Nasorpresa siya dahil hindi niya naisip na baka si Benedikt ang nagbigay sa kanya. He cared for her more than she thought.
“Kung makakaligtas tayo dito, gusto ko na mag-compose ka pa ng maraming kanta. Sa palagay ko buhay na buhay ka kapag tumutugtog ka. At sana hindi ka umalis sa choir. Nang huling beses akong pumunta sa La Reina Resort, iba na ang tumutugtog. I mean, she’s good but she just plays the piano. Wala ang soul na hinahanap ko. Iba kapag ikaw ang nasa piano. Or maybe I am just biased.”
“Hindi pa rin naman ako umaalis sa choir. Ako pa rin ang tumutugtog para sa kanila kapag may chorale competition. Hindi ko lang kayang tumugtog sa La Reina Resort o sa kahit anong program na alam ko na posible tayong magkita dahil masasaktan lang ako. Alam ko na hindi ka magiging akin. Sabihan man akong bitter, masakit sa akin na makitang may kasama kang iba. Mas mahirap lang maka-move on at masokista naman ako kung paulit-ulit kong gugustuhing masaktan dahil sa iyo.”
“But you still came to me… kahit na sabi ko maging sex slave kita.”
Umikot ang mga mata niya. “A part of me can’t resist that offer. Of course, sandali lang iyon dahil alam ko hinihintay ka ni Hannah.”
“About Hannah…”
Pinigilan ng hintuturo niya ang labi nito. “Ayokong pag-usapan si Hannah. Not now.”
Hinawakan nito ang kamay niya at inilayo sa labi nito. “Maki, listen. Gusto ko lang malaman mo na may sulat ako para sa iyo. Collection iyon ng mga sulat ko mula pa noong umalis ka. Wala akong masabihan kung anong nararamdaman ko para sa iyo. That I still miss you even when you were gone. At… nasa bahay ko iyon. Hindi ko maitapon. Hindi ko naman gustong mabasa mo. Pero sana… sana mabasa mo iyon kung makakaligtas tayo. Hindi ko kayang sabihin sa iyo ngayon ang lahat ng sulat na iyon pero inipon ko iyon. Dadalhin ko mismo iyon sa iyo… kapag nakauwi tayo.”
“Nabasa ko na,” aniya at biglang kinagat ang labi.
“Nabasa mo na? Paanong nabasa mo na?” Naningkit ang mata nito. “Si Patty. That woman! Kahit kailan talaga…”
“Iyong latest note mo lang ang nabasa niya. Kakalat -kalat daw kasi sa table mo nang pumunta siya sa bahay mo. Naiwan mo rin daw sa table ang box ng sulat mo. Akala niya nakalimutan mo lang ipadala sa akin kaya ipina-LBC niya. Ayun! ‘Yung sulat lang na huli ang nabasa ko.” Itinaas niya ang isang kamay. “Kaya nga sinundan kita dito.”
“Nabasa mo talaga?”
Ngumiti siya. “Oo naman. Kabisado ko pa nga. I am off to paradise. I wish you could come with me. We can play with the waves, swim like fishes in the sea, run like kids while our laughter will echo at the beach. Then I can take you in my arms anytime I want to. We can forget who we are. There would be no past, no pain and we don’t have to think about tomorrow. Come with me, my dear fairy.” Ibinuka niya ang mga kamay. “So here I am. Wala namang masamang intensiyon si Patty. Akala lang talaga niya ipapadala mo sa akin iyon. At di naman niya pinakialaman lahat ng nasa box mo ng sulat. Alam kasi niya na magwawala ka kapag nagalaw iyon.”
“Paano naman ang sulat na ipinadala niya sa iyo?”
Nagkibit-balikat ito. “Iisipin mo daw na na-misplace lang ang isang sulat lang iyon o hinangin lang sa kung saan. Kung alam mo lang kung anong kamalasan ang inabot ko para lang makapunta sa iyo.”
“Bakit naman?”
Bumuntong-hininga siya at nag-indian seat para mas maging komportable ang suot. “Alam mo naman siguro na ang alam sa amin ay nag-Palawan ako. Ang sabi ko magkikita kami ni Talia. Ang di alam ni Nanay ay nasa Singapore si Talia at ang banda niya. At dahil noon lang ako magbabakasyon sa malayo nang di siya kasama, sinamahan niya ako hanggang makasampa ako ng ferry papuntang Cebu sa halip na pa-Bohol.”
“Ibig sabihin galing ka pa sa Cebu bago ka nagpunta ng Bohol?” tanong nito.
Bumagsak ang balikat niya. “Ganoon na nga. Kung nakita mo siguro ako noong dumating ako, baka di mo ako makikilala. Gulo-gulo ang buhok ko at nanlalagkit na ako. At mabuti na lang pinapasok ako ni Manang Lucing.”
“Hindi ko talaga inaasahan iyon. Sabi lang ni Manang Lucing may bisita ako pagdating pero nagulat na lang ako nang makita kita na lumabas mula sa banyo. Muntik na akong atakihin sa puso kasi akala ko multo ka.” Nang tumawa ito ay nawala ang tensiyon sa pagitan nila. Nang mga oras na iyon ay nakalimutan ni Maki na baka iyon na ang huling beses na magtatawanan sila at magkukwentuhan. “Di ba magtataka si Tita Lupita kung wala kang picture na ipino-post?”
“Pareho naman kaming walang social media account.”
“At kung maghanap siya ng pictures mo sa Palawan?”
Ngumisi siya. “Sasabihin ko na nabura sa memory card. Well, ang problema lang biglang dumating sa amin si Talia at nataranta siya dahil wala naman sa usapan namin na magkikita kami. Sosorpresahin daw niya ako. Ipinaliwanag niya kay Nanay na sayang ang ticket kaya nag-stay siya sa La Reina at ako naman ay… kasama ka. Ang alam nila may iba pa akong kaibigan sa Palawan at doon ako nag-stay. So many lies…”
“I am sorry. Nagsinungaling ka pa para sa akin. Ayokong magkasama tayo ng ganito.”
“Iyon ang sakripisyong kailangan kong gawin di lang dahil sa nanay ko. Sinabi ko lang iyon para maitago ko ang totoong nararamdaman ko.”
Hinaplos nito ang pisngi niya at nabanaag niya ang lungkot sa mga mata nito. “Nagsisisi ka ba na sinundan mo ako? Na nakabingit sa kamatayan ang buhay mo ngayon?”
“No,” aniya at umiling. “Mas gugustuhin kong nandito ako sa ganitong sitwasyon pero kasama kita. Kaysa naman mabubuhay nga ako nang matagal pero malungkot naman ako.” At she could be with him when she takes her last breath.
“I don’t want you to die. Not this way. Hindi pa ito ang katapusan. Gagawin ko ang lahat para mabuhay ka lang. At hindi ako papayag na mamatay tayo dito nang hindi ko nasasabi sa iyo na mahal kita. Mahal pa rin kita.”
Idinikit niya ang noo sa noo nito at di niya maiwasang mapaluha. “Oh, Benedikt!”
Hindi niya alam kung nasa langit na siya nang mga oras na iyon. She felt like she was floating on air, carried by the angels while listening to Benedikt’s declaration. Nabasa na niya ang sulat na nito pero alam niyang di iyon sapat para kumpirmahin ang pagmamahal nito. Pero ngayong narinig na niya sa mga labi nito ay di niya mapigilang maiyak sa saya subalit sa huli ay nakadama siya ng lungkot at panghihinayang.
“Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?” humihikbi niyang tanong. It was breaking her heart. Time and nature was against them.
“I am sorry. Kasalanan ko kung bakit umabot pa tayo sa ganitong punto bago ko sabihin sa iyo na mahal kita. Natatakot ako na masaktan ulit. Natatakot ako na magmukha na naman akong tanga kapag umalis ka. Something died inside me when you left and I don’t want to feel that anymore. Dahil kahit nang alam mong mahal na mahal kita noon at alam kong mahal mo pa rin ako ay nagawa mo pa rin akong iwan. Ayoko nang maulit iyon. Pero ngayon, wala nang mawawala sa akin. Nagsisisi lang ako dahil sana noon ko pa nilabanan ang takot ko. Noon ko pa sana sinabi sa iyo na mahal pa rin kita nang malaman kong di ka pa nag-aasawa. At kahit na may boyfriend ka pa noon, aagawin kita sa kanya. I am sorry for being a coward.”
“No. Hindi mo kasalanan iyon. Takot din ako. Takot din ako na tanungin kung mahal mo pa ako. Kahit na alam ko na baka mahal mo pa nga ako, natatakot din akong tanggihan mo. Hindi na ako umaasa na lalagpas pa ako sa palugit na ibinigay mo. Hindi ko masabi na ibibigay ko ang lahat makasama ka lang nang mas matagal. Kahit isa pang araw, kahit isa pang linggo. But I know, that would be to much to ask. Maaring mahal mo pa nga ako pero hindi ko alam kung ako pa rin ang gusto mong makasama. Kung ako pa rin ang makakabuti para sa iyo.”
“I still want you. Kahit gusto kong lumayo sa iyo, kahit pa ipagtabuyan kita, alam ko na hindi ako magiging masaya nang wala ka sa tabi ko. It was me and my damn pride. But if we survive this, I want us to be together. I want us to fight for this.”
“Sigurado ka ba dito, Benedikt?”
Tumango ito. “Yes. We will defy death to be together. So I want you to be strong for me. For us. Huwag kang mawawalan ng pag-asa.”
Lumunok siya. Maaring sa mundong ito ay masaya silang dalawa. Pero paano sa paglabas nila at bumalik na sila sa normal na mundo, magiging mabait pa kaya ang mga nasa paligid nila sa kanila? “Paano si Hannah? Paano si Tita Teresina?”
“Hannah is a friend.”
“She thinks you are more than that.”
“Wala akong commitment sa kanya. She is good to me. Sinabi ko sa kanya na hindi ko kayang mag-commit dahil… mahal ko pa ang ex-girlfriend ko.”
Her breath rushed to her lungs. “Iniisip ko kung alam niyang ako ang ex-girlfriend mo. Kasi naikwento niya sa akin na iniwan ka nga daw ng ex-girlfriend mo sa altar at dahilan para mamatay si Tito Malvar.” Nagkibit-balikat siya. “Siguro naman di siya ang tipo na basta-basta nagkukwento sa ibang tao. Siguro magaan lang ang loob niya sa akin kaya niya naikwento iyon. O baka… nakakaramdam siya na may kakaiba sa atin. I don’t know. Pero mahal ka niya.”
Bumuntong-hininga si Benedikt. “We are just friends. She’s special but still a friend. Sinabi ko naman na kung gusto ko siya ay liligawan ko siya. Basta noong nasa La Reina ako, puro trabaho ang pinag-uusapan namin ni Governor.”
“B-Baka mas gusto ng mama mo ang katulad niya para sa iyo,” aniya at yumuko. “Natitiyak ko na hindi magugustuhan ng mama mo kapag nalaman niya ang tungkol sa atin.”
“Maki, do you think I care? I will defy death just to be with you. At wala akong plano na hayaan ang ibang tao na pakialaman ang magiging relasyon natin. Let’s not spoil this. Sabihin mo sa akin na lalaban tayo.” Ginagap nito ang kamay niya. “Walang susuko.”
Umiling siya at buo ang paniniwalang hinawakan ang kamay nito. “Walang susuko.”
And when Benedikt kissed her, she knew that everything would be okay. Makakalabas sila dito. Matutupad na nila ang mga pangarap nila. Marami pa silang haharapin na pagsubok pero alam nilang lalaban sila para sa isa’t isa.