Chapter YSMM (Wakas)

“That paradise feels so empty without you. Being with you is paradise, Benedikt. Nabasa ko ang mga sulat mo sa akin. Kung gaano mo ako katagal na minahal. Ang mga sakripisyo mo para sa akin. You free my soul, you make my heart sing, you make me happy and I feel contented when you are around. Hindi ko iyon mararamdaman kung wala ka sa tabi ko. Kahit saan ako pumunta basta ikaw ang kasama ko.”

He rained kisses on her face. As if she was one fine gift that he handle with care but he couldn’t get enough of. “This is the best Christmas gift ever. Thank you.”

Hinaplos niya ang guwapo nitong mukha. “At ikaw ang pinakamagandang regalo ng Diyos sa akin na dapat kong alagaan. Hindi na ako magkakaroon pa ng kahit anong dahilan para lumayo sa iyo, Benedikt.”

“My woman. Mine.”

“BENEDIKT, ano ba ito? Saan mo ako dadalhin? Sabi mo sa party tayo pupunta. Kailangan pa bang naka-blindfold ako?”

“It is a blindfold party,” bulong ni Benedikt sa tainga niya.

“What?” bulalas niya at mahigpit na hinawakan ang braso nito. “Ano bang pakulo ito? Kinakabahan tuloy ako.”

Naging abala si Maki nang nakaraang araw lalo na’t sa Maynila siya nagdiwang ng Pasko kasama si Benedikt. Malaking balita din ang dumating sa kanila dahil ibinaba na ng Supreme Court ang ruling na hindi dapat patayuan ng international airport ang La Reina. Hindi feasible ang lugar at may posibiildad na matulad sa Bohol kapag lumindol kung saan nagkabutas-butas ang mga lupa. Ang mismong tatayuan ng airport ay isang dangerous zone.

Dumadalo sila ni Benedikt sa mga party pero maingat na ang mga tao sa pakikiharap sa kanya. Siguro ay dahil mas protective sa kanya si Benedikt o dahil na rin sa aura niya na hindi siya magpapatalo. O maaring dahil si Teresina mismo ay ipinapakita sa lahat na tanggap na siya nito bilang nobya ni Benedikt.

Hindi sila nag-usap na ni Teresina tungkol sa di magandang pagtrato nito sa kanya. Nang muli silang magkita ay niyakap na lang siya nito at alam niyang napatawad na siya nito. Unti-unti nang bumabalik sa dati ang masayang pagsasamahan nila. Alam niya na kailangan pa niyang kunin ang tiwala ng ina ni Benedikt pero malaking development na ngayon na handa na itong mag-reach out sa kanya.

Ngayon ay may bago na naman silang party na pupuntahan ni Benedikt pero nagtaka talaga siya nang piringan nito ang mga mata niya. “Relax. We are almost there.”

Mahilig lang siyang manorpresa pero di talaga siya sanay nang sinosorpresa. Mahirap pa ang nakapiring ang mata na wala siyang ideya kung ano ang susunod na mangyayari.

“We are here,” anang si Benedikt nang tumigil ang sasakyan.

Mahigpit ang hawak niya sa binata nang alalayan siya nitong bumaba. “Naku, Benedikt! Tiyakin mo lang na maganda-ganda itong party na pupuntahan natin. Lagot ka talaga sa akin kapag hindi ko nagustuhan ito.”

“I hope you will like it,” bulong nito at tinanggal ang piring sa mata niya.

Suminghap siya nang bumungad sa kanya ang isang malaking bahay. “Wow! Kaninong bahay ito? S-Saka saan ang party?”

“Pumasok tayo sa loob,” sabi nito at inalalayan siya papasok. Napakunot siya ng noo dahil walang katao-tao sa loob at halos wala pang kasangkapan. Sa sala ay tampok lang ang white grand piano. At kapansin-pansin na walang bisita doon. Sila lang ang tao. “Wala pang masyadong furniture dahil katatapos pa lang nitong bahay. Pero tiniyak ko na may piano dito kapag ipinakita ko sa iyo. I hope you like it.”

“S-Sa akin ang piano. At itong bahay… Benedikt, anong ibig sabihin nito?”

“Why don’t you look around first?”

Nagtatakbo siya palabas ng bahay. Pagdating sa lanai ay may puno ng akasya sa tabi ng bakod. Kumabog ang dibdib niya nang makita ang golf course sa likuran. Tumakbo siya palabas ng bahay at tinungo ang kalsada. Mula doon saka niya tiningnan ang kabuuan ng bahay. Natutop niya ang bibig nang makilala iyon. Sa plano lang niya iyon huling nakita. “Benedikt, this is our dream house.”

“Yes,” anito habang nakapamulsa ang kamay sa pantaloon at nakahilig sa gate.

Impit siyang tumili at niyakap ito nang mahigpit. “Ipinagawa mo rin. H-Hindi ko na naalala ito. Akala ko ibinenta mo na ang lupa. Akala ko wala ka nang pakialam dito.”

“No. I kept it. Itinuloy ko pa rin ipagawa ang bahay kahit di pa ulit tayo nagkikita. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil alam ng puso ko na magkikita tayong muli. At sa huli ay babalik ka rin sa buhay ko para matuloy ang naunsiyami nating mga pangarap.” Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at lumuhod sa harap niya. Binuksan nito ang kamay na may hawak na kahita. “Ituloy ulit natin ang mga pangarap natin. And I am the one proposing this time. Will you be my wife?”

Hindi na siya makapagsalita sa sobrang emosyon kaya hinawakan niya si Benedikt sa magkabilang pisngi at maalab na hinalikan. Parang sasabog ang mga puso niya nang mga oras na iyon. “Yes. And this time, there is no backing out.”

“Hindi ka na talaga makakapag-backout dahil itatali kita sa baywang ko.”

“Hindi na kailangan dahil nakatali na ang puso ko sa iyo. I love you, Benedikt Valenciaga. And I am looking forward to that day that I will be your wife and you will be legally my man. May ilang request lang ako.”

“Anu-ano iyon?” tanong nito at hinakawan ang baywang niya.

“I want a simple wedding. Kung sino lang ang malalapit sa atin, iyon lang imbitahan. Ang mga taong masasabi nating totoong kaibigan natin.”

Tumango si Benedikt. “Okay. Ayoko ring imbitahan ang mga nagpapanggap na kaibigan mo dahil baka mawalan ka na naman ng sapatos sa mismong kasal natin.”

Natawa siya nang maisip ang grupo nila Marsha na umiiwas na sa kanya ngayon. Di na gugustuhin ng mga ito na banggain pa siya. Mas mataas na ang kompiyansa niya ngayon.

“I get to decide what I want to wear, kung ano ang mangyayari sa kasal ko. Pwede akong tumanggap ng suggestions pero ako ang masusunod sa gusto ko,” taas-noo niyang sabi. “Ayoko nang katulad dati ang nangyari

“I want a wedding at La Playa Rubella. I want to be home.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Benedikt. “Is that okay with you? It means you will be an heiress again.”

“I am a Rubella. I am an heiress. I am also a simple music teacher. I am a daughter, a good friend, an environmentalist, a musician,” yumakap siya sa leeg nito, “a woman. Benedikt Valenciaga’s woman. And I will be your wife. At pupunuin natin ng kaligayahan ang bahay na ito. I can be anything I want to be.”

“No running away from me this time?” tanong nito at nakita niya ang pag-aalala at takot sa mga mata nito.

Yumakap siya sa leeg ni Benedikt. “Itali mo pa ako sa baywang mo kung gusto mo. I don’t have the strength to stay away from you anymore. Iyon ang huling bagay na gugustuhin ko. Ang gusto ko lang ay maging masaya kasama ka habambuhay.”

“So do I. Play for me, Maki.”

Inupo siya nito sa piano pero di para tumugtog kundi para angkinin ang labi niya. Well, she didn’t mind playing a different tune for now. Ngayon ay alam niyang kumpleto na ang kaligayahan niya. She had the freedom to do whatever she wanted. To be who she wanted to be. At masaya siya na nasa bisig siya ng lalaking mahal niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.