Elleina Zeal's POV
Naglalakad lang ako sa hallway nang makita ko si Cecelia kasama ang dal'wang babaeng siguro ay mga kaibigan niya. Kakawayan ko sana siya pero nakita kong umiiyak siya. Kumunot ang noo ko pero naglakad ako papalapit sa kaniya.
Ano kayang nangyari?
Habang papalapit ako ay nakita ko rin ang umiiyak na isa pang babae.
"Cecelia?" nag-angat sila ng tingin sa akin.
Ang isang babae ay lumapad ang pagkakangiti at tila natulala pa sa akin.
"Elle?!" lumapit ang babae at nagtatalon. "Ikaw nga!" yumakap siya sa akin ng mahigpit. Nalilito man ako ay 'di ko pinahalata. Nakita kong nagpunas ng luha ang babaeng kasama ni Cecelia at tumigil din si Cecelia sa pag-iyak.
"Idol na idol kita! Alam mo ba 'yon? Sobrang tili ko sainyong dal'wa ni Cecelia. Ang galing mong sumayaw tapos ang galing mo rumampa.." ang daming sinasabi ng babaeng ito pero ang mata ko ay na kay Cecelia. Bakit siya umiiyak?
"Vinea, ang daldal mo maiingayan saiyo si Elle" saway ni Cecelia at saka lumapit. "Pasensiya ka na Elle madaldal talaga 'yang si Vinea"
"Basta idol na idol kita!" namamanghang nakatingin sa akin si Vinea. Napakamot ako sa ulo ko.
"Salamat" at saka ngumiti sa kaniya.
Bakit ba ang hyper ng babaeng ito? Habang ang mga kasama niya ay nag-iiyakan.
"Anong nangyari bakit ka umiiyak?" hinawakan ko ang kamay ni Cecelia.
"Isang linggo na kasi ang nakakalipas no'ng ilibing ang kapatid ko. Si Denveir Camerino" tumulo ang luha niya kaya niyakap ko siya.
"Bakit 'di mo sinabi sa akin? 'Di tuloy kita nadamayan"
"Wala 'yon" tumawa siya ng mapait. "Namimiss ko lang siya" tumingin siya sa isa pang babaeng kasama nila. "Nga pala, si Ailey Espinar, girlfriend ng kuya kong namatay"
Ngumiti ito sa akin kaya ngumiti din ako.
"Hi, I'm Ell--" naputol ang sasabihin ko ng sumingit si Vinea.
"Elleina Zeal Suarez, Laurente movers 'yan, magaling sumayaw, kumanta at 1st runner up no'ng pageant" dire-diretsong sabi ni Vinea.
Napangiwi nalang ako. Gano'n niya ako kakilala? May tao palang humahanga sa akin.
Lumapit si Vinea at saka ngumiti nang malapad.
"Picture tayo!" wala na akong nagawa nang hilahin niya na ako at kumuha ng picture naming dal'wa. "Ang ganda mo talaga! Idol!!!!"
"Pasensya ka na sa kaniya, Elle. Dati niya pa ako kinukulit na makita ka idol na idol ka ng babaeng 'yan" sabi ni Cecelia. Ang lungkot niya ay naroroon pa din pero hindi na gaano.
Tiningnan ko si Ailey at lumapit sa kaniya.
"Okay ka lang ba?" napasulyap ako sa papel na hawak niya.
"Okay lang" tiningnan niya ako kung saan nakatingin nang makita niyang nakatingin ako sa hawak niya ay itinaas niya iyon. "Letter niya sa akin. Nakakatawang isipin na limang araw ko lang siyang nakasama pero sobrang minahal ko siya"
Limang araw? Posible ba 'yon? Sa case niya ay posible nga!
(Mitz note: Want to know the story of Ailey and Denveir? Read the '5 DAYS' short story)
"Palagi kong sinasabi na girlfriend niya na ako kahit naiwan sa isip ko ang maraming tanong pero sinagot ng letter na ito" ngumiti siya sa akin.
"Gusto mo kumain?" singit ni Vinea sa gitna. "Sama ka na kakain kami tapos kung gusto mo bili ka na din ng mga tinda kong undies at saka--" natigilan siya nang makitang may umakbay sa akin. Alam kong si Taxon ito dahil sa pabango niya.
Napatitig si Vinea sa nakaakbay na kamay ni Taxon sa akin. Ewan ko ba kung bakit laging nandito itong lalaking ito tapos na siya ng pag-aaral niya. Lagi ngang pormal ang suot siguro ay may inaasikaso pa siyang mga credentials.
"Boyfriend mo ba si Kenny?" nagtatakang tanong ni Vinea. "Akala ko si Jave ang boyfriend mo?" Ang prangka niya magtanong. Grabe!
Kenny? Hahhahahhahahhahhahahhaha
Saan nanggaling 'yon? Ang buo niyang pangalan ay Taxon Ken Baider. Gumawa siya ng sariling nickname.
Sinulyapan ko si Taxon kunot na kunot ang noo niya at masungit na nakatingin kay Vinea.
"I'm not Kenny!" naiinis na sabi ni Taxon.
Pinigilan ko ang tawa ko dahilan para lalong ikainis ni Taxon. Kenny? Hahahahhahahhaha
"Pinsan ko siya" sabi ko habang pinipigilan ang tawa.
"Pinsan? Itong nakakatakot na ito?" turo niya kay Taxon.
"Nice description" masungit na sabi ni Taxon.
Saan kaya sila nagkakilala? Hmm?
"Cherish!" napalingon kami sa tumawag. Tumakbo si Flair at nakangiting tumingin sa akin.
Nagulat ako nang harangin siya ni Vinea.
"Hi!" naglahad ito ng kamay sa kaniya. Tinitigan lang ni Flair ang kamay niya at saka tumingin sa akin para bang humihingi ng permiso kung tatanggapin niya kaya tumango lang ako.
"I'm Vinea Clee Torrefiel" akmang magsasalita si Flair pero nagsalita ulit si Vinea. "Kilala na kita! Javen Flair Imperial. Nice to meet you in person!" masigla niyang sabi.
Bakit ang dami niyang alam sa amin? Nakakaloka ang babaeng ito. Napangisi ako nang makita ang masamang tingin ni Taxon sa kamay ni Flair at Vinea. Luma-lovelife? Now I know who's the lucky girl! Ang bilis niya mahulaan.