Chapter 103

Warning: For matured readers only!

Elleina Zeal's POV

Nakahiga kami sa kama ni Flair. Nakatagilid ako at nakatingin lang sa naka-side view niyang mukha. Siya naman ay nakayakap ang kanang kamay sa baiwang ko naiipit ko iyon.

Ilang ulit ko ng tinanong sa sarili ko kung bakit ang gwapo niya?

Unang beses palang kaming nagkita ay saglit na tumigil ang ikot ng mundo kahit na ang nakita ko ay ang nakakunot niyang noo. Nauna ang pagkamangha ko sa kaniya bago ang inis ko dahil sa rosas.

"Baby" malambing kong tawag sa kaniya.

"Hmm" tiningnan niya ako saglit pero bumalik ang tingin niya sa kisame.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang pisngi niya. Iniharap ko sa akin ang mukha niya.

Mas lalo akong napangiti nang makita ko ang gwapo niyang mukha. Hinaplos ko ang noo niya papunta sa katangusan ng ilong at bumaba sa labi niya. Napakagat ako ng labi nang doon dumako ang paningin ko.

Those lips! I love it so much!

"What are you thinking? Haha" tumawa siya kaya lalo akong natulala sa kagwapuhan niya.

Bakit pakiramdam ko sa nangyari lalo ko siyang minahal?

Parang lalong nagliyab ang pagmamahal ko sa kaniya. Lalong pinatindi ang nararamdaman ko para sa impaktong ito.

"Ikaw 'yong impaktong gwapo" halos mawala ang mata ko sa pagkakangiti.

"Ikaw 'yong over melanin na maganda, attractive, matalino at...mahal ko" parang may humaplos sa dibdib ko sa sinabi niyang iyon. Lalong pinatindi ang pagmamahal ko para sa lalaking ito. Kinilig ako ng sobra.

Yumakap ako sa baiwang niya at siniksik ang sarili sa kaniya.

"Mahal na mahal kita" bulong ko sa kaniya habang nakatingala.

Nagdampi ang labi namin nang lumingon siya. Hindi namin inaasahan kaya sabay kaming napatitig sa isa't isa.

"Mahal na mahal din kita" nag-iwas siya ng tingin. "Kung sa bahay niyo nalang kaya ikaw matulog?" lumulunok niya iyong sinabi.

"Eh, ayaw ko!" nagmatigas ako at lalong yumakap sa kaniya. "Dito nga ang gusto ko! Ayaw mo na ba sa akin!?" asik ko sa kaniya at kinurot pa ang balikat niya.

"Aray ko! Ikaw mapanakit ka talaga. Pinapauwi ka lang, eh"

Sumama ang tingin ko sa kaniya. Bumangon ako at akmang bababa ng kama.

"Joke lang hahaha" hinapit niya ako sa baiwang bumagsak ako ng nakapatong sa kaniya.

Awkward...

Awkward...

Isa pa ulit, Awkward...

Imagine the position. Ugh! Nakita kong napalunok siya pero hinawi niya ang bumabagsak na buhok ko sa mukha niya.

"Shut! You're so beautiful" emosyunal niyang sabi. "Damn, your sexiness" naramdaman ko ang paghaplos niya sa curves ko.

Gosh! Parang ibang level na yata ito? So what? Siya naman papakasalan ko.

Eh?

What I am thinking?

"You're torturing me, you know that?" sabi niya sa namumungay na mata.

Masasabi kong we're in a right age pero tama ba kung gagawin namin 'yong sinasabi ni Nel Jan na needs ng mga lalaki?

Fuck Nel Jan! He poisoned my mind! I'm affected to what he said because it's true!

"Alis ka na dyan" naiilang niyang sabi at saka nag-iwas ng tingin.

'Di ako gumalaw nasa gano'ng position pa din kami. Pinakatitigan ko ang mukha niya.

I feel something on my tummy from his pajama. Gosh! What's that?

"Dyan ka nalang ba forever?" pero imbes na umalis ako ay tinitigan ko lang siya.

Nagugulat pa rin ako sa paraan niya ng pananalita dahil ang pogi no'n. Ang mga tingin niya sa akin ay parang kumikinang. Malayo sa kung papano niya tingnan ang ibang tao.

"Baby! Umayos ka na" pilit niya akong inaalis sa ibabaw niya pero ayaw ko.

Duh! Elle! You're enjoying the position huh? Ugh!

Akmang aalis na ako pero hinawakan niya ako sa batok at hinalikan.

"Fuck!" sabi niya at sa isang iglap ay siya na ang pumaibabaw.

"Why are you doing this to me?" humalik siya sa noo ko. "You're seducing me!"

"What no!" agad kong sagot.

Hindi naman talaga! Wala nga akong ginagawa.

"No? Anong tawag mo sa pagtatanggal ng uniform mo kanina?" halata ang pagmamaktol sa tinig niya.

"I'm just..." napahinto ako dahil wala akong masabi.

Bakit ko nga ba ginawa 'yon? Para maniwala siya diba?

"See? What do you think it is easy to avoid myself from touching you?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Gano'n kaprangka niyang sinabi 'yon.

"Nahihirapan akong magpigil. Cherish naman!" naiinis niyang sabi.

Akmang aalis na siya sa ibabaw ko pero pinigilan ko siya.

"Edi 'wag mong pigilan" natutop ko ang bibig ko sa sinabi ko.

What the hell? Anong sinabi ko?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.