Chapter 124 EPILOGUE OF BOOK 1

KINAGABIHAN

Hindi pa rin natapos ang pagsasaya naming iyon. Lumapit kami ni Flair sa dagat at matamang pinagmasdan ang kagandahan ng lugar.

Dito nagsimulang maging malinaw ang nararamdaman ko sa kaniya. Saglit kong nilingon ang mga kaibigan namin. Si Taxon, Kil at Diamond ay nagvi-videoke. Masayang-masaya sila at humahaplos sa puso ko ang ngiti nila. Ang mga pinsan kong sobrang mahal ko. Si Arah at Ali ay nagtatawanan sa kung anong pinag-uusapan nila. Si Kean at Rev ay parang mga ewang nagpapataasan ng talon habang si Lance ay nanonood sa kanila, nakaupo ito at magka-cross ang mga hita. Si Carme ay nakahilig ang ulo sa balikat ni Lance. Si lolo ay masayang pinapanood ang pagkanta ni Diamond.

Everything is settle. I can feel my overwhelming happiness.

Bigla ay napatingin ako kay Kean. Ibang klase rin noon ang pagmamahal ko sa kaniya pero mas nahigitan noon ang kay Flair ngayon.

Mr. Handsome...

My ideal man is like Kean. The sweet, handsome, caring and artist type, he never bullied me, but who would expect that my destiny would be Flair who's giving me a hard times because of his annoying tease.

Kean is the man of my dream from the past, but Flair is my everything in the present and future!

Nilingon ko si Flair na nakatingin sa mga alon ng dagat. Nang lingunin niya ako ay hinaplos ko ang noo pababa sa itaas ng ilong at ang labi niya. Nakita ko ang pagpikit niya at pagporma ng ngiti. Paborito ko iyong gawin sa kaniya. Pakiramdam ko kasi ang perpekto niya.

"Nakita lang kita sa Rosa Restaurant, sinira mo lang ang unang gabi ko doon. How come na minamahal kita ngayon?" ang luha ko ay halos mangilid nang alalahaning muli ang ala-alang iyon sa isip ko.

"Everything is unexpected, baby. You entered my life without any permission. How come that you're now giving me a clear shine?"

May masayang haplos na dulot iyon sa puso ko. Tumulo na ang luha ko sa sobrang pagmamahal at saya.

"My cherish I wouldn't expect that I can hold you in my arm and love you infinite" tinanggal niya ang luha sa pisngi ko. "Don't cry please. I'll be happy if you cry in our wedding day"

"Why are you not proposing yet?"

Natigilan siya at tumingin sa malayo. "I need to be ready"

Tingin ko alam niya ang tungkol sa patunay.

Umakbay siya sa akin bago nagsalita ulit. "No'ng magpaalam ako kay lolo sinabi niya sa akin ang tungkol sa patunay hindi ako natatakot do'n pero kailangan ko pa rin maghanda para makasigurong mararating kita sa itaas ng bundok"

Tumango ako at ang paghanga ay naroon. Tama siya kailangan niya munang maghanda.

"Don't worry. Madedelay lang ang kasal pero ako pa rin naman ang groom mo unless magpakasal ka sa iba" biro niya.

Pinanggigilan ko ang pisngi niya. "I will not marry a man if it is not you"

"My Unexpected Love" emosyunal kong sabi.

"I will spend my entire life with you my baby" humalik siya sa noo ko. "I" sa ilong. "Love" at sa labi ko. "You"

Hinapit niya ang baiwang ko at pinakatitigan ang mukha ko. "Araw ko ay nakukumpleto makita ko lang ang ngiti mo"

Hinaplos niya ang pisngi ko. "Ikaw ang una at huling pag-ibig ko"

"You know what, baby? I thought we are going to fight forever, but one day I wake up I have this love for you. Though, we play tease with each other" tatawa-tawang kwento ko. Ngumiti siya dahil sa sinabi ko.

Hayon nanaman ang kumikinang niyang mata habang nakatitig sa akin.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin hanggang dumampi ang ilong niya sa ilong ko.

"Wala na akong ibang hiling kung hindi ang makasama ka" halos pabulong kong sabi sa kaniya.

"Wala na akong ibang hiling kung hindi ang pakasalan ka, maging nanay ng mga anak ko at tumanda kasama mo" emosyunal niyang sabi. Talagang paborito naming ulitin pero dugtungan at mas pagandahin ang sinasabi ng bawat isa.

Sinong mag-aakala na siya ang mamahalin ko?

Si Flair na wala namang ginawa kung hindi sirain ang araw ko noon.

Si Flair na hindi ko lubos maintindihan kung bakit papansin.

Si Flair na sa huli ay nakita ko ang puso niyang puno ng kabutihan.

Hindi ko man lang masyadong naramdaman na itinuri niya akong prinsesa mas ramdam ko pa ang pang-iinis niya pero iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon lunod ako sa pagmamahal sa kaniya.

Ngumiti siya at halos maduling na kakatingin sa akin.

"You are the one that I adore, baby" kinurot ko ang ilong niya.

"Adoraemon" nang-aasar niyang sabi kaya nahampas ko siya.

"Ang ganda-ganda ng moment parang ewan ka diyan!"

Ginawa niya nanaman ang tawa niyang malakas at poging-pogi. "Mas maganda ka"

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Kinikilig ako! Mga banat nito ni Flair eh 'no?

"Kinikilig ka?" ang mukha niya ay halata ang pang-iinis. "Sabi ko na baliw na baliw ka sa akin"

Nahampas ko nanaman siya. "Bakit ikaw hindi?" yeah, I can't deny my craziness with him.

"Medyo" sinamaan ko siya ng tingin. Alaskador ngang talaga. Inilahad pa niya ang daliri na nagsasabing 'kaunti lang'

"Medyo?" tumaas ang gilid ng labi ko. "Medyo pala huh!" sigaw ko sa kaniya at pinitik ang noo niya. Napa-aray siya at hinawakan ang noo niya.

"Ang sweet mo talaga" sarkastiko niyang sabi.

"Sobra" gosh! nahawa na talaga ako sa mga banat niyang mapang-inis.

"Sobra mo 'to" nakangisi niyang sabi.

"Akin na" tatawa-tawa kong sabi.

"Ang galing mo na mang-alaska ah?"

"Milk na alaska?" halos mabilaukan siya sa sariling laway sa ka-corny-han ko.

"Halika nga!" inilahad niya ang kamay niya upang yakapin ako. Lumapit naman ako at niyakap siya.

His hugs are the best! Hmmm

"I love you my over melanin Zeal" bulong niya sa tainga ko.

Akmang hahalik siya pero gumapang ang kapilyuhan ko. Nilayo ko ang mukha ko at tinakpan ang ilong ko.

"Ang baho ng hininga mo" sabi ko at kunyaring bahong-baho.

Agad niyang tiningnan ang hininga niya. "Huh! Hindi naman ah?"

Doon na ako tumawa ng malakas. Ang cute niya! Sobrang cute! Pinanggigilan ko ang pisngi niya.

"Buntis ka ba? Bakit pinangigigilan mo ako?" nakangisi niyang sabi.

Ah gano'n? Asaran?

"Oo, eh, kay Kean" nakangisi kong sabi.

Nakita kong sumama ang tingin niya. Nakakatawa talaga ang asarin siya kapag ganito.

"Gano'n?" sarkastiko niyang sabi. Magsasalita pa sana ako pero binuhat niya na ako papuntang dagat.

"Flair ahhhhh!! Ang lamig ayaw ko!" inihagis niya ako sa tubig. Agad akong kumapit sa kaniya dahil ang lamig ng tubig.

"Cherish, tigilan mo nga kakabiro ng ganiyan. Tingnan mo bubuntisin talaga kita" banta niya. Tinawanan ko siya ng malakas.

"Parang ewan ka eh 'no? May anak na nga si Kean pinagseselosan mo pa"

"Hindi ako nagseselos!" depensa niya.

"Ano lang?" nakangisi kong sabi.

"Nag-iinarte"

Humagalpak ako ng tawa. Kahit kailan talaga siya!

Flair.. Flair.. Flair..

Bakit ka ba pinanganak na abnormal?

"Lakas ng tawa mo parang wala ng bukas" humawak siya sa baiwang ko at lalong nilapit ako sa kaniya.

"Sobrang hina ng tawa mo 'no?" sarkastiko kong sabi.

"Dyan!" tinuro niya ang ilong ko. "Diyan ako na-inlove saiyo"

"Sa ilong ko?" kunot-noo kong tanong. Tumawa siya nang malakas pero dahil inaasar ko siya pinasok ko ang kamay ko sa bibig niyang nakanganga.

"Hahahaha--pwe! cherish!" sabi niya at tiningnan ako ng masama.

Ang hagalpak ko ay wagas dahil palagi ko siyang kasama naa-adapt ko ang kapilyuhan niya.

"Ang cute cute cute mo talaga!" sabi ko at hinawakan ang dalwang pisngi niya ng isang kamay hanggang sa mapanguso siya.

"Cute lang?"

"Pogi!"

"I'm not!"

"Perfect!"

Lumapad ang ngiti niya sa labi. Naramdaman ko nanaman ang haplos niya sa curves ko. "Hey!" saway ko.

"Your sexiness attracts me" kumikislap ang matang sabi niya.

"I know" nakangisi kong sabi.

"Woah! I like your defense against mine" nakangisi niyang inilagay ang mga hita ko sa baiwang niya. Nakakarga na ako ngayon sa kaniya. Naalala ko tuloy 'yong nangyari kagabi. Nag-init ang buo kong mukha. Ugh!

"I don't know but I am in love with your different expressions lalo na kagabi" nakangisi niyang sabi. Hinampas ko ang braso niya dahil gumapang ang hiya sa katawan ko at nag-init ang pisngi ko.

"I love you, baby" malambing niyang sabi.

Nakakailan na siyang banggit sa salitang 'yan pero hanggang ngayon kinikilig pa din ako.

"I love you more" masigla kong sabi.

"My unconditional love for you is THE UNEXPECTED" hinawakan niya ang pisngi ko sa paraang may pag-iingat at pagmamahal.

Naglapat ang mga labi namin sa pinakamalambing, pinakamarahan at pinaka-hindi malilimutang pangyayari sa buhay ko.

"Woah! SPG!!"

Nanlaki ang mga mata namin nang makita ang tumatakbong mga kaibigan namin pati mga pinsan ko. Natanggal ko ang pagkakayakap ng hita ko kay Flair.

"Iba talaga si fafa Jave! Woahhh!" pang-aasar ni Rev at tinapunan kami ng tubig.

Lumapit din si Kean at sinabuyan din kami. "Gawa na rin ng baby ng may kalaro na anak ko!"

"Weak ang sperm cells niyan ni Jave" nakangising sabi ni Rev dahilan para abutin siya ni Flair at batukan.

"Ikaw! Sobra na ang mga biro mo!" inis niyang sabi kay Rev at dinamba ito palubog sa tubig. Nagrambulan silang tatlo ni Kean habang tumatawa ng malakas.

Natatawa ko silang pinanood. Lumapit si Taxon at umakbay sa akin. "What is the perfect gift for a girl?" tanong niya habang nagkakamot ng ulo.

Nakangiti ko siyang tiningnan. "Vinea?"

Naiilang niya akong tiningnan at tumango. "I don't know how to court or something or should I? She has a boyfriend"

"Huh? Edi 'wag mong ligawan"

"Tsk! What should I do I want her" masungit niyang sabi.

"It's complicated"

Bumuntong hininga siya. Kawawa naman!

Lumapit ako ulit kay Flair at yumakap sa likuran niya. Humarap siya at maingat na hinapit ulit ang baiwang ko.

"I love you" paglalambing ko at hinilig ang ulo sa dibdib niya.

"I love you 3x a day" nakangisi niyang sabi. Pinaghahampas ko siya!

Ano 'yon pagto-toothbrush ng ngipin?

Hay nako wala na talagang katapusan ang pagiging impakto niya.

Pero siya ang impaktong perpekto at mahal ko.

It is really true that love surprises you.

_______________

Mitz Note:

Ang kadugtong po nito ay nasa Book 2! Basahin niyo po. Sana nag-enjoy kayo at sabihin ang inyong comment sa story na ito.

Maraming Salamat! Love ko kayo mwa mwa chupchup! 😘

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.