Elleina Zeal's POV
Pinasadahan ko ng tingin ang susuotin kong gown. Silver ang kulay no'n napaka-sexy, loose ang harapan dahilan para lumuwa ang dibdib ko. Manipis ang strap sa shoulder at labas ang likod. Hapit na hapit ito sa akin at talagang makikita ang curves ko katerno 'yon ng silver na 6 inch heels. Okay lang kaya kay Flair na magsuot ako ng ganito?
Nagsimula na akong mag-make up. Ako lang ang magme-make up sa sarili ko dahil mas alam ko kung ano ang bagay natuto naman na ako nito dahil sa kakanood ko sa youtube.
Naglagay ako ng moisturizer, concealer at foundation. Nilagyan ko ng maskara ang kilay ko upang magmukhang makapal, naglagay din ako ng nose line at blush on. Natuwa ako nang maamoy ang strawberry sa lipstick na red. Nakakulot na rin ang buhok ko.
Pagkatapos no'n ay isinuot ko na ang gown. Kinakabahan ako sa gabing ito magustuhan kaya nila ang suot ko? Ugh!
Lumabas na rin ako pagkatapos nakita ko ang tatlong kuya ko. Nandito rin si Diamond, Kil at Taxon. Nawiwili na nga sila dito dahil palagi daw silang mag-isa sa mansyon puro busy ang mga tao.
"Wow!" sabay-sabay nilang sabi.
Lumapit si Diamond at nilagyan ng napakagandang silver na clip ang gilid ng kaliwa kong buhok.
"You're so beautiful cos!" namamangha niyang sabi.
"Ganda ng Prinsesa namin" nakangiting sabi ni Kuya Zaimon.
"Siyempre maganda nag-iisang babaeng Suarez" ngumisi si Kuya Zeke.
"Mang-aasar ka nanaman z2" saway agad ni Kuya Zen.
"Tara na ihahatid na kita" sabi ni Taxon kaya lumabas na rin kami.
"Ingat ka, Shine" sabi ni Taxon nang marating namin ang Laurente at sumakay na rin sa kotse. Nagpaalam nalang ako.
Kinakabahan akong tinahak ang hallway. Ewan ko ba baka kasi hindi nila magustuhan ang suot ko?
"Elle" nakita ko ang papalapit na si Nel. Naka-tuxedo rin siya dahil ga-graduate na rin.
Binigyan namin ng pangal'wang pagkakataon si Nel dahil ayaw namin masira ang buhay niya. Nangako siyang hindi na niya kami guguluhin pa pero hindi ko pa rin siya mapapatawad.
"Elle, I'm sorry" sinsero niyang sabi. "I'm so sorry for what I did. Patawarin mo sana ako" lumuhod siya sa harap ko pero ngumiti lang ako sa kaniya na ikinagulat niya. Ulit-ulit siyang humingi ng tawad sa akin.
"Tumayo ka na diyan. I'm sorry too I can't forgive you just go far away from us. Congrats nalang graduate ka na rin" sabi ko sa kaniya. Tinapik ko ang balikat niya at handa ng lampasan siya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya at ang pagsisisi.
Hindi ko pa siya kayang patawarin ngayon kahit pa gaano siya kasinsero ang ginawa niya sa mga taong mahal ko ay walang kapatawaran.
"Sana dumating ang araw na handa ka ng patawarin ako. Pangakong babawi ako sa lahat ng mga kasalanan ko"
Tuluyan ko na siyang tinalikuran.
Nang marating ko ang venue ay agad tumama ang tingin ko kay Flair. He is handling a bouquet of rose. He is so handsome with his tuxedo.
My Flair..
Nakita ko ang pagkamangha sa mukha niya at ang kumikinang na mga mata.
"Don't ask if it is for you" natawa ako sa sinabi niya. Inabot niya ang rose sa akin. Laki nang ngiti ko dahil ito ang pinakapaborito kong bulaklak. Inamoy ko pa iyon.
"You are the most beautiful girl in this grand ball"
Lumapit ako kay Flair at kumapit sa braso niya.
"Ang pogi mo" kinikilig na bulong ko.
"I'm not" napanguso siya.
"Ang perpekto mo" ngumiti ako sa kaniya.
"Maliit na bagay" maloko niyang sabi.
Sinalubong kami ni Kean, Carme, Lance, Clench, Ali, Rev at Arah.
"Ang ganda mo, bebs!" sabi ni Carme habang pinapasadahan ang hitsura ko.
Pinasadahan ko din ang hitsura niya. Naka-golden gown siya, hapit ang damit at talagang fit sa kaniya. Naka-messy hair siya at bumagay ang light pink na lipstick niya.
"Mas maganda ka, bebs! Tingnan mo nga sarili mo" sabi ko at yumakap sa kaniya.
Si Ali ay naka-red at sobrang daring ng suot na halos luwang-luwa ang dibdib niya at kahit sinong lalaki mapapalingon sa kaniya. Si Arah ay naka-black na simple lang pero bumabagay sa mahinhin niyang personalidad.
Ang poging tingnan nina Lance, Rev, Kean at Clench sa kanilang tuxedo.
Nagsimula ng pagpatugtog ng kanta. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng lugar napakaganda at halos magmukhang umaga na sa dami ng ilaw. Napansin ko ang nakatitig lang sa aking si Flair. Nakangiti siya at talagang 'di maalis ang tingin niya sa mukha ko.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya. Mas lalong lumapad ang pagkakangiti niya.
"Parang gusto kitang iuwi at itago hahaha" iniakbay niya sa likod ng upuan ko ang kamay niya.
"Possessive?" tumatawa kong sabi.
Nagsalita ang emcee at tinawag ang Laurente movers. Hindi kami sasayaw dahil ibinigay na sa amin ang moment na ito ni Patricia. Namamangha kong pinanood ang sayaw nila pero nalungkot din dahil hindi ko na makakasama ang Laurente Movers dahil lilisanin na namin ang Unibersidad de Laurente.
Nagsipagtayuan na ang mga tao at nagsimula ng sumayaw.
"Can we dance?" nakalahad ang kamay na sabi sa akin ni Flair.
"No" biro ko.
"Okay, I better invite Marie" akmang tatalikod siya pero pinigilan ko siya.
Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumawa siya.
Dug.dug.dug.
"Selosa ka na ngayon?" pang-aasar niya.
"No!" nakasimangot kong sabi.
"Halika na sayaw na tayo" hinila na ako ni Flair sa gitna tumabi kami kay Lance at Carme na todo sa ka-sweetan na sumasayaw. Nakahilig pa sa dibdib ni Lance si Carme. Nakakatuwang isipin na ang tagal na nila.
Ihinawak ni Flair ang kamay ko sa balikat niya at nilagay ang kamay niya sa baiwang ko.
Dug.dug.dug.
No Ordinary Love
By: MYMP
This could have been just another day
But instead we're standing here
Napapikit ako sa ganda ng kanta. Isang lumang tugtugin pero ramdam mo ang matinding damdamin sa liriko.
"Sobrang ganda mo, baby" nakatitig siya sa akin ngayon at sumasayaw kami ng marahan.
"You're so perfect, baby" nakita ko ang biglaang pamumula ng pisngi niya at pinigilan ang mangiti.
Kinikilig din pala siya? Hahaha akala ko pangbabae lang 'yon.
"Do you love me?" nakangising tanong niya.
Ano nanaman bang iniisip nito?
"Oo naman" natatawa kong sabi sa kaniya.
"Alam ko baliw na baliw ka nga sa akin" umiral nanaman ang pagiging alaskador niya.
"Sinong nagsabing baliw na baliw ako saiyo?"
"Ako, kakasabi ko nga lang diba?" sarkastikong sabi niya at pinisil ang baiwang ko. Ano nanaman?
Hinampas ko ang balikat niya.
"Alaskador"
"Alaskadoraemon" nang-aasar na sabi niya.
What the? Alaskadoraemon?
"Pauso"
Sa ganda ng kanta heto kami at nag-iinisan sa gitna ng lahat ng taong malambing na sumasayaw. Kakaiba talaga ang pagsasama namin.