MASAYANG naglalakad sina Frances at James papasok sa townhouse nito nang sabay silang mapakunot ang noo nang makitang bukas ang pinto ng bahay nito. Sabay rin silang nagkatinginan dahil sa pagtataka. Sa pagkakatanda niya ay iniwan naman niyang nakasarado iyon nang umalis siya. Siya kasi ang huling umalis ng bahay kanina dahil pumunta muna ito sa may convenience store malapit sa bahay nito para bumili ng pagkain kaya nauna itong lumabas sa kanya. Niyaya kasi siya nitong mag-picnic sila sa isang park na malapit sa lugar nito.
“Sure akong ni-lock ko ang pinto bago ako umalis,” sabi niya saka kinakabahang pumasok sa loob. Katulad ng iwan nila kanina ay okay naman ang buong unit at kagaya pa rin iyon ng dati---hindi naman iyon mukhang ninakawan. Mabango pa nga ang amoy sa loob noon at mukhang bagong linis talaga. Pumasok rin si James at in-inspect iyon. Nagpunta siya sa iba’t ibang parte ng bahay para i-check iyon pero wala naman siyang makitang ebidensya na may nanloob doon.
“Wala namang---“ wika niya habang pumupunta siya sa kusina ng unit nito. Pero naputol ang sasabihin niya nang mabangga siya sa likod ni James.
“Angeline...” wika naman nito habang nakatingin sa may kusina. Noon niya lamang napansin na may tao pala doon dahil iyon ang huling lugar na naisip niyang puntahan. Parang nanlamig ang buong kalamanan niya dahil sa narinig na pangalan mula sa bibig nito.
Doon naman lumingon ang babae sa kanila na mukhang abala sa pagluluto. Nanlaki ang mata nito sa tuwa nang makita si James. Agad na hinubad nito ang apron na suot at niyakap ang lalaki.
“Oh James! I miss you so!” wika pa nito at hinalikan si James sa labi. At hindi niya ba alam kung matagal ba talaga ang halik na iyon o naging matagal lamang iyon sa paningin niya dahil naging masakit sa kanya ang nakita. She felt like her heart was shattered into a million pieces. Napaurong din siya dahil sa nakita niya.
“B-bakit ka nandito?” mahina lamang ang boses ni James.
“I’m sorry I barge in surprise. Hanggang ngayon kasi ay itinatago ko pa rin ang susi ng townhouse mo kaya nakapasok ako rito. Tapos na ang kontrata ko sa Paris bilang model nila. I am back for good, Baby,” hinaplos-haplos pa nito ang mukha ni James. “Don’t you miss me?”
“I-I do but...”
“But why? You promised me you will wait for me, right? I am here again. And I want you back. I miss you so much and I still love you. Alam kong mahirap ang ginawa mong paghihintay sa akin sa loob ng ilang taon pero bumalik naman ako. Iyon naman ang importante `di ba?”
Hindi nagsalita si James sa sinabi ni Angeline. Sandaling tinitigan naman ito ni Angeline hanggang sa mapukol ang tingin nito sa kanya. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa.
Physically, she can describe Angeline as angelic as her name. Hindi maitatangging espesyal nga ito sa puso ni James dahil kung lalaki rin siya, mabilis na mahuhulog ang puso niya rito dahil sa angking ganda nito. Sophistication is screaming all over her body, kaiba sa kanya. But then, she always looked and used sophisticated ladies as her antagonists in a story. Maganda man ang mga ito ay mukhang mapagmataas naman ang mga ito. At mukhang hindi lang yata sa istorya niya kayang gawing kontrabida ang isang babaeng sopistikada. Sa lagay niya kasi ay parang puwede niyang mai-apply iyon sa totoong buhay.
Maganda ang mata ni Angeline noong hindi pa nakatingin sa kanya. Pero nang tinignan siya nito, parang may apoy na biglang lumabas doon. “Siya ba ang ipinalit mo sa akin, James?!” tumaas ang boses nito at paulit-ulit pa siyang tinignan muli mula ulo hanggang paa. Pinaramdam nito sa kanya na ang layo-layo ng agwat nila sa buhay.
Tumingin siya kay James na ngayon ay parang blangko ang ekspresyon ng mukha. Mas lalo siyang nasaktan ng dahil doon. Pero ano ba ang aasahan niya? Hindi naman talaga siya ipinalit ni James dito. Anong karapatan niya ngayong umasa na sasabihin ni James na siya ang ipinalit nito sa babae?
“No, Ma’am. I’m just Sir James maid,” diniinan niya pa ang pagkakasabi ng “Sir” at “maid”.
Mukhang naging kontento at naging masaya naman ito sa narinig. “Oh, okay. Good. Ang akala ko ay---“ napailing-iling ito. “Why did I ever think of that? The looks of you, uh, may problem na talaga ako sa pag-iisip na ipinalit ka niya sa akin samantalang bagay na bagay sa `yo ang role na sinabi mo. Maid,” tumawa pa ito pagkatapos.
Sandaling nagulat si James dahil sa narinig sa babae. Nagbabantang sinuway naman ni James ito pagkatapos. “Angeline! Why do you talk like that?”
Naglimbitin ito sa leeg ni James. “I’m sorry, Baby. I can’t just help myself for being mean sometimes. But don’t worry, minsan lang naman `yun. And I will not practice my mean ways to you. Well, only to bed,” nakakaloka ang tawa nito pagkatapos. May pag-flip pa ito ng buhok nito.
Bruha! Gusto niyang sabihin sana dito lalo na nang tumawa ito. Para itong baliw sa paningin niya. Hindi niya akalaing ang isang babaeng ganito ay papatulan ni James. He deserved someone better.
But as the popular saying goes, boys will be boys. At madalas naman ang habol ng isang lalaki sa isang babae ay hindi palaging pag-ibig. It is more on lust. Lalaki si James at katulad ng normal na lalaki, malamang ay ganoon rin ang habol nito sa pagkagusto nito kay Angeline. Hindi niya rin ito masisisi.
“Anyway,” tumingin sa kanya ang bruha. “Ituloy mo nga Miss Maid itong niluluto ko. Gusto ko na kasing lambingin ang baby ko, eh. I can’t wait,”
Gusto sana niyang tumanggi dahil naiinis siya sa pagkakautos nito. Pero dahil sa naalala niya kung ano talaga ang tunay na papel niya roon ay hindi na lamang siya nagsalita. She’s just a maid there, na umasa na magkaroon ng mala-fairy tale story na kagaya ng kay Cinderella.
Napansin niyang hindi agad umayon si James sa kagustuhan ni Angeline. Nang hinila kasi ito ng babae palayo sa kusina ay hindi agad ito nagpahila roon. Nakatingin lamang ito sa kanya pero hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. Parang naguguluhan ito na hindi nito malaman.
“Asikasuhin niyo na po ang girlfriend niyo, Sir James. Ako na po ang bahala rito,” pagtataboy niya rito dahil kung sakaling magtatagal pa yata ito doon ay baka hindi na niya makaya pa. Gustong-gusto na niyang umiyak dahil sa sakit na nararamdaman niya sa ngayon. Pero kung nandito ito sa harap niya, kailangan niya pang pigilan iyon.
Hindi nito puwedeng makitang nasasaktan siya. Alam niyang minsan ay pinapahalata na niya rito ang pagkakahulog ng damdamin niya. Pero hindi niya puwedeng ipahalata na nasasaktan siya sa kaalamanang hindi talaga puwedeng maging sila. Ayaw niyang makita nitong nakakaawa siya. Ayaw niyang kaawaan siya ng iba. She already accepted more than enough pitiness from the others. Kapag nalalaman ng mga taong ampon lamang siya, ganoon na lang ang palaging nakikita niya sa mga mata ng mga ito. Ayaw na niyang maulit ang mga iyon. Sawang-sawa na siya.
“I’ll get back to you on this,” narinig niyang sabi nito at sinunod na ang gusto ni Angeline. Umalis na ang mga ito sa kusina at naiwan siya doon na mag-isa.
Kung kanina ay nasasaktan na siya sa pagkita dito at kay Angeline, mas nasaktan naman siya sa kaisa-isang sinabi sa kanya ni James sa tagpong iyon. Babalikan siya nito? Anong ibig sabihin noon? Kailangan ba ulit niyang gamitin ang pagiging assumera niya para i-decode ang ibig sabihin nito? Sawang-sawa na siyang maging assumera, lalo na dito. Noong una ay nag-a-assume siya na may gusto rin sa kanya si James. Umaasa siya na mare-realize nitong uso naman ang pagpapalit ngayon ng girlfriend. Umaasa siya na mauusuhan rin ito. Pero ano ang nangyari? Napunta sa wala ang kakaasa niya.
Ilang beses na niyang pinagalitan ang puso niya tungkol sa pagmamahal nito sa lalaking taken na. Pero nanatiling makulit iyon. Nasaktan tuloy siya. Kung pinili na lang siguro nito na mamuhay na walang inilapit sa buhay, malamang ay hindi siya masasaktan nang ganoong kasakit. Kung nakinig lang sana siya sa isip niya.
Punyetang puso naman, o.
CHAPTER NINE
PASADO alas siyete na nang umaga nang magising si Frances. Sa ilang linggo na pananatili niya sa bahay ni James ay ganoong oras siya palaging nagigising dahil alas nuwebe ang pasok ni James sa opisina nito. Madalas ay siya naman ang palaging nauunang magising rito pero nagulat siya nang makitang nakabihis na ito ng oras na iyon nang maabutan niya ito sa sala ng bahay kasama si Angeline.
Nang makita siya nito ay napansin naman agad siya nito. “Frances, kailangan kong umalis dahil may kailangan akong i-meet na importanteng tao,”
“Okay Sir,” sagot na lamang niya dahil ayaw na niyang pahabain pa ang pag-uusap nila. Kagabi ay pinili niya talagang iwasan ito dahil pagkatapos niyang magluto ay pumasok na siya sa kuwarto niya. Busog naman siya kagabi dahil pagkatapos nilang mag-picnic at mag-bike ay kinain niya ang ilan sa mga tinapay na natira nila habang nasa biyahe pauwi. Pinilit niyang huwag pansinin ang mga ito at talagang pinilit na matulog nang maaga kahit madaling araw na talaga siya nagising. Noong una ay nagbabaka-sakali pa siya na puntahan siya nito sa kuwarto pero hindi nito iyon ginawa. Hindi nito tinupad ang sinabing babalikan siya nito na mas lalo lamang nanugat sa damdamin niya.
Ayaw na niyang umasa pa muli sa sasabihin nito sa kanya kaya ginawa niya iyon. She think she had enough. Aanhin pa ba niya ang explanations nito ngayong nandito na ang girlfriend nito? Wala silang relasyon bukod sa dati silang magkaklase at katulong siya nito ngayon. Ayaw na niyang ilapit muli ang sarili niya rito. Kailangan na talaga niyang paninidgan ang naunang desisyon niya dahil kapag nagtagal pa lalo iyon ay masasaktan lamang siya.
“We’ll talk later. Pero sa ngayon, ang gusto ko ay bantayan mo si Angeline, please?”
Tignan mo. Si Angeline talaga ang mahalaga sa kanya!
Nasa moving on stage pa lamang siya kaya naman nasasaktan pa rin siya. Pero siyempre ay hindi na naman niya iyon ipinahalata rito. “Okay,”
Doon na ito tuluyang umalis. Naiwan silang dalawa ni Angeline sa loob ng unit nito. Nginitian siya nito pero halatang-halata naman na plastic ang ngiting iyon. “Please cook bacon, egg and fried rice, okay? Plus fresh orange juice, too. That’s my usual breakfast. And please make it quick and tasty, okay?” maarteng utos pa sa kanya nito.
At dahil wala rin siyang choice ay sinunod niya ang utos nito. She tried her very best to make it “tasty” as she said. Alam niyang hindi siya ganoon kagaling magluto lalo na kapag inis siya. Pero nagpapasalamat naman siyang hindi mukhang pagkain ng aso ang naluto niya dahil hindi nagkanda-gutay-gutay ang bacon na luto niya at tama lamang ang lasa ng fried rice.
“And Miss Maid, please served my breakfast here on the terrace. I want Robbie and I to eat together,” sabi nito habang hawak-hawak ang rabbit sa ulo nito. Pero napakunot ang noo niya nang makitang ibang klase ang pagkakahawak nito sa rabbit. Parang sinasakal na nito iyon. Ilang beses ng nagpapadyak ang rabbit dahil mukhang nasasaktan ito sa ginagawa ni Angeline.
“Hey! Anong tinatanga-tanga mo diyan, ha? Serve it here!”
“Ma’am, nahihirapan po si Robbie---“
Binato siya ng placemat na nasa table sa may terrace. Nagulat siya sa ginawa nitong iyon at muntik pa ngang malaglag ang dala-dala niyang tray kung saan nakalagay ang pagkain nito. Mabuti na lamang at nakailag siya. “Wala kang pakialam kung anong gusto kong gawin sa rabbit na ito! Akin ang rabbit na ito! Ako ang nagbigay nito kay James kaya may karapatan ako sa kanya!”
Nagtataka man sa ugali nito ay s-in-erve na niya ang breakfast nito. Pagkatapos noon ay umalis na siya sa harap nito pero panaka-naka pa rin niyang sinilip ito mula sa malayo. Hindi na naman nito sinasakal pang muli si Robbie pagkatapos. Sa halip ngayon ay para naman nitong batang pinapakain iyon. Gusto sana niyang sitahin muli ito na bawal sa rabbit ang human food pero dahil natakot siyang baka batuhin na naman siya nito ay hindi na lang siya umimik.
Nagsimula na siyang maglinis ng bahay. Inuna niyang linisin ang banyo at nagtagal siya ng treinta minutos sa paglilinis noon. Nang matapos siya sa paglilinis ay laking gulat na lamang niya nang makita ito sa loob ng kuwarto niya at inaampake ang mga gamit niya.
“Anong ginagawa mo diyan?!” pumasok siya ng kuwarto at sinubukang pigilan ito. Pero napatigil siya nang makita ang nanlilisik na mata nitong nakatingin sa kanya.
“`Wag kang lalapit! Hayaan mo akong iligpit ang mga gamit mo rito o ako mismo ang liligpit sa `yo!”
Sa halip na mabahala ay lalong napakunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. Sino ba ang babaeng ito? Ganito ba talaga ito? Hindi siya makapaniwala na pinatulan ito ni James. Oo nga at maganda ito. Pero kung makaasta naman ito sa kanya ngayon ay para itong baliw.
“Ma’am----“
“I want you out of this house!” pinilit nitong isiksik ang mga damit niya sa loob ng malaking bag niya na nasa loob rin ng kuwartong iyon.
“Pero bakit?”
“Simple lang. Dahil ayaw kitang makasama sa bahay na ito, katulong ka man o hindi,”
“At bakit naman ako susunod sa kagustuhan mo? Hindi ikaw ang boss ko,” hindi na niya mapigilang sumagot pa dahil sa inis rito.
“Ako ang girlfriend ni James at future wife niya kaya naman may karapatan rin akong mag-decide sa kung ano ang gusto kong gawin sa bahay niya!”
“Well, wala akong pakialam! Para sa akin ay si Sir James pa rin ang masusunod,” taas noong sabi niya.
“Ah, ganoon?!” lumapit ito sa kanya at sa gulat niya ay sinabunutan siya! Biglang bumangon ang galit sa dibdib niya dahil na rin sa ginawa nito. Wala pang taong nakakagawa sa kanya ng ganoon. Kahit naman lumaki siyang tahimik at walang pakialam sa mundo noon, marunong pa rin siyang lumaban kaya naman sinabunutan niya rin ito. Hindi na niya matitiis pa ang inis sa pinagagawa nito sa kanya.
Sinabunutan muli siya nito. Kinalmot pa nito ang braso niya. Ginantihan niya ito hanggang sa halos mag-wrestling na silang dalawa sa kama. Hindi pa sana sila titigil kung hindi lang may dalawang boses silang narinig sa loob ng kuwarto.
“Anak!”
“Frances!” boses iyon ni James. Kinuha siya nito mula sa kama at si Angeline naman ay kinuha ng isang matandang babae na sa tantiya niya ay ina nito. Magkamukha kasi ang dalawa.
“Anong ginawa mo kay Angeline?!” parang kidlat ang boses ni James.
“Siya ang nauna! Ginatihan ko lang siya!” pagtatanggol naman niya sa sarili niya.
“But you shouldn’t do that! `Di ba’t sinabi ko sa `yo na bantayan mo siya?!” galit ang boses ni James. Pakiramdam niya ay nanlalambot ang mga tuhod niya dahil sa takot sa boses nito.
“James...” para siyang maiiyak dahil sa pangangaral nito sa kanya. Alam niyang nagkamali siya pero sa timbre ng boses nito ngayon, pakiramdam niya ay murder ang kasalanang nagawa niya samantalang gumanti lang naman siya sa pang-aaping ginawa sa kanya ng bruhang girlfriend nito.
At ano naman sa tingin mo, Frances? Na ikaw ang kakampihan ka ni James samantalang katulong ka lang naman niya?
“James, ang akala ko ba ay nasa mabuting kamay ang anak ko rito? Bakit ganito ang maabutan ko?!” galit rin ang Nanay ni Angeline.
“She hurt me, Mom. That bitch hurt me!” dinuro pa siya ng bruha. Lumapit ito kay James. “Paalisin mo na siya rito, James. I don’t like her! She hurt me!”
Tumingin sa kanya si James. Sinalubong naman niya ang tingin nito. Natatakot siya sa maaring sagot nito dahil kahit naman katulong ang role niya doon, napamahal na rin siya sa bahay na iyon. Isa pa, saan siya pupulutin kapag pinaalis siya roon? Wala pa rin siyang sapat na pera dahil hindi niya pa rin tapos ang nobela na inaasahan niyang magkakaroon siya ng pera.
Lumambot ang tingin ni James nang matitigan ang mukha niya. Lumaki ang pag-asa niya na ipagtatanggol siya nito laban sa bruhang girlfriend nito. Pagkatapos noon ay tumingin ito sa ina ni Angeline. Tumango ang matanda rito, waring nagsusumamo bago nagsalita. “Please, James. Sundin mo ang kagustuhan ng anak ko,”
Matagal bago muling tumingin sa kanya si James. Matagal bago muli ito nagsalita. Bumuntong-hininga ito at yumuko at nagsalita. “Leave Frances,”
“J-James...”
“I need to follow what Angeline wants. She’s my girlfriend,” mahina lamang ang boses nito pero pakiramdam niya ay nagsusumigaw iyon sa buong kalamanan niya. Like the way she felt when she saw Angeline kissed James was the same as what she is feeling today.
Wala siyang karapatang masaktan lalo na at wala talaga silang relasyon. Pinilit niya lamang na ilapit ang puso niya rito. Kahit naging malapit ito sa kanya at ramdam niyang parang espesyal ang trato sa kanya, hindi dapat siya umasa dahil in the first place ay alam niyang may girlfriend na ito. Kasalanan niya ang lahat kaya hindi dapat siya masaktan ngayong si Angeline ang pinili nito kaysa sa kanya. Katulong lang siya nito at si Angeline ang girlfriend nito. Bakit pa ba siya sandaling umasa na siya ang pipiliin nito?
Umalis siya sa harap nito at kinuha ang bag na hinahawakan kanina ni Angeline. Ipinagpatuloy niya ang naunang ginawa ng dalaga. Sa pagkakataong iyon, hindi na siya umasa na may mangyayaring kagaya sa pocketbook na ginagawa niya. Na pipigilan siya ni James dahil para sa kanya ay ito ang hero ng buhay niya. Iyon na ang huling alas niya para mapagtanto na hindi talaga lahat ng nasa librong ginagawa niya ay kagaya ng nasa totoong buhay.
She already had enough of fake-happily ever afters.
ILANG beses ng sinasabunutan ni James ang buhok niya na para bang sa pamamagitan noon ay makakakuha siya ng enerhiya at charm para makausap si Lucy at sabihan nito kung nasaan ang kaibigan nito. Halos hindi niya kilala si Lucy noon kahit na ba nagtatrabaho ito sa kompanya niya. Pero dahil ito na lamang ang alam niyang paraan para makita niya si Frances, ngayon ay parang Diyosang sinasamba niya ito sa pagmamakaawang sabihin sa kanya kung nasaan ang kaibigan nito.
“Sir, kahit pagbantaan niyo pa ako na tanggalin sa trabaho ko ngayon kung hindi ko sasabihin kung nasaan ang kaibigan ko, wala pa rin kayong mapapala sa akin. Hindi ko talaga alam kung nasaan si Frances. Kaibigan ko man siya pero hindi naman lahat ng aktibidades noon ay sinasabi niyo sa akin. `Di ba’t kilala niyo siya noon pa man kaya alam niyong kakaunti lang talaga ang kaibigan noon. At kahit kakaunti na nga kami, iba pa rin ang ugali noon kasi weird nga. May pagka-private person rin iyon. Promise talaga, hindi niya sinabi sa akin kung nasaan siya mabaog man ako!”
“Pero hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko, Lucy. Ikaw lang ang kilala ko na kakilala niya...” gusto na niyang mag-freak out dahil sa mga nangyayari.
Halos isang linggo na silang hindi nagkikita ni Frances at isang linggo na rin na parang nasa hukay ang puso niya dahil sa pagdadalamhati noon. Hindi niya akalain na aabot silang dalawa ni Frances ng ganoon. Hindi niya sinasadya ang lahat at nadala lamang siya sa mga natuklasan niya nang makapag-usap sila ng ina ni Angeline.
Nang araw na dumating si Angeline muli sa buhay niya ay ang araw na na-realize na niya ang lahat sa pagitan nila ni Frances. Nakapagdesisyon na niyang sirain ang pangako niya at tuparin ang isinisigaw ng puso niya na ligawan si Frances. Pero dahil humahanap pa siya ng tiyempo kung paano niya sasabihin kay Frances ang lahat ay naudlot muna iyon. Noon dumating sa bahay si Angeline. Muling nagulo ang sistema niya pero sandali lang iyon. Pinakasamahan niya muna sandali si Angeline hanggang sa mapagtantong tama nga ang napili niyang unang desisyon.
Naramdaman niyang nasaktan si Frances sa pagdating nito. He was willing to explain everything to her, kung hindi lamang siya nakapansin ng kakaiba kay Angeline. Hindi kasi ganoon si Angeline noon. She acted like a bitch that day when in fact, she was a very sweet and kind lady. Kaya nga kahit alam niyang walang kasiguraduhan ang pagbalik nito sa buhay niya ay inantay niya talaga ito.
Tinanong niya kung ano ang problema nito pero nagulat siya nang maghisterya ito sa harap niya. Nagtaka siya sa ginawa nito pero pinilit niyang intindihin muna ito hanggang sa mapagod ito at makatulog. Nakatulog ito sa braso niya at sa tuwing nagtatangka siyang gumalaw ay nagigising ito. Nang dahil doon ay hindi na niya nagawang kausapin pa si Frances nang gabing iyon. Sinabi na lamang niya sa sarili niya na ipagsasabukas na niya ang lahat dahil kinakabahan rin siya sa maaring maging reaksyon ni Angeline kapag nalaman nitong kinausap niya ang dalaga. Halatang-halata pa naman niya na pinagseselosan nito iyon at dahil nga sa kakaibang ginagawi nito ngayon ay natakot siyang baka kung ano ang gawin nito kapag nalaman nito ang ginawa niya.
First thing in the morning habang naliligo si Angeline ay naisip niyang gawin na ang plano niyang pagkausap kay Frances dahil iyon lang ang tsansa niya na malayo kay Angeline. Wala na siyang pakialam kung tulog pa ito basta makapag-explain siya rito. Pero dahil nakatanggap naman siya ng tawag sa ina ni Angeline na mukhang importante dahil ilang beses na pala itong tumatawag sa kanya noong gabi ay sinagot muna niya iyon. Pero sinabi niya sa sarili niya na pagkatapos noon ay aayusin na niya ang lahat, pero nawindang siya sa nalaman niya sa ina ni Angeline ay naudlot ang orihinal na plano niya.
She found out that Angeline is insane. Iyon ang dahilan kung bakit kinailangan niya pang sabihan si Frances na bantayan ang dalaga habang kinakausap siya ng ina ni Angeline sa isang coffee shop malapit sa townhouse niya. Ayon kasi sa ginang ay hindi raw nila puwedeng pag-usapan ang totoong nangyari kay Angeline sa lugar kung nasaan ito. Nagiging hysterical daw kasi ang dalaga kapag naririnig iyon o tinatanong man lang ito doon. Mabilis lang rin na naligo si Angeline kaya naman limited lamang ang time nila na pag-usapan ang iba pang details tungkol sa kalagayan nito. Ang tanging sinabi lang nito sa kanya ay sa kabila naman ng kalagayan ng anak nito ay hindi naman ito nanakit ng tao kaya sure na walang gagawing masama si Angeline kay Frances at iniwan niya ito roon kasama ang dalaga. Mabuti na lamang at sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay nagpaiwan si Angeline roon kasama si Frances kaya naman wala siyang naging problema sa pakikipag-usap sa ginang.
Nalaman niya sa ginang na mahigit isang linggo na palang nakabalik si Angeline sa Pilipinas. Ngunit dahil may sakit pala ito ay hindi ito hinahayaan ng magulang nito na umalis ng bahay. Wala silang komunikasyon ni Angeline nang mga nakaraang taon kaya hindi siya updated sa nangyari sa buhay nito. Kaya naman nang malamang nagkasakit pala ito sa utak dahil hindi raw nito kinaya ang panlolokong ginawa rito ng French lover nito sa Paris ay talagang nagulat siya.
Maraming doctor ang nagpayo sa magulang nito na i-admit ang dalaga sa mental hospital pero hindi pumayag ang magulang ng mga ito. Pakiramdam kasi ng mga ito ay lalo lamang mapapasama roon ang anak ng mga ito. They took care of Angeline until the lady went to his house. Laking pasasalamat naman ng ina nito sa nalamang nandoon pala ito sa poder niya. Buong gabi raw kasing hinanap ng mga ito ang dalaga dahil nakatakas raw ito.
Pagkatapos nilang mag-usap ay nagpunta na sila sa townhouse niya para masilip rin ng ginang si Angeline. Pero pagdating nila doon ay hindi niya napigilan ang sarili niya na mainis nang makitang nag-away ang dalawa. Sinabi niya kay Frances na alagaan nito si Angeline pero binigo siya nito. Pero sandali lamang iyon dahil naisip naman niyang hindi nito alam ang sitwasyon. Nadala lang siya marahil sa damdamin niya. God knows how he loved to defend her that day but he didn’t do that because of Angeline’s condition. Iyon ay pagkakamali niya. Pinaalis niya si Frances at mas pinili ang utos sa kanya ng ginang na paburan muna si Angeline dahil na rin sa sakit nito. Naisip kasi ng mga ito na kung sakaling ilalapit siya nito sa dalaga ay baka malimutan nito ang French lover na nanloko rito at mawala rin ang sakit nito. Pinagbigyan niya ang kagustuhan ng ina nito dahil malaki rin naman ang pinagsamahan nila. Sinunod niya ang utos ni Angeline. Pinaalis niya si Frances kahit sa part niya ay masakit iyon. Sinabi na lang niya sa sarili niya na hahanapin niya ito sa oras na matupad niya ang kagustuhan ng ina ni Angeline kahit hindi naman naging successful iyon. Nang ilang araw kasi nitong pinag-stay sa bahay si Angeline at ganoon pa rin ang ugali nito ay sumuko na ang mga ito at inihiwalay sa kanya ang dalaga.
Kahit noong nasa unit niya pa si Angeline, kapag nagkakaoras na wala ito sa tabi niya ay sinusubukan niyang tawagan si Frances para makapagpaliwanag rito. Pero hindi niya ma-contact ito. Nababahala na siya pero tinitikis niya ang sarili niya para sa sake ni Angeline. Hindi niya kasi puwedeng pabayaan ito ng mga oras na iyon. Hindi siya puwedeng umalis para maghanap dahil alam niyang sasama ito. Kapag oras na nalaman nito na hinahanap niya ang babaeng pinaalis na nito dahil sa kadahilanang sinaktan raw siya nito, magwawala na naman ito. At iyon ang iniiwasan niya dahil gusto rin naman niyang gumaling ito.
He tried to help but he lost someone in return. And he was afraid that he might lose that girl forever because of that. Wala siyang kakilalang iba pang tao na maaring puntahan ni Frances bukod kay Lucy. Alam niyang ito ang naging dahilan kung bakit nakapasok si Frances sa site ng company project nila. Pero dahil hindi rin pala nito alam kung nasaan ang babae, pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng pag-asa. Bonggang takot rin ang nararamdaman niya dahil na rin sa kaalamanang wala itong pera. Sinubukan niyang bigyan ito bago umalis pero hindi naman nito tinanggap iyon. Hindi niya alam kung ano na ang maaring mangyari dito sa ngayon.
“I’m so sorry, Sir. Kung alam ko lang talaga ay tutulungan ko kayo lalo na at ramdam ko ang pagmamahal niyo sa kaibigan ko. Pero hindi ko talaga alam, Sir. Siguro kaya hindi niya rin sinabi sa akin dahil na rin sa kakilala ko kayo. Dahil sa nangyari, malamang ay lalayo talaga iyon sa inyo. Nag-aalala rin naman ako kay Frances pero wala talaga akong kaide-ideya katulad na lamang na wala rin akong ideya kung paano gumawa ng nobela kagaya ng ginagawa niya dahil malayo naman ang pagmamahal ko sa math kaysa sa pagmamahal niya sa pagsusulat,”
Natigilan siya at sandaling napaisip dahil naalala niya sa sinabi ni Lucy ang tungkol sa pagiging manunulat ni Frances. He knew Frances doesn’t have everything except her job. Malamang ay ito lamang ang puwedeng puntahan nito kaya naman ang kaninang pag-asa niyang malapit nang maubos ay nag-multiply ngayon.
Napangiti siya sa gulat ni Lucy. He tapped her shoulders. “Thank you for your words,”