“You are really here,” anang si Benedikt habang magkahawak-kamay sila na bumaba ng stage. “I still can’t believe that you are here.”
“Of course, I am here,” natatawang sabi ni Maki at pinunasan ang labi nito na may bahid pang tissue. “Nagustuhan mo ba ang sorpresa ko?”
“Yes. Except the singing part. Alam mo na hindi ako basta-basta kumakanta sa harap ng maraming tao. Mabuti na lang nandito ka kung hindi baka bawiin ko ang bonus nila.”
Isang alanganing ngiti ang ibinigay ni Teresina sa kanya nang samahan sila sa mesa. “Merry Christmas, Tita,” bati niya sa mga ito at binati rin ang gobernador at si Hannah na mukhang malungkot at di magawang ngumiti sa kanya kahit pabalat-bunga lang. Ito ang nagsabi na duwag siya at di niya kayang ipaglaban si Benedikt. Ngayon ay napatunayan na niyang mali ito.
“Hija, masyado mo naman yata kaming sinorpresa. Akala namin hindi ka dadating,” anang si Teresina at napilitang humalik sa pisngi niya. “Sana naman nagpasabi ka para naipasundo ka ni Benedikt sa airport at... naipag-shopping kita ng damit.”
Ipinamaywang niya ang isang kamay. “This is a Francis Libiran gown, Tita. Siguro naman hindi kayo madidismaya sa creation niya.” Inagapan na niya bago pa makahanap si Teresin ang ipipintas sa kanya. “Pasensiya na po kung hindi ko sinabi na dadating ako. Gusto ko talagang isorpresa si Benedikt. I also want to perform for him.”
“Hindi ba may mga program ka pang naiwan sa La Reina?” tanong ni Hannah. “Akala ko hindi mo pwedeng iwan ang mga responsibilidad mo?”
“May ibang pwedeng gumawa ng trabaho ko sa La Reina. Maraming ibang pwedeng umalalay sa mga bata habang wala ako. Pero ako lang ang nag-iisang girlfriend ni Benedikt. I worked hard these past few months. Oras na siguro para naman makasama ko ang boyfriend ko. After all, bakasyon na ngayon kaya dapat lang na kami ang magkasama,” kaswal niyang sabi. Alam niyang sa usapan na iyon ay siya ang may upper hand. “Dapat lang na ako ang nasa tabi niya at hindi ibang babae.”
“And we have to get going, Mama,” sabi ni Benedikt na hindi na siya planong pakawalan pa. “I want to have a private celebration with my girl. If you’ll excuse us…”
“Aalis na po kami, Tita,” pagpapaalam niya. At saka siya inalalayan ni Benedikt na palabas ng bulwagan.
“Benedikt, you are not leaving,” anang si Teresina sa mariing boses at hinabol pa sila hanggang sa labas ng hallway. “Nandoon si Governor Marasigan. Iiwan mo nalang sila basta ni Hannah?”
“Mama, bisita mo sila. Alam ninyo na si Maki ang priority ko.”
“Ang sabihin mo gusto mo lang siyang ialis dito dahil nahihirapan siyang makibagay sa ibang tao. Hindi na natin kasalanan kung nasanay siyang mamuhay sa isla sa loob ng halos walong taon at nabawasan ang social skills niya,” angil ni Teresina.
“Tita, hindi po nabawasan ang social skills ko. I just had a hard time dealing with difficult, rude and envious people these past few weeks. But here I am now. I am trying my best to fit in your glamorous world. After all, I am still a Rubella. Huwag po kayong mag-alala dahil hindi ko kakaladkarin ang pamilya ninyo sa kahihiyan,” kaswal niyang sabi.
“Why, you little…” anang si Teresina na mukhang napikon sa kanya.
Pinutol agad ni Benedikt ang sasabihin nito. “I love you, Mama. Pero hindi ko papayagan na pahirapan ninyo si Maki. Hindi na ako papayag na tapak-tapakan siya.”
“She killed your father!” pilit nito. “Hindi ko siya mapapatawad.”
“Si Papa mismo ang nagsabi na walang kasalanan si Maki sa kanya,” paliwanag ni Benedikt. “At kung makikita ni Papa kung paano ninyo akong saktan ngayon habang sinasaktan ninyo si Maki, nasisiguro ko na malulungkot din siya.”
Nanlisik ang mga mata ni Teresina. “Huwag mong isali ang papa mo sa usapan na ito. He was dying then. Delusional na siya.”
Nanindigan si Benedikt. “Mama, sa loob ng maraming taon naging malungkot ako dahil wala si Maki sa tabi ko. Sumaya lang ulit ako nang magkasama kami. As your son, I am old enough to know what’s good for me. Kung hindi ninyo kami hahayaang maging masaya ni Maki, baka magtanan na lang kaming dalawa.”
“What? Gagawin mo iyon sa akin?” bulalas ni Teresina.
“At baka hindi na ninyo makita ang magiging apo ninyo kapag nagpatuloy kayo na paglayuin kami.”
Parang bombang sumabog ang bantang iyon ni Benedikt. Di agad nakapagsalita si Maki. A-Apo? Apo agad? Magkakaanak sila?
Nakita niya ang pamumutla ng matandang babae at biglang sinapo ang dibdib. Gaya niya ay parang sinabugan din ito ng bomba. “Is she pregnant? Oh, my! Magkakaapo na ako? Magiging lola na ako?”
Tiningala niya ang nobyo. “Benedikt…”
It was starting to get out of hand. Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag. Of course, she was not pregnant. Parang gusto niyang batukan si Benedikt nang mga oras na iyon. Bakit naman kasi iyon ang sinabi nito sa nanay nito?
Kinintalan nito ng halik ang ina. “I love you, Ma. I wish you will be happy for us.” Saka siya hinila ni Benedikt palayo doon.
“Benedikt!” tawag dito ni Teresina at akmang hahabulin sila.
Pinigilan ito ni Hannah sa braso na sinundan ito. “Tita, hayaan na po ninyo silang maging masaya.”
Nagtama ang mga mata nila ng dalaga. Malungkot ang mga mata nito subalit naroon ang pagtanggap. Hinahayaan na sila nito ni Benedikt.
Kahit si Maki ay nakatulala din nang lumabas sila ng hotel. Nakaabang na sa kanila ang Bentley ni Benedikt. Ipinagbukas sila ng driver nito ng pinto. “Benedikt, bakit mo sinabi sa mama mo na buntis ako?” tanong agad niya dito nang nakaupo na silang dalawa sa likod ng sasakyan. Sinapo niya ang pisngi. “Baka mag-expect siya na buntis nga ako. Baka mamaya sabihin niya na niloloko lang kita o pinipikot. Lalong magagalit sa akin iyon.”
“It was hypothetical. At kung hindi pa, I am sure we can work out on that one. Saka akala ko hindi ka na takot sa kay Mama?”
“Ayoko lang palalain ang sitwasyon. May mga di kami pagkakaunawaan pero ayokong sirain ang relasyon ninyong dalawa. Gusto pa rin na tanggapin niya ako.”
Ginagap nito ang kamay niya. “I am sure makakapag-isip-isip na siya ngayon bago ka niya gawan ng hindi maganda.”
“Sir, nandito na po tayo,” anang driver ni Benedikt na si Mang Tasyo. Nasa harap na sila ng condo building nito na di kalayuan sa hotel na pinagganapan ng party.
Nang makarating sila sa penthouse nito ay niyakap siya ni Benedikt. “Hindi lang ako makapaniwala na nandito ka. I thought you missed the flight. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko kaya akala ko ayaw mo na akong makita o makausap. Gusto nga kitang puntahan sa La Reina kahit pa may mga schedule ako sa dadating na araw. I really want to be with you.”
“But I am here now. And I am here to stay. I will stand beside you as your woman. Kung di ko kayang labanan ang lahat ng taong nangmamaliit sa akin at gusto akong hilahin pababa, wala akong karapatang manatili sa tabi mo. Isang babaeng malakas at palaban ang dapat na makasama mo. H-Hindi isang duwag.”
“No. Hindi ka duwag. Kahit naman sinong tao masasaktan sa ginawa nila sa iyo. You are my woman so I will protect you, Maki. Hindi ko hahayaan ang ibang tao na saktan ka. Kahit pa si Mama.”
It was comforting to hear those words for him. Nakakataba ng puso na handa si Benedikt na ipaglaban siya. “Alam ko naman na gagawin mo iyon. Alam ko rin na kaya mong tawirin ang mundo ko para magkasama tayo. Pero gusto ko ring ipakita sa iyo na kaya ko ring manindigan para sa iyo. I want this relationship to work. I want to get the best of both worlds. Hindi na ako natatakot. Hindi na ako mai-intimidate. At hindi na ibang babae ang makikita nilang kasama mo sa mga events dahil ako na ang nasa tabi mo.”
“Sa palagay ko ay hindi na natin magiging problema si Hannah. Nag-usap na kaming dalawa. Sinabi ko na ayokong pababain niya ang sarili niya. Na hindi ko gusto na pinagtutulungan ka nila ni Mama para saktan o i-intimidate. Hindi ko rin gusto na kinausap ka pa niya sa school. Para saan? Para palayuin ako?”
Tipid siyang ngumiti. “Sabi niya pabor sa kanya kung hindi na ako luluwas ng Manila. Mas maganda nga daw na iwasan ko na ang mga social functions. Makikita mo rin daw na hindi ako ang babae para sa iyo. That I am not woman enough for you.”
Naningkit ang mga mata nito. “See? Kaya nagalit ako sa kanya dahil akala ko siya ang dahilan kung bakit hindi ka na lumuwas. Kung bakit ayaw mo akong makita. Ni hindi mo nga sinasagot ang mga tawag ko. Akala ko talaga mawawala ka na sa akin.”
Yumakap siya sa baywang ni Benedikt. “Natakot din ako dahil maraming sinabi sa akin si Hannah na totoo. Mahal ka niya. Desperada man siya sa lahat ng ginagawa niya, pero pinatunayan niya sa akin na hindi siya natatakot na mahalin ka. Kinuwestiyon ko tuloy ang sarili ko kung deserving ba ako sa pagmamahal mo. Kung mas dapat bang mamayani ang pag-iwas ko sa mga taong ayaw kong makahalubilo kaysa ang makasama ka.”
“But people were mean to you. At hindi man lang kita naprotektahan sa kanila.”
“Benedikt, hindi sa lahat ng pagkakataon ay mapoprotektahan mo ako. Dapat ay matured ako sa ganoong pagkakataon. Di ako dapat nagpapatalo. Dapat akong magpasalamat kay Hannah. Kung hindi dahil sa kanya, baka di ko mare-realize kung ano ang mas mahalaga sa akin. Ikaw lang dapat ang iniintindi ko at hindi ang ibang tao na ang gusto naman talaga sa simula pa lang ay di ako maging masaya. Miserable sila sa mga buhay nila at gusto rin nilang maging miserable ako.”
“You are right,” anito at kinintalan siya ng halik sa noo.
“Pasensiya ko na kung ngayon ko lang naisip. Na habang lumalayo pala ako ay masayang-masaya sila at tayo naman ang nasasaktan. I didn’t mean to hurt you, Benedikt. Iyon ang huling bagay na gugustuhin ko.”
“Maki, kung kailangang iwan ko ang lahat ng karangyaan at mamuhay ng simple ay gagawin ko. Hindi ako natatakot na talikuran ang lahat.”
Umiling siya. “No, Benedikt! Hindi ako papayag na gawin mo iyon para sa akin. May mga pangarap ka. May mga tao rin na umaasa sa iyo para matupad ang pangarap nila. May mga responsibilidad ka gaya nang may mga responsibilidad din ako. Gusto kong suportahan ang mga pangarap mo gaya kung paano mo sinuportahan ang mga pangarap ko.”
“P-Pero magkakalayo pa rin tayo,” malungkot nitong usal. “Nasa La Reina ang buhay mo. Mapapagod ka kabibiyahe kung lagi kang luluwas para sa akin. Hindi rin naman ako palaging makakadalaw sa iyo sa isla.”
“Pwede naman akong mag-rellocate dito sa Manila. Dadalaw na lang ako kay Nanay at Papa sa La Reina.”
Nagulat ang binata. “L-Lilipat ka dito? Pero paano ang tahimik mong buhay? Paano ang mga estudyante mo? Mahal na mahal mo ang choir na hawak mo.”
“May magagaling din silang teachers sa La Reina. Nandito naman ako kung kailangan nila ang tulong ko. Pero gusto ko ring matupad ang dati kong pangarap. Gusto ko na mag-aral sa Music. Gusto ko ng sarili kong music school at tuturuan ko ang mga batang talentado pero walang pera. Pwede ko pa ring gawin ang trabaho ko dito para magkasama tayo.”
Niyakap siya nito nang mahigpit. “Ohhh, Maki! I can’t believe that I am hearing this from you. Iiwan mo ang paraisong minahal mo para makasama ako?”