Elleina Zeal's POV
Makakatulog na sana ako nang maramdaman na may labing dumampi sa labi ko.
Flair...
Hindi ko nagawang magmulat ng mata dahil nilalamon ako ng antok. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Nakapikit lang ako habang siya ay hinahalikan ako pero 'di pa nagtatagal ay parang may naramdaman akong kakaiba. Hindi siya gentle humalik parang madiin at marahas kaya napamulat ako ng mata gano'n nalang ang gulat ko nang makitang hindi siya si Flair!
Naitulak ko siya ng malakas.
"Fuck you!!!" inis na inis kong sigaw kay Nel Jan at kinuha ang wipes sa bag ko at pinunasan nang pinunasan ang labi ko.
"Gago ka ba! Fuck you!!!!!" galit na galit kong sigaw sa kaniya. "May boyfriend na ako!! Tanga ka ba? Bobo ka! Ang liit ng utak mo!"
Tumulo ang luha sa mata ko.
Gagong ito. Siraulo! Fuck!
Paulit-ulit ang mura ko sa isip ko kasabay ng pagpatak ng luha ko.
"Fuck you!" sigaw ko nanaman sa kaniya pero wala siyang tugon kung hindi ang ngisi.
Lumapit siya at hinapit ang baiwang ko doon na napatid ang kakarampot na pasensya ko.
"Bastos!!! Gago ka!!" pilit kong binawi ang baiwang ko sa kaniya. Sinapak ko siya nang paulit-ulit.
Gago! Nanginginig ako sa galit at baka hindi ko siya mapagpasensyahan. Susuntukin ko talaga ito.
"Why? 'Di ka ba nag-enjoy?" kinagat niya ang labi niya dahilan upang mapatingin din ako doon.
"Kung paduguin ko kaya ang labi mo?" naiinis kong sigaw.
Flair..
Paulit-ulit ang pagtawag ko sa kaniya sa isip ko. Ang isiping malaman niya ito ay ikamamatay ko dahil siguradong masasaktan siya.
"Paduguin gamit ang labi mo?" ngumisi siya na nakapagpainit ng todo sa ulo ko.
"Tarantado!"
Minura-mura ko siya bago ko kinuha ang bag ko.
I need to tell this to Flair. I hate hiding thing to him.
Tumalikod na ako at handang iwan itong babaerong Nel Jan na ito pero natigilan din.
"End of your love story with him"
Napalingon ako sa kaniya at gumapang ang kaba sa dibdib ko.
Anong ibig niyang sabihin?
"Fuck you!" gigil kong sabi sa kaniya.
Tumawa siya ng sobrang lakas kaya sa inis ko sinuntok ko ang mukha niya. Sinuntok ko ulit siya at pinunterya ang labi niya.
"Kala ko kaibigan kita pero hindi pala kita dapat pagkatiwalaan!" sigaw ko sa kaniya. Natigilan siya at tumitig sa akin.
"Mahal kita"
Nagulat ako sa sinabi niya pero agad ding kumunot ang noo.
"Bakit ba siya ang boyfriend mo!?" naiinis niyang tanong. "Makipaghiwalay ka sa kaniya!"
Tinaasan ko siya ng kilay at nakuyom ang palad ko.
"You don't have any rights to demand something to me! We're not friends or should I say, I did not meet you. Wala akong nakilalang Nel Jan simula sa araw na ito" tinitigan ko siya ng masama. "Get lost! 'Wag mong guluhin ang relasyon namin dahil ako mismo kaya kitang patumbahin"
Tumalikod ako pero muli siyang nilingon.
"Ito ang huling beses na nakalapit ka sa akin dahil sa susunod na subukan mong maglakad palapit malayo ka palang itutumba na kita"
Nakita ko ang gulat at pagkamangha sa mata niya.
Naglakad ako palayo tumulo na ang luha ko dahil hindi ko kayang tanggapin ang nagawa ko kay Flair. Pagkakamali na hindi ko naman alam.
Naglakad ako habang nakayuko hindi ko alam saan ako pupunta pero natigilan nang makita ko ang juice at sandwich.
Natutop ko ang bibig ko.
Nakita niya!
Baby...
Walang mapaglagyan ang kaba sa dibdib ko. Lalong tumulo ang luha ko natigilan ako nang biglang may humawak sa braso ko. Handa na sana akong manuntok pero nakita kong si Kean iyon.
"Anong problema?" tanong niya sa akin.
"Kean.." 'di ko maituloy ang sasabihin ko dahil humagulgol na ako.
Akmang yayakap siya pero pinigilan ko siya.
Ayaw ko ng makadagdag pa ito sa sakit na nadulot ko kay Flair. Ex ko siya at kahit saang bandang tingnan masasaktan at masasaktan si Flair.
"Kaya ko" iyon nalang ang nasabi ko at mabagal ang lakad.
Nasaan ka baby?
Patawarin mo ako.
Wala pa man lang ay natatakot na akong harapin siya dahil nasisiguro kong ang nagawa ko ay sobrang sakit kahit na sa akin mangyari iyon.
Hinila ako ni Kean palabas ng Laurente 'di ko namalayang ipinasok niya ako sa kotse niya.
"Anong nangyari? Sabihin mo sa akin"
Hindi ako makapagsalita sa kakaiyak ko. Nakita niyang may kahalikan akong iba! Nakita niya at ang isiping iyon ay nasasaktan din ako! Hindi ko sinasadya! Hindi ko alam! Wala akong alam! Akala ko siya iyon! Akala ko si Flair kaya hinayaan ko kung nagmulat sana ako agad nakita ko ang gagong 'yon!
"Elle" pagtawag sa akin ni Kean.
"Please dalhin mo ko kung nasaan si Flair"
Tumango nalang siya at nagmaneho.
Baby, I'm so sorry.
Handa akong ipagtabuyan mo. Handa ako sa galit mo. Patawarin mo lang ako.
Narating namin ang bahay nila pero nakatitig lang ako do'n.
"Ayusin niyo kung anuman ang pinag-aawayan niyo" ang pag-aalala ay nasa tinig ni Kean.
Nilingon ko siya at pilit na ngumiti.
"Salamat, Kean"
Tumango siya at pinanood lang akong makapasok sa bahay nila Flair.
Nakita ko si manang Cora sa lamesa pinapakain si Buknoy.
"Elle! Buti dumating ka ayaw kumain ni Jeb" sabi ni Manang. "Pakisuyo naman na akyatin mo baka kumain kapag nakita ka"
Tumango lang ako at dumiretso sa kwarto ni Flair. Halos 'di ko mapihit ang doorknob sa takot kong itaboy niya ako paalis.
Nang buksan ko ay walang ilaw kinapa ko ang switch pero nagulat ako nang gawin niya ulit ang ihagis ako sa higaan. Hindi ako pumalag kaya ikinagulat niya iyon.
Narinig ko ang yabag at bumukas ang ilaw. Nakita ko ang ngiti niya pero ang mata ay malungkot. Halatang galing sa iyak.
Bakit ba nagpapanggap siya?
Gumuhit ang sakit sa dibdib ko at tumulo ang luha ko. Umupo ako sa kama at pinakatitigan siya.
"May problema ba?" ang sakit ng tanong niya.
Bakit hindi niya sabihing nakita niya?
"Best actor" sabi ko at humagulgol na. "Why aren't you shouting at me!?"
Nakita ko ang pangingilid ng luha niya.
"Why are you not mad at me?! Nakita mo diba?"