Chapter 123 LOVE SURPRISES YOU

Elleina Zeal's POV

Nagising ako sa maliwanang na sikat ng araw. Ramdam ko pa rin ang pananakit ng kung ano sa ibaba ko. Bumaba ako ng kama pero agad din natigilan nang makita ang mga petals ng rose na parang may direksyon palabas. Hindi muna ako lumabas nagsepilyo muna ako at nag-ayos ng sarili mamaya asarin nanaman ako ni Flair. Itinali ko ang buhok ko at ngumiti sa salamin.

Kinikilig kong sinundan ang mga rosas papunta sa labas. Narating ko ang hagdan pababa, nakapunta akong kitchen palabas sa garden.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga kaibigan namin pero mas ikinagulat kong makita sila Flair, Kean, Rev, Clench, Taxon, at Lance na pare-parehas ng suot. Naka v-neck na white sila at shorts na itim.

Kinilig ako nang dumapo ang tingin ko kay Flair. Kahit kailan talaga ang pogi niya kahit anong isuot o kahit walang suot ugh! Ano bang iniisip ko?

Biglang tumugtog ang isang trending na kanta na sinasayaw ng lahat. Gusto kong matawa nang magsimula silang sumayaw.

Tala

By: Sarah Geronimo

Tala, tala, tala...

Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko

sa'yong mga mata

Kinarer nila ng todo ang sayaw kahit na si Flair lang naman ang marunong sumayaw. Tawa kami nang tawa lalo na si Carme. Huminto si Kean na parang natauhan sa kung ano ang ginagawa nila. Binangga siya ni Rev na parang ewang sumasayaw.

"Kean! Sayaw! Sinisira mo ang performance! Para ito sa lovelife ni Jave!" sabi ni Rev na hataw na hataw kakasayaw kahit hindi naman marunong. Parehong kaliwa ang mga paa. Napuno ng tawanan ang lugar.

Sobrang lakas ng tawa ko nang tumama ang mata ko kay Lance at Taxon na halatang iritado na dahil hindi makasabay sa steps. Parehas nakasimangot at hindi alam kung papano susundan ang steps. Ngayon ay tumatawa na si Kean at nakikipagbanggaan kay Rev. Naglalaro habang sumasayaw.

"Ayusin niyo! Sinisira niyo ang surprise sa girlfriend ko" sabi ni Flair at swabeng sumasayaw. Nakagat ko ang labi ko. Damn! He's so damn perfect and hot!

"Hoy gago! Si Kil nakatago hindi sumali" napahinto sila at itinuro ni Rev si Kil na ngayon ay nasa likod ni Arah nagtatago pero nakasilip ang isang mata. Hahaha

"Dinaya tayo!" sigaw ni Kean.

Nagtawanan ang lahat. Mga siraulo sila. Napaypay ko ang kamay ko sa sarili dahil pinagpapawisan ako sa kakatawa.

Mabilis na hinabol ni Rev si Kil at hinatak ito sa damit na parang tatay na humabol ng anak at nahuli ipinunta niya ito sa gitna katabi ni Taxon. Walang nagawa si Kil at sumayaw na din kahit parang ewan sa kakatawa dahil hindi rin marunong sumayaw.

"Mandaraya ka! Patago-tago ka pa. Mamaya ka sa akin!" sabi ni Taxon na ngayon ay hirap na hirap sa kakasunod sa steps at ginagaya si Flair.

"Pa'no ba naman kasi hindi ako marunong sumayaw!" sabi ni Kil na walang nagawa kung hindi ang gumaya din ng steps sa nasa unahan na si Flair.

Ang cute ni Clench dahil medyo marunong siya sumayaw. Medyo lang pero sapat na. Sila lang ni Flair ang matino lahat parang bulateng nangingisay. Hahaha

Humagalpak kami ng tawa dahil sa ginagawa nila. Ano kayang trip no'n? At sino ang siraulong nakaisip nito?

Nang matapos ang mala-gago nilang sayaw ay lumapit si Flair sa akin.

"Nagustuhan mo ba, baby?" sabi niya at yumakap sa akin. Tumango ako at hinigpitan ang yakap sa kaniya.

"Hay salamat tapos na ang kahihiyang iyon" rinig kong sabi ni Rev habang pinupunasan ni Ali ng pawis kahit na tumatawa ito ng sobrang lakas. Nakaupo na sila ngayon at nagpapahinga.

"I can't do that again! Tsk!" naiinis na sabi ni Taxon at padarag na umupo.

"My nightmare!" Ginulo pa ni Lance ang buhok niya sa inis at masamang tumingin kay Flair. "Kung hindi lang dahil sa pakiusap ng isang 'yan hindi ko gagawin 'yon" tinawanan siya ni Carme at gigil na yumakap.

Si Arah ay malakas ang tawa habang nanonood sa cellphone malamang ay kinunan niya ng video ang ginawa ng mga boys.

"Delete mo nga 'yan" inis na sabi ni Kil.

"Eh?" sabi ni Arah na biglang tumayo at nagtatakbo. Hinabol siya ni Kil.

Bigla ay may pumutok at sumabog na mga lobo.

"HAPPY 4TH ANNIVERSARY ELLE AND JAVE!!" sabay-sabay nilang sabi kasabay ng pagkakaroon ng picture namin ni Flair sa malaking monitor na nasa stage.

Napangiti ako nang todo. Sobrang sweet!

"Happy 4th Anniversary, baby" nauna ko siyang batiin. Ngumiti siya at humalik sa labi ko na ikinatili nilang lahat at kinilig.

"Happy 4th Anniversary, baby cherish" humalik siya sa noo ko. Hindi ko alam kung bakit iyon ang pinakamatamis na halik sa noo na natanggap ko mula sa kaniya.

"Inuman na!" sigawan nila at pumwesto na sa isang mahabang lamesa na maganda ang pagkakaayos.

Nandito rin sina Kuya Zen, Zeke, Zaimon. Binati nila kami at maraming pangaral na ibinilin kay Flair.

Si lolo ay masayang parang bata na nakikipagkulitan din sa mga kaibigan namin. Sina mommy at daddy ay nakita ko ang relaxation nila nakapwesto sila sa may malapit sa dagat at masayang nagkwe-kwentuhan. Nilingon ko ang mga Baider na masaya rin sa kani-kanilang ginagawa.

Sa pagkakataong ito parang wala na akong hihilingin pa.

Iniwan muna ako ni Flair para kumuha ng pagkain. May naramdaman akong umupo sa tabi ko. Nang lingunin ko ay si Kean iyon.

"Happy Anniversary sainyong dal'wa" bungad niya at ang ngiti ay sobrang lapad.

"Salamat, Kean" masaya ko ring sabi sa kaniya.

Maya-maya ay may inabot siya sa akin. Nakabalot iyon sa silver at sa tingin ko painting.

"Buksan mo"

Nakangiti kong binuksan iyon. Umapaw ang saya ko nang makitang kaming dal'wa iyon ni Flair. Nakangiti akong nakatingin kay Flair habang nakahawak ang kamay ko sa kamay niyang nakayakap sa tiyan ko. Si Flair naman ay nakahalik sa noo ko at nakapikit pa.

"Nagustuhan mo ba?"

Halos mangilid ang luha ko at niyakap si Kean. "Salamat!" sinsero kong sabi.

"Ahem"

Bumitaw ako sa pagkakayakap nang makita si Flair na may bitbit ng juice at chocolate cake na paborito ko.

"Baby!" tumakbo ako palapit sa kaniya at ipinagmalaki ang painting ni Kean.

Nakita ko ang pagtingin niya kay Kean at ngumiti sa kaniya.

"Salamat, pre!" malapad na ngiting sabi ni Flair kay Kean at tinapik pa ang balikat nito.

Tuwang-tuwa kong ipinakita sa mga kaibigan namin ang painting na iyon.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.