"I get so weak when you look at me..I get lost inside your eyes" 'di ko na napigilang sabayan ang kanta, mahina lang iyon kaya nilapit ko ang bibig ko sa tainga ni Flair. Ito ang unang beses na kinantahan ko siya.
"Sometimes the magic is hard to believe..But you're here before my very eyes.. You brought joy to my world..Set me so free.. I want you to understand" tiningnan ko ang mga mata niya at nangilid ang mga luha ko. "You're every breath that I breathe.."
Hinapit ako ni Flair at inilapit ang noo niya. "Your voice makes me think of you and me in our wedding day" sobrang lambing ng pagkakasabi niya no'n. "Mainggit silang lahat dahil akin ka"
"Bakit sila mainggit gano'n ba ako kaganda?" natatawa ko iyong sinabi na halos magkandaduling na sa kakatitig sa mukha niya.
"Magaling ka mang-gayuma hahaha"
"You were the first to touch my heart" mahina subalit punong-puno ng pagmamahal ang pagkakanta ko no'n. "And everything's right again
With your extraordinary love" inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya. Ang sarap sa pakiramdam.
Lalo akong nasiksik sa kaniya nang may tumulak sa likuran ko.
"Wag kayo mag-spg diyan sa gitna nakakahiya kayo hahaha" sabi ni Carme habang sumasayaw sila ni Lance.
"Anong spg? Wala naman kaming ginagawa" umirap ako sa kaniya.
Tumawa silang dal'wa ni Lance. Himalang nasa good mood ngayon si Lance at tumatawa.
"From the very first time that we kissed" muling pagsabay ko sa kanta.
Nakatingin lang siya sa mukha ko at dinarama ang bawat sinserong salitang lumalabas sa bibig ko. Pumasok sa ala-ala ko ang unang beses niya akong hinalikan sa beach na hindi ko alam kung iyon ba ang una dahil may sinasabi siyang hinalikan ko daw siya no'ng lasing ako na hindi ko matandaan. Puno-puno ng pagtataka ang utak ko noon pero hindi maikakailang gusto ko 'yon.
The kiss behind my feeling's confusion to him.
"I knew that I just couldn't let you go at all.. From this day on, remember this..That you're the only one that I adore" Hindi ako kahit kailan bibitaw. Kahit anong mangyari kahit mag-away pa tayo ng matindi. Hindi! Dahil ikaw, ikaw na ang buhay ko.
"Can't we make this last forever? This can't be a dream.. 'Cause it feels so good to me" kung panaginip ito hindi na ako gigising pa dahil nandito ka na. Kumpleto na ano pang hihilingin ko?
Pagkatapos ng madamdaming sayaw na iyon ay magkahawak kamay kaming bumalik sa lamesa namin. Nandito sila Rev, Ali, Arah at Kean.
"Kean maghanap ka ng kasayaw! Uupo ka lang diyan" sabi ni Rev kay Kean at binatukan pa ito.
"Aray! Ikaw Rev nakakainis ka na. Ayaw ko nga makipagsayaw, eh" masama ang tinging sabi ni Kean.
"Alone ka dyan. Tingnan mo si Clench" tinuro niya si Clench. Halos maubusan ako ng hininga kakatawa dahil palipat-lipat siya ng kasayaw. Anong trip ng isang 'yon?
"Gaya mo pa ako do'n kung sinu-sino hinihila may makasayaw lang" tumingin si Kean sa akin at ngumiti.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" masama ang tinging sabi ni Flair.
"Seloso mo parang ngiti lang" pang-aasar ni Kean kay Flair.
"Ngiti mo parang iba, eh"
Pinigilan ko ang tawa sa sinabi ni Flair. Anong naiba do'n? Parang gago ang isang ito.
"Tara na nga Arah sayaw tayo baka mamatay na ako sa tingin ng isa diyan" sabi ni Kean habang tumatayo at sinadyang paringgan si Flair.
"Edi guilty ka!" asik ni Flair na tinawanan lang ni Kean.
Tumayo sila ni Arah at nagsayaw na.
"Wag ka ngang seloso" nakakunot-noo kong sabi kay Flair.
Umakbay siya sa akin at sinubuan ako ng cake na kinuha niya kanina.
"Hindi ako nagseselos ayaw ko lang na nakikita mo ang ngiti ni Kean" sabi niya at pinunasan pa ng tissue ang gilid ng labi ko. Nilunok ko muna ang kinakain bago magsalita.
"Bakit naman?"
"Baka mainlove ka ulit sa kaniya" nakasimangot niyang sabi.
"Parang ewan ka rin paminsan-minsan 'no? Lakas ng topak mo"
"Topak mo 'to" nakangisi niyang sabi ang pang-aasar ay nando'n nanaman.
"Akin na topakin natin" nakangisi kong sabi na ikinalaki ng mata niya.
Dati pikon na pikon ako sa kaniya pero ngayon nakakasabay na ako sa mga pang-aasar niya at mas ikinakatuwa ko pa 'yon.
"Baka 'di mo kayanin ang sinasabi mong topak" nakangisi niyang sabi at inilagay ang kamay sa baiwang ko at pinisil iyon. Bastos!
"Tse!"
"Tse-tseriya" tumawa siya ng malakas.
Ang corny! Anong nakakatawa doon?
"Hoy Jave lakas ng tawa mo diyan happy ka, happy ka?" dumali nanaman ang malokong si Rev.
"Paki mo gumaya ka"
Nag-asaran pa silang dal'wa ni Rev. Ewan ko sainyo!
Pinanood ko nalang si Clench na halatang ikinakatuwa ang pakikipagkilala sa kung sinu-sinong babae. Bakit kaya? Baka naman nag-away sila no'ng nurse niya?
Dumako ang mata ko kay Carme at Lance na nagsasayaw pa din at nagtatawanan sa gitna. Ang saya nilang tingnan kaya napangiti din ako doon.
Nang makabalik si Kean at Arah ay tumabi sa akin si Kean.
"I want to dance with you kaso baka magkagulo" bulong ni Kean sa akin habang tinitingnan si Flair na ngayon ay naiinis na ang mukha sa asaran nila ni Rev.
Tumayo ako at inilahad ang kamay kay Kean.
"Can we dance?" nagugulat niya akong tiningnan at saka tumingin kay Flair.
"Aren't you mad, baby, right?" sulyap ko kay Flair wala siyang nagawa kung hindi tumango kahit alam kong labag sa loob niya.
Ano ba naman 'yong sayaw diba? Ga-graduate na kami at dapat wala ng sama ng loob sa pagitan namin ni Kean. Nagkausap naman na kami.
Kinuha ni Kean ang kamay ko at pumunta kami sa gitna ng mga nagsasayawang tao.
KALAWAKAN
By:Music Hero
Sabay kaming nagkamot ng ulo ni Kean nang dahil sa kantang tumutugtog. Nang-aasar ba ang kantang iyon?
O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Nagkibit balikat nalang kaming dal'wa at sumayaw.
"Elle, pwede ka bang maging ninang?" panimula niya. Nakahawak siya sa baiwang ko at ako naman ay sa balikat niya.
"Huh?" naguguluhan kong tanong.
Nagkamot si Kean ng ulo at umiwas ng tingin. "Eh kasi.." nahihiya siyang ituloy ang sasabihin.
"Ano? May problema ba?" naguguluhan kong tanong dahil nakikita ko ang pagkataranta niya.
"Bun..tis si Yannie" nauutal niyang sabi.
Natutop ko ang bibig ko habang nanlalaki ang mga mata. Nang maka-recover ako ay nagtatalon ako sa tuwa.
"Waaah!! You're a dad now!" masigla kong sabi.
Ngumiti siya ng sobrang lapad at saka tumitig sa akin.
"Naging bunga ng pagsubok kong mahalin siya at ngayon minahal ko na nga hahaha" tatawa-tawa niyang sabi. Ang saya ay kitang-kita sa mga mata niya.
"I'm so happy for you!" wala sa sariling niyakap ko siya.
"Thank you, beautiful" sinsero niyang sabi.
"Aww! Kean sobrang saya ko" halos maluha ko ng sabi. Ikaw ang nanay te?
Ewan ko basta sobrang saya ko para sa kaniya.
"Gawa na rin kayo ni Flair para mas masaya ka" nakangisi niyang sabi.
Nilingon ko si Flair na nakikipagtawanan pa din sa mga kaibigan namin.
"Hindi pa kami kasal at sa tingin ko matagal pa 'yon" nalungkot ako sa isiping iyon.
"Pwede naman gumawa ng baby kahit 'di pa kasal tingnan mo kami hahaha"
Nahampas ko siya sa braso niya. Hindi na nga talaga mawawala ang panghahampas ko.
"Namiss ko ang panghahampas mo" sinsero niyang sabi.
"Namiss ko ang hampasin ka" nakangisi kong sabi sa kaniya. "Nga pala. Alam na ba nila?" umiling si Kean.
"Aasarin nanaman nila ako lalo na ni Rev"
"Halika sabihin na natin" hinila ko na si Kean papunta sa kanila.
Natigilan sila nang makita ang malapad kong ngiti.
"Baby, bakit parang ang saya mo nakasayaw mo lang si Kean?" masama ang tinging sabi ni Flair.
Hindi ko pinansin si Flair at itinulak ko nalang si Kean.
"Sabihin mo na!"
Nagkamot ito ng ulo at hindi alam kung saan magsisimula.
"Ano 'yon, Kean? Bilisan mo ang tagal mo pa-suspense ka pa" dire-diretsong sabi ni Rev.
"Ikaw na magsabi" tumingin sa akin si Kean.
"Daddy's here" turo ko kay Kean at masayang nagtatalon.
"What?!" sabay sabay nilang sabi.
Nakuyom pa ni Flair ang palad niya na ikinakunot ng noo ko. Masamang-masama ang tingin niya at parang anytime ay sasabog na. Lahat sila ay nakanganga at parang hindi alam paano mag-react.
Bakit parang 'di sila masayang magiging daddy na si Kean?
"Buntis ka?! Ano ito? Magpaliwanag nga kayo!" nakakuyom ang palad at masamang nakatingin kay Kean at sa akin si Flair.
Anong sinasabi nito? Sinong buntis? Ako ba ang sinasabi niya?
"Bebs bakit naman kay Kean ka nagpabuntis? Si Jave ang boyfriend mo!" naiinis na sabi ni Carme.
Awtomatiko akong tumanggi. "Hindi ako! Ang eepal niyo! Si Yannie!" inis kong sabi na halos mapasigaw na.
Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Flair parang nakahinga siya ng maluwag at malapad na ngumiti. Don't tell me ako ang iniisip niyang nabuntis ni Kean? Hahaha LT! Paranoid boyfriend!
"Ahhhh" mahabang 'ah' na sabi nila.
"Padaddy's daddy's here ka pa kasi 'di mo na diniretso!"masungit na sabi ni Lance.
Sabay kaming natawa ni Kean ng sobrang lakas at napahawak pa sa tiyan sa mga hitsura nilang hindi maipinta no'ng i-anunsyo ko iyon. Nga naman mami-misinterpret mo iyon pero hindi ko inakalang gano'n sila mag-isip.
"Hindi mo kasi nililinaw muntik ng masuntok ni Jave si Kean hahaha nakita mo ba mukha niya?" pang-aasar nanaman ni Rev na itinuro pa ang mukha ni Flair.
"Shut up, Rev!" Inis na sabi ni Flair at tingnan ng masama si Rev.
"Congrats!" sigawan nilang lahat at pinagkaguluhan si Kean.
Si Rev ay pinaghahampas si Kean.
"Di mo ginamit 'yong proteksyon na binigay ko saiyo, Kean Patrick Valencia" sabi ni Rev at ginulo pa ang buhok ni Kean.
"Hindi ako kasing expert mo, Revnel Han Sin" tatawa-tawang sabi ni Rev.
Bigla ay nabaling ang atensyon nila kay Clench. Inasar nila ito.
"Nakailang babae ka na, Clench Gabriel Belmonte?" tanong ni Rev.
"Madami na" tumingin si Clench kay Arah. "Tara, Arah Melita Abriol sayaw tayo" yaya niya dito.
"Ayiiieee" tilian namin dahil sa pagyaya ni Clench. Parehas silang sumimangot pero tumayo pa din para sumayaw.
Anong meron at ang trip naman nila ay banggitin ang buong pangalan ng isa't isa? Mga abnormal talaga!
Nagtatawanan lang sila. Lumapit ako kay Flair at tinusok-tusok ang pisngi niya gamit ng hintuturo ko pero ngumiti lang siya.
"Gawa na rin tayo ng baby"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya pero hinampas ko siya.
"Good time nanaman!"
"It's not a good time, cherish"
Umirap ako. Siya naman ay umakbay sa akin.
"I want you to be my wife"