Chapter 105

Elleina Zeal's POV

Marikit

Juan Caoile feat. Kyleswish

Ikaw ang binibini na ninanais ko

Binibining marikit na dalangin ko

Nagising ako sa tugtog na iyon. Nang imulat ko ang mata ko nakita ko si Flair na sumasayaw. Napangiti ako sa kaniya kaso nanlaki ang mata ko nang makita wala siyang shirt! Bakit naman kasi wala siyang pang-itaas?

Imbes na bumangon ay pinanood ko lang siyang sumayaw. Ibang klase talaga kapag siya ang sumasayaw plus the face, and ahm his hot body! Pinapawisan na siya nakita kong tumulo ang pawis galing sa gilid ng noo niya pababa sa pisngi, leeg at sa abs niya. Nakagat ko ang labi ko. Ugh! Bakit meron siya no'n? Siguro kasi dancer siya nakakatulong 'yon para magkaroon din ng perfect body. Ugh!

Rinig kong sinasabayan niya ng kanta ang sayaw pero napatigil siya nang makitang gising na ako. Pinihit niya ang volume at pinatay na iyon.

Lumapit siya sa akin habang nagkakamot ng ulo.

"Good morning, baby cherish. Sorry nagising ba kita?"

"Good morning din" lumapad ang ngiti ko "Nagising ako pero magandang ikaw ang nakita ko. Perfect view!"

Natigilan ako sa sinabi ko.

Perfect view???

Nakita ko ang ngisi sa labi niya. Lumapit siya at kinuha ang kamay ko at saka ipinagapang sa dibdib papuntang abs niya. Nang akmang ibababa niya 'yon ay inagaw ko na.

Nag-iwas ako ng tingin. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Ang init naman ang aga-aga!

Rinig ko ang pagtawa niya ng malakas. Pinagtri-trip-an nanaman niya ako. Kakainis talaga siya!

"May lihim na pagnanasa ka sa akin huh?" tumawa siya muli nang malakas.

Ugh! Nakakainis talaga siya mang-asar!

"Tse!"

Nagmadali akong pumunta ng banyo para iwasan siya pero humarang siya sa pinto ng banyo.

Nakita ko ang pagkagat niya ng labi.

Gosh! Ano bang ginagawa niya? Parang siya naman ngayon 'yong gumaganti at nangse-seduce.

"What are you doing?" kabado kong tanong nang akmang hinawakan niya ang short niya.

Nanlaki ang mga mata ko at nag-iwas ng tingin.

"Flair!!!!!!! Buset ka talaga!!!!!" sigaw ko sa kaniya. Ang tawa niya ay 'di na nawala.

Good time nanaman!

Ang init na ng mukha ko sa ginagawa niya. Ang lakas ng trip niya!

"Tabi!" hinawi ko siya pero gano'n pa rin kalakas ang tawa niya.

"Impakto!!!!" sigaw ko nang makapasok na ako sa banyo.

Nahawakan ko ang dibdib ko sa sobrang kaba. Buset talaga siya!

Nakita ko ang sarili ko sa salamin. Biglang namula ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kagabi at ang nangyari kanina lang.

I never attract to someone with abs and sexy body kay Flair lang. Bakit gano'n?

Araw-araw kong nakikita ang mga abs ng nagwa-gwapuhan kong mga kapatid pero hindi naman ako na-attract do'n kahit minsan. Sa bagay si Kuya Zeke lang naman 'yong talagang maganda ang abs 'yong dal'wa ay medyo patpatin.

Normal ba ang nararamdaman ko?

Nakagat ko ang labi ko nang maalala ang pakiramdam nang ihaplos ni Flair ang kamay ko sa katawan niya. Kakainis!

Matapos ko sa banyo ay lumabas na ako. Wala si Flair kaya bumaba ako. Nakita ko siyang nagluluto. Seriously?

"Baby?" tawag ko sa kaniya.

Wala pa rin siyang shirt pero naka-apron siya. He's so damn hot!

"Bakit hindi ka magdamit?" naiilang kong tanong sa kaniya.

Tumawa nanaman siya nang malakas.

What's up with the laugh?

"Di ba nangangalay ang panga mo kakatawa?" Lalong lumakas ang tawa niya.

"Ano ba Flair!?" naiinis na ako sa kaniya.

"Ayan!" tinusok-tusok niya ang pisngi ko. "Ang dahilan kung bakit ayaw ko mag-shirt natutuwa akong makitang kinikilig ka" malapad ang pagkakangiti niya.

"As if?" mataray kong sabi.

Kailan pa ako naging sinungaling?

"Kunyari ka pa!" niyakap niya ako.

"Kain ka na!" Inilapag niya ang mga niluto niya. Fried rice, ham, hotdog, egg, bacon etc.

Kinuha niya ang shirt niya na nasa upuan pala. Papansin lang talaga siya.

"Where is manang Cora?" nagpalinga-linga ako.

"She's out. Binigyan ko ng pera sabi ko umalis sila ni Buknoy para masolo kita"

Pinigilan ko ang ngiti sa labi ko. Gosh!

Masolo daw, Elle!

Kung kiligin ako parang bago lang kami samantalang mag-2 years na kami.

"Tapos ka na ba?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Tapos sa?"

"Tapos ng kiligin?" tumawa siya ng poging-pogi kaya lalong gumapang ang kilig sa buong sistema ko.

"Bakit ang po--I mean Bakit ang perfect mo?" sasabihin ko sanang pogi siya pero maiinis nanaman siya dahil si Kean daw 'yon.

Abnormal!

"Kasi.." lumapad ang ngiti niya. "Nandiyan ka, naging kumpleto lang naman ang buhay ko no'ng dumating ka"

Halos 'di ako magkanda-ugaga sa upuan ko nang sabihin niya iyon. Gusto kong maiyak dahil kitang-kita ko ang sinseridad doon. Ang kilig ko ay sobra-sobra.

Pwede bang pa-sigaw?

Waaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!

Secret lang natin 'yon dahil kapag nalaman ni Flair lalaki nanaman ang ulo niya at aasarin ako.

"Kumain na tayo dahil baka iakyat nanaman kita sa kwarto" makahulugan niyang sabi saka kumindat kaya pinalo ko ang braso niya.

Kumain lang kami pero naiilang ako dahil tinititigan niya ang bawat subo ko saka ngingiti.

"Why?" 'di ko na napigilan ang magtanong.

"I can't stop staring at you" sabi niya sa akin bumaba ang tingin niya sa labi ko pero nag-iwas na siya at kumain nalang ulit.

Pagkatapos namin kumain ay umupo kami sa sofa. Pinatugtog niya ng sobrang lakas ang Binibini na sinasayaw niya kanina.

Tumayo siya at sumayaw dahil hindi ko alam ang steps ay pinanood ko muna siya nang makuha ko na ay ngumiti siya nang makitang tumayo na din ako at sabayan siyang sumayaw.

Sinasabayan ko ang steps kung anuman ang gawin niya. Tumatawa kaming sumasayaw. It's overwhelming to know that there is a person who knows how to join in your habits.

Kumanta siya habang sumasayaw kaya kumanta din ako. Magkasundo kami pagdating sa sayaw at kanta. Halos rap na iyon kaya naman natatawa naming sinabayan ang kanta.

How to be with this man? He's not perfect as I expect. He had flaws and imperfections. He can't control his anger, but I can stabilize it. All the time, he's alone in this house but never comes in his mind to rebel against his father. He's not even a prince charming or the man of my dream, but for me everything to him is perfect!

Sulit na sulit ang oras kapag siya ang kasama. May mga maliliit na pinag-aawayan pero pagkatapos ng araw ang takbuhan pa rin ay ang yakap ng isa't isa.

Natapos ang kanta at sabay kaming bumagsak sa sofa. Hinihingal at naghahabol ng hininga.

"That was great!" sabi ko at yumakap sa kaniya.

Pinakatitigan ko ang mukha niya.

"Mahal na mahal kita" halos maiyak ako sa sobrang sinsero ng sinabi ko.

"Mahal na mahal din kita kung alam mo lang kung papano mo nilagyan ng kulay ang buhay ko" ramdam ko rin ang pagiging sinsero ng sinabi niya.

Hinaplos ni Flair ang pisngi ko pumikit ako upang mas damhin ang haplos niya.

"Napapagod ka na bang marinig na maganda ka?"

Umiling ako. "Hindi, kung ikaw ang nagsasabi no'n"

Tumawa siya ng malakas. "Lakas ng confident!" pang-aasar niya kaya hinampas ko ang braso niya.

"Alaskador ka, eh, 'no? Sana 'wag magmana saiyo ang anak natin"

Nakita ko ang ngisi sa labi niya.

Ano nanamang kalokohan ang naiisip ng impaktong ito!?

"So, you're planning to make a baby with me huh?" ang ngisi ay nang-iinis sa akin.

Ang gano'n? Asaran ba ito?

"Who said? I better think of me and Kean" pang-aasar ko pabalik.

Ang ngisi niya ay napalitan ng masamang tingin. Uh oh!

"Kean? Really?" ngumisi siya ulit. "Tingnan natin kung kay Kean ang anak mo"

"Ahhhhhhh" sigaw ko dahil binuhat niya ako. Pinagpapalo ko siya sa likod nang makitang inaakyat niya ako ng hagdan.

Anong gagawin niya? Aishhhhhh!!

Waaaaaahhh heeeeelllppp!!!

"Put me down! Flair!"

Seryoso ang mukha niya kaya natakot ako. Ano ba 'yan, Elle! Maling biro!

Gosh!!!

"Ahhhh" sigaw ko nanaman ng ihiga niya ako sa kama.

"Kay Kean?" nakangisi niyang sabi at saka hinubad ang shirt niya. Pinapakita niya nanaman ang katawan niya. Tsk!

Waaaaaahhhh!!!

"Kay Kean huh?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sobrang seryoso niya.

Natatakot ako sa kaniya sobrang kinakabahan ako.

Heeeeeeeeellllppppp!!!

"Anong gusto mong pangalan ng panganay natin?" dumagan siya sa ibabaw ko.

Pumalag ako nang pumalag.

Waaaaaaahh!!

"Ano ba! Rapist!" pinagpapalo ko siya.

"Aaaaaaahhh!!" sigaw ko nanaman nang maramdaman ang labi niya sa leeg ko.

Huminto siya at tumawa nang malakas. Tumayo siya sa harap ng kama at doon pinagmasdan ang hitsura ko. Sarap tanggalan ng tonsil kitang-kita ko dahil halos pasukan na ng langaw ang bibig niya sa pagtawa niya.

"Rapist na rapist ang datingan natin ah?" nangiinis kong sabi sa kaniya.

"Rapist daw kaya pala kagab--aray!" binato ko siya ng unan. Kakainis ang pang-aasar niya. Ugh! Kapag inaasar ko siya mas matindi 'yong balik.

"Ang sakit ng bato mo ng unan matapos mong sirain ang eardrums ko sa tili mo parang baboy na buhay na hinihiwa" sabi niya habang nakatingin sa akin. "Parang pagsisisihan ko kung ikaw magiging asawa ko araw-araw siguro mabibingi ako sa sigaw mo"

Tumayo ako at hinampas siya.

"Edi maghanap ka ng ibang asawa mo!"

"Kala ko ba si Kean?" pang-aasar nanaman niya.

I shouldn't joke like that again next time. Tinatakot niya ako.

"Tse!"

"Tse-tseriya" humagalpak siya ng tawa.

Hinampas ko nanaman siya. Kakainis ito.

"Sakit ng hampas mo"

"Sakit ng hampas mo" I mocked at him.

"Ginagaya mo ba ako?"

"Obviously" mataray kong sabi.

"Perfect two" sabi niya na ikinakunot ko.

"Perfect two?"

"We're the perfect two" nakangiti niya iyong kinanta sa lalaking version.

Ang pogi ng boses niya!

I'm inlove with this impakto the more the days passed the more the love grows.

"We're the perfect two…baby me and you..."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.