Chapter 102

Tiningnan niya lang ako at pinunasan ang tumulong luha.

"Because.." naging matunog ang pag-iyak niya. "I love you"

Lumuhod siya sa harapan ko.

Anong ginagawa niya?

"Wag mo kong iwan. Wala akong pakialam kahit may relasyon kayong dal'wa okay--"

Pinutol ko ang sasabihin niya sa sigaw ko.

"What are you saying?! Ang gagong 'yon" humugot ako ng oxygen. "Hinalikan ako ng hindi ko alam. Believe me or not hindi ko alam! Akala ko ikaw dahil sino bang gagawa no'n sa akin kung hindi ang boyfriend ko lang! Ang boyfriend ko lang!" inis kong isinabunot ang kamay ko sa buhok habang ang mga luha ay tumutulo pa din.

Naging matunog ang iyak naming dal'wa sa kwartong iyon.

"Ikaw lang ang dapat gumagawa no'n sa akin! Fuck him! I hate him!!" sigaw ko.

Hindi siya nagsasalita at nakayuko lang habang ang luha ay patuloy din sa pag-agos.

Hindi ba siya naniniwala sa akin?

"Alam mo Zeal ang sakit sakit" itinuro niya ang dibdib niya "dito" humagulgol siya. Ramdam ko ang sakit pero mas lalong sumasakit iyon sa nakikita ko sa kaniya. "Alam mo naman kung gaano kita kamahal. Mahal na mahal kita! Handa akong makipagpatayan para saiyo. Handa akong ipagpaubaya ka kung saan ka masaya. Handa akong magpakatanga!" Ang sakit niyang tingnan. Humawak na siya sa dibdib niya iyak nang iyak. "Mahal na mahal kita at kahit ano pang nagawa mo palaging bukas ang puso ko para tanggapin ka dahil wala namang ibang nagmamay-ari nito kung hindi ikaw lang!"

Umiling-iling na siya na parang 'di tanggap ang nangyari. Ang hagulgol niya ay parang hindi ko kayang tingnan. Sobrang sakit!

"Pagbabayaran niya ang kapangahasan niyang ginawa sa'yo" nakita ko ang pagkuyom ng palad niya at ang pagtiim bagang.

Pero meron pa din sa akin na parang 'di siya naniniwala sa akin. Bakit ba gano'n ang nararamdaman ko?

Kailangan ko bang patunayan 'yon?

"Baby, naniniwala ka naman sa akin diba?" hindi siya sumagot nakayuko lang ang ulo niya.

Lumapit ako at niyakap siya pero wala akong tugon na natanggap. Galit pa rin siguro siya sa akin.

Pinahid ko ang luha niya at inilapit ang noo ko sa noo niya.

"Maniwala ka sa akin. Mahal na mahal kita hindi ko kayang gawin saiyo 'yon" wala pa din siyang sagot.

Tinanggal ko ang hutones ng uniform ko. Ayaw mong maniwala sa akin pwes papaniwalaan mo ko ngayon. Nababaliw na akong talaga.

Handa akong ibigay sa kaniya lahat.

"What are you doing?!" pigil niyang hinawakan ang kamay ko.

Isang butones nalang ang hindi ko natatanggal. Nakalabas na ang sando ko.

Inalis ko ang kamay niya at mabilis na hinubad ang uniform ko at sando.

"I will give everything to you! Just believe me!"

Nag-iwas siya ng tingin nang makita niyang bra nalang ang suot ko.

"I believe in you. I just don't know how to ease the pain inside me" tumulo nanaman ang luha niya.

Tatanggalin ko na sana ang bra ko pero mabilis niyang pinulupot sa akin ang kumot.

"You're crazy!" naiinis niyang sigaw sa akin at niyakap ako. "You don't need to do this! I believe in you!"

Gumaan ang loob ko sa ginawa niya. Ang paghanga ko sa kaniya ay sobra-sobra. Hindi niya kaya i-take advantage ang sitwasyon kahit na ako mismo ang nag-iinsist. He loves me so bad kahit na palagi o paulit-ulit ko siyang nasasaktan.

Umiyak kaming dal'wa ng nakayakap siya sa akin, ang kumot ay nakabalot sa akin.

"I love you, I'm sorry" bulong ko sa tainga niya.

"I love you more than you love me. I always trust you. No matter what you say I believe in you because you are my cherish"

Napapikit ako sa sarap ng sinabi niya sa pandinig ko.

"Can I sleep here?" sabi ko sakaniya na ikinagulat niya.

Hinawakan ko ang pisngi niya at pinalis ang luha niya. Hawak niya ang kumot na tumatakip sa katawan ko.

"Dito ako matutulog dahil sa tabi mo nakakapahinga ako. Pakiramdam ko ligtas ako" ngumiti ako sa kaniya at inilapit ang mukha ko. Hinalikan ko ang labi niya. Parang unang halik dahil gano'n nalang iyon kasarap. Siguro nga talagang masarap ang halik pagkatapos ng matinding away. Halos 'di nga kami nag-away dahil sa sobrang pagmamahal niya sa akin.

Napakabuti niya! Her mother should be proud of him.

Ginawa ko kung papano niya ako halikan. Tinulak ko siya sa kama dahilan para mapabitaw ang labi namin at ngumiti ako sa kaniya.

"Hoy! Rapist!" sabi niya at saka itinakip pa ang unan sa katawan kaya natawa ako.

Pinulot ko ang uniform ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kumot at pumunta sa closet niya. Naghanap ako ng damit doon.

"Parang sarili mong kwarto makakuha ka diyan ng damit. Kwarto mo, kwarto mo?" sabi niya at tumawa nang malakas.

Ang sarap pakinggan ng tawa niya. Ang pogi! Tawa niya lang inlove na inlove na ako.

Parang kanina lang ay nag-iiyakan kami pero ngayon ay okay na. Mabilis lang kaming mag-away at magpatawaran kaya naman heto at going strong pa rin ang relasyon.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa likuran ko.

"How's the kiss? Sinong masarap halikan ako o siya" alam kong pang-aasar 'yon.

Hinampas ko siya ng sobrang lakas.

"Kadiri! Kung hindi naman ikaw 'yon ay nakakakilabot at nandidiri ako. Halos masugat na ang labi ko kakapunas" dire-diretso kong sabi sa kaniya.

Ngumiti siya ng malapad.

"Akala ko hindi mo na ako mahal" ikinatawa ko ang sinabi niyang iyon.

"Si impaktong Flair lang ang mahal ko wala ng iba. Wala na yatang papantay sa maloko niyang ugali" kinurot ko ang magkabila niyang pisngi.

Parehas kaming natigilan ng malaglag ang kumot. Napatakip siya sa mata niya ng dal'wang kamay kaya natawa ako ng sobrang lakas.

Inasar ko siya itinapon ko ang kumot sa kama.

"Look at me, baby yohooo hahaha" sabi ko sa malandi at mapang-akit na boses, ang lakas ng loob kong paglaruan siya habang nakabra lang. Ang cute niya kasing tingnan. If I know gusto niya rin.

"You stop okay? Dahil humanda ka sa akin kapag hindi ako nagpigil" sabi niya habang nakatakip pa din ang kamay sa mata.

Tawa lang ako nang tawa.

"Bilisan mo na magbihis!" naiinip niyang sabi.

"Ang arte mo. Parang dibdib lang ayaw mo pang tingnan" pang-aasar ko ulit sa kaniya.

Natigilan ako nang tanggalin niya ang kamay sa mata at tinitigan ako ng nakangisi.

"Oo nga sabi ko nga magbibihis na"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.