kanya ay kakuntsaba pala ito sa program.

“Kinuntsaba ko ang publisher mo para magamit ang pagkakataon na makapagtapat ako sa `yo. Mabuti na lamang at pumayag sila kapalit ng pag-sponsor ko sa teambuilding ng management ng publishing niyo dahil saktong pagmamay-ari ng pamilya ko ang resort kung saan gusto nilang ganapin iyon. And actually, most of the staffs, too, find it sweet kaya hindi na rin sila pilitin at tulungan ako sa pag-o-organized. And with my money, dalawang araw lang ay natapos na naman ang isiningit kong surprise para sa `yo. Kating-kati man akong makita ka pero para ma-surprise ka ay tiniis ko iyon. That day I realized what is really important to me, I’m planning to tell it to you romantically but fortititous events happened. I want to tell my love for you in a romantic way so I come up with this,”

Nagtaas siya ng kilay. “So romantic pala sa `yo ang ganito?”

Ngumisi ito saka may inilabas sa likod na bulsa ng pantalon nito. It was one of her books. “Nabasa ko rito, ganito ang ginawa ng hero sa heroine niya kaya sa tingin ko ay sweet ito para sa `yo,”

Napangiti siya nang malawak. Ganoon nga ang nangyari sa libro niyang iyon. Ang hero ng story ay nagtapat ng pag-ibig nito sa writer heroine sa mismong grand fans day event. “Ganoon? At binasa mo pala ang mga libro ko, ha? Good. Pero ayaw ko ng pagkagaya-gaya mo, ha. Wala kang originality,”

Nagkamot ito ng ulo. “I just want to know what is romantic to you,” depensa nito.

“Masaya na ako sa simpleng pagtatapat mo,”

“Para sa akin ay hindi pa sapat iyon. I know I’ve hurt you so much because of helping Angeline. And I am really sorry for that. Gusto kong ipakita at ipamukha sa lahat that I am deeply sorry because of that. And I also want the world to know how much I love you, how much I missed you and how desperate I am to have your love. Siguro naman ay hindi ko na dapat i-explain pa sa `yo na highschool pa lamang tayo ay iyan na ang pangarap ko na hindi mo pinagbigyan. Sinubukan kong mag-move on nang magising akong hindi na talaga puwedeng maging tayo. I got girlfriends and I thought I saw the right one in Angeline. Pero nagkamali ako. Nang bumalik ka muli sa buhay ko ay nagkandaloko muli ang puso ko. Siguro nga ay naguluhan ako between choosing you and maintaining the waiting I am doing for Angeline’s sake. Pero sa huli ay pinili ko pa rin na piliin ka kahit pagkatapos ng mahigit isang dekada ay noon lang muli kitang nakasama.

“Kahit alam kong may pagka-at risk rin ang desisyon ko sa `yo dahil hindi naman ako sigurado kung katulad ko ay ganoon rin ang nararamdaman mo. Iniisip ko noon na paano kung katulad noon ay hindi mo pa rin ako pansinin sa kabila ng pagbabago ng taon? Sino ang pipiliin ko? Si Angeline ba na kahit iniwan ako ay binigyan ako ng pagmamahal o ikaw na apat na taon kong niligawan noon pero sinaktan at iniwan rin ako? Its a hard decision for me. Sinaktan mo ako nang husto noon Frances at hindi mo ako masisisi kung matatakot akong sumugal muli sa `yo. Pero sa araw na niyakap mo ako habang nagba-bike tayo, I give up those years of waiting. Na-realize ko na hindi ko kaya hindi maramdaman muli iyon. Na-realize kong mas mahihirapan ako kung ikaw ang mawala sa tabi ko dahil kahit ilang sandali pa lamang tayong nagkakasama muli ay minahal kita. I cannot bear to lose you. Okay lang na balewalain mo ulit ako basta huwag ka lang mawala sa tabi ko. Sabi ko sa sarili ko na kahit ganoon ay titiyagain kita hanggang sa pumayag ka dahil mahal na mahal kita,”

Her throat constricted because of what James had said. Ang dami niyang naririnig na hiyawan sa audience dahil na rin sa pagtatapat nito sa kanya. Kung kanina ay maraming tao na ang nandoon ay dumoble pa ang mga iyon dahil sa eksenang ginawa ni James. Halatang kinikilig lahat ng mga tao dahil sa ipinagtapat nito. May ilan pa nga siyang nakikitang nagvi-video ng eksena nila. Pero kung kanina ay nahihiya siya, ngayon ay parang wala na siyang pakialam. She was just too happy to care. Parang anumang oras ay sasabog ang puso niya dahil sa sobrang saya. Ang akala niya ay sa kuwento lamang mangyayari iyon. Ang akala niya ay sa libro lamang matatagpuan ang totoong pagmamahal. Pero ito at nangyayari na iyon sa kanya. For real.

At ganito pala ang pakiramdam ng may tunay na nagmamahal...

A tear fell on her eyes. She hugged James. He hugged her back. “I love you so much James and thank you for all of that. Thanking you for risking that decision. Thank you for giving up Angeline for a girl like me. I don’t know if I am worthy of this,”

He hugged her back. “Hush. You are all worth my love, Frances. You deserved to be love.”

Tuluyan na siyang napaiyak sa sinabi nito. “Kainis ka! Sinisira mo ang make-up ko sa mga sinasabi mo, eh,”

“Don’t worry, kapag pumayag kang maging asawa ko, kahit araw-araw pa kitang paayusan sa salon. Kahit mas maganda at bongga pa diyan sa ayos mo ngayon, okay lang,” kumindat pa ito sa kanya.

“`Dami mong alam!”

“Well, only for you, Baby. Only to get close to you. Forever,” and he planted a sweet kiss on her temple. She felt very important to him. For the first time in her life, she felt really loved. But God is really good all the time. He made her believe in happy endings because he gave him James.

THE END

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.